Good morning, Aria. Ingat ka pagpasok sa work mo. Dito ako ngayon sa store ko, may inaasikaso lang. Sunduin kita mamaya pag-uwi.Ibinaon ko ang mukha ko sa unan nang mabasa ang text ni Kidd. Ganito pala ang pakiramdam kapag gumigising ka ng umaga at alam mong may manliligaw ka. OMG talaga!Nagtipa ako ng reply, nanginginig pa ang kamay ko.I will. Thank you, Kidd. Ingat ka rin.Nang mai-send ay agad na akong kumilos upang hindi ma-late sa trabaho. Ngayon lang ako na-excite pumasok nang ganito."Good morning, Ma'am Aria, blooming naman niyan," tugon ng aming guard na si Kuya Lervy."Good morning din, Kuya Lervy. Ah ano ba, ako lang 'to," pabebe kong tugon na ikinatawa namin pareho.Ako pa lang ang nasa office namin. Alas-syete ng umaga ang pasok namin pero alas-sais pa lang ay nandito na ako. Ganito pala kalakas ang epekto ng pag-ibig.Bigla ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Martha na ngayon ay gulat ang tingin sa akin. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa desk niya, which is sa
Last Updated : 2025-03-19 Read more