"Paano nasikmura ng walang hiya na 'yon na magmensahe sa 'kin?" Aliyah said gritted her teeth.
She ignore the email. She need to sleep peacefully. Hindi iyon mahalagang bagay para bigyan ni Aliyah ang ilang minuto para replayan. Nakabukas ang dalawang bintana. Ang preskong hangin mula sa labas ang nagsilbing lamig sa silid ni Aliyah. Isa ito sa nagustuhan niya sa bahay. Hindi na niya kailangan gumamit ng aircon o kaya electricfan dahil libre ang natural na hangin ang pumapasok sa kaniyang kuwarto galing kay inang kalikasan. Samantala, mula sa malayo nakatingin sa dalawang palapag na bahay si Dylan. Hindi parin mawala sa isip niya ang babaeng nangungupahan sa bahay niya. Ni limitahan niya ito ng isang linggo kung magtatagal ba ang babae na tumira doon kaya halos araw-araw siyang napapadaan at sinisilip ang bahay. Bago lamunin ng dilim ang liwanag nagpasya si Dylan na umuwi na sa kanilang bahay. "Bakit ang tagal mo?" salubong na wika ni Nyxia kay Dylan. Nagmamadali ito na dinampot ang bag at susi ng sasakyan. "Ikaw na ang bahala kay Cianne baka bukas na ako maka uwi," tulo-tuloy nitong sabi na hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa at nagmadaling lumabas ng bahay. Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan ni Dylan na sinundan ng tingin ang asawa nitong nagmamadali. Nang maka alis ang asawa nagsimula ng magligpit ng kalat si Dylan. Maglinis ng buong bahay at maghanda ng hapunan nilang mag-ama. Hindi man lang nag asikaso ang asawa niya bago ito naisipang umalis. Si Cianne ay ang tatlong taong gulang nilang anak. Maliit pa ito ngunit marunong na itong asikasuhin ang sarili na hindi kailangan ang tulong ng kaniyang magulang. Tinuruan siya ni Dylan sa mga bagay na kaya nitong gawin para kung may gusto mang gawin ang anak magagawa nito kahit mag-isa siya. "Daddy!" matamis ang ngiti sa labi na lumingon si Dylan nang marinig ang malambing na boses ng anak. "It's that pinakbet?" Tumango si Dylan at inihain sa mesa ang ulam na kaluluto lang. "Yes, sweetie. Ang paborito mong pinakbet." Pumalakpak sa tuwa si Cianne at excited na kumuha ng dalawang plato at dalawang pares ng kutsara at tinidor. Inilapag niya iyon sa mesa. Para sa kaniya at para kay Dylan. Kumuha rin siya ng dalawang baso habang si Dylan naman ang kumuha ng tubig na maiinom. "Okay, let's pray," ani Dylan. Kaagad naman yumuko ang ulo ni Cianne at pinikit ang mata. "Dear Lord, thank you for this food we are about to eat. Amen." "Amen." Si Cianne na ang naglagay ng pagkain nito sa plato at magiliw na kumain hindi bumabagabag sa isipan kung bakit sila lang dalawa ng daddy niya ang magkasama na kumain. Habang si Dylan hindi nito mapigilan na maawa sa anak na palagi nalang wala ang ina nito sa oras na dapat magkakasama silang tatlo lalo na sa harap ng hapagkainan. Tumulong si Cianne sa paghugas ng plato pagkatapos nilang kumain. Ito ang bonding nilang mag-ama imbis na maglaro at makipagkulitan gaya ng pagkaraniwang bata. Hinahayaan na lang ni Dylan ang anak dahil bukod sa nag eenjoy ito may nalalaman rin na gawain ang anak niya. "Magsipilyo ka muna bago matulog," ani Dylan nang magpaalam ang anak na matutulog na ito. "Yes, daddy. Good night. I love you," inaantok na usal ni Cianne at humalik sa pisngi ng ama. Niyakap siya ni Dylan. "I love you more. Good night," anito at pinatakan ng halik ang noo ng bata. Gusto mang tabihan ni Dylan ang anak ngunit hindi niya magawa dahil ito ang mahigpit na pinagbabawal ng kaniyang asawa mula nang maging apat na taon si Cianne. Naintindihan naman ni Dylan ang asawa nito ngunit masakit lang para sa kaniya na kulang sa tiwala si Nyxia. Na iniisip nito na baka makagawa ng kasalan si Dylan sa anak. Kung alam niya lang na ganito ang iisipin ni Nyxia sa kaniya, sana sinulit niya ang bawat minuto noong panahong maliit pa ang kaniyang anak. Malalim na ang gabi ngunit hindi parin dinadalaw ng antok si Dylan. Ang daming bumabagabag sa isipan niya dumagdag pa ang nalalapit na pagkalubog ng kanilang dry goods store. Ilang tauhan na ang napa alis niya dahil hindi na sapat ang kinikita ng tindahan para sa sahod ng empleyado niya. Magkasama sila ni Nyxia na pinalago iyon ngunit sa paglubog nito mag-isa na lang si Dylan na naghahanap ng solusyon. Pagod na siya kung paano ito solusyonan ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Hindi siya pwedeng bumitaw dahil ang lahat ng ginagawa niya ay para sa magandang kinabukasan ng anak. Ilang oras lang ang tulog ni Dylan. Pagod pa ang mata niya at inaantok ngunit kailangan niyang bumangon para mag asikaso dahil may pasok pa sa kender ang anak. Nagulat siya ng makita si Nyxia na kararating lang. Sa amoy pa lang ng asawa alam na ni Dylan kung saan galing ang asawa niya. "Nag casino ka na naman ba?" patag na tanong ni Dylan. Inihagis ni Nyxia sa sofa ang sling bag nito at isa-isang hinubad ang suot na sandal. "H'wag mo akong umpisahan, Dylan, gayong talo ako," pagalit na sabi ni Nyxia. "Nyx, palubog na ang tindahan tapos hindi ka pa titigil sa pag casino mo?" nagtitimpi sa galit na usal ni Dylan. Salubong ang kilay na hinarap siya ni Nyxia. "Gawan mo ng solusyon! Bakit problimahin ko 'yun gayong ikaw naman ang dahilan bakit iyon unti-unting nalulugi! Palibhasa kasi hindi ka pa rin natuto paano magpalago ng negosyo," pang insulto nito kay Dylan at padabog na pumanhik sa kwarto. Nagpipigil si Dylan na sumabog sa galit. Inaasahan naman niya itong marinig kay Nyxia ngunit hindi niya akalain na ganito pala ka sakit ang i-looked down ka ng isang tao. Ganito pala ang pakiramdam na walang tiwala sayo ang isang tao at masama pa no'n ang ipamukha sayo na hindi mo kaya ang isang bagay na siyang kahinaan mo. "Daddy," inaantok na tawag sa kaniya ni Cianne. Kaagad naman lumapit si Dylan sa anak at kinarga ito. Yumakap naman sa kaniyang leeg ang anak. 'Hindi ako pwedeng sumuko,' aniya habang yakap ang anak na nakalambitin sa leeg niya. NAPABALIKWAS NG BANGON si Aliyah nang tumunog ang alarm nito sa cellphone. Pumupungas na dinampot niya iyon at pinatay. Alas-nuwebe na ng gabi. May dalawang oras pa siya bago magsimula sa trabaho kaya bumangon na siya at maghanda ng makakin. Nang makababa sa kusina napatapik si Aliyah sa sariling noo nang maalala ang usapan nila ni Kisses kanina. Malalim na ang gabi panigurado tapos na sa pagtitinda si Kisses at siguro nga mahimbing na ang tulog nito. Na konsensya siya sa hindi pagharap sa dalaga dahil alam niyang nasayang ang effort ni Kisses sa pagluto para lang sana mabigyan siya. "Hihingi na lang ako ng despensa sa kaniya sa hindi ko pagsipot," usal ni Aliyah. Cup noodles at slice bread. Iyana ng hapunan ni Aliyah dahil tinatamad siyang magluto at naka frozen pa ang ulam na lulutoin. Hindi niya trip ang mag ulam ng gulay ngayon kaya magtitiis muna siya ngayong gabi at babawi na lang bukas. Naligo muna si Aliyah bago humarap sa trabaho para presko at hindi siya antukin agad. Hindi siya nakabili ng upuan sa bayan dahil walang nagtitinda ng ganoong upuan doon kaya sa online shop na lang bibili si Aliyah. Ganado si Aliyah habang nagtatrabaho. Sa ilang araw na mag-isa siya ni hindi siya nakaramdam ng lungkot at pangungulila. Pakiramdam niya malaya siya sa ilang araw na mag-isa siya sa bahay na ito. Ngayon lang niya naranasan na bumukod mag-isa. Tumira sa isang lugar na walang kakilala kahit isa. Pakiramdam ni Aliyah ang tapang na niya nang magawa ang bagay na ito ang tanang buhay niya. At alam niya sa sarili na ang disisyong ito ay hindi niya pagsisisihan sa huli. Alas-sais ng umaga na nang matapos siya sa trabaho. Maingay na ang mga kapit-bahay niya. She did her morning exercise routine. Isa iyon sa list niya na kahit fifthteen minutes lang every morning. Dahil ganito ang working hours niya nais niya parin mag healthy living. Mahirap na baka magkasakit siya, walang mag aalaga sa kaniya at walang tutulong. Kaya sinisikap ni Aliyah na balansihin ang lahat para na rin sa sariling kapakanan. Dito umiikot ang oras ni Aliyah sa loob ng tatlong linggo. And she is proud to her self na nasurvive niya iyon. "Tisay!" Kumaway si Aliyah kay Kisses at hinintay sa kinatayuan ang babae. "AKala ko umalis ka dito ng walang pasabi," normal na wika ni Kisses ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Aliyah ang tuwa sa tono nito. "Ilang linggo kitang hindi nakita. Tuwing pupunta naman ako dito walang sumasagot sa tawag ko kaya inisip ko na lang na umalis ka na walang pasabi." A warm feeling sorround on Aliyah's heart. "Pasensiya ka na, ha, abala lang sa trabaho buong magdamag. At saka buong hapon ako natutulog kaya hindi ako lumalabas ng bahay," paliwanag niya. Nagtaka man si Kisses kung anong klase ang trabaho ni Aliyah hindi parin siya nang usisa bilang respeto dito. "Nag-alala rin ako baka napano kana sa loob ng bahay mo," pumara si Kisses ng trycle. "Mabuti naman at ayos ka lang. Natutuwa akong malaman na nadito ka pa," she genuenly smlie ngunit may kalapit na lungkot ang ngiti na iyon. "Ikaw lang kasi ang kaibigan ko dito na kayang pagtiyagaan na kausapin at samahan ako." Pain, loneliness, unsaid words, ilan lang sa mga iyan ang nakikita ni Aliyah sa mga mata ni Kisses. A girl with have a srong face card, palaban, madiskarte at masayahin kung magsalita ngunit may malalim na tinatagong nadarama. Sabay ulit silang nag grocry at namalengke ngunit hindi na tinanggap ni Kisses ang libre ni Aliyah dahil malaki raw ang kita nito sa pagtinda. "Sorry na agad friend, ha. Iyon kasing mga pagkain na dapat sa anak ko, binenta ko," nahihiya na wika ni Kisses. "Tapos yung income ko doon ginawa kong puhunan para dagdagan mga paninda kong pagkain. Nag doble ang kita ko." Nadismaya ng kaunti si Aliyah ngunit lamang ang tuwa niya dahil may magandang resulta naman ang ginawa ni Kisses. Hindi lang siya nakapasaya ng tao nakatulong pa siya sa isang tao na kumakayod ng masipag. "Mabuti naman at naisipan mo iyon. Malaking tulong yun sa pagtitinda mo. Basta 'wag mong kaligtaan ang pangangailangan ng anak mo. Huwag mong gutomin." "Thank you friend," masayang wika ni Kisses at patagilid na niyakap si Aliyah. Sana lahat ng batang ina katulad ni Kisses mag-isip. Rest day ni Aliyah. Pagkauwi nila galing bayan inilaan niya ang lahat ng oras sa pagtulog. Pakiramdam niya pagod na pagod ang mga mata niya, ang katawan at isip. Gusto niyang mag unwind ngunit wala naman siyang alam na lugar dito na pwedeng puntahan. Kaya sa pagtulog na lang niya ito inilaan. KINABUKASAN, habang nagluluto ng agahan si Aliyah may kumakalampag ng gate sa labas ng bahay niya. Pinagsawalang bahala niya iyon dahil wala naman siyang inaasahan na bisita. Ininiisp niya rin na baka masamang tao iyon na nagtatangkang pasukin ang bahay niya. Hindi rin iyon si Kisses dahil kapag ang baabe na iyon pupunta sa bahay niya malayo palang tinatawag na siya. Habang nakasalang ang niluluto, inasikaso naman ni Aliyah ang labahin niya. Tambak na iyon at ito ang pinaka ayaw niyang trabaho, ang maglaba. "What if, alukin ko kaya si Kisses na maging labandera ko? Magkano kaya ang bayaran kung magpalaba?" "300--" "Oh god! You scared me!" sigaw ni Aliyah habang nakahawak ang dalawang kamay sa dibdib sa subrang gulat nito nang may magsalita sa kaniyang likuran. "Paano ka nakapasok?" pasigaw nitong tanong nang malingunan niya si Dylan. "Sorry, I didn't mean to scare you," paghingi ng paumanhin ni Dylan. " Inakyat ko ang bakod. Hindi mo ba narinig na may tao sa labas? Kanina ko pa kinakalampag ang gate. Wala kasing doorbell na nakakabit dito kaya pasensya na sa ginawa ko," sinserong paliwanag ng lalaki. Humupa na ang kaba na naramdamn ni Aliyah ngunit malakas parin ang kabog ng kaniyang dibdib dulot ng samo't saring emosyon na naramdaman. Ngayon lang kasi niya napagtanto na naka panty short at sports bra lang siya. Naka awang ang kaniyang labi at namimilog ang mata hindi malaman ang gagawin habang nakaharap kay Dylan na tulalang nakatingin sa kaniyang katawan. "Damn you fucking jerk!" nanggalaiti na sigaw ni Aliyah ng mahimasmasan at bigla nalang binato si Dylan ng bagay na basta niya lang dinampot sa tabi."Maniningil ako ng renta," nakangiwi na wika ni Dylan habang nakalapat sa noo ang icebag kung saan natamaan ng plastic bottle na tinapon ni Aliyah. Nakabalot na ngayon ng tuwalya ang katawan ni Aliyah. Hiyang-hiya siya sa nangyari lalo na sa ginawa niyang pananakit ng pisikal kay Dylan. 'Paano kung basta niya lang ako palayasin dito pagkatapoos ng ginawa ko?' kinakabahang usal niya sa isipan na mahigpit na nakakapit sa tuwalyang nakabalot sa katawan niya. "Kailangan ba talaga mag akyat-bahay para maningil ng renta kung hindi bubuksan ng pinto?" nagtitimping tiningnan niya ang lalaki na iniinda ang bukol sa noo. "I'm sorry. Alam ko mali ang ginawa ko. Hindi na mauulit ang pagkakamali na iyon," senserong wika ni Dylan. "Don't worry I am not interested on what I saw earlier--" Hindi nakapagsalita si Dylan sa gulat nang hablutin ni Aliyah ang kwelyo ng damit niya at kinaladkad palabas ng bahay. Mabibigat na paghinga ang pinakawalan ni Aliyah at pabalya niyang binitawan ang lalaki. "M
Bakit may mga taong magaling magsinungaling? Magaling magtago ng sekrito pero sa bandang huli sila pa ang magagalit at aaktong guilty sa kasalanang ginusto. Hindi matahimik ang isip ni Aliyah sa nasaksihan at nalaman kay Kisses. Hindi siya mapakali. Kahit anong pagpakalma ang gawin niya umuusbong parin ang galit at inis sa loob niya. Something triggered her. Hindi niya alam paano pakalmahin ang sarili gayong paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang eksenang pilit niyang kinakalimutan. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos sa ganoong sitwasyon. Dumagdag pa ang panibagong email na natanggap niya ngayong gabi. Nagagalita siya, napapatanong bakit ayaw pa siyang tantanan ng taong iyon kahit nagpakalayo na siya. MABILIS na bumaba ng kotse si Dylan pagkarating niya sa tapat ng bahay na inuupahan ni Aliyah nang matingalaan niya ang kwarto ng babae. Nataranta siya, natakot nang makitang nakabitay sa kisame ang kaniyang tenant. Umakyat siya sa bakod para makapasok sa loob ng bahay. Ngunit
It's already 9 a.m in the morning. Nakahiga parin sa kama si Aliyah. Kanina pa siya gising ngunit hindi siya bumaba. Ilang beses niyang sinapok ang sarili ng marealize ang ginawa niya kagabi. Kung bakit hinayaan niyang matulog si Dylan dito at hindi inisip ang mga marites nilang kapitbahay. Tama nga si Aliyah, dahil nagkandahaba ang leeeg ng kapitbahay niya nang silipin niya ito sa bintana. "Wrong move, Aliyah." pangaral niya sa sarili. Ang plano niya hindi muna siya bababa hangga't hindi pa naka alis si Dylan, ngunit tumawag ang delivery rider at sinabing naroon na raw ito sa labas ng bahay niya. No choice si Aliyah kundi ang bumangon at bumaba. Naabutan niya si Dylan na nakatayo habang nakatingin sa kasama nito na ginagawa ang bintanang sinira niya kagabi. Nagkatinginan lang silang dalawa hindi man lang binati ang isa't isa. Tinubuan ng hiya sa katawan si Aliyah. First time in her life na matulog sa isang bahay na may lalaking kasama at hindi niya pa masyadong kilala. Mabuti na
She didn't feel threatened. Bakit pa siya babalik sa buhay na tinakasan niya gayong nakapag adjust na siya sa bagong buhay na pinili niya. Tanga na lang ang babalik pa doon at magpagapos ulit. Hinayaan ni Aliyah ang mensaheng iyon dahil hindi naman siya natatakot sa banta. Galit siya dahil ayaw pa siyang tantanan kahit nagpakalayo na siya at pinutol ang ugnayan sa taong ito. ~FLASHBACK~ "Isang linggo na lang graduation niyo na. Any plans aside sa engagedment party niyo ni Aldrich?" Nawalan ng panlasa si Aliyah sa sinabi ng kaniyang ama. Itinabi niya ang utensils na hawak at kaswal na hinarap ang ama kahit masama ang loob niya dito. "Nothing, dad." "That's good to hear," anito habang nakatuon sa plato ang tingin. "This is for your own good." 'You, not mine!' galit na sagot ni Aliyah sa isipan. Her face remain calm and obident while listening to his father. "Nakausap ko na ang ama ni Aldrich at nagkasundo na kami. Hinihintay niya rin na makapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang
Sa bahay ni Aliyah ang unang pumasok sa isipan ni Dylan na tumuloy matapos ang hindi niya inaasahn na insidente. Nang maubos ang isang bote ng beer naisipan ni Dylan na bumalik sa kaniyang tindahan ngunit hindi pa siya nakakalayo sa bar house na pinag inuman niya may apat na lalaki ang humarang sa kanyang sasakyan. Akala niya mag normal lang na tao na pinagkamalan siyang namamasada kaya huminto siya para sana kausapin ngunit sa isang iglap lang biglang nahilo si Dylan ang sinuntok siya sa panga ng isang lalaki pagkatapos niyang buksan ang bintana ng kanyang sasakyan. Ang dalawang lalaki ang taga bantay, ang isa naman may nakatutok sa kanya na patalim habang ang isa ang naghahalungkat na pwede nitong makuha. Hindi nakagalaw si Dylan sa bilis ng pangyayari. Tila nahinto saglit ang oras, nakatingin lang siya sa kawalan na para bang nahipotismo. Isang malakas na bosena ang nagpabalik sa kanyang ulirat. Mabilis na kumaripas ng tumakbo paalis ang apat na lalaki. Doon na lang nahimasmasan
Walang may umawat kay Nyxia habang sinisigawan at sinisisi niya si Dylan. Kahit awa sa mata ng mga taong nandoon para kay Dylan wala kang makikita. Kay Nyxia ang lahat ng simpatya at awa maliban kay Cianne na lihim na umiiyak habang nakatingin sa kanyang ama na binubogbog ni Nyxia. Hindi naka galaw si Dylan. Sinalo niya lahat ng salitang binabato ni Nyxia. Mga hampas, suntok at sampal, lahat iyon tinanggap ni Dylan ng walang reklamo. Alam niya kung bakit siya ang sinisisi ni Nyxia ngunit bakit siya lang? "Ipinagkatiwala sayo ni daddy ang tindahan pero anong ginawa mo?! Stress at sama ng loob ang ibinigay mo! Pagkakataon mo na sana iyon, Dylan, na makuha ang pagmamahal ng magulang ko, na magtiwala sila sayo ng buo pero bakit mo sinayang? Iyon na lang ang alas mo to prove to my family that I deserve you pero bakit hindi mo nagawa?!" "Doon lang ba ang basehan niyong lahat para ipakita ko sa inyo, sayo na karapatdapat ako sa buhay mo? Kase kung iyon ang batayan mo, bakit ka pumayag
Nagsisisi si Dylan kung bakit pinarenta niya ang bahay niya. Ang bahay na saksi sa lahat ng hinanakit niya. Ng mga luhang ibinuhos niya. Ng mga iyak at hagulgol niya. Ang bahay na ito ang naging sandigan niya mula noong araw na naging mag asawa sila ni Nyxia. Ito na lang sana ang mayroon siya pero binitawan niya rin kalaunan. At heto siya ngayon, nagmamaka-awa sa taong may karapatan na sa pag aari niya. Saktong pagsilip ni Aliyah sa bintana ng kwarto, naaninag niya si Dylan na natumba sa harap ng gate ng bahay. Mabilis siyang tumalima sa ibaba at walang pag alinlangan na iniwan ang trabaho niya. Nag alala siya baka napano na ang lalaki gayong hindi pa magaling ang sugat nito sa tagiliran. "Dylan!" nataranta siya ng makita ang lalaki na parang lantang gulay ng nakahandusay. Dali-dali niyang tinulungan ang lalaki na makatayo. Mabuti na lang at nakipag cooperate si Dylan kahit pa subrang lasing ito. Inakbay niya ang braso ni Dylan sa kanyang balikat at ipunulupot naman ni Aliyah ang br
May iilan sa sitwasyon na pareho silang dalawa ni Aliyah, tulad na lang ng kawalan ng kalayan. Ngunit minsan kailangan rin nating isipin ang maging resulta sa hakbang na ating pipiliin. Dahil hindi lahat ng taong pinili ang maging malaya ay malaya. Minsan, malaya lang sila sa taong nakapaligid sa kanila ngunit hindi malaya sa reyalidad ng sitwasyong pinili.Marami kang dapat na isaalang-alang. Iisipin na kapakanan ng kung sino man ang posibleng maapektuhan. Iyong gustong gusto mong ipaglaban ang karapatan mo ngunit may maraming humahadlang na katanungan; katanungan na posibleng mangyari sa susunod na hakbang."A good thing you should do is enjoy your life being alone. Don't think what will happen tomorrow. Just enjoy at paghandaang mabuti ang mga pangyayaring darating," nakangiti na wika ni Dylan, pinapagaan ang malungkot na atmospera ng paligid dahil pareho silang dalawa ni Aliyah na mabigat ang damdamin."I don't know if I can do that knowing that someone is threatening me," matu
Natinag si Aliyah ng may kumuha sa kanyang pinamili na nalaglag sa sahig. Nag aalangan na tinulungan niya ang lalaking may edad na ngunit hindi nito binitawan. "Sasakay ka ba ng tricycle, miss?" tanong nito kay Aliyah. Suno-sunod na tumango si Aliyah. "Tara."Muntik ng mawalan ng balanse si Aliyah dahil sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Ngayon niya lang naramdaman ang panghihina ng maka recover sa paghaharap nila ni Nyxia. Sumunod siya sa drayber na nakayuko ang ulo. Nagtitinginan kasi ang ibang mga tao doon at nagbubulungan. Mariing pinagsiklop si Aliyah ang kanyang palad ng maka upo sa loob ng trycicle dahil nanginginig din ito."S-sa phase 4, m-manong," nauutal sa sabi ni Aliyah. Gusto na niyang umuwi. Takot na siyang makarinig pa ng masakit na salita, nang hindi makatotohanan. Gusto na niyang lumayo sa mapanghusga na tingin ng mga tao sa kanya. Napapagod siyang magpaliwag dahil wala namang makinig at maniwala sa kanya."Saan dito banda ang inyo, miss?" "Doon po sa dulo banda.
"Nababaliw ka na nga talaga," Aliyah said with fear in her heart. Hindi na niya alam kung anong pakiusap ang sasabihin niya para lang magbago ang isip ni Dylan. Natatakot siya na makasira siya ng pamilya kung itutuloy ni Dylan ang sinabi niyang mag file ng annulment. Ayaw niyang mangyari na siya ag maging dahilan para mawalan ng buong pamilya ang isang walang kamuwang-muwang na bata."Hindi ako nababaliw, Aliyah. Sana nga noon ko pa ito ginawa," Dylan said. There was a finality in the voice. "Ngayon ko lang napagtanto na mas lalo lang namin pinapahirapan ang anak namin sa sitwasyon na pinagkasunduan namin dalawa. Ngayon, may dalawang dahilan na ako para ituloy iyon.""Pero hindi nga kita gusto," naubos ang pasensya na singhal i Aliyah."Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako," kinuha niya ulit ang bulaklak. Napakislot si Aliyah ng abutin ni Dylan ang kamay niya at inilagay roon ang bulaklak. "At habang pinoproseso ko ang annulment paper namin, liligawan kita. I will make you f
Natinag si Aliyah sa sunod-sunod na paglagabog ng gate. Hindi niya alam ang gagawin kung papasok ba siya sa loob ng bahay at mag lock o kung haharapin niya ang babae sa labas na gustong magwala. Sa huli pinili niya itong harapin baka magsilabasan ang mga kapitbahay kung patuloy na mag iskandalo ang babae.Ang babae ay galit na sinalubong siya ng tingin. Naka dress ito hanggang talampakan ang haba. Napako ang tingin ni Aliyah sa bandang tiyan ng babae ng maaninag ang maliit na umbok nito. Bigla siyang nabahala baka buntis ang babae at baka ma pa'no ito kung hindi siya huminahon. "M-miss, hindi ako kabet ng asawa mo," mahinahon na sabi ni Aliyah. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Baka nagkamali ka lang."Matulog na suminghap si Nyxia. "Talaga ba hindi ka kabet ng asawa ko? Miss, whatever your name is, nakita ng dalawa kong mata na lumabas dito ang asawa ko! I waited here for over 15 minutes to confirm it tapos itatanggi mo?"Doon lang sumagi sa isipan ni Aliyah kung sino ang tinutukoy n
"What the fuck are you saying!?" Galit na hinila ni Aliyah papasok sa loob ng bahay ang lalaking lasing. Muntik pang masubsob si Dylan dahil sa bigla. Pabalyang binitawan ni Aliyah ang lalaki at confuse na hinarap ito. Namumungay parin ang mata ni Dylan sa kalasingan na nakipagtitigan kay Aliyah. "Are you out of your mind?!" pa singhal na sabi nito. " Sa sinabi mo sa akin sa tingin mo hindi ka isang baliw? May asawa ka! Dios ko naman, Dylan." Napahawak si Aliyah sa kanyang dibdib. Gusto niyang suntokin ang lalaki ng mahimasmasan ito at matauhan na isang kabaliwan ang kanyang sinabi. Galit na sinamann niya ng tingin ang lalaki na hindi mapirmi sa kanyang kinatayuan. "Umuwi ka," aniya at itinuro ang pintuan. "Ipahinga mo 'yang utak mo mukhang d'yan napunta ang alak na ininom mo," napsapo si Aliyah sa kanyang sintido sa frustration. "Pero iyon ang nararamdaman ko," aniya tinuturo pa ang kaliwang dibdib. Nagpipigil siya na ilabas ang emosyong umuusbong dahil nabigla niya ang ba
Nang dahil sa nangyari napagdisesyonan ni Aliyah na huminto na ng tuluyan sa kanyang trabaho. Tama si Dylan, paano kung hihimatayin siya ulit, sino ang tutulong sa kanya gayong wala siyang kasama. May pera naman siya. Kung hindi siya maging maluho matagal niya iyon maubos kahit wala ng pera na pumapasok sa kanya. Bago siya nagdesisyon na magpakalayo sa pamilya, pera ang unang sinigurado ni Aliyah. Dapat marami siyang pera na madadala sa kanyang pag alis. Kaya lahat ng laman ng ATM cards niya kinuha niya ng sa ganun wala siyang bakas na maiiwan sa kanyang pag alis.Kaya lang naman hindi niya maiwan ang trabaho niya ay dahil hirap siyang makatulog sa gabi. Kailangan mayroon siyang mapagkaabalahan para makatulog siya agad sa subrang pagod. Iyong tipong hindi na siya magising sa kaunting ingay na marinig. She has insomnia. Sometimes, her anxiety attacks in the silence of the night. Minsan na siyang inatake causing her to hurt herself at ayaw na ulit ni Aliyah na mangyari iyon. She loves h
Nyxia was preparing food when Dylan came home. Natigilan si Dylan ng makita ang asawa na busy sa pag asikaso sa kusina. Wala namang okasyon kaya siya nagtaka. Nilibot niya ng tingin ang buong bahay, hindi siya sigurado kung namalikmata lang ba siya na malinis at hindi magulo ang bahay na hindi naman iyon ang palagi niyang nadadatnan sa tuwing uuwi siya. Hindi napansin ni Nyxia ang kanyang pagdating dahil abala ito sa gawain. He didn't even greet her wife. Awtomatikong naging masaya ang mukha ni Dylan na tinungo ang kinaroonan ng anak. Naka upo ito sa lapag habang abala sa ito sa ginagawa niya. Natigilan si Dylan ng makita kung ano ang ginagawa ng anak. Nanikip ang dibdib niya. He was hurt by what he saw. "Daddy!" puno ng excitement na sambit ni Cianne ng makita ang tatay niya. Tumayo siya at sinalubong ito ng yakap. Kaagad naman siyang kinarga ni Dylan. Doon lang nabaling ang atensyon ni Nyxia. Kung hindi niya narinig ang boses ng anak hindi pa niya malaman na naka uwi na pala ang
"Where the hell is she?!" dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni Mr. Corpuz ng malamang wala si Aliyah sa bahay. Walang may naka aalam sa pag alis ng dalaga. Walang may nakapansin na wala si Aliyah. Doon lang nila nalaman na nawawala ang dalaga ng pinatawag na siya ni Mr. Corpuz sa kanilang kasambahay para maghanda na sa nalalapit na oras sa gaganaping engagement party. Hindi mapakali ang ginoo. Kahit anong pagpakalma ang ginawa ng asawa niya hindi parin humuhupa ang galit nito sa lahat ng taong nasa bahay niya. "Hanapin mo!" sigaw niya sa driver ni Aliyah. "Ikaw ang may alam sa mga lugar na posible niyang puntahan," dali-dali namang tumalima palabas ng bahay ng matandang drayber. Napahawak sa batok si Mr. Corpuz sa konsemisyong naramdaman. "Ngayon pa talaga niya naisipang gumala gayong may kailangan siyang paghandaan." "Dad, calm down. Siguro nagpahangin lang. Pina relax ang sarili because today is the day that something big and special will happen in her life," pagpagaan
~FLASHBACK~ Buong araw nakamokmok sa kwarto si Aliyah. Nag iisip siya sa susunod na gagawing hakbang. Imposibleng nagkamali ang mata niya sa nakita. Imposibleng magka ibang lalaki ang kahalikan ng ate niya at ang lalaking nakaharap niya. Ano yun, may kambal si Aldrich at pareho sila ng suot noong araw na iyon? Napahilamos ng mukha si Aliyah. Kailangan niyang malaman ang katotohanan sa pagitan ni Aldrich at ng ate niya. Paano kung totoo ang hinala niya na magkasintahan ang dalawa, kawawa ang ate niya kung matuloy ang kasal nilang dalawa ni Aldrich. Ngunit sa kabilang banda kawawa rin si Aliyah kung mangyari mang matuloy ang kasunduang kasal. Maging mahirap iyon sa kanya dahil ang lalaking pakasalan niya nagmamahalan sila ng Ate Alyssa niya. Nagbalik-tanaw kay Aliyah ang lahat ng pangyayari mula sa mga pinapagawang business proposal ng ate niya. Ang hindi lang sigurado si Aliyah kung sinadya ba talaga ni Alyssa na mali ang folder na kanyang dadalhin dahil alam nitong susundan siya
~FLASHBACK~ Masakit man sa loob hindi na pinilit ni Aliyah na dumalo sa graduation niya. Ito ang pinakamasakit, pinakamalungkot na nangyari sa buong buhay niya. Naka upo siya sa harap ng vanity table niya. Kanina pa siya tapos sa pag aayos sa sarili at hinihintay na lang niya ang hudyat ng kanyang ama na pumunta sa lokasyon na dapat ay magkita silang dalawa ni Aldrich. She's wearing a white cocktail dress and black stelittos heels. Nakalugay lang ang kanyang buhok. Wala siyang ibang accesories sa katawan maliban sa black velvet chocker with a gold rectangular accent in the center. Gusto niyang umiyak sa sama ng loob ngunit walang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Siguro pagod na ang mga ito sa kakaiyak niya buong magdamag ng ilang araw. Galit na sinisi niya ang binata dahil pati ito naki isa rin na ipagkait ang mahalagang okasyon sa buhay niya. Panay ang ring ng cellphone ni Aliyah, si Laine ang tumatawag. Hindi iyon magawang sagotin ni Aliyah dahil ayaw niyang may ku