Namumugto ang mga matang nakatitig lang si Vhanessa sa kisame ng kaniyang silid. Buong araw ng Sabado na siyang nagmukmukmok doon. Hindi rin siya lumabas nang mag-agahan at mananghalian, at malapit ng maghapunan sa mga sandaling iyon. Tiyak niyang hindi na si Olga ang susundo sa kaniya kung hindi ang kaniyang lola. Kagabi pa siya nakauwi. Pagkatapos ng huling hearing ni Elias, nagpaalam na siya rito. Wala namang sinabi ang lalaki sa kaniya, ni hindi na rin siya nito pinigilan. Ramdam na kasi nito ang pangingiba niya. Muli siyang napaiyak. Hawak ang dibdib na namaluktot siya sa kaniyang kinahihigaan. Ang halo-halong damdaming namamayani sa kaniyang dibdib ay hindi mawala-wala. Nangingibabaw roon ang galit, sakit at paghihirap. Kung alam lang niya na sa simula pa lang ay ganito na ang mangyayari sa kaniya, hindi na siya sumugal pa. Ngunit, nagtuloy-tuloy siya. Binalewala niya ang mga warning sign sa isip niya. Kaya, wala d
Last Updated : 2025-03-14 Read more