Pasado alas sais ng umaga nang magising si Izzy, nakapikit pa rin at inaantok na nag inat siya ng kamay saka napamulat dahil sa gulat nang hindi sinasadyang mataman ng kanyang kamay ang katabi.Nakatalikod ito sa kanya kaya't dahan-dahan siyang bumangon upang silipin ito, masyado pang maaga para magiising lalo at anong oras na rin silang natulog kagabi, isama pang sigurado si Izzy na katulad niya ay pagod rin ito.Nakahinga lamang siya nang makitang mahimbing pa ring natutulog si Seth, dahan-dahan ang kilos na bumalik si Izzy sa pagkakahiga at piniling pag masdan ang malaki at hubad na katawan ni Seth mula sa likod."Ang matso... Sa gym ka ba kumaki, Seth?"Tila isang baliw na pabulong na sabi ni Izzy saka napangiti.Akalain mo nga naman, sino ang mag aakala na darating ang araw na ang isang simple at pobreng katulad niya ay magigising isang araw sa piling ng lalaking kagaya ni Seth?Matso, gwapo, mabango, mayaman, at higit sa lahat, magaling sa-Lalo pang lumaki ang ngiti sa mga labi
Last Updated : 2025-02-10 Read more