Home / Romance / His Brother's Bride / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of His Brother's Bride: Chapter 21 - Chapter 30

49 Chapters

Chapter 21

Cassandra Dela Vega's POV Tahimik lang si Sebastian habang nakatingin sa akin, pero kita ko ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya. Parang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Pero ano pa bang aasahan niya? Mula pa lang sa simula, wala siyang ibang ginawa kung 'di itulak ako palayo. Gusto niyang bumitiw ako? Fine. I’ll give him what he wants. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Narinig mo ako, Sebastian. Bukas, aayusin ko na ang annulment natin." Ine-expect kong sasang-ayon siya. Ine-expect kong mapapahinga siya nang maluwag dahil sa wakas, hindi ko na siya magiging problema. Pero hindi. Nakita ko ang unti-unting pagliit ng mga mata niya. Kita ko rin ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa manibela. At pagkatapos ng ilang segundo, tumawa siya. Isang mapaklang tawa. "Ganoon lang?" tanong niya, may halong paghamon sa tinig niya. Napakunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Ganoon lang kadali para sa 'yo?" inulit niya, saka bumaling sa akin, seryoso an
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 22

Cassandra Dela Vega's POV Ang utak ko ay parang isang sirang plaka, paulit-ulit na tinatanong ang parehong bagay—Ano ba talaga ang gusto ni Sebastian?Hindi ba’t ito rin naman ang gusto niya? Ang lumayo ako? Ang bumitaw?Pero bakit?Bakit nandito pa rin siya?Bakit hindi niya ako hinayaang umalis?Mabilis akong naglakad papunta sa parking lot ng hotel, pilit na hindi iniintindi ang malamig na hangin ng gabi. Pero kahit anong bilis ng mga hakbang ko, naririnig ko pa rin ang tunog ng sapatos ni Sebastian na naglalakad sa likuran ko.Alam kong sinusundan niya ako.Alam kong hindi niya ako titigilan.At iyon ang mas lalong nagpapainit ng ulo ko.Nang marating ko ang sasakyan ko, mabilis kong binuksan ang pinto. Pero bago ko pa man maisara ito, biglang sumampa si Sebastian sa passenger seat, walang paalam, walang pasabi."Get out," malamig kong sabi.Hindi siya gumalaw.Napakapit ako sa manibela, pinipigilan ang sarili kong sumabog sa harap niya."Sebastian, I said—""No."Mabilis akong l
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 23

Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko na alam kung saan ako kumukuha ng lakas.Pagod na pagod na ako, hindi lang pisikal kundi pati emosyonal.Pagkalabas ni Sebastian sa sasakyan, alam kong iyon na ang huli naming pag-uusap ngayong gabi. Kaya pinaharurot ko na ang kotse ko, dumiretso sa bahay ng mga magulang ko, pilit na inaapula ang sakit at galit na bumabalot sa dibdib ko.Ngunit pagdating ko sa harapan ng malaking mansyon ng pamilya Dela Vega, para bang may bumigat sa loob ko.Alam ko na kung anong mangyayari.Alam kong wala akong maaasahang yakap o kahit anong pang-unawa mula sa kanila.Pero kahit gano’n, bumaba ako ng kotse at huminga nang malalim bago pumasok sa loob.—Pagkapasok ko pa lang sa malawak na sala, agad akong sinalubong ng malamig na titig ni Don Romano, ang aking ama, habang nakaupo sa kaniyang paboritong upuan.Si Doña Esther naman, ang aking ina, ay nakatayo sa tabi niya, mahigpit ang hawak sa kanyang perlas na kwintas—isang senyales na hindi siya natutuwa sa pagda
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 24

Cassandra Dela Vega's POV Nang tumalikod ako at lumabas mula sa bahay ng mga magulang ko, pakiramdam ko ay para akong nasa isang panaginip—hindi, bangungot.Kailan ko pa inakala na darating ang araw na ganito ang mararamdaman ko? Na mawawalan ako ng pamilya? Na itatakwil nila ako nang ganoonn-ganoon na lang?Habang naglalakad ako patungo sa kotse ko, nanginginig ang mga daliri ko habang kinukuha ang susi mula sa clutch bag ko. Pilit kong pinapatahan ang sarili ko, pilit na sinasabi sa isip ko na ito ang tamang desisyon.Pero bakit gano’n?Bakit parang ang sakit-sakit?Pagkaupo ko sa driver’s seat, hindi ko na napigilan ang luha ko. Pumikit ako nang mariin, hinayaan ang init ng emosyon na dumaloy palabas. Hindi ko alam kung ilang minuto akong ganoon, pero nang maramdaman kong hindi na ako makahinga sa bigat ng damdamin, pilit kong pinunasan ang luha ko at hinawakan nang mahigpit ang manibela.Kailangan kong umalis dito. Kailangan kong lumayo.Habang binabaybay ko ang daan, hindi ko al
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 25

Sebastian Alcantara's POV "Sebastian…" Paos ang boses ni Cassandra, puno ng emosyon na tila nais iparating pero hindi mabigkas. Kita ko ang gulat sa kanyang mata, ang pag-aalinlangan, ang pagkalito. At hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Bago pa siya makapagsalita ng kahit ano pang salitang maaaring tuluyang makapaglayo sa amin, inangkin ko ang kanyang labi. Walang babala. Walang pag-aalangan. Isang matagal na akong nauuhaw na halik. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng kanyang katawan, ang pag-igting ng kanyang mga daliri sa tela ng suot kong coat. Hindi ko alam kung itutulak niya ako o yayakapin, pero wala akong pakialam. Dahil sa sandaling ito, wala nang iba pang mahalaga. Matagal ko nang sinisikil ang pagnanasa ko kay Cassandra—ang galit, ang hinanakit, at ang hindi ko kailanman matutunang iwaksi… ang pagnanasa ko sa kanya. Pero ngayong nasa bisig ko siya, ngayong tinutugon niya ang halik ko kahit hindi niya namamalayan, wala na akong balak pang bitawan siya.
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

Chapter 26

Cassandra Dela Vega's POV Nang lumabas ako sa suite ni Sebastian kaninang madaling-araw, ramdam ko pa rin ang init ng kanyang mga bisig sa katawan ko. Ang bawat halik, bawat haplos, bawat pag-ungol ng pangalan ko—lahat iyon ay nakatatak pa rin sa isip ko, sa balat ko. Pero kailangan kong lumayo. Kailangan kong kalimutan ang gabing iyon bago ako tuluyang malunod sa isang bagay na alam kong wala namang patutunguhan. Kaya heto ako ngayon, nasa loob ng isang café, nakatingin sa labas habang hawak ang isang tasa ng kape na hindi ko naman iniinom. Alam kong isang pagkakamali ang nangyari kagabi. Alam kong hindi ako pwedeng mahulog ulit sa kanya. Huminga ako nang malalim, pinilit ang sarili kong mag-focus sa realidad. Wala kaming relasyon. Wala kaming dapat ipaglaban. Isa lang iyong gabi na parehong nadala kami ng damdamin. At iyon lang iyon. Pinilit kong tanggapin ang sariling kasinungalingan habang hinahaplos ang gilid ng labi ko—ang labi niyang ilang oras lang ang nakalilipas ay
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

Chapter 27

Cassandra Dela Vega's POV "Sebastian! Let me go!" Pilit kong binawi ang braso kong hawak niya, ngunit mas hinigpitan pa niya ang kapit. His grip wasn’t painful, but it was firm—hindi niya ako bibitawan. Mabilis niya akong hinila palabas ng bar at dinala sa gilid ng parking lot. Doon, malayo sa ingay ng musika at tawanan ng mga tao, doon niya ako hinarap—ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit at kung ano pang emosyon na hindi ko maintindihan. "Ano na namang problema mo?" singhal ko, pilit na inaayos ang hinahabol kong hininga. Tumawa siya nang mapait. "Ikaw ang may problema, Cassandra." Nakatawid siya ng dalawang hakbang papalapit sa akin, dahilan para mapaatras ako. Ngunit sa pangatlong hakbang niya, napasandal na ako sa isang itim na sports car. Wala na akong atrasan. "You ran away." Mas tumigas ang tono niya. "After everything that happened between us, you left. Just like that." Itinagilid ko ang ulo ko, pilit na nilalaro ang labi ko para hindi halata ang panginginig nito. "
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

Chapter 28

Cassandra Dela Vega's POV Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na dagundong ng kulog. Mabilis kong inikot ang paningin ko sa buong kwarto, pilit inaalala kung nasaan ako.Dumadagundong ang dibdib ko kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Ilang sandali lang ay kumidlat, saglit na nagliwanag ang buong silid, bago muling binalot ng dilim.Huminga ako nang malalim. It was just a storm. Nothing to be afraid of.Napatingin ako sa orasan sa bedside table—alas-dos ng madaling-araw.Pero may bumabagabag sa akin. May kung anong hindi tama.At noon ko lang napansin… may anino sa labas ng bintana ko.Mabilis akong bumangon at marahang lumapit, bahagyang hinawi ang kurtina.Doon ko siya nakita.Si Sebastian.Nakatayo sa ilalim ng ulan, basa mula ulo hanggang paa, nakasandal sa gilid ng sasakyan niya.Napasinghap ako.Ano'ng ginagawa niya rito?Mabilis kong kinuha ang robe ko at lumabas ng kwarto, bumaba sa hagdan, at binuksan ang front door.Hindi na ako nag-abala pang ku
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

Chapter 29

Cassandra Dela Vega's POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang mga salitang binitiwan ni Sebastian ay paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko, ngunit tila hindi ko magawang tanggapin ang mga ito nang buo. Parang hindi totoo. Parang isang bangungot na hindi ko alam kung gusto kong paniwalaan o hindi. Umangat ang tingin ko sa kanya, pilit hinahanap ang kahit anong bakas ng kasinungalingan. Pero ang nakita ko lang ay matinding sakit sa kanyang mga mata—isang sakit na hindi ko noon nakita, dahil hindi niya hinayaang makita ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat ba akong magalit? Dapat ba akong matuwa na buhay pa siya sa kabila ng sakit niya? O dapat ba akong masaktan dahil sa loob ng maraming taon, ako lang ang hindi nakakaalam ng dahilan ng bigla niyang paglisan? "You’re lying." Isang mahina at walang kumpiyansang bulong ang lumabas sa bibig ko. Pero kahit ako, hindi ko iyon kayang paniwalaan. Napakuyom ang mga kamao ni Sebastian. Kita ko ang bigat ng nararamdaman ni
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Chapter 30

Cassandra Dela Vega's POV Hindi ako sigurado kung ilang minuto kaming nanatiling nakatayo lang doon—walang gumagalaw, walang nagsasalita. Para bang kahit anong idadagdag namin sa usapan ay hindi makakabura sa bigat ng nakaraan.Pero alam kong hindi ito matatapos nang ganito. Hindi pwedeng magtapos lang ito sa katahimikan.Muli kong pinagmasdan si Sebastian. Nakatayo siya roon, seryoso ang ekspresyon, pero kita ko ang tension sa panga niya, ang lalim ng emosyon sa kanyang mga mata."Sabihin mo sa akin, Sebastian," bulong ko, pero bawat salita ay puno ng sakit. "Kung ako ang nasa lugar mo, kung ako ang may sakit at ako ang nagdesisyong iwan ka nang walang pasabi, matanggap mo ba?"Saglit siyang natigilan, parang hindi inasahan ang tanong ko."Cassandra—""Sagutin mo ako," madiin kong putol sa sasabihin niya.Napakuyom ang kanyang kamao. "Hindi."Napangiti ako, pero iyon ay mapait, puno ng panunumbat. "Kaya paano mo nagawang gawin sa akin ang isang bagay na alam mong hindi mo kakayanin
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status