Halos hindi na malunok ni Vhanessa ang pagkain niya. Ang makasalo ang lalaking gumugulo sa kaniyang isipan, ay mas lalo pang nakapagpagulo hindi lang sa isip, lalong higit sa sistema niya. Ano ba kasi talagang mayroon sa lalaki? Saka, bakit ba roon nito naisipang umupo sa tabi niya. Hindi na nga siya makakain, hindi pa siya makakilos nang maayos. Bigla pati siyang naging conscious kahit sa pagsasalita. “This is good. You’re a good cook, Chef Elias. I wonder . . . may asawa ka na ba?” ani Dheyna sa kaniyang katabi. Naubo silang pareho, bago nagkatinginan. Ang dalawa namang nasa harapan nila ay titig na titig sa kanila. Tiningnan ni Dheyna si Elias. “May nasabi ba akong masama? Kasi, kung ako lang ang tatanungin, mabilis akong mahuhulog sa kagaya mo na magaling magluto. At least hindi na ako mahihirapan pagdating sa kusina,” wika nito bago sumubo ng ensaladang tinapa.
Last Updated : 2025-03-01 Read more