All Chapters of The Zillionaire's Abandoned Wife: Chapter 161 - Chapter 170

185 Chapters

Kabanata 161

Pagkababa nila sa paaralan ni Xyza, agad na sumigaw si Tantan mula sa kabilang bahagi ng gate. “Ate Trixie!” Nilingon ni Trixie ang boses na iyon, at nakita niyang patakbo patungo sa kaniya si Tantan, bitbit ang isang maliit na paper bag. “Ate Trixie, kaninang umaga po, inutusan ako ni Lola ko para bigyan ka ng mga buns. Pero wala ka po sa bahay kaya binalik ko na lang.” Bubuka pa lang sana ang bibig ni Trixie pero naunahan na siya ni Xyza, na halatang nairita sa narinig. “Hindi totoo ‘yan! Nasa bahay si Mommy kahapon, nakita ko siya!” Hindi pa kasi alam ng bata na matagal nang nakalipat ng bahay ang kaniyang ina. Kaya nang marinig ang sinabi ni Tantan, napasimangot siya at agad na tumutol. Napakamot sa ulo si Tantan, naguluhan. “Ha? Talaga ba? Eh bakit…” Pero bago pa man sila makapagtalo, lumapit na ang guro ni Xyza. “Ms. Salvador,” tawag ni Teacher Alecie. Agad na tumugon si Trixie. “Teacher.” Pinapasok muna ng guro ang mga bata sa loob at saka nagsalita. “Ms
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more

Kabanata 162

Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na si Trixie sa paghahanda ng gamit nina Luna at Venus. Maaliwalas ang langit, at may kakaibang sigla sa paligid. Tahimik ngunit determinado siyang mag-focus sa araw na iyon, isang araw na para sa pamilya, para sa mga bata… at kahit pa hindi niya inaamin, para rin sa sarili niya.Pagdating niya sa bahay nina Antonia, masiglang sinalubong siya ng mga dalagita.“Tita!” salubong ni Luna. “Mama said you’ll take us to the sea, Tita? Totoo po ba?”Trixie smiled and nodded, “Yeah right, pamangks. Everything’s ready, so bring your swimsuits and towels. Aalis na tayo in ten minutes.”Napatalon si Venus sa tuwa. “Yes! I haven’t been to the sea for ages!”Buo ang loob ni Trixie na gawin itong masayang araw para sa kanila.Bandang alas otso ng umaga, nang makarating sila sa pantalan, natanaw na agad ni Trixie ang pamilyar na pigura nina Helios at Yanyan. Si Yanyan ay nakasuot ng maliit na straw hat, hawak ang stuffed animal niyang laging dala, at may hawak pa
last updateLast Updated : 2025-04-08
Read more

Kabanata 163

Pagdating ng tanghali, sabay-sabay silang nag-lunch ng seafood. Hindi naging pihikan si Yanyan, lalo pa’t tinabihan siya ni Trixie habang sinusubuan siya ng paborito niyang buttered crab. “Tita Trixie, this one’s yummy po,” sabi ni Yanyan habang may sauce pa sa gilid ng bibig niya. Tatawa-tawang pinunasan ito ni Trixie. “‘Wag ka na ulit magsasalita kapag may laman pa ang bibig, okay?” “Okay po,” sabay ngumiti ulit ang bata, pilit pa ring inuubos ang laman ng plato. Habang kumakain, panay ang sulyap nina Luna at Venus kay Helios, na mahinahon lang na kumakain at paminsan-minsan ay inaabutan si Trixie ng mga panghimagas. “Tingnan mo 'yun,” bulong ni Venus kay Luna. “He even gets Tita a dessert. Ang sweet, grabe.” “Tsaka parang ang bait talaga niya, ‘no?” dagdag pa ni Luna. “Wala siyang air. Hindi gaya ng ex ng Tita natin.” Nagkatinginan ang magpinsan, at napangiti na lang. Hindi man nila sinabi nang direkta, pero pareho nilang nararamdaman na kung may darating mang bago sa buhay
last updateLast Updated : 2025-04-08
Read more

Kabanata 164

Pagdating ng Lunes ng umaga, dumating si Trixie sa school ni Xyza nang eksakto sa oras. Malayo pa lang, agad niyang namataan ang anak na nakaupo sa tabi ni Sebastian sa waiting area. Nakalugay ang buhok ni Xyza, may pink ribbon, at masigla itong nag-wave nang makita siya. “Mommy!” Masiglang tumayo ang bata at sumalubong. Tinikom ni Trixie ang bibig sa isang maikling ngiti. Tumango siya habang lumalapit, suot ang isang neutral-colored dress. Walang kahit kaunting excitement sa ekspresyon niya. Paglapit niya, agad siyang sinalubong ni Sebastian. “You’re here,” ani Sebastian, tila hindi sigurado kung matutuwa ba siya o hindi. Hindi siya pinansin ni Trixie. Sa halip, binuksan niya ang tablet ni Xyza at agad na hinarap ito. Tiningnan niya ang listahan ng activities para sa araw na iyon, waring walang ibang tao sa paligid. Napakamot sa batok si Sebastian. “I didn’t think you’d come, honestly.” “Hindi mo kailangang mag-isip para sa akin. Sinabi kong dadating ako ‘di ba?” m
last updateLast Updated : 2025-04-08
Read more

Kabanata 165

Pagkatapos ng larong agawan ng upuan, sinundan ito ng “The Boat is Sinking.” Excited pa rin si Xyza, halos hindi mapakali habang hinihintay ang instructions ni Teacher Alecie.Muli, malinaw na ipinaliwanag ng guro ang rules ng laro. Apat na pamilya ang bubuo ng isang grupo. Kapag sumigaw ang game master ng, “The boat is sinking… group yourselves into blank!” kailangan agad makabuo ng grupo ayon sa bilang. Ang hindi makasunod, tanggal. Ang huling grupong matitira, panalo.Tumingin si Sebastian kay Trixie, naka-ngiti. “Your turn now?”Tumango si Xyza nang masigla, hawak-hawak ang kamay ng ina. “Please, Mommy? I want you with me this time.”Walang nagawa si Trixie kundi ang tumango.“Okay.”Habang naghahanda na para sa laro, napatingin si Trixie sa shoulder bag niya. May inabot siyang maliit na bote ng tubig ngunit bitbit pa rin niya ang bag. Bago pa man siya makapagsalita, iniabot na ni Sebastian ang kamay niya.“I got it,” sabi nito, tahimik pero diretso.Saglit siyang nag-alinlangan
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Kabanata 166

Habang malapit nang magsimula ang laro, biglang nagsalita si Sebastian, “Mamaya habang nagvi-video ka, sabayan mo ang galaw namin. Don’t just stand there, alright?” “Alright…” pekeng ngiti ni Trixie habang umirap ng bahagya. “Bossy,” dugtong niya sa mahinang bulong. Hindi na siya pinansin ni Sebastian. Abala na ito sa pag-aayos ng buhok ni Xyza, habang si Trixie naman ay tahimik na iniikot ang mata sa paligid para tingnan kung ilan na lang ang natitirang laro. At ipinakilala na nga ni Teacher Alecie ang susunod na game, ang balloon relay. Sa patakaran ng laro, kailangan ng teamwork ng magulang at anak. May lobo sa pagitan ng kanilang binti, at kailangang makarating sa kabilang dulo nang hindi ito nahuhulog o pumuputok. Bawal hawakan ang lobo gamit ang kamay, kaya’t tamang galaw at koordinasyon ang susi upang maipanalo ang laro. Dati, dinala ni Trixie si Xyza sa mga commericial sports na nauuso noon para matutong maglaro ng basketball at volleyball. Pero noong mga panahong iyon, wa
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Kabanata 167

Alam ni Trixie na hindi available si Wendy, kaya’t si Sebastian at si Xyza na rin ang nagyayang siya ang sumama sa event na ito ngayon. At dahil ayaw niyang mapahiya ang anak, pumayag siya. Pero kahit siya ang kasamang magulang ngayon, pakiramdam niya’y para pa rin siyang panauhin lang sa sariling pamilya.Sabay na bumalik sina Sebastian at Xyza matapos ang round ng balloon relay, at lumapit ang bata kay Trixie para tingnan ang video na kinunan niya.“Na-send ko na sa inyo. Pwede n’yong panoorin sa iPad,” aniya matapos ipadala ang video sa chat group nila."Okay po! Thank you, Mommy!” magiliw na tugon ni Xyza.Pagkatapos ng round ng balloon relay, lumapit si Teacher Alecie sa grupo nina Trixie. “Next game, Tug of War! Pero this time, grouped by family.”Napakunot ang noo ni Trixie. “Grouped by family?”“Yes po,” ngiti ng guro. “Kasama ang mommy at daddy kung kompleto ang parents, tapos ang bata sa gitna. Family versus family.”Napatingin agad si Xyza kay Sebastian, pero naputol ang p
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Kabanata 168

“Ayain n’yo na lang ang isa’t isa, hindi na ako sasama,” mahinahong sabi ni Trixie.“Po? Hindi ka sasama, Mommy?” tanong ni Xyza, kunot-noo at may halong lungkot sa boses.“Oo.” Marahang hinaplos ni Trixie ang ulo ng anak. “Uuwi na si Mommy. Kayo na lang ang kumain at mag-enjoy, ha?”“Oh…”Ngumiti si Trixie, hindi na muling nagsalita pa. Tumalikod siya at hindi na lumingon pabalik.Pinagmasdan lang siya ni Sebastian habang papalayo ito. Tahimik. Walang sinabi para pigilan si Trixie. Ngunit ang mga mata nito, bagama’t walang ekspresyon, ay nanatiling nakasunod sa kaniya. Sa halip na habulin, tumingin na lang siya kay Xyza at mahina niyang sinabi, “Let’s go.”“Okay po,” tugon ng bata.Pagkaupo pa lang nila sa sasakyan, biglang nag-ring ang cellphone ni Sebastian. Si Lola Thallia ang tumatawag.Pagkaangat niya ng tawag, mariin agad ang tanong ng matanda, may halong galit sa tinig, “Nagbukas ka ng proyekto para sa mga Bolivar at Tolentino sa kompanya natin?!”“Hmm,” maikling sagot ni Se
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Kabanata 169

Makalipas ang kalahating oras, pagpasok ni Michael sa isang private VIP room sa isang high-end na restaurant sa Lipa Vista, agad niyang nakita sina Felix at Angelo na abalang-abala sa pakikipag-usap. Sa pagitan nila, isang mamahaling boteng alak ang nakabukas na, isang senyales na mahaba na ang usapan. Paglapit pa lang ni Michael, hindi na kinailangang magsalita. Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha niya ang pagkabigo. Para bang ang bawat hakbang niya ay may kasamang bigat ng pagkatalo. “What’s with the long face, bro?” tanong agad ni Felix habang iniaabot sa kanya ang isang baso. “Let me guess, you don't get to talk to Casper ‘no? Or... was it her again?” Hindi sumagot si Michael kaagad. Kinuha niya ang baso, tumungga, saka dahan-dahang bumuntong-hininga. “Hindi si Casper ang tamang taong kausap para sa proyektong ito. At si Ms. Salvador... she's the key.” Napailing siya at napahigpit ang hawak sa baso. “She’s... sharp. Too sharp. And her tongue? Mas matalim pa sa pinaka
last updateLast Updated : 2025-04-11
Read more

Kabanata 170

Ngayong nakialam na si Gael Camero, alam ni Trixie na hindi na niya puwedeng balewalain ang sitwasyon. Tanyag ito sa industriya, isang matatag, tahimik, ngunit lubhang makapangyarihang presensya. Hindi ito ang tipo ng taong makikialam kung hindi mahalaga. At ngayon, isa lang ang malinaw dahil siya mismo ang tumawag.“Trixie, huwag ka munang mag-alala. Pag-isipan mo muna nang mabuti, saka ka na lang magbigay ng sagot sa akin.”Tahimik si Trixie, pinipigil ang tensyon sa dibdib. Maingat ang tono ni Mr. Camero, ngunit ramdam niya ang bigat ng implification nito.“Sige po,” sagot niya nang may paggalang.“About Michael… just do what you feel is right. You don’t have to consider me in this matter.”Napakurap si Trixie. Hindi niya inaasahan ang ganoong klaseng kalayaan mula sa isang kagaya ni Mr. Camero. Ngunit malinaw ang mensahe, hindi siya nito pipilitin.“Naiintindihan ko po.”Napangiti si Mr. Camero. Simple, diretso, at tapat, isang ugaling bihira na sa mga batang genius ngayon. May
last updateLast Updated : 2025-04-11
Read more
PREV
1
...
141516171819
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status