'"Thank you, Mr. Timothy!" Matamis na ngiti ang pumaskil sa labi ni Emily at nawala na rin ang kaba na nadarama."Pero makakarating pa rin ito kay Mr. CEO upang siya magpataw ng tamang action sa nangyaring ngayong araw na ito."Mabilis na nabura ang ngiti sa labi ni Emily saka Katiba dahil sa sinabi ni Timothy. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ni Emily dahil hindi maaring makarating kay Tyron ang nangyari kanina."Maari na kayong umalis." Pagtataboy ni Timothy sa dalawa.Nag bow ang dalawa at nagpasalamat bago nagmamadaling lumabas ng opisina.Nakailangan buga ng hangin sa bibig si Katibag nang makalayo na sila sa pinto na nilabasan nila. Halos atakehin siya ng nerbyos kanina."Magpalamaig ka muna at tiyak na may matang magbabantay na sa mga ginagawa mo," ani Emily bago huminga ng malalim."Hindi ba apiktohan ang relasyon ninyo ng CEO kapag nalamang itong nangyari?" Nag aalalang tanong niya kay Emily."Ako na ang bahala sa bagay na iya. Bigyan mo nag task si Jesabell na alam mong ma
"Huwag mo hayaang ma bully siya." Malayong sagot ni Tyron at ayaw niyang pakinggan ang iba pang nais sabihin ng dalaga. Ayaw niyang marinig na may ibang lalaki ang maaring pagtuunan ng pansin ni Jesabell. "You know him at hindi ko alam kung paano sila nagkakilala ni Jesabell." Hindi na niya pinatagal pa at sinabi ang pangalan ng lalaki.Nangunot ang noo ni Tyron at unti unting nagsisilakbo ang galit sa puso pagkarinig sa pangalan ni Timothy. "Sa ugali ni Jesabell, tiyak na sinadya niyang dumikit sa lalaking iyon upang may magamit siya laban sa iyo kapag hindi mo siya pinagbigyan." Ngumisi si Emily matapos sabihin ang paninira kay Jesabell. Nakikinita niyang madilim na ang anyo ni Tyron at nakakuyom ang mga kamay.Galit at walang paalam na pinutol ni Tyron ang tawag. Agad na dinayal ang numero ni Julia upang utusan ito."Sir?""Book may ticket now!""Po?" Parang nabingi si Julia sa utos ng binata at galit pa."I want it ASAP!" Hindi na inulir ni Tyron ang sinabi.Nailayo ni Julia ang
Muling natahimik ang araw ni Jesabell nang umalis na si Emily sa harapan niya. Pero hindi siya dapat maging kampanti. Alam niyang hindi titigil ang babaeng iyon hangga't hindi siya nagawan nang masama o nakaganti. Pagkauwi ay cellphone agad ang tinitingnan niya. Ngunit tulad ng ilang gabi ay walang tawag mula kay Tyron. May message ito para kumustahin siya at ipaalala na kumain and matulog ng maaga. Hindi niya nire replayan ang binata dahil naiinis siya. Balik sa ugaling kuya niya lang kasi ito. Matapos siyang manyakin ay ganito na sila?"Nakatulugan niya ang sama ng loob kay Tyron hanggang paggising. Wala na kasing message at mukhang nakalimutan na siya. Nawalan siyang ganang kumain kahit masarap ang pagkain. May isang lingo mahigit na rin itong wala at sobrang miss na niya. Hindi sapat ang tawag at message lang para maibsan ang pangungulila ng puso niya sa binata. Pumasok siyang matamlay at hindi pinapansin ang tingin sa kaniya ng lahat. Naninibago siguro ang mga ito at hindi siya
"Bakit?" pabulong na tanong ni Jason sa kaibigan. "Samahan mo akong kumain sa labas saka sunduin mo na rin ako."Pumalatak si Jason at kung maka demand ang kaibigan. "Parang ang lapit ko sa iyo at magkapareho ang oras ng trabaho natin." Aroganteng tugon niya sa kaibigan."Tsk pare pareho talaga kayong mga lalaki!" Maktol na ani Jesabell saka binabaan na ng tawag ang kaibigan."Miss, ako na lang ang sasama—" hindi natapos ni Julia ang pagsasalita nang biglang tumakbo si Jesabell palayo sa kaniya. "Kuya!" Wala sa sariling tawag ni Jesabell sa lalaking kakalabas lang sa isang opisina.Nakangiting nilingon ni Timothy ang dalaga. Parang bata itong tumatakbo palapit sa kaniya. "Be careful."Hinahapong ngumiti si Jesabell sa binata nang nasa harapan na niya ito. "Uuwi ka na po?"Mataman na pinagmasdan ni Timothy ang dalaga. Nakangiti ito pero bakas sa mga mata nito ang lungkot. "Puwede pong makisabay?" Nakagat niya ang ibabang labi matapos sabihin ang kailangan sa binata. Alam kasi niyang
"Tyron, ok na ako. Puwede na ba tayong umuwi?" Paglalambing ni Emily sa binata.No, may kinuha akong bago mong doctor upang masuri nang husto ang sakit mo at mukhang lumala."Biglang kinabahan si Emily, hindi niya alam kung bakit parang lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon ay pinagdududahan na ng binata. Mabilis niyang hinawakan ito sa kamay upang pigilan na tumawag ng doctor. "Tyron, alam kong pagod ka sa beyahe at sinalubong ka pa ng maraming problema sa kompanya kanina kaya ayaw ko na maabala ka pa nang husto dahil sa akin.""It doesn’t matter. Nangako ako sa iyo noon na alagaan ka at tulungan kaya ginagawa ko ito."Pilit na ngumiti si Emily sa binata kahit nasasakta2n sa kaalamang hindi dahil sa pagmamahal. "I know. Pero ok na ako, please I want to go home at para makapagpahinga ka na rin.""Hindi maari dahil hinimatay ka kanina." Matigas na turan ni Tyron. Lalabas na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita kung sino ang caller ay agad niyang sinagot."Nakak
Nangunot ang noo ni Tyron at tumingin kay Emiliy."Hi-hindi ko alam kung bakit ako hinimatay kanina." Defensive na paliwanag ni Emily sa binata. Lalong dumilim ang anyo ni Tyron at hinarap ang kaibigan. "So after the operation noon ay hindi na bumalik ang sakit niyang iyon?"Yes, ito ang result ng laboratory niya. Maari na rin siyang lumabas kung gusto mo." Umalis na si Jay matapos magsalita.Mapahigpit ang hawak ni Tyron sa laboratory results ni Emily. Mariing naglapat ang mga labi niya nang maalala ang sinabi ni Jesabell noon."Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Ginagamit na lang niya ang dating sakit niya upang manatili ka sa tabi niya. Ako ang totoong may sakit hindi siya! Wala rin akong kasalanan sa pagkaing kinain niya kaya sumakit ang tiyan niya!"Mariing naipikit ni Tyron ang mga mata matapos maalala ang hinagpis ni Jesabell noon sa kaniya. Ilang buwan lamang ang nakalipas mula nang magkaroon ng fever si Jesabell. Iniwan niya ito at mas piniling alagaan si Emily dahil nalama
"Wala siya dito at hinatid ko sa dorm niya after naming kumain sa labas."Nakahinga nang maluwag si Tyron at safe ang dalaga."Kapag kinausap ka, huwag mo na sanang hayaang sumama ang loob sa iyo." Sinserong payo ni Timothy sa binata.Wala sa sariling napatango si Tyron sa lalaki. "Salamat!""Dahil kapag lumapit siyang muli sa akin ay baka hindi ko na siya pakawalan pa lalo na at gusto siya ng anak ko na maging ina." "Tinatakot mo ba ako?" Naasar na tanong ni Tyron at sinamaan ng tingin ang kaharap."Honest si Jesabell at totoong magmahal. Kayang magtiis at lumalaban para sa taong mahal niya. Hindi ko pa siya lubusang kilala pero alam kong dumanas siya nang hindi maganda upang ipaglaban ang pagmamahal niya sa iyo." Malayong sagot ni Timothy sa lalaki.Parang may pumiga sa puso ni Tyron dahil sa mga sinabi ni Timothy. Hindi niya maitanggi kung ano ang speculation ng lalaki dahil natauhan na rin siya kanina."Huwag mo na rin sanang hayaang ma bully siya sa mismong kompanya mo." Dugtong
Daig pa ni Tyron ang nakakita ng multo sa narinig. Napailing siya at hindi matanggap ang narinig. "No... hindi ako papayag!""Deserve mo iyan. Ang gago mo kasi at ilang beses na sinaktan ang kaibigan ko. Tama lang na mapagod ang puso niya sa pagmahal sa iyo." Pang aasar pa ni Jason sa lalaki."Kapag hindi mo ako tutulungan na mapatawad niya ay kalimutan mo na rin ang alok kong tulong sa iyo!" Matigas na panakot ni Tyron dito."Hoy, ibang usapan iyan!" Angal ni Jason."Kaya kailangan mo akong tulungan!"Napabuga ng hangin sa bibig si Jason. Ang sama ng tingin niya sa cellphone pero naging mahinagon ang reply niya sa lalaki. "Pare, hayaan mo na muna siya ngayong gabi. Nagseselos lang iyon at nagtampo. Bukas ay maging ok din kayo basta suyuin mo lang. Ipakita mo na mas mahalaga siya sa buhay mo kaysa kay Emily para mahalin ka niyang muli." Napaismid siya matapos ma send ang mahabang payo sa lalaki. Asar pa rin siya dito hangga't hindi ok ang kaibigan niya.Ayaw ni Tyron na pati ang kaib
"Babe, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Timothy sa dalaga habang naroon pa ang nurse."Mag ingat ka." Hinatid ni Janina hanggang pinto ang binata.Sa malapit na kainang bukas bente kuwatro oras lang bumili si Timothy. Ayaw niyang umalis mamaya na hindi pa naka kain ang dalaga. Ang anak nila ay may provide na tamang meal ang hospital para dito.Kumain na rin siya kasabay si Janina. Hindi niya pinaalam ang lakad ngayon at ayaw niyang mag alala ito sa kaniya."Mag ingat ka sa lakad mo at bumalik agad."Napangiti si Timothy at parang bata ang nobya na takot maiwan nang matagal. Niyakap niya ito at hinaplos ang pisngi. "Tawagan mo ako kung may problema dito at sikapin kong makabalik agad." Bilin niya sa dalaga bago hinalikan sa noo ang natutulog pa ring anak.Gumanti siya ng yakap sa binata. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ngayon ng binata.Nagmadali nang umalis si Timothy nang makawala sa dalaga. Ayaw miyang magtagal.at baka makahalata na ito at pigilan siyang u
"Danny, gising na si Marian at hinahanap ka!" Masayang tawag ni Janina sa kaibigang bakla."Ayy, my baby girl!" Pumilantik ang mga daliri ni Danny at masayang lumapit sa bata. "I'm here, anak!"Napangiti si Timothy habang pinapanood ang bakla at ang anak. Naiinggit siya sa closeness ng dalawa at ito agad ang hinanap ng anak niya. Pero naintindihan niya ang bagay na iyon dahil si Danny ang nakagisnan ng bata at tumayong parang ama dito noong wala siya. "Hello, princess!" Bati ng asawa ni Danny mula sa video call.Hinawakan ni Janina ang kamay ng binata at mukhang na out of place ito bigla. Sadyang malapit ang abak nila sa mag asawang bakla dahil madalas ay ang mga ito ang kasama at siya ay nagta trabaho noon."Don’t worry, masaya ako at may ibang nagmamahal sa anak natin." Niyakap ni Timothy mula sa likod ang dalaga."Honey, siya ang biological father ni Marian." Iniharap ni Danny ang camera kay Timothy. Nakangiting bumati si Timothy sa lalaki na marunong umitindi ng kanilang salita.
"Bantayan ninyong mabuti ang babaeng iyan at hindi maaring makatakas. Huwag palinlang sa mga dahilan niya, maliwanag?" Bilin ni Timothy sa tatlong tauhan niya."Opo, sir!" Magkapanabay na tugon ng tatlo sa binata."Honey, please pakawalan mo ako dito! Nagbago na ako at tunay kitang mahal!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jona sa binata.Mukhang nabibinging tiningnan ni Timothy ang babae. "Busalnan niyo na rin ang bibig niya at maingay."Nanlaki ang mga mata ni Jona at matigas na umiling. "No... you can't do this to me, Timothy! Labag sa batas itong ginagawa mo sa akin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Timothy. "Alam mo pa lang may batas. Pero nang ninakaw mo ang mga anak ni Janina ay naisip mo va iyan?"Umiiyak na umiling si Jona at patuloy na nagmakaawa sq binata. "Nagsisi na ako! Please, huwag mo gawin ito sa akin alang alang sa pinagsamahan natin bilang mag asawa noon!""Walang kapatawaran ang ginawa ninyo at nararapat lang na pareho kayong mabulok sa bilangoan!" Matigas na turan ni
Natigilan si Jona at kinabahan na naman. Binalot ng takot ang puso niya sa pagkakataong ito. Kung ang pagkatao ni Trix ay natuklasan ni Timothy, hindi malabong napahanap na rin nito ang isa pang anak. "Imposible!" naibulong ni Jona sa sarili. Imposibleng mahanap nila ang bata dahil walang clue kung nasaan na ito o kung saan niya dinala noon."Lahat ng ginagawa ninyo ng kasabwat mo ay may mabuting naidudulot sa amin. Hindi mo magamit sa akin ang alas mong iyan dahil hindi pinabayaan ni Lord ang bata noong itinapon mo sa ilog."Biglang bumigay ang mga tuhod ni Jona dahil nanghina sa narinig. Nagmukha siyang nakalambitin na mula sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa mga braso niya. Sa ilog nga niya itinapon ang bata noon. Paano nalaman ng binata ang tungkol doon?"Hindi siya pinabayaan ng kaniyang anghel at agad ding ibinalik kay Janina nang gabing ding iyon ang isa pa niyang anak." Dugtong pa ni Timothy.Nandidilat ang mga mata ni Jona habang nakayuko. Kung ganoon, ang naampon ni Janina a
"Honey...." sinalubong ni Jona ang binata at tangkang yayakapin ito ngunit umiwas sa kaniya ang binata. Nilapitan ni Timothy ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Sumama ka muna kay Tita Minche sa room."Nakakaunawang tumango si Trix at mabilis na humawak sa kamay ng tiyahin upang pumanhik sa ikalawang palapag.Nang masigurong hindi na sila maririnig at makita ni Trix ay saka lang hinarap ni Timothy si Jona."Timothy, I miss you! Alam mo bang sobra akong nag aalala sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin ng anak mo." Lalapit sana siya sa binata ngunit inunahan sya nito. "Dalhin siya sa basement." Utos ni Timothy sa tauhan na kanina pa sa labas lang ng pinto.Nanlaki ang mga mata ni Jona at kinabahan nang may tatlong lalaki ang biglang pumasok sa pinto. "Honey, a-ano ang ibig mong sabihin?" Umurong siya ng hakbang nang lumapit sa kaniya ang tatlong lalaki.Sa halip na sagutin ang babae ay mabilis niyang inagaw ang cellphone nito nang tumunog."Timothy, cellphone ko iyan!" Inagaw
"Nagsagawa ako ng DNA test at ito ang result!" Inilaabit na niya sa kamay ng dalaga ang papel.Saka lang parang nagkaroon ng lakas si Janina at mabilis na kinuha ang papel. Pagkabasa sa pangalan ng bata ay napahagulhol na siya ng iyak at tinakpan ang bibig gamit ang sariling palad. "A-anak mo siya?" Tumingin siya kay Marian. Niyakap ni Timothy ang dalaga mula sa tagilirian nito. "Hindi siya nawala sa iyo at ibinalik siya sa iyo ni Lord nang hindi mo namalayan.""Oh my, God! All this time ay tunay kong anak ang inangkin kong anak?" Nagtatalon na si Janina dahil sa tuwa habang nakayakap sa baywang ng binata."Yes!" Sinapo niya sa magkabilang pisngi ang dalaga at nangiting hinalikan ito ng mabilis sa labi."Thank you! Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko ito matuklasan maging ang pagkatao ni Trix!" Parang balon na bumalong ang luha sa mga mata niya. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama niya ngayon. "Kambal ang anak natin?"Napaluha na rin si Timothy at nakangiting tumango bilang tugon
Mabilis kumambiyo ang sasakyan nila Minche at nag iba ng daan. "Ma'am, ibang daan po ang tatahakin natin!" ani ng Driver kay Minche habang nakatingin ito sa side mirror.Tumango si Minche sa driver at niyakap ang pamangkin. Ang bodyguard nilang nakaupo sa unahan ay naging alerto rin. Mabilis niyang tinawagan si Timothy upang ipaalam na may sumusunod sa kanila.Lumayo muna si Timothy kay Janina bago sinagot ang tawag ng kapatid. Napatiim bagang siya nang marinig ang binabalita ng kapatid. Kailangan niyang manatiling kalmado at baka magalata ni Janina at mag aalala ito."Pero huwag kang mag alala at alam ng driver ang gagawin." Bawi ni Minche upang hindi na mag alala ang kapatid."Tatawagan ko po ang kaibigan ko upang pasundan kayo riyan." Agad na ibinaba na ni Timothy ang tawag saka tinawagan si Tyron. Sa kanilang dalawa kasi ay mas marami itong connection at mapadali ang lahat. "May porblema ba?" tanong ni Janina sa binata nang bumalik na ito sa tabi niya.Pilit na ngumiti si Timothy
Binuhat ni Timothy ang anak at inilapit sa natutulog na kapatid nito."Daddy, she looks like me." Manghang pinakatitigan ni Trix ang batang natutulog. "Ok lang po ba siya?" Bigla naman siya nalungkot nang makita ang ilang bandage sa pisngi at noo ng bata."Of course because she's your sister. And as of now, nagpapagaling pa ang kapatid mo kaya tutok kami ni Mommy sa pagbabantay sa kaniya." Nakangiting paliwanag ni Timothy sa anak."Don’t worry about me po, mommy and daddy. I'm strong po at hindi kailangan ng alaga. Lahat din po ng sasabihin ninyo at ni Tita Minche ay susund8j ko upang hindi kayo mag alala sa akin!"Nagpapasalamat ang tinging ipinukol ni Janina kay Minche. Nagpasalamat siya dito dahil sa tamang paggabay sa anak niya. Lumaki ito na amy malawak na unawa at mapagmahal. "Mula ngayon ay huwag ka nang sumama sa Mommy Jona mo okay? Huwag kang humiwalay sa tita at yaya mo kahit ano ang mangyari." Paalala dito ni Timothy. "Opo, ayaw ko rin po sa kaniya sumama at baka ilayo n
"Head namin siya at huwag mo nang dagdagan ang issue ngayon at ayaw kong matanggal sa trabaho." Halos pabulong na ani ng lalaki.Pagtingin muli ni Paul sa lalaking nasa unahan ay wala na ito roon. Inis na umalis na siya at binalikan sa sasakyan si Jona."Ano ang nangyari?" tanong agad ni Jona kay Paul."Bulshit, mukhang may alam na nga si Timothy sa tunay na ina ni Trix!" Naihampas ni Paul ang nakakuyom na kamay sa manibela."Ano na ang gagawin natin ngayon?" Kabadong tanong ni Jona sa binata. "Bumalik ka sa bahay ni Timothy at gumawa ng paraan na maitakas si Trix. Ikaw pa rin ang ina sa papel ng bata kaya maari mo siyang isalay sa eroplabo at ilayo pansamantala. Kailangan natin ng alas upang hindi pareho mapahamak." Utos ni Paul sa dalaga.Nakagat ni Jona ang ibabang labi. "Saan ko naman siya dadalhin upang itago?""Doon muna kayo sa bagong nabili kong property sa isang isla. Walang nakakaalam sa lugar na iyon mula sa kaanak ko dahil gusto ko iyon gawin private place ko sana.Hindi