"Miss, may boyfriend ka na? Kung wala pa ay puwedeng manligaw?" tanong ng isa sa lalaking may edad na kay Jesabell. Nanlaki ang mga mata ni Jesabell at umiling. Natakot siya bigla sa lalaki at mukhang katulad sa taong nanakit sa kaniya nang gabing iyon."Oh great, she said no, Cavin. At dahil wala siyang boyfriend ay puwede mo na siyang ligawan!" Udyok ng isa pang lalaki sa nauna."No... it's not what you think!" Natatarantang bawi ni Jesabell habang umiiling at kumukumpas ang isang kamay bilang senyas na wala."Wow, Jesabell, iba talaga ang beauty mo. Kahit saan mapunta ay maraming boys ang nagkakagusto." Puri ni Lory at hinawakan sa braso ang kaibigan."Tiyak na playgirl niya at sinasamantala ang mga lalaking nahuhumaling sa kaniya gamit ang kaniyang ganda!" nakaismid na kumento ng isa sa empleyadong mukhang bitter sa ganda ni Jesabell. Napangisi si Lory sa narinig. Mukhang mas marami ang hindi magkakagusto dito ngayon na gustong gusto niyang mangyari. Naiinis siya dito dahil nga
Last Updated : 2025-03-01 Read more