“Sigurado ka ba sa pinaplano mo?” tanong ko sa kanya habang nanonood siya ng TV dito sa sala. Gabi na, kaya umakyat na si Sir Kez papunta sa kanyang kwarto. Hinayaan lang niya si Kvein na manood ng TV, kaya hindi na ako kumontra. Tutal, katulad ng sabi ni Sir Kez, matagal na niyang nakakasama si Kvein. Habang nanonood, kumakain siya ng mansanas. Actually, hati kami, pero wala talaga akong gana masyado lately simula ng balita tungkol kay Maru.“Yes, come on. Don’t stress yourself out. Your preggy…baby is the top priority,” sabi niya pagkakalunok niya ng mansanas.“Hindi ko rin naman maiwasan na hindi ma-stress. Kapatid ko yun, lalo na’t wala ako sa tabi nila,” mahinang bulong ko.Nakita ko kung paano niya idikit ang sarili sa akin na akala mo linta. Hinayaan ko na, baka mamaya magmukmok na naman.“I already contacted the guards. They will be starting tomorrow,” mahinang sabi niya habang nakatitig sa akin.“Salamat,” bulong ko.“And on Saturday is your appointment day in OB,” sabi niya
Terakhir Diperbarui : 2025-02-24 Baca selengkapnya