Simula CELESTINE'S POV "Sige na Celestine, isang shot na lang tapos titigilan ka na namin. Birthday mo naman e!" Pilit na ibinigay ni Trisha ang isang shot glass sa akin, na kanina ko pa tinanggihan. Ang dami ko na kasing nainom, halata naman na gusto nila akong malasing. Umiling ako't pilit na inilayo ang kamay niya sa akin, "tama na 'yong lima, Trisha" nahihilo na rin kasi ako. Pero hindi nagpatalo si Trisha, sinabihan niya ako na ang magbayad ng bill kapag hindi ako iinom ng last shot. Dahil birthday ko naman pinagbigyan ko na lang sila, naghiyawan naman sila't tinapik pa ako sa balikat bago sila nag apir sa isa't isa. "Okay ganito, since birthday mo naman may dare kami sa'yo," usal ni Kim sabay kidnat sa akin. "See that guy?" Turo niya sa lalaking tahimik at seryusong iniinom ang laman ng bote ng alak na hawak nito. Dahan-dahan akong tumanggo sa kaniya, "I dare you to kiss him, show us what you got. Kapag nagawa mo iyon I'll tell Dad na bigyan ka ng 2 weeks vacation with sal
Last Updated : 2025-01-25 Read more