Nakapangalumbaba si Vhanessa sa kaniyang table sa puwesto niya sa labas ng opisina ni Dheyna. Kanina pa siya patingin-tingin sa cell phone niya. Hindi niya maunawaan ang sarili. Kapag wala si Elias sa tabi niya, para bang gustong-gusto niya itong makita. Samantalang, kapag naroon naman ang lalaki, kulang na lang ay ipagtabuyan niya ito.
Dala ba iyon ng kaniyang edad? Nag-m-menopause na ba siya?
Ipinilig niya ang ulo. Imposible iyon. Thirty-eight pa lang naman siya. Wala pa ngang forty. Masyado namang maaga para sa bagay na iyon.
Huminga siya nang malalim at tumingin sa kawalan. Nakikita niya roon kung paano siya asikasuhin ng lalaki noong nag-date sila sa bahay nito. Para siyang isang reyna kung paglingkuran nito, isang bagay na kahit kailan ay hindi pa niya naranasan. At may palagay siya na sa tuwing makakasama niya ang lalaki, lahat ng mga bagay na hindi pa niya nararanasan noon ay matitikman niya sa piling nito. That
“Saang lupalop na naman ito ng Pilipinas?” tanong niya sa lalaki habang nakasandal sa hood ng sasakyan nito.Ang lugar na pinagdalhan nito sa kaniya ay nasa mataas na parte. Kita roon ang buong bayan ng Tierra del Ricos, na sumasabay na rin sa pag-unlad ng ibang malalaking syudad sa bansa. May matataas na ring gusali.However, green is still visible. Mas malawak pa rin ang maberdeng kapaligiran, gaya ng kinaroroonan nila sa mga sandaling iyon.“Some quite place. Isa ito sa mga lugar na madalas kong puntahan dito sa atin. At huwag kang mag-alala, dahil property ko na ito. Nagustuhan ko kaya binili ko na,” sagot nitong tinungo ang hulihan ng sasakyan. Naririnig niya ang kaluskos na ginagawa nito, pero hindi niya pinansin. She was staring in front of her, appreciating the marvelous beauty of nature.“Doon na lang tayo kumain.”Nagulat siya. Nasa t
“I won’t force you if you don’t like,” basag ng lalaki sa kaniyang pag-iisip.Bahagya siyang ngumiti. “No. I want to. I want to try this new adventure of yours.” Siya na mismo ang kusang tumawid sa pagitan ng mga mukha nila, kahit hindi pa naman siya ganoon karunong humalik. Basta ang marinig na umuungol ang lalaki ay nakapagbibigay ng ibayong saya sa kaniya.His hands started to explore her body. From her back to her arms, to her neck. Masuyo nitong minasahe ang parteng iyon ng katawan niya.“Ohh!” Mas lalo niyang diniinan ang paghalik dito. Hanggang sa maramdaman niya ang isang kamay nito sa bandang hita niya.Bahagya siya kumawala rito. Sumagap siya ng hangin at pinuno ang dibdib. “W-wala bang makakakita sa atin dito? I mean . . . there’s still light,” may pag-aalinlangang wika niya.“No one will come here
Hindi kumikilos si Vhanessa. Pinakikiramdaman niya ang sarili. Hindi na niya alam kung paano pa ba siya nakauwi sa kanila, kung anong oras na iyon. Basta ang alam niya, pinagpahinga lang siya sandali ni Elias sa sasakyan nito bago siya inihatid nito.Bahagya siyang kumilos. Napangiwi siya nang kumirot ang nasa pagitan ng mga hita niya. Hindi lang iyon, pakiramdam niya, bugbog na bugbog ang buong katawan niya. Iyon ba namang wala man lang kahit anong malambot na puwede nilang higaan ni Elias kagabi. Tanging yoga mat lang ang nakasapin sa sasakyan nito na hindi naman umobra dahil matigas ang bakal, pati na ang metal ng sasakyan nito.Para pa ngang naririnig niya sa tenga ang sinabi nito kagabi sa kaniya.“On our next adventure, I’ll bring foldable mattress. Para naman hindi ka masyadong mahirapan.” Hinalikan pa siya ng lalaki pagkasabi niyon.Parang ewan na hinawakan niya ang
Pinilit ni Vhanessa na itayo ang sarili, kahit halos mapugto na ang paghinga niya sa sakit na nadarama sa buong katawan. Madali siyang nagtungo sa cabinet. Kumuha siya ng maayos na maisusuot doon at nagpalit. Iyong maitatago ang pamumula ng mga tuhod niya at ang mga mapupulang marka sa kaniyang leeg.She tried her best to look okay. Ayaw kasi niyang mag-alala ang kaniyang lola kapag nakita nito siya nito sa hindi kaaya-ayang anyo.She winced when she tried to walk. Daig pa niya ang nakipagbugbugan sa tindi ng sakit na nadarama. Kahit ang simpleng pag-imbay ng kaniyang mga braso ay masakit.Napapikit siya, trying to get away the thoughts of being in pain. Sa isip niya lang iyon at hindi naman talaga totoo.Ayan! Adventure pa, Vhanessa! Sigehan mo lang! Go ka riyan! Masarap naman, hindi ba? Sarkastikong wika ng isang tinig sa kaniyang isip.When she reached her door, she a
Maagang pumasok kina-Lunesan si Vhanessa. Medyo maayos na ang pakiramdam niya. Epektibo nga ang gamot na ibinigay sa kaniya ni Elias. At kapag talagang wala na ang pananakit ng katawan niya, magsisimula na siyang mag-exercise. Susundin niya ang bilin ng kaniyang mga kaibigan. Wala rin naman mawawala roon. Saka, tama naman ang dalawa na dapat niyang pangalagaan ang sarili, hindi lang dahil sa kung ano ang mayroon sa kanila ni Elias— pati na rin sa pamilya niya.She did her usual routine when she arrived at the law firm. Subsob na subsob siya sa trabaho kaya hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Pagtingin niya sa wall clock, malapit ng mag-lunch break.Napakunot ang noo niya at tiningnan ang cell phone. Baka kasi tumawag si Dheyna roon at baka hindi niya napansin kanina. Wala kasing sinabi ang babae na hindi ito papasok, kaya nagtataka siya nang makitang kahit text mula rito ay wala.She tapped her fingers on
Maagang lumuwas ng Maynila si Vhanessa. Bago siya umalis sa kanila, binilinan niya muna si Olga ng mga dapat nitong gawin. Hindi naman iyon ang unang beses na maiiwan niya ang mga ito, pero maigi na rin iyong sigurado siya.Hindi niya dinala ang kaniyang sasakyan dahil nasa pagawaan na naman iyon. May sira na naman. Naiisip na rin niyang palitan iyon, tinatantya pa lang niya ang naipon niya kung kakasya.Pagbaba niya ng bus, makapal na usok ng syudad ang bumungad sa kaniya. Agad niyang tinakpan ng panyo ang ilong at bibig, saka naglakad papunta sa susunod niyang sasakyan. Iniisip niya kung magtretren na lang siya, pero baka naman mahaba pa ang pila. Maaga pa kasi, saktong pasukan ng mga tao sa opisina at eskwela. Hindi niya gustong makipagsiksikan sa tren. Mayroon namang ibinigay na transportation fee ang law firm sa kaniya, kaya walang problema.Nagpalinga-linga siya sa paligid at humanap ng masasakyan. Saulado na niya
Tumayo si Elias. Mabilis niyang nilapitan si Vhanessa na tulalang nakatitig sa kaniya. Pinulot niya muna ang nagkalat na papel sa sahig bago ito hinarap.“Hi.” Ngumiti siya rito, ngiting kinakabahan.Kanina pa niya inaasahan ang babae. Kanina pa rin niya inihanda ang sarili, pero nang makita ang pagkatulala nito, hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib. Paano kung—“Y-you lied . . .” Nanulas sa mga labi nito sabay lunok. Hinablot nito sa kamay niya ang pinulot niyang mga papel. Itinaas nito ang noo at deretsong tinitigan siya sa mga mata. “Why?”“I don’t have any reason for that, because I knew I did wrong,” he replied in a firmed tone.“Why?” she repeated.“If I explain myself, would you believe me?” Tinitigan niya ito sa mga mata.She never blinked n
Nakatitig si Vhanessa sa inuming nakapatong sa ibabaw ng lamesang napili niya. Nasa meeting place na siya, nilang dalawa ni Macy at hinihintay ito. Hindi na rin siya nagpasundo dahil malapit lang naman iyon sa pinuntahan niya.She sighed. Kanina pa niya ginagawa iyon pero hindi pa rin mawala-wala ang halo-halong damdaming lumukob sa kaniya mula pa kanina.She knew she’s in trouble when she figured out that Elias is Dheyna’s brother, the one she was talking about. Kung maglaro nga naman ang tadhana, hindi pa man sila opisyal na ipinakikilala noon ng kaniyang amo, pero nagkita na pala sila. At hindi lang basta nagkita, may nangyari pa sa kanila!Iyon pala ang dahilan kung bakit noong una niya itong makita, pamilyar na ito sa kaniya. Nasa teritoryo na pala siya ng lalaki noon pa man. Siguro, dahil nasa Maynila ang trabaho nito kaya hindi niya ito nakikitang dumalaw sa law firm. Hindi rin naman siya madalas um-at
“Chinnyboo! Chinnyboo! Where are you?” malakas na tawag ni Elias sa kaniyang asawa. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya ito matagpuan. Naikot na yata niya ang buong silid nila pero hindi pa rin niya ito makita. Doon lang naman niya iniwan ang asawa kanina na nagpaluto sa kaniya ng pansit na may mangga.Naiiling na tiningnan niya ang bitbit na pagkain. Kahit kailan, weird ang panlasa nito sa tuwing magbubuntis.She’s five months on the way now. Ang kambal nila ay nairaos nitong iluwal nang nakaraang taon. At pinayuhan sila ng doktor na mas mainam na masundan agad ang dalawa, para hindi raw mahirapan si Vhanessa.She’s forty now. Forty and still looking young. Siguro, dahil sa regular nilang digmaan iyon. Sa edad rin nito napatunayan niyang may mga babae pala talagang pinagpala. Dahil hindi nauubusan ang kaniyang asawa, nag-uumapaw ito at laging handa sa kaniya.“
Kinakabahan si Vhanessa habang nakatingin sa puting kurtinang nakatabing sa kaniya. Their wedding entourage was already marching forward. Ilang saglit na lang, siya na ang susunod.Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Her heart was filled with so much joy. Halos hindi niya na nga malaman kung ano ang nangyayari sa paligid. Tanging ang focus niya ay ang makita si Elias, na ilang araw niya ring hindi nakita dahil hindi sila payagan ng kani-kanilang pamilya. Bad luck daw iyon.Nang akayin siya ng wedding coordinator, pinuno niya ng hangin ang dibdib. When the white curtain finally opened for her, lahat ng mga mata ay napatutok sa kaniya.She knew her look was way too simple. She didn’t pick extremely expensive gown— whick Elias preferred, and just ask Macy to look for someone who made local wedding gowns. Madali naman iyong nagawan ng paraan ng kaniyang kaibigan. And
“Can we go out? I have good news,” bungad ni Elias nang sagutin ni Vhanessa ang cell phone nito. Nag-file na mula siya ng leave para maasikaso ang dapat na asikasuhin sa kanila. Para hindi na rin sagabal ang pagparoo’t parito niya sa Tierra del Ricos at Maynila.“Uhm . . . Office hours pa. Hindi pa ako p’wedeng mag-out nang maaga,” malambing na sagot nito.“Don’t worry about it. I already talked to Dheyna. Umoo na siya kaya p’wede ka ng lumabas. Hihintayin kita rito,” wika niya bago pinindot ang end button ng cell phone niya. Nasisiguro na niyang nagmamadali na itong lumabas.He even counted backwards from ten to one. At eksaktong pagpatak ng one ay itinutulak na nito ang bubog na entrance door ng law firm.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para salubungin ito. Ibinukas niya ang mga kamay. Patakbong pumaloob naman doon si Vhanessa.&n
“Are you ready, son?” tanong ng kaniyang amang si Ethan. Magkasama silang dalawa para dalawin ang taong may malaking kasalanan sa kanila.Tumango siya. “I am, Dad. I am very much ready.”“Alright. Let’s go.” Nauna itong bumaba ng sasakyan. Kinuha nito ang attache case nito sa backseat bago pumasok sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Nakasunod lang siya rito.Pagdating nila sa entrance, ipinakita ng kaniyang ama ID nito— ganoon din siya. Sumaludo pa ang gwardiyang naroon sa kaniya.May isang nag-assist sa kanila papasok sa loob ng kulungan. Dinala sila nito sa visiting area na para sa mga abogado at preso.“Hanggang dito na lamang po tayo. Hintayin na lang po natin ang paglabas ng sadya ninyo rito,” anang escort nila.Tumango ang kaniyang ama rito. “Salamat.”Magkatabi silang naupo ng kaniyang ama sa harap ng isa
Kinabukasan, nagtungo sila ni Elias sa bayan. Dinalaw nila ang kaniyang ina— na sa wakas, unti-unti ng bumabalik sa dati. Nakakausap na ito nang maayos, kahit pa nga may pagkakataong natutulala pa rin ito.Sinabi sa kaniya ng doktor, kahit parang walang pakialam sa mundo noon ang kaniyang ina, dahil lagi rin siyang present sa tabi nito, hindi na ito nanibago pa sa itsura niya o sa pagbabago ng mga araw. Hindi man ramdam ang presensya nito bilang isang ina habang siya ay lumalaki, nag-r-reflect naman daw iyon sa utak nito, hindi nga lang daw talaga pa makawala sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi na siya nahirapan pang ipakilala ang sarili rito, at kung bakit ito naroroon sa pasilidad na iyon.Ipinakilala niya si Elias sa kaniyang ina. Hindi man ito sanay pa sa ibang tao, nakuha pa rin naman ng kaniyang ina na ngumiti at kahit papaano ay kausapin ang kaniyang kasintahan.Yes. She’s officially dating Elias now.
Kinakabahan si Vhanessa sa kaniyang gagawin, pero naroon na siya. Wala na iyong atrasan pa.Mabilis siyang napatayo nang marinig ang ugong ng humimpil na sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Tiningnan niya ang silid ng kaniyang lola. Nakapagpaalam na siya rito at hindi naman na siya nito pinigilan pa.“Hi . . .” nakangiting bungad ni Elias sa malaking pintuan ng kanilang bahay. Hinayaan talaga niya iyong bukas dahil hinihintay niya ito.Bago pa siya makalapit dito, inilabas na nito ang dala-dalang bulaklak. As usual, it’s sunflower.“For you.” Iniabot nito iyon sa kaniya.“T-thanks,” kiming wika niya sabay ngiti. Bumalik siya sa may lamesa at inilapag iyon doon, saka muling hinarap ang lalaki. “Let’s go.”Iginala ni Elias ang mga mata nito sa kabahayan nila. “Si Lola Cresing?” tanong nito
Sa labas pa lang ng bakuran nila ay tanaw na ni Elias ang kaniyang ina. Abala na naman ito sa pagtatanim ng kung ano-ano. Napatigil ito nang makitang papasok ang sasakyan niya sa driveway.“Mom . . .” mahinang wika nang makababa ng sasakyan. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa palapit dito dahil pakiramdam niya, ano mang sandali, babagsak ang mga luha niya.Literal na naging iyakin na siya. At sa mga sandaling iyon, ang gusto niya lang ay maramdaman ang mga yakap nito.Lumapit ito sa kaniya sa kaniya, lakip ang pag-aalala sa mga mata. Pinagmasdan din siya nitong mabuti.“Mom—”“You don’t have to say it, anak. I understand.” Kagyat siya nitong niyakap kahit marumi ang kamay nito. Hindi na niya iyon pinansin dahil iyon naman talaga ang iniuwi niya sa kanila— ang maramdaman ang mainit nitong yakap.Matag
Tamad na tamad na bumangon si Vhanessa. Gusto pa nga sana niyang matulog pero may pupuntahan sila ng kaniyang lola. Dadalawin nila ngayon ang kaniyang ina.Patamad na nagtungo siya sa banyo at naligo. Baka sakaling mawala ang pagkapagal ng katawan niya kapag nalapatan iyon ng tubig.Bahagya ngang gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos maligo. Nagbihis siya kaagad at inayos ang sarili. Habang nakatigin sa repleksyon niya sa salamin, kitang-kita ang pagbabago ng aura niya. Wala na ang kislap ng kaniyang mga mata, nangangalumata na rin siya.Napabuntonghininga siya. Pinipilit niya ang sariling kumilos nang normal at kalimutan ang nangyayari, pero hindi siya tantanan ng nakaraan niya. Ilang beses na rin niyang napanaginipan ang nangyari sa kaniyang ama. Matagal na ang huling beses na nangyari iyon— high school pa yata siya. Ngunit ngayon, dahil sa mga nalaman niya ay muli iyong bumalik.Natatakot si
“Hey . . . That’s enough, bro.” Si Jacob ang unang lumapit sa kaniya. Dahan-dahan nitong kinuha ang bote ng alak sa kaniyang kamay na mahigpit niyang hawak. “Kung ano man ang problema mo, we are here. We are ready to listen,” malumanay nitong wika.Tiningnan niya isa-isa ang mga ito, pati na rin ang lalaking sinuntok niya. “Who is he?”Tiningnan ni Jacob ang kaniyang tinutukoy. “Kuatro. New friend,” sagot nito nang lingunin siyang muli.“New friend, huh?” Pagak siyang natawa, bago muling inagaw ang alak sa kamay nito. Uminom siyang muli. Hindi naman siya pinigilan ng kahit na sino sa mga ito.Tahimik siyang pinagmasdan ng mga kaibigan. Mabuti na lang, hindi pa masyadong matao roon, kaya ang nangyari kanina ay hindi nakagulo sa takbo ng business ni Zhione.“Samahan ka na lang naming uminom,” ani Kristoff