Maagang lumuwas ng Maynila si Vhanessa. Bago siya umalis sa kanila, binilinan niya muna si Olga ng mga dapat nitong gawin. Hindi naman iyon ang unang beses na maiiwan niya ang mga ito, pero maigi na rin iyong sigurado siya.
Hindi niya dinala ang kaniyang sasakyan dahil nasa pagawaan na naman iyon. May sira na naman. Naiisip na rin niyang palitan iyon, tinatantya pa lang niya ang naipon niya kung kakasya.
Pagbaba niya ng bus, makapal na usok ng syudad ang bumungad sa kaniya. Agad niyang tinakpan ng panyo ang ilong at bibig, saka naglakad papunta sa susunod niyang sasakyan. Iniisip niya kung magtretren na lang siya, pero baka naman mahaba pa ang pila. Maaga pa kasi, saktong pasukan ng mga tao sa opisina at eskwela. Hindi niya gustong makipagsiksikan sa tren. Mayroon namang ibinigay na transportation fee ang law firm sa kaniya, kaya walang problema.
Nagpalinga-linga siya sa paligid at humanap ng masasakyan. Saulado na niya
Tumayo si Elias. Mabilis niyang nilapitan si Vhanessa na tulalang nakatitig sa kaniya. Pinulot niya muna ang nagkalat na papel sa sahig bago ito hinarap.“Hi.” Ngumiti siya rito, ngiting kinakabahan.Kanina pa niya inaasahan ang babae. Kanina pa rin niya inihanda ang sarili, pero nang makita ang pagkatulala nito, hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib. Paano kung—“Y-you lied . . .” Nanulas sa mga labi nito sabay lunok. Hinablot nito sa kamay niya ang pinulot niyang mga papel. Itinaas nito ang noo at deretsong tinitigan siya sa mga mata. “Why?”“I don’t have any reason for that, because I knew I did wrong,” he replied in a firmed tone.“Why?” she repeated.“If I explain myself, would you believe me?” Tinitigan niya ito sa mga mata.She never blinked n
Nakatitig si Vhanessa sa inuming nakapatong sa ibabaw ng lamesang napili niya. Nasa meeting place na siya, nilang dalawa ni Macy at hinihintay ito. Hindi na rin siya nagpasundo dahil malapit lang naman iyon sa pinuntahan niya.She sighed. Kanina pa niya ginagawa iyon pero hindi pa rin mawala-wala ang halo-halong damdaming lumukob sa kaniya mula pa kanina.She knew she’s in trouble when she figured out that Elias is Dheyna’s brother, the one she was talking about. Kung maglaro nga naman ang tadhana, hindi pa man sila opisyal na ipinakikilala noon ng kaniyang amo, pero nagkita na pala sila. At hindi lang basta nagkita, may nangyari pa sa kanila!Iyon pala ang dahilan kung bakit noong una niya itong makita, pamilyar na ito sa kaniya. Nasa teritoryo na pala siya ng lalaki noon pa man. Siguro, dahil nasa Maynila ang trabaho nito kaya hindi niya ito nakikitang dumalaw sa law firm. Hindi rin naman siya madalas um-at
Kinakabahan si Vhanessa habang papasok sa bahay ni Elias. Hindi niya mapigilang humanga sa istilo niyon. Hindi maliit, hindi malaki. Eksakto sa kagaya nitong bachelor.The walls were mixed of glass, metal and cement. Moderno iyon na may dalawang palapag; gray at white naman ang pintura.Subalit, kung gaano ka-eksakto ang laki ng bahay nito, siya namang ikinalapad ng bakuran ng lalaki. Metal ang pinaka-front gate, automatic. Sementado naman ang nakapalibot na pader doon. Mayroon ding palm trees na nakatanim sa paligid na nagbibigay ng kaaya-aya at preskong hangin. Marami ring tanim na kung ano-anong halaman. Mayroong namumulaklak at hindi, at mayroon ding mga orchid.She knew Elias loved nature, but she didn’t know if he could also plant.Well . . . maybe yes. Or maybe, not.Nagpatuloy sa pag-iikot ang mga mata niya. Nangingiti siyang pagmasdan ang berdeng-berde at pantay-pa
May tatlong araw ng naglalagi si Vhanessa sa bahay ni Elias. Ni hindi na niya naalalang hinihintay siya nina Macy at Lassy noong nakaraan, kaya naman nang sumunod na araw nang dapat ay sa mga ito siya tutulog ay tumawag ito. Nagdahilan na lang siya sa kaibigan na nag-book ng hotel para sa kaniya si Dheyna at hindi na iyon natanggihan pa.Ipinagpatuloy nila ni Elias ang pagbusisi sa dalawang kasong ipinakikiusap ni Dheyna rito. However, aside from that, they have also other businesses that they can’t resist to do. Para tuloy silang naglalaro ng bahay-bahayan; papasok sa opisina si Elias, maiiwan siya sa bahay nitong pagod sa magdamag na bakbakan at gigising para maglinis ng bahay nitong wala namang bakas ng alikabok.She was like a wife on duty. Pagkauwi ng lalaki, nakaluto na siya.However, they never talked anything about what happened on Elias’s office. Pareho silang umiiwas, parehong ayaw masira a
“Why do we stop?” takang tanong ni Vhanessa nang bigla na lang ihinto ni Elias ang sasakyan nito sa gilid ng kalsada.Nagpresinta itong ihatid siya sa Tierra del Ricos pagkatapos nilang matapos ang ipinagagawa ni Dheyna. Ayaw na nga sana niya, pero nagpumilit ito. Dadalaw rin naman daw ito sa mga magulang.Nasa secluded area sila malapit na mismo sa kanilang bahay. Walang masyadong dumadaan sa lugar na iyon kaya napakatahimik. May mga punong kahoy iyon sa gilid nang hindi man sementadong daan, pero patag naman ang pagka-rough road.Tumingin ito sa kaniya.“This will be the last, right?”Napakunot ang noo niya. “Last for what?”He sighed. “Seeing you. This will be the last.”Nag-iwas siya ng tingin. Ayaw niyang ipakita ritong nasasaktan siya sa kaalamang iyon. Hindi man sila nag-uusap tungkol
Pangiti-ngiti si Elias habang nagbabasa ng mga dokumentong nasa ibabaw ng lamesa niya. Wala ring palya ang kamay niya sa pagpirma. Ni hindi alintana kung magkakalyo iyon.It’s Friday. Kapag ganoong araw, ganadong-ganado siyang magtrabaho. He was looking up for the next day. Dahil uuwi siya at magkikita na silang muli ni Vhanessa. Wala ring hearing na naka-schedule sa araw na iyon kaya mas lalo siyang na-excite.Sandali siyang tumigil at nag-inat. Iginalaw-galaw niya ang ulo, minasahe rin ang batok nang ilang segundo. Nang mawala ang pangangalay, umayos siya ng upo. Kukunin na sana niyang muli ang patas na papel na nasa harapan niya nang tumunog ang kaniyang cell phone.Kinuha niya iyon. Napataas ang kilay niya nang makitang overseas call.“Why?” bungad agad niya.“So, how was it? How are you two?” excited na tanong ni Dheyna sa kabilang linya. She co
He was holding the steering wheel tightly. Halos maglabasan na ang ugat sa kamay niya sa higpit ng pagkakahawak doon. He wanted to be away from the city. He wanted escape from what’s what bothering him— from his nightmares. He wanted to ease his mind.Isang linggo rin ang kaniyang pinalipas bago umuwi. Hindi pa kasi niya kayang harapin ang lahat. Ang mommy niya, ang kaniyang pamilya— si Vhanessa. Hindi niya alam kung paano magsisimula, kung paano sasabihin sa mga ito ang lahat-lahat. He knew his dad would make it easier for him, but he didn’t want to depend on him anymore. Matanda na siya. Ayaw niyang ito pa rin ang gumawa ng lahat ng paraan para lang madepensahan siya sa mga magaganap. Because starting next week, his life would begin to crumble.“F*ck!” Malakas niyang hinampas ang manibela. Umugong ang malakas na busina ng kaniyang sasakyan sa katahimikan ng kalsadang binabagtas.It w
Naramdaman ni Vhanessa ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama, kasunod ang bigat ng katawan ni Elias na umibabaw sa kaniya.He started kissing her, from her lips to her cheeks, then to her eyes, nose, and every part of her face. Hindi siya halos humihinga sa ginagawa nito. She kept her eyes shut while her hands were on his nape seeking for strength.“Ohh!” Napaliyad siya nang maramdaman ang kamay nito sa kaniyang dibdib at masuyong dumadama roon.“Elias . . . Ohh!”“Yes, honey. I’m here. Do you want more?”Sunod-sunod siyang tumango. Wala ng hiya-hiya pa. Hindi iyon ang oras para makadama niyon, dahil nasasabik na rin siyang madama ang init ng mga yakap ng lalaki.Bumaba ang ulo ni Elias. He lips traced her beautiful neck, down to the uppermost part of her br**st. Kasabay ng paghalik nito ay ang pagsamyo sa ba
“Chinnyboo! Chinnyboo! Where are you?” malakas na tawag ni Elias sa kaniyang asawa. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya ito matagpuan. Naikot na yata niya ang buong silid nila pero hindi pa rin niya ito makita. Doon lang naman niya iniwan ang asawa kanina na nagpaluto sa kaniya ng pansit na may mangga.Naiiling na tiningnan niya ang bitbit na pagkain. Kahit kailan, weird ang panlasa nito sa tuwing magbubuntis.She’s five months on the way now. Ang kambal nila ay nairaos nitong iluwal nang nakaraang taon. At pinayuhan sila ng doktor na mas mainam na masundan agad ang dalawa, para hindi raw mahirapan si Vhanessa.She’s forty now. Forty and still looking young. Siguro, dahil sa regular nilang digmaan iyon. Sa edad rin nito napatunayan niyang may mga babae pala talagang pinagpala. Dahil hindi nauubusan ang kaniyang asawa, nag-uumapaw ito at laging handa sa kaniya.“
Kinakabahan si Vhanessa habang nakatingin sa puting kurtinang nakatabing sa kaniya. Their wedding entourage was already marching forward. Ilang saglit na lang, siya na ang susunod.Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Her heart was filled with so much joy. Halos hindi niya na nga malaman kung ano ang nangyayari sa paligid. Tanging ang focus niya ay ang makita si Elias, na ilang araw niya ring hindi nakita dahil hindi sila payagan ng kani-kanilang pamilya. Bad luck daw iyon.Nang akayin siya ng wedding coordinator, pinuno niya ng hangin ang dibdib. When the white curtain finally opened for her, lahat ng mga mata ay napatutok sa kaniya.She knew her look was way too simple. She didn’t pick extremely expensive gown— whick Elias preferred, and just ask Macy to look for someone who made local wedding gowns. Madali naman iyong nagawan ng paraan ng kaniyang kaibigan. And
“Can we go out? I have good news,” bungad ni Elias nang sagutin ni Vhanessa ang cell phone nito. Nag-file na mula siya ng leave para maasikaso ang dapat na asikasuhin sa kanila. Para hindi na rin sagabal ang pagparoo’t parito niya sa Tierra del Ricos at Maynila.“Uhm . . . Office hours pa. Hindi pa ako p’wedeng mag-out nang maaga,” malambing na sagot nito.“Don’t worry about it. I already talked to Dheyna. Umoo na siya kaya p’wede ka ng lumabas. Hihintayin kita rito,” wika niya bago pinindot ang end button ng cell phone niya. Nasisiguro na niyang nagmamadali na itong lumabas.He even counted backwards from ten to one. At eksaktong pagpatak ng one ay itinutulak na nito ang bubog na entrance door ng law firm.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para salubungin ito. Ibinukas niya ang mga kamay. Patakbong pumaloob naman doon si Vhanessa.&n
“Are you ready, son?” tanong ng kaniyang amang si Ethan. Magkasama silang dalawa para dalawin ang taong may malaking kasalanan sa kanila.Tumango siya. “I am, Dad. I am very much ready.”“Alright. Let’s go.” Nauna itong bumaba ng sasakyan. Kinuha nito ang attache case nito sa backseat bago pumasok sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Nakasunod lang siya rito.Pagdating nila sa entrance, ipinakita ng kaniyang ama ID nito— ganoon din siya. Sumaludo pa ang gwardiyang naroon sa kaniya.May isang nag-assist sa kanila papasok sa loob ng kulungan. Dinala sila nito sa visiting area na para sa mga abogado at preso.“Hanggang dito na lamang po tayo. Hintayin na lang po natin ang paglabas ng sadya ninyo rito,” anang escort nila.Tumango ang kaniyang ama rito. “Salamat.”Magkatabi silang naupo ng kaniyang ama sa harap ng isa
Kinabukasan, nagtungo sila ni Elias sa bayan. Dinalaw nila ang kaniyang ina— na sa wakas, unti-unti ng bumabalik sa dati. Nakakausap na ito nang maayos, kahit pa nga may pagkakataong natutulala pa rin ito.Sinabi sa kaniya ng doktor, kahit parang walang pakialam sa mundo noon ang kaniyang ina, dahil lagi rin siyang present sa tabi nito, hindi na ito nanibago pa sa itsura niya o sa pagbabago ng mga araw. Hindi man ramdam ang presensya nito bilang isang ina habang siya ay lumalaki, nag-r-reflect naman daw iyon sa utak nito, hindi nga lang daw talaga pa makawala sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi na siya nahirapan pang ipakilala ang sarili rito, at kung bakit ito naroroon sa pasilidad na iyon.Ipinakilala niya si Elias sa kaniyang ina. Hindi man ito sanay pa sa ibang tao, nakuha pa rin naman ng kaniyang ina na ngumiti at kahit papaano ay kausapin ang kaniyang kasintahan.Yes. She’s officially dating Elias now.
Kinakabahan si Vhanessa sa kaniyang gagawin, pero naroon na siya. Wala na iyong atrasan pa.Mabilis siyang napatayo nang marinig ang ugong ng humimpil na sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Tiningnan niya ang silid ng kaniyang lola. Nakapagpaalam na siya rito at hindi naman na siya nito pinigilan pa.“Hi . . .” nakangiting bungad ni Elias sa malaking pintuan ng kanilang bahay. Hinayaan talaga niya iyong bukas dahil hinihintay niya ito.Bago pa siya makalapit dito, inilabas na nito ang dala-dalang bulaklak. As usual, it’s sunflower.“For you.” Iniabot nito iyon sa kaniya.“T-thanks,” kiming wika niya sabay ngiti. Bumalik siya sa may lamesa at inilapag iyon doon, saka muling hinarap ang lalaki. “Let’s go.”Iginala ni Elias ang mga mata nito sa kabahayan nila. “Si Lola Cresing?” tanong nito
Sa labas pa lang ng bakuran nila ay tanaw na ni Elias ang kaniyang ina. Abala na naman ito sa pagtatanim ng kung ano-ano. Napatigil ito nang makitang papasok ang sasakyan niya sa driveway.“Mom . . .” mahinang wika nang makababa ng sasakyan. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa palapit dito dahil pakiramdam niya, ano mang sandali, babagsak ang mga luha niya.Literal na naging iyakin na siya. At sa mga sandaling iyon, ang gusto niya lang ay maramdaman ang mga yakap nito.Lumapit ito sa kaniya sa kaniya, lakip ang pag-aalala sa mga mata. Pinagmasdan din siya nitong mabuti.“Mom—”“You don’t have to say it, anak. I understand.” Kagyat siya nitong niyakap kahit marumi ang kamay nito. Hindi na niya iyon pinansin dahil iyon naman talaga ang iniuwi niya sa kanila— ang maramdaman ang mainit nitong yakap.Matag
Tamad na tamad na bumangon si Vhanessa. Gusto pa nga sana niyang matulog pero may pupuntahan sila ng kaniyang lola. Dadalawin nila ngayon ang kaniyang ina.Patamad na nagtungo siya sa banyo at naligo. Baka sakaling mawala ang pagkapagal ng katawan niya kapag nalapatan iyon ng tubig.Bahagya ngang gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos maligo. Nagbihis siya kaagad at inayos ang sarili. Habang nakatigin sa repleksyon niya sa salamin, kitang-kita ang pagbabago ng aura niya. Wala na ang kislap ng kaniyang mga mata, nangangalumata na rin siya.Napabuntonghininga siya. Pinipilit niya ang sariling kumilos nang normal at kalimutan ang nangyayari, pero hindi siya tantanan ng nakaraan niya. Ilang beses na rin niyang napanaginipan ang nangyari sa kaniyang ama. Matagal na ang huling beses na nangyari iyon— high school pa yata siya. Ngunit ngayon, dahil sa mga nalaman niya ay muli iyong bumalik.Natatakot si
“Hey . . . That’s enough, bro.” Si Jacob ang unang lumapit sa kaniya. Dahan-dahan nitong kinuha ang bote ng alak sa kaniyang kamay na mahigpit niyang hawak. “Kung ano man ang problema mo, we are here. We are ready to listen,” malumanay nitong wika.Tiningnan niya isa-isa ang mga ito, pati na rin ang lalaking sinuntok niya. “Who is he?”Tiningnan ni Jacob ang kaniyang tinutukoy. “Kuatro. New friend,” sagot nito nang lingunin siyang muli.“New friend, huh?” Pagak siyang natawa, bago muling inagaw ang alak sa kamay nito. Uminom siyang muli. Hindi naman siya pinigilan ng kahit na sino sa mga ito.Tahimik siyang pinagmasdan ng mga kaibigan. Mabuti na lang, hindi pa masyadong matao roon, kaya ang nangyari kanina ay hindi nakagulo sa takbo ng business ni Zhione.“Samahan ka na lang naming uminom,” ani Kristoff