ALEXIS’S POV“Anak, alam ko, balang araw matututunan mo ring mahalin si Theo,” sabi ni Nanay habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.Mariin akong umiling, hindi nagpatinag sa sinabi niya. “Hindi, Nay. Hindi mangyayari ‘yan. Imposible!”Ngumiti siya habang isinusuot ang hikaw sa magkabila niyang tenga. May kung anong saya sa mukha niya—parang may inaalalang alaala.“Ganyan din ako dati sa papa mo,” aniya, bago marahang hinaplos ang buhok niya.Nagtataka naman ako sa biglaang pagbabago niya. Noon, bihira ko siyang makitang nag-aayos. Hindi siya mahilig mag-ayos ng sarili, mas inuuna niya ang gawaing bahay. Pero ngayon… para siyang ibang tao.“Teka, Nay, bakit ang ayos-ayos niyo? Ang ganda-ganda niyo ngayon, ha!” tanong ko, hindi maitago ang pagtataka.Lumingon siya sa akin at malumanay na ngumiti—isang ngiting parang sa isang dalagang in love, kahit na nasa edad na siyang 48. Nagningning ang kanyang mga mata habang inaayos ang blouse niya, waring may hiya pero sabik sa reaksyon k
最終更新日 : 2025-03-05 続きを読む