Home / Romance / Wife of Mr. Azrael Alcazar / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Wife of Mr. Azrael Alcazar : Chapter 101 - Chapter 110

130 Chapters

CHAPTER 101

Alora's POV Pag-uwi namin sa Pilipinas ay bonding time ulit ang ginawa namin, maliban na lang kay Azrael na pumasok muna sa trabaho dahil isang linggo siyang nawala doon. Ngayon ay si Dad naman ang kasama namin mag-bonding ni Rail dahil isang linggo raw din niyang hindi nakita ang apo niya at gusto naman daw niyang magpahinga dahil siya ang nag-manage ng kompanya noong nasa ibang bansa kami nila Azrael."You can mix that colors apo." Nasa garden kami ngayon dahil tinuturuan ni Dad si Rail mag-paint at dahil na-curios din ako ay nakisali ako sa kanila. Mahilig akong mag-drawing dati sa buhangin kaya nais kong subukan ang pagpipinta at masaya naman pala siya at nakaka-relax. Habang tinuturuan ni Dad si Rail ay nagtatanong din ako sa kanya kung may katanungan ako pero naka-pokus talaga ang atensyon ko sa pini-painting ko, minsan ay pinupuri ko pa si Rail kahit hindi naman tumitingin sa gawa niya. "Bawal nga po!" rinig kong sigaw ng kung sino man at galing iyon sa may gate. Sabay kamin
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

CHAPTER 102

Alora's POV Nagpatuloy pa rin ang panggugulo sa amin ni Alora, mapa-rito sa bahay, sa kompanya ni Azrael at kahit minsan kapag nasasalubong namin siya sa daan. Palagi rin naman akong pinagtatanggol ni Azrael kapag inaaway ako ng dati niyang asawa. Hindi naman sa magpapaapi ako doon pero ayoko lang mas maging magulo pa lalo ang sitwasyon, lalo na ngayong dahan-dahan nang nalalaman ni media ang nangyayari sa buhay ni Azrael. Oo nga at pwede niyang pigilan iyon dahil malaki naman ang impluwensiya nito dahil siya naman ang may-ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa pero mayroon pa ring mga balita at mga post sa social media na hindi niya mapipigilan. Dahil doon ay mas doble ingat na rin ang ginawa ko para hindi masyadong lumaki ang gulo at ayoko na ring dumagdag sa problema ni Azrael. Nahihirapan na nga siyang pigilan ang lahat ng mga reporters na nagkakandarapa para makuha ang pahayag niya tapos dadagdag pa ako. "Is it true that you are married to Azrael Alcazar?" tanong ng isang rep
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

CHAPTER 103

Alora's POVDalawang araw na lang bago magpasko at imbes na ang pagpyestahan ng mga tao ay ang mga tinda sa palengke ay ang buhay namin ni Azrael ang pinagtutuunan nila ng pansin.Mag-isa pa ring sinasalubong ni Azrael ang lahat ng mga binabato sa pamilya namin. Kinakausap ko siya na tutulungan ko siya pero ayaw niya dahil baka masaktan daw ako lalo. Ilang beses ko namang sinabi sa kanya na kaya ko pero desidido na siya sa desisyon niya. "Anong mayroon sa labas?" tanong ko kay Calem, naunang lumabas si Azrael ngayon kaya nandito pa sa bahay si Calem. Kagigising ko pa lang at pagsilip ko sa bintana ay nakita ko ang maraming tao sa labas ng gate namin kaya bumaba na ako, lumalakas na rin ang ingay ng mga taong yun. "Mama what's happening?" Lumingon ako kay Rail na nakasakay sa escalator, kinukusot ang mata at halatang bagong gising pa lang din. Tumingin ako kay Calem dahil hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. "Naglalaro lang ang mga tauhan ng Papa mo, hayaan mo sasawayin sila n
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

CHAPTER 104

Alora's POV Akala ko ay titigil na ang mga reporter na iyon dahil nakuha na nila ang kanilang gusto pero tumambay pa rin sila sa labas ng bahay namin. Mamayang gabi na ang noche buena pero andito sila imbes na maging excited para sa selebrasyon na magaganap mamayang gabi. "Wife are you ready?" tawag sa akin ni Azrael mula sa baba. Katatapos ko lang magdamit at kukunin ko pa ang gagamitin kong tsinelas. Oo magtse-tsinelas lang ako dahil sa bahay lang naman ni Dad ang punta namin. "Teka lang, hahanapin ko lang ang tsinelas ko," sagot ko sa kanya, lumabas pa ako ng kwarto para marinig niya ako. "Andito sa akin ang hinahanap mo wife." Narinig ko ang sinabi niya pero bumalik pa rin ako sa kwarto para kunin ang bag ko bago bumaba. Hawak niya nga ang hinahanap ko, sinuot niya pa iyon sa akin nang makalapit ako sa kanya. "Ang ganda mo." Napayuko ako para tingnan siya dahil nakaluhod siya sa harap ko para isuot ang tsinelas ko. "Ito yung binili mo sa akin dati." Natatandaan ko pa, iyon a
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

CHAPTER 105

Alora's POVSobrang saya ng selebrasyon namin ng pasko. Ang daming daldalan kasama ang mga kasambahay na hindi nakauwi sa pamilya nila at nag-inuman din sila at nagkantahan. Maaga nga lang akong natulog dahil sobrang inaantok na ako dahil din siguro sa pagod ko kanina sa pagluluto. "Hindi pa kayo tapos?" tanong ko nang makitang may iba pa sa kanila na nag-iinuman sa labas ng bahay. Kakagising ko lang at alas nwebe na ngayon tapos ala-una ay nag-iinuman na sila. Wala akong natanggap na sagot sa kanila dahil siguro sa sobrang kalasingan ay hindi na maka-pagsalita. Tumatawa na lang akong pumasok sa bahay at hinanap si Azrael, paggising ko ay hindi ko siya katabi at wala rin naman siya sa kwarto ni Rail. Sa kusina muna ako dumiretso, sakto naman na andoon na sila Dad at Rail, nag-aalmusal. "Asan po si Azrael?" tanong ko kay Dad na naglalagay ng kanin sa plato ni Rail. Naupo na rin ako matapos kong kumuha ng plato para sumabay na sa kanila sa pagkain."Tulog pa rin nasa kwarto ko." Tuma
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

CHAPTER 106

Alora's POVKinabukasan mismo ay dumating ang tinutukoy na reporter ni Azrael. Habang inaayos ang mga gagamitin sa baba ay rinig naman ang hindi magkamayaw na ingay sa labas ng bahay dahil nalaman ng mga reporter na may isa sa kanilang nakapasok dito sa loob. "Wife." Napalingon ako kay Azrael. Kakapasok niya lang sa kwarto namin habang ako ay nandito nakatingin sa sarili kong repleksyon. Nagtatanong akong tumingin kay Azrael dahil mukhang may sasabihin siya, "Nothing. Let's go?" Hinawakan ko ang kamay niyang nakalahad. "Ayos lang ba ang suot ko?" Hindi ko pinili ang pinakamahal na damit at pinaka-maganda, hindi rin iyong pinakamura kundi iyong sakto lang kaya hindi ko alam kung ayos lang ba."Maganda ka kahit anong suotin mo basta huwag ka lang lalabas na naka-panty at bra ka lang kase ako lang ang dapat na makakita nun." Binitawan ko ang kamay niya at pinalo siya sa braso. Kahit kailan talaga ay naisisingit niya ang kabastusan ng bibig niya. Nasanay na ako sa ganoong mga banat niy
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

CHAPTER 107

Alora's POV "Ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi niyong para siyang isang basag na glass noong araw na nagkita kayo?""Dumating siya noong araw na iyon na mahina ang katawan—" bigla siyang tumigil sa pagsasalita at hinanap ang mga mata ko sa likod ng camera. "Wife can I talk about this?" Ngumiti ako at tumango at nang makuha ang sagot ko at saka niya ipinagpatuloy ang una niyang sinabi kanina. "Dumating siyang mahina ang katawan at puno ng pasa dahil inaabuso siya ng mga dumukot sa kanya kaya ginamit niya ang pangalan ni Alora." Hindi niya binanggit ang pangalan ni Koen, hindi ko alam kung bakit. Magtatanong na lang siguro ako sa kanya mamaya. "Were you already divorced when you lived with your wife now?" Ibang tanong naman ang ibinigay sa kanya. "We are not yet divorced but I already ended up my relationship with Alora that night when she cheated on me. Sa totoo nga lang ay limang buwan na wala kaming komunikasyon kaya noong makita ko ang asawa ko ngayon ay in-offer-an ko siy
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

CHAPTER 108

Alora's POVIsang araw katapos ng interview sa bahay ay ipinalabas na iyon sa TV. Nahati ang atensyon ng madla, may mga pumanig na sa amin at may iba namang nanatili sa pangba-bash sa amin, lalo na sa akin. Nagpunta rin sa bahay ang mga magulang ni Alora para magmakaawa na huwag ilabas ang CCTV footage. "I will tell my daughter to stop bothering you, just don't release those footage," nagmamakaawang sabi ng ina ni Alora. Ngayon ko lang sila nakita pero parang pamilyar sa akin ang ina niya, siya ata ang nagtanong sa akin noon kung may nakita ba akong batang Alora Hazel Valezka ang pangalan. "Please Azrel, nagmamaakawa ako. Sirang-sira na ang pangalan namin sa business industry at ayaw na naming masira pa lalo iyon." Malapit nang lumuhod ang ina ni Alora sa pagmamakaawa sa asawa kong nakatingin lang sa kanila ng walang emosyon habang ako ay nasa likod niya, pinapanood ang lahat. "I won't release it pero kapag ginulo ulit kami ng anak mo ay hindi ako magdadalawang-isip na ilabas iyon.
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

CHAPTER 109

Alora's POVNahirapan pang paalisin ng mga tauhan ni Azrael ang totoong Alora. Nagtagumpay sila pero para bang nalungkot ang anak namin dahil doon. "Bakit umalis sila agad Papa?" tanong ni Rail na ang tinutukoy ay ang batang kasama ni Alora. "Bibigyan ka namin ng ganon pero hindi pa ngayon okay?" malambing na sabi ni Azrael sa anak namin. Bumaling pa siya sa akin at sabay pa silang dalawa ni Rail kaya tumango na lang ako. Kakatapos lang naming kumain ng hapunan at napatulog na rin namin si Rail kaya pabalik na kami sa kwarto namin ni Azrael."Bakit mo naman sinabi iyon sa anak natin?" tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa loob ng kwarto."Ang alin?" "Na bibigyan natin siya ng kapatid?" mahina kong sabi, hindi naman sa ayaw ko pero para kaseng hindi pa ngayon ang tamang panahon para dagdagan ulit ang pamilya namin lalo na at hindi pa natatapos ang panggu-gulo ni Alora sa amin. "Ayaw mo ba?" Lumapit siya at yumakap sa likod ko. Umiling naman ako bilang sagot at naramdaman ko
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

CHAPTER 110

Alora's POV Wala akong kaalam-alam kung saan kami papunta ngayon. Mamayang gabi ay selebrasyon na ng new year, hindi ko nga alam kung tama bang sabihin ang mga salitang mamayang gabi dahil gabi na naman ngayon kase ang oras ay alas syete na. Hindi ko pa rin alam kung anong klaseng surpresa ang nag-aantay sa akin kaya sobrang excited pa rin ako tulad nang mga nakaraang araw. "Anak, alam ko ba kung ano yung surpresa nila Papa at Lolo Dad mo?" tanong ko kay Rail, baka kase alam niya eh. Hindi na kase talaga ako mapakali. Narinig ko ang tawa ni Azrael pero hindi ko siya pinansin dahil inantay ko ang sagot ng anak namin. Nang umiling naman si Rail ay agad akong napaupo na naman ng maayos. "Kalma wife, okay? Malalaman mo na rin naman iyon dahil malapit na tayo." Tahimik na lang akong tumango. Siguro nga kaysa naman pilitin kong sagutin ni Azrael ang tanong ko at hindi na ako ma-surpirse tulad ng gusto nila. Huminto kami sa isang building, moderno ang design at nasa mismong syudad nakat
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more
PREV
1
...
8910111213
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status