She's tired, hungry and sleepy. Mabigat ang maleta niya at hindi niya iyon kaya iakyat sa ikalawang palapag ng bahay kaya pansamantala muna siyang tutulog dito sa ibabang kwarto. May tira siyang burger kaya iyon nalang ang pansanga niya sa gutom ngayong gabi. Matapos kumain ipinahinga niya ang katawan sa malambot na kama.
Enferness, kahit walang nakatira sa bahay na ito hindi ito amoy alikabok. Malinis ang paligid, maayos at mukhang inaalagaan ito. Maganda, malambot ang kama na hinihigaan niya ngunit hindi makatulog si Aliyah. Namamahay siya. "Bakit kaya ayaw ng asawa ni Dylan sa bahay na ito gayong maganda naman ang pagkadesinyo?" tanong ni Aliyah sa sarili. "Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng bahay." Dahil hindi siya makatulog bumangon siya at pinagmasdan ang loob ng kwarto. Biglang bumalik ang takot na naramdaman niya dahil kahit mga gamit dito sa kwarto mga antigo even ang kamang hinigaan niya. Napahaplos siya sa braso nang manindig ang balahibo niya sa sariling naisip. " Baka may nagpaparamdam sa bahay na ito kaya ayaw ng asawa niya? Oh shit!" namilog ang matang usal niya at biglang nataranta. "Ito ba ang ibig ipahiwatig ni Dylan sa mga cryptic words niya sa akin kanina?" Mabilis na hinila niya ang maleta palabas ng silid hindi alintana ang bigat na iyon. Hinihingal siya ng makarating sa sala. Pero ang dahilan ng takot niya sa loob ng silid mabungaran niya rin pala doon sa sala na kinatayuan niya. "Aghhh! Bobo!" inis niyang usal sa sarili. "Kalma self. Mali ka ng iniisip," pangumbinsi niya sa sarili. "H'wag mong takutin ang sarili mo, ito ang gusto mo. Paano mo mapatunayang independent woman ka kung ikaw mismo nananakot sa sarili mo." She inhale, exhale, ilang beses hanggang sa bumalik sa ayos ang pakiramdam niya. Para mabura sa isipan ang mga nakakatok na imahinasyon, nagpatugtog siya sa kanta sa cellphone. Binuksan niya rin ang lahat ng ilaw sa bahay kahit papaano nkatulong iyon sa kaniya. Nawala ang antok ni Aliyah, imbes na umupo at tumunganga, inunti-unti niyang inakyat ang gamit sa ikalawang palapag. The room is clean. Parehas lang din ang desinyo at laki nito sa kwarto doon sa ibaba. Tiningnan niya ang isang kwarto, napangiti siya dahil ito ang naiiba. Walang antigo na bagay kahit isa. Gawa sa kahoy parin ang dingding ngunit puti ang kulay ng pintura at pink ang combination. "Siguro, ito sana ang maging kwarto ng anak nila," aniya. Ito ang kwartong pinili niya. Nang mailapag sa kama ang gamit na bitbit bumaba ulit siya para hakutin ang iba pa. Isang maleta lang ang dala niya pero triple ang laki nito sa regular size ng maleta. Kaya siguro napatanong si Dylan kung run away bride ba siya dahil para siyang nag alsa balutan sa maletang dala niya. Hindi naman ito puro damit lang. Dahil gusto na niyang maging independent woman, isa lang ang ibig sabihin no'n, she will carry all the expenses and she need a work. So, she bought a computer before looking a house to stay dahil hindi niya alam kung saang lugar siya mapapadpad. "Ang hirap pala ang mag-isa," hinihingal na wika niya matapos dalhin ang maleta niyang wala ng laman sa kwarto. "Nakakapagod! But I don't have a choice. Ginusto ko 'to kaya kailangan kong panindigan." Iniligay niya sa cabinet ang mga damit. Inayos niya rin ang computer niya para bukas wala na siyang aayusin dahil all set na. Sa dami ng gamit na dala niya inabot siya ng madaling araw sa pag aayos. Ang finally, kusa ring sumuko ang katawan at mata niya dulot ng pagod. MATAPOS IHATID NI DYLAN SA PAARALAN ANG ANAK dumiretso siya sa bahay kung saan nangungupahan si Aliyah. It's 9 in the morning already ngunit nakabukas parin ang ilaw sa terasa. Naaninag niya rin na pati sa loob ng bahay ay bukas rin ang ilaw. At nang tumingala siya, nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay ng makitang lahat ng ilaw sa ikalawang palapag ay bukas rin. Hindi niya napigilang matawa. Siguro natakot ang babaeng nasa loob ng bahay niya. He was about to call the girl but he remember, he forgot to asked the name of the lady last night. "Baka kakasuhan ako ng tresspasing kapag pumasok ako ng walang pahintulot galing sa kaniya," himutok niya. Bumalik siya sa loob ng sasakyan at naisipang babalik na lang siya mamaya. Wala kasing door bell ang bahay. Bukod sa ikakabit niya ang electric stove, gusto niya ring kamustahin ang tenant niya. Matagal ng naka for rent ang bahay niya ngunit ngayon lang nagkaroon ng tenant iyon dahil kadalasan sa mga nag inquire ayaw ng kanilang anak dahil nakakatakot raw ang desinyo ng bahay. Hindi iyon masisi ni Dylan dahil kahit mismong asawa niya ayaw rin sa bahay na iyon. Kaya nais niya ring maka usap si Aliyah, itanong kung may kakaiba ba siyang naramdaman sa bahay matapos ang isang gabing pagtulog doon. NAGISING si Aliyah na gutom. Humihikab na bumangon siya sa kama at pasuray-suray na lumabas ng kaniyang silid. Magtatanong sana siya kung ano ang ulam nang maalalang nag-iisa lang pala siya sa bahay na ito. Inunat niya ang katawan at bumalik sa kama. Umupo siya sa dulo at dinampot ang cellphone para tingnan ang oras. "Shit! Kaya pala subrang gutom ko. Alas-kuwatro na pala ng hapon. Napasubra ang tulog ko." Dali-dali siyang nagtungo sa banyo para maligo. Kagabi pa lang nilista na ni Aliyah ang mga kailangan niyang bilhin para isahan nalang ang pagbili niya gayong malayo ang bayan. Ang problema niya ngayon ay kung paano siya pupunta doon na hindi maliligaw kahit mag-isa siya. She's wearing a short-sleeved dress with a square neckline and floral print consists of small yellow, white and blue flowers on a black background. The sleeves are puffed, and the dress has a fitted bodicce and a flared skirt. Lalong lumitaw ang kaputian ng balat ni Aliyah. Sa labas lang naman siya maghahanap ng mabilhan ng pagkain kaya hindi na siya naglagay ng kolorete sa mukha. Hindi siya maka decide kung saan ba talaga siya tutungo, kung doon ba sa convenience store sa main road o sa bahay nila ni Kisses. Natatanaw na kasi ni Aliyah na nag umpisa na si Kisses sa pag iihaw. Pero hindi siya kumakain ng isda. "Bahala na nga," pagsuko ni Aliyah at sa bahay niLa ni Kisses nagtungo. Malayo pa lang naamoy na ni Aliyah ang mabangong usok. Hindi siya pamilyar sa amoy ng luto na iyon, isa lang ang siguro siya, lalo siyang nagutom sa amoy na iyon. "Tisay!" tawag ni Kisses at kumaway pa sa kaniya. Aliyah waved her hand back and smile. "Bibili ka ba?" Aliyah noooded. Tuwang-tuwa naman si Kisses. "Ayon, oh! Buwena mano! Sure ako, mauubos itong paninda ko! Anong sayo? Pork barbeque, isaw, adidas, hotdog, ito isda gusto mo?" sunod-sunod na wika ni Kisses habang pinapakita kay Aliyah ang mga paninda. "S-sige, tig iisa lang," nag alinlanagn na wika ni Aliyah. Ngayon lang kasi siya makakain nito baka sumama ang tiyan niya. Kailangan niya muna itong pagtiyagaan dahil gutom na talaga siya. Kumuha si Kisses ng upuan at ibinigay iyon kay Aliyah. "Umupo ka muna dito habang niluluto ko pa." Nakatingin lang si Aliyah sa ginagawa ni Kisses. Natutuwa siya dahil si Kisses ang klase ng tao na kumakayod dahil may anak siyang dapat buhayin at hindi aasa sa ipakain ng magulang niya. She's amazed sa pagiging business minded ng dalaga. "Ngayon ka lang ba nagising?" nagtaka man tumango parin si Aliyah. "Nakita ko kasi si Sir Dylan na pabalik-balik sa bahay mo. Mukhang may kailangan yata siya sayo." Napa isip si Aliyah sa sinabi ni Kisses kung ano ang dahilan bakit babalik si Dylan sa bahay gayong nagkasundo na sila kagabi sa usapan nila. "Baka may nakalimutan siyang ipaalala tungkol sa patakaran niya doon sa bahay niya," sagot nito sa dalaga. Laman ng isip ni Aliyah kung ano ang rason ng pagpunta ni Dylan. Baka naniniguro ang lalaki kung talagang inosente siya at walang pulis na bigla na lang pupunta sa bahay niya? O, baka gusto niya lang ng confirmation na magtatagal siya sa pagtira doon? Napabuntonghininga nalang si Aliyah at iwinaksi sa isipan ang pagpunta ni Dylan. "Ito lang ang hapunan mo? Pastil gusto mo? Masarap ipares ang mga 'to," wika ni Kisses habang binabalot ang binili ni Aliyah. Hindi pamilyar si Aliyah sa sinabi ng dalaga pero tumango parin siya. "Sige, dalawa. Magkano lahat?" "110 lahat," aniya sabay abot kay Aliyah ang supot. Nagtaka, nagulat si Aliyah na iyon lang ang binayaran niya gayong limang putahe ang binili niya hindi pa kasama ang pastil na huling inalok ni Kisses. "110? Magkano isa nitong paninda mo?" HIndi niya napigilang itanong. "Tig sampo. Yung isda tig singkwenta at yung pastil naman tig sampo din ang isa." "Oh, I see," inabutan niya ng 150 ang dalaga. "Sa iyo na ang sukli, pampasuwerte," nakangiting wika niya. "Salamat. Uuwi na ako." Kinawayan niya ang nakatulalang dalaga. Mukhang ngayon lang ito nakaranas ng costumer na hindi kinuha ang sukli. "Salamat tisay!" tuwang-tuwa na sigaw ni Kisses ng mahimasmasan. Ang pera na binayad ni Aliyah itinabi niya iyon sa kaniyang pitaka, gagawin niyang pampasuwerte gaya ng sabi ni Aliyah. Inihain kaagad ni Aliyah ang binili pagka uwi niya. Malaking bagay sa kaniya na kompleto sa kagamitan ang bahay dahil hindi na siya bibili pa gaya ng mga utensils at lutuan. "Ayon, naaala ko na!" palatak niya ng makita ang stove. "Ikakabit pala niya itong stove." She know how to cook, to clean, to wash disses, to do a laundy ngunit ikinatatamad niya iyon gawin. Nasanay kasi siyang may pagkain ng nakahain sa mesa at kakain na lang siya. Hindi rin siya ang tagalaba at tagalinis. Minsanan lang kung kinakailangan lang talaga. Pero naniniwala siya sa kaniyang sarili na kaya niyang gawin ang lahat ng mga ito ngayon na walang tulong galing iba. Hindi siya maarte sa pagkain as long as kayang tanggapin ng sikmura niya. Nasarapan siya, maliban lang sa isda dahil nangati ang labi niya. Ang dalawang pastil naubos niya rin at gusto niya iyon. Sakto ng tapos na siyang kumain may huminto na sasakyan sa tapat ng bahay. Nang tingnan niya, si Dylan iyon. Napatanong tuloy siya sa sarili kung ilang taon na ba ang lalaki dahil ang bata pa nito tingnan lalo na kung pagbasehan ang hulma ng katawan niya. Nagsalubong ang kilay ni Aliyah nang makita na may dalang isang galon ng refelling water ang lalaki. Lalong lumabas ang muscle nito sa braso at humulma ang malapad at maskulado nitong balikat ng buhatin ni Dylan ang galon. Dali-dali namang lumabas ng bahay si Aliyah at pinagbuksan ng gate ang lalaki. "I thought you were still sleeping," kaswal nitong wika. "Nakalimutan kong sabihin kagabi na hindi pala naiinom ang tubig sa gripo. Kaya bumili ako." "T-thanks," na sambit ni Aliyah dahil na speechless siya sa kabutihan ni Dylan. Idiniresto iyon ni Dylan sa water despenser. "Nakalista naman dito ang number ng water reffeling, pwede mo sila tawagan na magpadeliver ka kapag na ubos na," aniya at isinaksak sa kuryente ang water despenser. Iinaksak niya rin ang electric stove bago binuksan ang outlet na naka konekta doon. Binuksan niya ang kalan at lahat naman gumana. "Pwede mo na ito gamitin," aniya matapos iyon ayusin. "Thank you,," maikling sagot ni Aliyah. "Kamusta ang unang gabi mo rito?" pag iba ni Dylan ng usapan. Nandoon parin silang dalawa nakatayo sa harap ng lutuan. Nagkibit-balikat si Aliyah. "A little bet scary," pagsabi niya ng totoo. "Because of the design, I think." "Kaya pala bukas lahat ng mga ilaw mo," pigil ang ngiti na wika ni Dylan. "Hindi ako makatulog kapag walang ilaw," pagdepensa niya at lumakad papuntang sala. Sumunod naman sa kaniya si Dylan. "Nanibago lang ako sa unang gabi ko but I'll stay," puno ng kumpiyansya na wika ni Aliyah. "Mabuti naman... Anyway, hindi ko nga pala naitanong ang pangalan mo." "Aliyah." He smiled. "Dylan. Good night, Aliyah." Aliyah nooded. "Salamat." Nang makalabs si Dylan isinara kaagad ni Aliyah ang pinto at nagtungo sa kwarto sa itaas. Sumilip siya sa ibaba. Hindi pa naka alis ang saskyan ni Dylan ngunit nandoon na sa loob ang lalaki. Nang makita niyang tumingin si Dylan sa kaniyang gawi, hinawi niya pasara ang kurtina upang matakpan ang nakabukas na bintana. "Sana mali ang iniisip ko," usal ni Aliyah sa sarili.Only to survive, she need a work to earn money. Mauubos lang ang pera niya sa pagbabayad ng bills kada buwan hindi pa kasama ang budget niya sa pagkain at iba pang expenses. Payapa na ang gabi. Tahimik na ang buong aligid ngunit ang kwarto ni Aliyah maliwag pa. Dilat pa ang mga mata ni Aliyah. Hindi dahil sa hindi siya makatulog, kundi ito ang oras ng kaniyang trabaho. Ito ang dahilan bakit may computer siyang dala sa kaniyang bagahi habang naghahanap ng bahay na matutuluyan. More client, more money to recieve. Iyan ang goal ni Aliyah nang pasukin niya ang mundo ng pagiging virtual assistant. Mahirap, nakakapagod at minsan hindi na healthy ang araw-araw na walang maayos na tulog pero dahil kagustuhan niya ito kailangan niyang panindigan ang trabahong pinasok. Tumilaok na ang manok. Oras na para gumising ang mga kapit-bahay niya ngunit si Aliyah ito palang ang oras ng kaniyang pagtulog. Ang biscuit na baon niya noong araw na napadpad siya rito sa Buenavista iyon muna ang ginawa n
"Paano nasikmura ng walang hiya na 'yon na magmensahe sa 'kin?" Aliyah said gritted her teeth. She ignore the email. She need to sleep peacefully. Hindi iyon mahalagang bagay para bigyan ni Aliyah ang ilang minuto para replayan. Nakabukas ang dalawang bintana. Ang preskong hangin mula sa labas ang nagsilbing lamig sa silid ni Aliyah. Isa ito sa nagustuhan niya sa bahay. Hindi na niya kailangan gumamit ng aircon o kaya electricfan dahil libre ang natural na hangin ang pumapasok sa kaniyang kuwarto galing kay inang kalikasan. Samantala, mula sa malayo nakatingin sa dalawang palapag na bahay si Dylan. Hindi parin mawala sa isip niya ang babaeng nangungupahan sa bahay niya. Ni limitahan niya ito ng isang linggo kung magtatagal ba ang babae na tumira doon kaya halos araw-araw siyang napapadaan at sinisilip ang bahay. Bago lamunin ng dilim ang liwanag nagpasya si Dylan na umuwi na sa kanilang bahay. "Bakit ang tagal mo?" salubong na wika ni Nyxia kay Dylan. Nagmamadali ito na dinampot
"Maniningil ako ng renta," nakangiwi na wika ni Dylan habang nakalapat sa noo ang icebag kung saan natamaan ng plastic bottle na tinapon ni Aliyah. Nakabalot na ngayon ng tuwalya ang katawan ni Aliyah. Hiyang-hiya siya sa nangyari lalo na sa ginawa niyang pananakit ng pisikal kay Dylan. 'Paano kung basta niya lang ako palayasin dito pagkatapoos ng ginawa ko?' kinakabahang usal niya sa isipan na mahigpit na nakakapit sa tuwalyang nakabalot sa katawan niya. "Kailangan ba talaga mag akyat-bahay para maningil ng renta kung hindi bubuksan ng pinto?" nagtitimping tiningnan niya ang lalaki na iniinda ang bukol sa noo. "I'm sorry. Alam ko mali ang ginawa ko. Hindi na mauulit ang pagkakamali na iyon," senserong wika ni Dylan. "Don't worry I am not interested on what I saw earlier--" Hindi nakapagsalita si Dylan sa gulat nang hablutin ni Aliyah ang kwelyo ng damit niya at kinaladkad palabas ng bahay. Mabibigat na paghinga ang pinakawalan ni Aliyah at pabalya niyang binitawan ang lalaki. "M
Bakit may mga taong magaling magsinungaling? Magaling magtago ng sekrito pero sa bandang huli sila pa ang magagalit at aaktong guilty sa kasalanang ginusto. Hindi matahimik ang isip ni Aliyah sa nasaksihan at nalaman kay Kisses. Hindi siya mapakali. Kahit anong pagpakalma ang gawin niya umuusbong parin ang galit at inis sa loob niya. Something triggered her. Hindi niya alam paano pakalmahin ang sarili gayong paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang eksenang pilit niyang kinakalimutan. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos sa ganoong sitwasyon. Dumagdag pa ang panibagong email na natanggap niya ngayong gabi. Nagagalita siya, napapatanong bakit ayaw pa siyang tantanan ng taong iyon kahit nagpakalayo na siya. MABILIS na bumaba ng kotse si Dylan pagkarating niya sa tapat ng bahay na inuupahan ni Aliyah nang matingalaan niya ang kwarto ng babae. Nataranta siya, natakot nang makitang nakabitay sa kisame ang kaniyang tenant. Umakyat siya sa bakod para makapasok sa loob ng bahay. Ngunit
It's already 9 a.m in the morning. Nakahiga parin sa kama si Aliyah. Kanina pa siya gising ngunit hindi siya bumaba. Ilang beses niyang sinapok ang sarili ng marealize ang ginawa niya kagabi. Kung bakit hinayaan niyang matulog si Dylan dito at hindi inisip ang mga marites nilang kapitbahay. Tama nga si Aliyah, dahil nagkandahaba ang leeeg ng kapitbahay niya nang silipin niya ito sa bintana. "Wrong move, Aliyah." pangaral niya sa sarili. Ang plano niya hindi muna siya bababa hangga't hindi pa naka alis si Dylan, ngunit tumawag ang delivery rider at sinabing naroon na raw ito sa labas ng bahay niya. No choice si Aliyah kundi ang bumangon at bumaba. Naabutan niya si Dylan na nakatayo habang nakatingin sa kasama nito na ginagawa ang bintanang sinira niya kagabi. Nagkatinginan lang silang dalawa hindi man lang binati ang isa't isa. Tinubuan ng hiya sa katawan si Aliyah. First time in her life na matulog sa isang bahay na may lalaking kasama at hindi niya pa masyadong kilala. Mabuti na
She didn't feel threatened. Bakit pa siya babalik sa buhay na tinakasan niya gayong nakapag adjust na siya sa bagong buhay na pinili niya. Tanga na lang ang babalik pa doon at magpagapos ulit. Hinayaan ni Aliyah ang mensaheng iyon dahil hindi naman siya natatakot sa banta. Galit siya dahil ayaw pa siyang tantanan kahit nagpakalayo na siya at pinutol ang ugnayan sa taong ito. ~FLASHBACK~ "Isang linggo na lang graduation niyo na. Any plans aside sa engagedment party niyo ni Aldrich?" Nawalan ng panlasa si Aliyah sa sinabi ng kaniyang ama. Itinabi niya ang utensils na hawak at kaswal na hinarap ang ama kahit masama ang loob niya dito. "Nothing, dad." "That's good to hear," anito habang nakatuon sa plato ang tingin. "This is for your own good." 'You, not mine!' galit na sagot ni Aliyah sa isipan. Her face remain calm and obident while listening to his father. "Nakausap ko na ang ama ni Aldrich at nagkasundo na kami. Hinihintay niya rin na makapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang
Sa bahay ni Aliyah ang unang pumasok sa isipan ni Dylan na tumuloy matapos ang hindi niya inaasahn na insidente. Nang maubos ang isang bote ng beer naisipan ni Dylan na bumalik sa kaniyang tindahan ngunit hindi pa siya nakakalayo sa bar house na pinag inuman niya may apat na lalaki ang humarang sa kanyang sasakyan. Akala niya mag normal lang na tao na pinagkamalan siyang namamasada kaya huminto siya para sana kausapin ngunit sa isang iglap lang biglang nahilo si Dylan ang sinuntok siya sa panga ng isang lalaki pagkatapos niyang buksan ang bintana ng kanyang sasakyan. Ang dalawang lalaki ang taga bantay, ang isa naman may nakatutok sa kanya na patalim habang ang isa ang naghahalungkat na pwede nitong makuha. Hindi nakagalaw si Dylan sa bilis ng pangyayari. Tila nahinto saglit ang oras, nakatingin lang siya sa kawalan na para bang nahipotismo. Isang malakas na bosena ang nagpabalik sa kanyang ulirat. Mabilis na kumaripas ng tumakbo paalis ang apat na lalaki. Doon na lang nahimasmasan
Walang may umawat kay Nyxia habang sinisigawan at sinisisi niya si Dylan. Kahit awa sa mata ng mga taong nandoon para kay Dylan wala kang makikita. Kay Nyxia ang lahat ng simpatya at awa maliban kay Cianne na lihim na umiiyak habang nakatingin sa kanyang ama na binubogbog ni Nyxia. Hindi naka galaw si Dylan. Sinalo niya lahat ng salitang binabato ni Nyxia. Mga hampas, suntok at sampal, lahat iyon tinanggap ni Dylan ng walang reklamo. Alam niya kung bakit siya ang sinisisi ni Nyxia ngunit bakit siya lang? "Ipinagkatiwala sayo ni daddy ang tindahan pero anong ginawa mo?! Stress at sama ng loob ang ibinigay mo! Pagkakataon mo na sana iyon, Dylan, na makuha ang pagmamahal ng magulang ko, na magtiwala sila sayo ng buo pero bakit mo sinayang? Iyon na lang ang alas mo to prove to my family that I deserve you pero bakit hindi mo nagawa?!" "Doon lang ba ang basehan niyong lahat para ipakita ko sa inyo, sayo na karapatdapat ako sa buhay mo? Kase kung iyon ang batayan mo, bakit ka pumayag
Natinag si Aliyah ng may kumuha sa kanyang pinamili na nalaglag sa sahig. Nag aalangan na tinulungan niya ang lalaking may edad na ngunit hindi nito binitawan. "Sasakay ka ba ng tricycle, miss?" tanong nito kay Aliyah. Suno-sunod na tumango si Aliyah. "Tara."Muntik ng mawalan ng balanse si Aliyah dahil sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Ngayon niya lang naramdaman ang panghihina ng maka recover sa paghaharap nila ni Nyxia. Sumunod siya sa drayber na nakayuko ang ulo. Nagtitinginan kasi ang ibang mga tao doon at nagbubulungan. Mariing pinagsiklop si Aliyah ang kanyang palad ng maka upo sa loob ng trycicle dahil nanginginig din ito."S-sa phase 4, m-manong," nauutal sa sabi ni Aliyah. Gusto na niyang umuwi. Takot na siyang makarinig pa ng masakit na salita, nang hindi makatotohanan. Gusto na niyang lumayo sa mapanghusga na tingin ng mga tao sa kanya. Napapagod siyang magpaliwag dahil wala namang makinig at maniwala sa kanya."Saan dito banda ang inyo, miss?" "Doon po sa dulo banda.
"Nababaliw ka na nga talaga," Aliyah said with fear in her heart. Hindi na niya alam kung anong pakiusap ang sasabihin niya para lang magbago ang isip ni Dylan. Natatakot siya na makasira siya ng pamilya kung itutuloy ni Dylan ang sinabi niyang mag file ng annulment. Ayaw niyang mangyari na siya ag maging dahilan para mawalan ng buong pamilya ang isang walang kamuwang-muwang na bata."Hindi ako nababaliw, Aliyah. Sana nga noon ko pa ito ginawa," Dylan said. There was a finality in the voice. "Ngayon ko lang napagtanto na mas lalo lang namin pinapahirapan ang anak namin sa sitwasyon na pinagkasunduan namin dalawa. Ngayon, may dalawang dahilan na ako para ituloy iyon.""Pero hindi nga kita gusto," naubos ang pasensya na singhal i Aliyah."Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako," kinuha niya ulit ang bulaklak. Napakislot si Aliyah ng abutin ni Dylan ang kamay niya at inilagay roon ang bulaklak. "At habang pinoproseso ko ang annulment paper namin, liligawan kita. I will make you f
Natinag si Aliyah sa sunod-sunod na paglagabog ng gate. Hindi niya alam ang gagawin kung papasok ba siya sa loob ng bahay at mag lock o kung haharapin niya ang babae sa labas na gustong magwala. Sa huli pinili niya itong harapin baka magsilabasan ang mga kapitbahay kung patuloy na mag iskandalo ang babae.Ang babae ay galit na sinalubong siya ng tingin. Naka dress ito hanggang talampakan ang haba. Napako ang tingin ni Aliyah sa bandang tiyan ng babae ng maaninag ang maliit na umbok nito. Bigla siyang nabahala baka buntis ang babae at baka ma pa'no ito kung hindi siya huminahon. "M-miss, hindi ako kabet ng asawa mo," mahinahon na sabi ni Aliyah. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Baka nagkamali ka lang."Matulog na suminghap si Nyxia. "Talaga ba hindi ka kabet ng asawa ko? Miss, whatever your name is, nakita ng dalawa kong mata na lumabas dito ang asawa ko! I waited here for over 15 minutes to confirm it tapos itatanggi mo?"Doon lang sumagi sa isipan ni Aliyah kung sino ang tinutukoy n
"What the fuck are you saying!?" Galit na hinila ni Aliyah papasok sa loob ng bahay ang lalaking lasing. Muntik pang masubsob si Dylan dahil sa bigla. Pabalyang binitawan ni Aliyah ang lalaki at confuse na hinarap ito. Namumungay parin ang mata ni Dylan sa kalasingan na nakipagtitigan kay Aliyah. "Are you out of your mind?!" pa singhal na sabi nito. " Sa sinabi mo sa akin sa tingin mo hindi ka isang baliw? May asawa ka! Dios ko naman, Dylan." Napahawak si Aliyah sa kanyang dibdib. Gusto niyang suntokin ang lalaki ng mahimasmasan ito at matauhan na isang kabaliwan ang kanyang sinabi. Galit na sinamann niya ng tingin ang lalaki na hindi mapirmi sa kanyang kinatayuan. "Umuwi ka," aniya at itinuro ang pintuan. "Ipahinga mo 'yang utak mo mukhang d'yan napunta ang alak na ininom mo," napsapo si Aliyah sa kanyang sintido sa frustration. "Pero iyon ang nararamdaman ko," aniya tinuturo pa ang kaliwang dibdib. Nagpipigil siya na ilabas ang emosyong umuusbong dahil nabigla niya ang ba
Nang dahil sa nangyari napagdisesyonan ni Aliyah na huminto na ng tuluyan sa kanyang trabaho. Tama si Dylan, paano kung hihimatayin siya ulit, sino ang tutulong sa kanya gayong wala siyang kasama. May pera naman siya. Kung hindi siya maging maluho matagal niya iyon maubos kahit wala ng pera na pumapasok sa kanya. Bago siya nagdesisyon na magpakalayo sa pamilya, pera ang unang sinigurado ni Aliyah. Dapat marami siyang pera na madadala sa kanyang pag alis. Kaya lahat ng laman ng ATM cards niya kinuha niya ng sa ganun wala siyang bakas na maiiwan sa kanyang pag alis.Kaya lang naman hindi niya maiwan ang trabaho niya ay dahil hirap siyang makatulog sa gabi. Kailangan mayroon siyang mapagkaabalahan para makatulog siya agad sa subrang pagod. Iyong tipong hindi na siya magising sa kaunting ingay na marinig. She has insomnia. Sometimes, her anxiety attacks in the silence of the night. Minsan na siyang inatake causing her to hurt herself at ayaw na ulit ni Aliyah na mangyari iyon. She loves h
Nyxia was preparing food when Dylan came home. Natigilan si Dylan ng makita ang asawa na busy sa pag asikaso sa kusina. Wala namang okasyon kaya siya nagtaka. Nilibot niya ng tingin ang buong bahay, hindi siya sigurado kung namalikmata lang ba siya na malinis at hindi magulo ang bahay na hindi naman iyon ang palagi niyang nadadatnan sa tuwing uuwi siya. Hindi napansin ni Nyxia ang kanyang pagdating dahil abala ito sa gawain. He didn't even greet her wife. Awtomatikong naging masaya ang mukha ni Dylan na tinungo ang kinaroonan ng anak. Naka upo ito sa lapag habang abala sa ito sa ginagawa niya. Natigilan si Dylan ng makita kung ano ang ginagawa ng anak. Nanikip ang dibdib niya. He was hurt by what he saw. "Daddy!" puno ng excitement na sambit ni Cianne ng makita ang tatay niya. Tumayo siya at sinalubong ito ng yakap. Kaagad naman siyang kinarga ni Dylan. Doon lang nabaling ang atensyon ni Nyxia. Kung hindi niya narinig ang boses ng anak hindi pa niya malaman na naka uwi na pala ang
"Where the hell is she?!" dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni Mr. Corpuz ng malamang wala si Aliyah sa bahay. Walang may naka aalam sa pag alis ng dalaga. Walang may nakapansin na wala si Aliyah. Doon lang nila nalaman na nawawala ang dalaga ng pinatawag na siya ni Mr. Corpuz sa kanilang kasambahay para maghanda na sa nalalapit na oras sa gaganaping engagement party. Hindi mapakali ang ginoo. Kahit anong pagpakalma ang ginawa ng asawa niya hindi parin humuhupa ang galit nito sa lahat ng taong nasa bahay niya. "Hanapin mo!" sigaw niya sa driver ni Aliyah. "Ikaw ang may alam sa mga lugar na posible niyang puntahan," dali-dali namang tumalima palabas ng bahay ng matandang drayber. Napahawak sa batok si Mr. Corpuz sa konsemisyong naramdaman. "Ngayon pa talaga niya naisipang gumala gayong may kailangan siyang paghandaan." "Dad, calm down. Siguro nagpahangin lang. Pina relax ang sarili because today is the day that something big and special will happen in her life," pagpagaan
~FLASHBACK~ Buong araw nakamokmok sa kwarto si Aliyah. Nag iisip siya sa susunod na gagawing hakbang. Imposibleng nagkamali ang mata niya sa nakita. Imposibleng magka ibang lalaki ang kahalikan ng ate niya at ang lalaking nakaharap niya. Ano yun, may kambal si Aldrich at pareho sila ng suot noong araw na iyon? Napahilamos ng mukha si Aliyah. Kailangan niyang malaman ang katotohanan sa pagitan ni Aldrich at ng ate niya. Paano kung totoo ang hinala niya na magkasintahan ang dalawa, kawawa ang ate niya kung matuloy ang kasal nilang dalawa ni Aldrich. Ngunit sa kabilang banda kawawa rin si Aliyah kung mangyari mang matuloy ang kasunduang kasal. Maging mahirap iyon sa kanya dahil ang lalaking pakasalan niya nagmamahalan sila ng Ate Alyssa niya. Nagbalik-tanaw kay Aliyah ang lahat ng pangyayari mula sa mga pinapagawang business proposal ng ate niya. Ang hindi lang sigurado si Aliyah kung sinadya ba talaga ni Alyssa na mali ang folder na kanyang dadalhin dahil alam nitong susundan siya
~FLASHBACK~ Masakit man sa loob hindi na pinilit ni Aliyah na dumalo sa graduation niya. Ito ang pinakamasakit, pinakamalungkot na nangyari sa buong buhay niya. Naka upo siya sa harap ng vanity table niya. Kanina pa siya tapos sa pag aayos sa sarili at hinihintay na lang niya ang hudyat ng kanyang ama na pumunta sa lokasyon na dapat ay magkita silang dalawa ni Aldrich. She's wearing a white cocktail dress and black stelittos heels. Nakalugay lang ang kanyang buhok. Wala siyang ibang accesories sa katawan maliban sa black velvet chocker with a gold rectangular accent in the center. Gusto niyang umiyak sa sama ng loob ngunit walang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Siguro pagod na ang mga ito sa kakaiyak niya buong magdamag ng ilang araw. Galit na sinisi niya ang binata dahil pati ito naki isa rin na ipagkait ang mahalagang okasyon sa buhay niya. Panay ang ring ng cellphone ni Aliyah, si Laine ang tumatawag. Hindi iyon magawang sagotin ni Aliyah dahil ayaw niyang may ku