Home / Romance / His Brother's Bride / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of His Brother's Bride: Chapter 31 - Chapter 40

49 Chapters

Chapter 31

Cassandra Dela Vega's POV "Sebastian!"Halos hindi ko na naramdaman ang pinto ng sasakyan nang buksan ko ito. Isang iglap lang, at nasa harapan ko na siya, ngayon ay nanginginig sa ginaw, namumutla, at unti-unting bumibigay."Sebastian, anong nangyayari sa 'yo?!" halos pasigaw kong tanong, pero hindi siya sumagot.Bago ko pa siya mahawakan, bigla na lang siyang bumagsak sa harapan ko."Diyos ko!" Napaluhod ako, mabilis siyang inalo, hawak ang malamig niyang pisngi. "Sebastian, please! Gising!"Walang sagot.Hawak ko siya, ang katawan niyang mas malaki sa akin, nanginginig na parang wala nang natitirang init sa loob niya. Ang mga mata niya ay halos nakapikit na, tila lumulubog sa kawalan ng malay.Dahil sa sobrang pagkataranta, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinilit kong buhatin siya, hinila ang isang braso niya sa balikat ko. "Sebastian, bumangon ka!"Pero hindi siya sumagot.Napaigting ang hawak ko sa kanya, pilit na hinatak ang sarili ko upang masiguradong makakarating siya sa lo
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 32

Cassandra Dela Vega's POV Nanginginig pa rin ang katawan ni Sebastian. Kahit na binalot ko na siya ng makapal na kumot, kahit na pilit kong ipinainom sa kanya ang mainit na tsaa na inihanda ko, hindi pa rin niya magawang pigilan ang panlalamig niya."Sebastian, kailangan na kitang dalhin sa ospital."Mahina siyang umiling. "No... I'm fine.""Fine?!" Napairap ako, hindi na maitago ang kaba at inis ko. "Sebastian, hindi ka fine! Kahit anong sabihin mo, kita ko sa 'yo na may mali!""Cassandra—""No! Sumama ka sa akin o bubuhatin kita palabas ng bahay!"Alam kong walang silbi ang makipagtalo sa isang taong kasing-tigas ng ulo ni Sebastian. Kaya hindi ko na siya binigyan ng pagpipilian. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan ang driver ko."Ihanda mo ang sasakyan. Kailangan kong dalhin si Sebastian sa ospital. Dalian mo."Isang minuto lang, dumating na ang driver ko. Wala akong inaksayang segundo. Hinila ko si Sebastian patayo, pilit siyang inalalayan kahit na alam kong mas ma
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 33

Cassandra Dela Vega's POV Nanatili akong nakatayo sa tabi ng pinto, nakatingin sa ina kong si Doña Esther. Napakatigas ng ekspresyon niya—walang bahid ng emosyon, walang alinlangan. Para bang alam niyang tama siya sa lahat ng sinabi niya.Ang mas nakakainis? Alam kong may katotohanan ang mga salita niya.Dahil kahit anong gawin ko, kahit ilang beses ko nang sinabing ayoko kay Sebastian, nandito pa rin ako. Nag-aalaga sa kanya. Nag-aalala para sa kanya."Hindi ako natatakot," malamig kong tugon. "At sigurado akong mas kilala ko siya kaysa sa iyo."Bahagyang umangat ang kilay ni Mommy. "Talaga?""Oo." Tumuwid ako ng tayo. "At kung pumunta ka lang dito para pagsabihan ako ng mga bagay na wala ka namang alam, mas mabuti pang umalis ka na."Napangiti siya nang matipid, pero alam kong iyon ay ngiting puno ng paghamak. "Napakabilis mo namang ipagtanggol ang lalaking minsan ka nang iniwan."Napakuyom ang mga kamao ko. "Sebastian is my husband now, Mom. Gusto mo man o hindi, may obligasyon ak
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 34

Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko alam kung anong mas nakakapagod—ang mag-alala sa isang stubborn na lalaki na katulad ni Sebastian o ang pilitin ang sarili kong wala akong pakialam sa kanya. Nakalabas na siya sa ospital matapos ang dalawang araw, pero kahit anong pilit kong sabihing dapat siyang magpahinga, pinanindigan niya ang pagiging matigas ang ulo. At ngayon, nandito kami sa loob ng sasakyan, tahimik na nakaupo habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay namin. Siya ang nagmamaneho, kahit na ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ako na lang. Pero syempre, ano pa nga ba ang aasahan ko? Si Sebastian Alcantara ito—hindi siya marunong makinig. Sinulyapan ko siya mula sa passenger seat. Mahigpit ang hawak niya sa manibela, at kahit halatang pagod pa rin siya, wala siyang balak ipakita sa akin ang kahinaan niya. "Pwede bang ako na lang magmaneho?" Tanong ko, habang nakatingin sa daan. Hindi siya sumagot. Napailing ako. "Sebastian, hindi ito ang tamang oras para ipilit mo ang
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 35

Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga sa kama, pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi ako dalawin ng antok. Paulit-ulit kong iniisip ang naging usapan namin ni Sebastian kanina. Ang malamig niyang mga salita. Ang hindi niya pagpilit sa akin. "Kung iyon ang nararamdaman mo, wala akong karapatang pilitin ka." Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng mga salitang iyon sa dibdib ko. Hindi ba’t ito naman ang gusto ko? Na huwag na niya akong habulin? Na bigyan niya ako ng espasyo? Pero bakit parang hindi ko gusto ang pakiramdam na parang siya naman ngayon ang lumalayo? Nilingon ko ang orasan sa bedside table. Alas dos na ng madaling araw. Napabuntong-hininga ako at bumangon mula sa kama. Wala akong magagawa kung hindi ako makatulog, kaya nagpasya akong bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik. Pagkababa ko, dumiretso ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Pagkatapos uminom, sumandal ako
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 36

Cassandra Dela Vega's Napatigil ang mundo ko.Ramdam ko ang init ng hininga niya, ang lambot ng mga labi niyang marahang lumapat sa akin. Hindi siya nagmadali, hindi rin siya mapusok—para bang tinatanong niya kung may karapatan pa siyang gawin ito. Pero hindi ko siya tinulak.Hindi ko magawa.Dahil kahit anong pilit kong lumayo, bumabalik pa rin ako sa kanya. Kahit anong pilit kong pigilan ang sarili kong mahalin siya… mahal ko pa rin siya.Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko, parang pinapagaan ang bigat sa puso ko. Ang kamay niyang kanina lang ay nanlalamig sa hangin, ngayon ay parang may init na bumabalot sa katawan ko.Napapikit ako.Pinayagan ko ang sarili kong damhin siya—ang bawat galaw niya, ang bawat dampi ng labi niya sa akin.Nagsimula itong banayad, halos parang haplos lang ng hangin, pero unti-unti, lumalim. Nangangamba, nanginginig, pero totoo.Ramdam ko ang panginginig niya. Hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa takot—takot na baka sa isang iglap, mawala na naman a
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 37

Cassandra Dela Vega's POV Nagising ako sa pakiramdam ng mainit na braso na nakayakap sa baywang ko. Sa loob ng ilang segundo, hindi ko agad naunawaan kung nasaan ako. Pero nang maramdaman ko ang banayad na paghinga sa batok ko at ang init ng katawan niyang nakadikit sa akin, doon ko lang napagtanto—nasa kama ko kami ni Sebastian. Napapikit ako nang mahigpit, sinasariwa ang nangyari kagabi. Ang bawat haplos, ang bawat halik, ang bawat matinding damdamin na ibinuhos namin sa isa’t isa. Parang panaginip. Isang panaginip na hindi ko kailanman inasahan na magiging totoo. Dahan-dahan akong gumalaw, pero lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. “Hmm… Where do you think you’re going?” basag ang boses niyang may bahagyang paos dala ng bagong gising. Napangiti ako. “I was just—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mas hinapit niya ako palapit, ang katawan namin halos walang pagitan. “You’re not going anywhere, Cassandra,” aniya, mas binabaon pa ang mukha niya sa leeg ko. Napasi
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 38

Cassandra Dela Vega's POV Nakahilig ako sa dibdib ni Sebastian habang nakaupo kami sa balcony ng kwarto ko. Ang mga braso niya ay nakapulupot sa bewang ko, mahigpit pero hindi nakakagigil. Tamang-tama lang para maramdaman kong totoo ang lahat ng ito—na hindi ito panaginip, hindi na ito isang ilusyon na binuo lang ng pagnanasa o pangungulila. Tunay ito. Totoo ito. Mula sa kinatatayuan namin, kitang-kita ko ang city lights. Ang mga gusali at sasakyang dumadaan sa kalsada, ang liwanag ng buwan na nagbibigay ng malambot na sinag sa paligid namin. Pero kahit gaano kaganda ang tanawin, mas nahanap ko ang sarili kong nakatitig sa kanya. Sebastian Alcantara. Ang lalaking minahal ko noon… at patuloy kong mamahalin ngayon. Napangiti ako habang marahang sinusundan ng daliri ko ang linya ng kanyang panga. Napansin ko ang bahagyang pagkapunit ng lower lip niya—isa sa mga resulta ng gulong nangyari ilang araw lang ang nakalipas. “You’re staring,” bulong niya, nakapikit pa rin, pero ramdam ko
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 39

Cassandra Dela Vega's POV Nakahiga pa rin ako sa kama habang nakayakap sa mainit na katawan ni Sebastian nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bedside table. Napaungol siya nang marinig ang ingay, halatang naiinis na may istorbo sa tahimik naming sandali. "Ignore it," mahina niyang bulong habang hinigpitan ang yakap sa akin. Napangiti ako pero kinuha ko pa rin ang phone ko. Pero nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad akong bumangon. "Dad?" naguguluhang sagot ko. Himala at nagparamdam siya. Huli ko siyang nakausap noong umuwi ako sa bahay. Agad na nagmulat ng mata si Sebastian nang marinig ang pangalan ng ama ko. Napaupo rin siya sa kama, halatang nag-aalalang tinitingnan ang ekspresyon ko. "Cassandra, hija, may balita ako," seryosong wika ng ama ko mula sa kabilang linya. Napaayos ako ng upo, pinipigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. "Ano po iyon?" Sandaling tumigil si Dad bago nagsalita muli. "Nahanap na si Daniel." Nanlaki ang mga mata ko. "A-Anong sabi n’yo?"
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 40

Cassandra Dela Vega's POV Maaga kaming gumising ni Sebastian para maghanda sa pag-alis papuntang New York. Nakaprepare na ang mga maleta namin, at ilang sandali na lang ay patungo na kami sa airport para salubungin si Dad at Mom doon. Habang binabalot ako ng kaba at excitement sa pagharap kay Daniel, hindi ko inakalang sa isang iglap, magbabago ang lahat. Dahil sa isang tawag, bumagsak ang mundo ko. "Ma’am Cassandra, may emergency!" Napalakas ang hawak ko sa phone habang nakatitig sa kawalan. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam—para akong kinakaladkad pababa ng isang madilim na bangin. "Ano?" Mahina ang boses ko, nanginginig. "Ang sasakyan po nina Don Romano at Doña Esther… Nabangga po sila sa may intersection malapit sa airport. Kritikal po ang lagay nila!" Biglang nagdilim ang paningin ko. "W-What?!" Narinig kong tinawag ako ni Sebastian, pero hindi ko siya nagawang lingunin. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa cellphone, pakiramdam ko ay parang may kung anong pumipiga
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status