Home / Romance / HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE / Kabanata 21 - Kabanata 26

Lahat ng Kabanata ng HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE : Kabanata 21 - Kabanata 26

26 Kabanata

HER DAILY LIFE 1

HELGA POV:Sa anim na nakikitira sa bahay ni Lola Maria, isa pa si Aileen sa espesyal sa akin. Magandang bata, matangkad at maputi pero hindi nakapasa ang ilong sa tangos na inaasahan ng ama kaya laging pinalalayas at pinagsasalitaan nang hindi maganda.Graduating na ito sa high school at may nanliligaw na rin.Tatlong taon nang dito umuuwi sa amin. Kapag Sabado at Linggo, umuuwi sa kanila sa bundok. Sa ngayon, anim na lang ang nakikitira sa amin. Pero may pagkakataong umabot sa 20 katao ang kasama namin dito noon. Kahit ang kamalig, may panauhin na rin at may panahong kahit rebelde o mga kaaway ng gobyerno, kinukukupkop ng lola ko.May pagkakataong natatakot ako para sa mga kasama ko, pero sabi nga ng lola ko: huwag mong sabihing takot kang mamatay?Nasa kapalaran daw ng tao na mag-krus ang landas ng isa’t-isa dahil nasa ilalim tayo ng iisang araw. At paano mo iisiping mabuti ka kung humahatol ka sa iba?Sa awa ng Dios, nagiging kaibigan ng lola ko ang lahat ng klase ng tao.Pero na
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

HER DAILY LIFE 2

HELGA POV:Bawal dito sa bayan namin ang negosyong ganito na bukas magdamag.Isa pang dahilan: gusto kong maturn-off sa akin si Craig Alastair at tantanan na rin ako ng mama niya.Pero heto kami, nagpapatintero pa rin.“Umuwi ka na lang sa inyo kung comfort ang hanap mo.” Nakairap na agad ako sa kanya. “Walang ganon dito.”“Ah, eh, tubig kanal na lang, puede na yon.” Pahabol niya nang basta ko na lang talikuran.Tumawa sina Nancy at Aileen na nagliligpit ng pinagkainan sa batalan o maliit na hugasan ng pinggan. Pero sanay na sila sa akin. Siguradong naawa kay Craig.Nakapark ang kotse ng bilyonaryong binata, makintab at bagong-bagong modelo ng Land Rover 20 meters ang layo sa tabing kalsada mula dito sa kubo namin. Pero heto at nagpapa alila sa babaing nakatira sa bahay na malapit nang magiba.Sa sumunod na mga oras, hindi naman parusa kay Craig na pinanood akong magsaboy ng niyog na pakain sa may 30 pirasong manok na kinakatay lang kapag may okasyon at nagpakain ako ng 3 malalaki
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

LOVE ME NOT

HELGA POV: Hindi na nga dapat umabot sa sakitan, pakiramdaman na lang, dapat na siyang dumistansya. Lalo na’t hindi na kami mga bata.Pero talagang makulit siya.“Kaya umuwi ka na at nang hindi masayang ang araw mo.” Itinulak ko siya sa dibdib.Halik ang isinagot niya sa akin, na tumama sa pisngi ko pero natigilan ako. Kaya dumulas papunta sa labi ko at hindi na ako pumalag.Inangkin niya ako na parang kinakain ang labi ko sa tindi ng kanyang pagtitimpi at kapusukan na napaungol ako, nahahati kung ititigil ko agad o sisigehan ko pa. Nanalo ang amoy ng mint sa hininga niya kaya natukso akong gumanti ng halik sa halip na tumigil. Nagbagal. Nagtantiyahan naging patikim-tikim at nauwi uli sa mapusok at mapaghanap na uri ng halik.Napakatamis ng labi niya. Napabango niya. Malulusaw ako sa kapusukan niya kung magtatagal kaming ganito.Tinangka kong ipaling paiwas ang mukha ko para huminto na siya pero umuungol siya, nagmamaktol. “Napuyat ako kagabi, sobrang tigas ni Junior. Napakasakit.
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

WHAT IS LOVE ?

HELGA POV:Bakit nga ba siya narito?Tumayo nga siya pero huminto sa hamba ng pinto. Nakahawak sa itaas niyon. Nakaharang ang magandang katawan sa pinaka-entrada. Parang batang naglalaro.Hindi talaga niya ako siniseryoso kahit kailan.“Patunayan mong ayaw mo sa akin. Na seryoso ka diyan. Pero sabihin mo yan sa harap ko.” Ngumisi siya, na lalong naging pilyong guwapo sa paningin ko. Guwapong manipulator na hindi nakakaintindi ng emotional and physical bounderies ko. “Halika nga dito.”Sa labas ng bahay, nagsisigawan na ang mga bata. Tuwang-tuwa sa pinapanood sa tablet ni Craig.Malamang sina Nancy ang gumagamit ng laptop dahil ito rin ang nag-operate noong nakaraang kailanganin nito sa project sa school. Pinahiram ni Craig.Kaya walang may pakialam sa amin kahit isa.Nilapitan ko nga si Craig, hinawakan ko sa dibdib. Mainit siya at halatang napakalakas. Tinitigan ko sa mga mata. Sabihin ko ba na dapat matapos na ang kalokohan niya?Natutukso akong basagin ang trip niya pero napipi
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

THE DEAL WITH DEVIL

HELGA POV:Dahil ang mga taon na ito at ang ilan pang darating ay hindi pa para sa akin–kundi para sa lola ko. Maiksi na lang ang oras niya sa mundo at walang kamalay-malay si Craig na bina-braso na ako ng tatlong matatanda sa pamilya nila.Ginigipit ako.Inilapat ko ang pisngi ko malapit sa puso niya at pumikit ako nang mariin.Hinayaan kong dalhin ako ng isip ko sa mapait na sandaling yon kung saan hindi ko na kinaya ang lahat:—-flashback—-“Shot!”Isang putok ng baril ang pinakawalan ni Arturo Alastair, Uncle ni Craig matapos pakawalan ang mga kalapati mula sa kulungan at asintahin niya ang isa sa mga yon sa layong 200 meters gamit ang long range rifle.Sumabog sa ere ang dugo ng kawawang hayop bago bumagsak sa lupa na wala ng buhay.Nasa loob kami ng pribadong lupa nila kung saan mga tapat lang na tauhan ng mayamang angkan ang puedeng pumasok.Humigpit ang hininga ko.Sinundo nila ako sa kapilya kanina, inabangan ako sa regular kong pananalangin doon at dinala ako dito sa paanan
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

FORBIDDEN LOVE

HELGA POV:Sigaw ko sabay kalabit ng gatilyo at bumagsak yon sa malayo. “Inasinta ko siya sa kanang pakpak. Magagamot pa kung aagapan.” Ibinaba ko rin agad ang baril. At iniabot ko sa kanya na kalmado ang aking paghinga.Gulat ang Uncle ni Craig na napatitig sa akin. Ganon din ang lahat ng anim pang lalaki sa paligid namin na hinabol ako nang tingin.Mahina pa yon sa kaya kong gawin. Mga professional assassins ang nagtrained sa akin sa loob ng isang taon. Na bagaman matagal na, nasa sistema ko pa rin. At ang grupong yon, di hamak na mas mapanganib sa mga gaya nilang sanay sa luho at pinagsisilbihan ng mga tauhan sa kanilang sariling palasyo. Ang mga taong kilala ko, walang mga pangalan at mukha.Mga taong nabubuhay sa dugo at sa dilim.Naglakad ako palayo. Pigil ang galit.Mga walanghiya. Oo, lamang kayo sa pera pero pagdating sa buhay, tig-iisa lang tayong lahat.Lalayas ako dito, pero kapag may nangyari sa lola ko, magbabayad kayo ng mahal.Noon ko pa gustong itakas ang lola ko. Pa
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa
PREV
123
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status