Home / Romance / Wife of Mr. Azrael Alcazar / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Wife of Mr. Azrael Alcazar : Chapter 91 - Chapter 100

130 Chapters

CHAPTER 91

Alora's POV Hindi ko na namalayan kung ilang buwan na ba ang lumipas simula noong away namin ni Azrael na ang dahilan ay si Alora. Dumadalaw pa rin daw si Alora sa kompanya at hindi pa rin sumusuko pero palagi pa rin itong pinapaalis ni Azrael. Sa sobrang inis nga niya ay naglagay siya ng napakaraming security sa labas ng building para siguraduhing hindi na makakapasok si Alora doon. Habang tumatagal din ay napapansin ko na ang paglaki ni Rail. Palagi kaming magkasama pero hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga kunting bagay na hindi naman niya kayang gawin noon pero ngayon ay kayang-kaya na niya kahit walang tulong na natatanggap mula sa iba. Isa na roon ang paglilinis ng kinainan niya, paglilinis sa mga laruan niya at ang pagtulong sa mga simpleng gawain. Masaya ako dahil doon kase hindi na ako ma-i-stress masyado sa kakasaway sa kanya pero nakakalungkot din na parang ang dali niyang lumaki, parang kailan nga lang ay tinakasan ko pa ang Daddy niya at itinira siya sa Sta. Rosa.
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

CHAPTER 92

Alora's POV Dahil sa pagkadulas ko ay nagpalit ulit kami ng pwesto, siya na ngayon ang nasa taas habang inaabutan siya ng mga Christmas balls na kailangan niya. Hindi rin ako nakatakas sa sermon niya sa akin dahil sa nangyari. "You need to be careful wife. Paano na lang kung hindi kita nasalo?" Kanina pa yan siya sa paano na lang kung hindi niya ako nasalo. "No. It was my fault, dapat in the first place hindi ako pumayag na umakyat ka dito." Tapos ganyan, sinisisi niya ang sarili niya. Paulit-ulit na ganon ang punto niya kaya ang ginawa ko ay nakikinig ako sa kanang taenga ko at inilalabas din ang narinig ko sa aking kaliwang taenga.Ipinagpatuloy namin ang pagde-decorate ng Christmas tree hanggang sa matapos namin iyon at ngayon ay nakatayo na kami sa harap nito. Ang ganda, paano pa kaya kung buksan ang ilaw na nakapalibot sa Christmas tree edi dagdag sa kaganda niya yun!"Mag-picture tayo diyan mamayang alas tres. Ready na ang isusuot nating damit." Tumango ako. Ngayong araw na r
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

CHAPTER 93

Alora's POV Matapos ang ribbon cutting nila para sa pagbubukas ng bahay ampunan na tinawag ni Azrael na Dream Care ay nagkanya-kanya na ang mga bisita sa pagkuha ng pagkain. May catering din kase para sa celebration at napakaraming tao ang nandito. Ang iba ay ang mga nakita ko sa litrato na nakasabit sa opisina ni Azrael at ang iba ay hindi ko kilala kaya medyo nakakahiya. Si Rail naman ay pinabantayan ko muna kay Mika dahil kasama ko si Azrael sa paglilibot at pagbati sa mga bisita. "Thank you for accepting my invitation Mr. Gonzales." Tumango naman ang lalaking nilapitan namin ni Azrael. Aabot na ata ng sampu ang binati namin at mukhang marami pa pero todo ngiti pa rin ako sa tuwing may lalapitan kami na bago. "Of course. You know I love kids and I am thankful to people who help them through this kind of projects." Malamlam ang mata niyang nakatingin sa asawa ko bago niya inilipat sa akin ang tingin. "This must be your wife." Awtomatikong lumapad ang ngiti ko at binati siya. "Go
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

CHAPTER 94

Alora's POV"Alis na po kami," pagpapaalam ko kay Manang Karla. Katatapos lang ng selebrasyon, nakatulog na rin si Rail kaya buhat-buhat ito ngayon ng ama niya. "Balik ulit kayo ate ha." Tumango ako sa sinabi ni Mika, wala dito si Kalo kase exam daw sa paaralan kaya siya lang ang nagbantay kay Rail buong araw. "Oo naman. Babalik talaga ako rito lalo na kung may gawin na namang kabulastugan itong kuya Azrael niyo," natatawa kong sabi, pati na rin si Mika ay natawa na. "Hinding-hindi ako gagawa ng kabulastugan pero sure ako na babalik ulit sila dito kahit kailan na gusto nila. Pwede rin naman kayong pumunta sa bahay kahit kailan niyo gusto para makita ang ate niyo." Masayang nagtatalon ang mga bata habang malapad naman ang ngiti ni Mika dahil sa sinabi ni Azrael."Babye na, gagabihin na kami sa daan eh." Yumakap pa muna ako kay Manang Karla at kumaway sa mga bata bago pumasok sa kotse. Katulad ng pinangako namin sa kanila ay nagpabalik-balik nga kami sa pagbisita sa Dream Care, kada
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

CHAPTER 95

Alora's POV "Wife gusto mo bang pumunta sa ibang bansa?" Napatingin ako kay Azrael sa biglaan niyang tanong. "Bakit mo naman natanong?" Nasa sofa kami nakaupo habang nanonood ng balita tapos bigla-bigla na lang magtatanong nang may makitang airplaine sa TV. "Punta tayo sa Korea," pag-aaya niya. "Magbakasyon tayo doon ng isang linggo tapos sakto lang iyon dahil pag-uwi natin pasko na." Dalawang linggo na lang bago ang pasko, gusto kong pumayag sa plano niya pero nakakatakot sumakay sa eroplano. "Pag-iisipan ko." Kita ko siyang napangiti dahil sa sagot ko. Balita ko ay may snow din sa Korea, gusto kong makaranas ng ganon pero kaya ko bang malampasan ang takot ko?"Ipapahanda ko na ang private plane namin." Isang linggo pa ang dadaan at hindi pa nga ako nagsasabi ng oo pero naghahanda na siya. Hayaan ko na lang, kung doon siya masaya sa sobrang excited niya sige. Narinig ko ang pagbaba ni Rail sa hagdan— hindi ako sure kung hagdan ba ang itatawag ko doon dahil ang totoo ay escalator
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

CHAPTER 96

Alora's POV Pagkababa namin sa eroplano ay deritso kami sa bahay na tutuluyan daw namin. Hindi ko alam kung ilang oras ba kaming nasa himpapawid pero napagod ako kaya siguro nakatulog ako byahe pati rin si Rail dahil paggising ko ay saka rin naman ang paggising niya. Nagulat pa ako dahil akala ko sa isang hotel kami tutuloy pero literal na buong bahay ang bumungad sa akin. "May bahay kayo dito?" tanong ko kay Azrael, ang inaasahan ko kase talaga ay sa hotel kami matutulog dahil wala rin naman siyang sinabi sa akin. "Wala, inupahan ko lang ito." Tumango ako. Ang taray naman pala dito sa Korea pinapaupahan nila ang buong bahay. May ganito rin kaya sa Pilipinas? Nakita ko pang sa kabilang bahay pumasok ang mga tauhan niya pati na rin si Calem."Pati ba iyang isang bahay inupahan din?" Tumango siya kaya mas lalo akong namangha. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito. Pagpasok namin sa bahay ay sobrang linis. Puti ang kulay ng lahat ng pader at maganda rin ang pagkakaayos sa mga furniture
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

CHAPTER 97

Alora's POV Matapos ang nangyari sa amin kagabi ni Azrael ay sinimulan na namin ang pamamasyal. "Saan tayo pupunta?" tanong ko habang inaalalayan si Rail na makapasok sa kotse. "Sa Insadong," sagot ni Azrael bago binuksan ang pinto ng kotse at pinapasok ako. Inantay ko pang makasakay siya driver's seat para magtanong. "Ano yun?" "It's a neighborhood wife. It has traditional korean and modern vibe." Tumango na lang ako. Hindi ko siya maintindihan ng lubos pero dahil pupuntahan din naman namin ang lugar na iyon at malalaman ko rin naman ang sinasabi niya at hindi na ako nagtanong pa.Kotse ang sinasakyan namin kaya malaya akong tumingin sa labas at ganon din ang ginagawa ng anak ko sa likod. Ang sarap sa mata tingnan ng mga bahay at building dahil hindi nagkakalat at siguro ay dahil din sa bago iyon sa mata ko. Ang ikinagulat ko pa ay walang masyadong traffic dito, hindi katulad sa Pilipinas na masyado ang traffic, ang sampung minutos na byahe ay nagiging isang oras pero dito sa Kor
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

CHAPTER 98

Alora's POV Tanghali na nang umalis kami dahil plano naming makita ang sunset sa pagpunta namin doon. Hindi pa rin nawala ang excitement ni Rail, walang sawa siyang nagtatanong sa ama niya kung katulad ba iyon ng Boracay at madami pang tanong. Sinasaway ko naman siya kadalasan dahil delikado iyon kase nahahati ang atensyon ni Azrael, siya pa naman ang nagda-drive. "Anak tama na ang pagtatanong kase malapit na rin naman tayo at nagda-drive rin si Papa," malumanay kong saway kay Rail, sumimangot ito pero hindi ko pinansin. Mawawala rin naman ang pagtatampo niyang iyan sa oras na mapalitan ng excitement kapag nakita na niya ang dagat at buhangin at hindi nga ako nagkamali. Pagbaba na pagbaba namin ng kotse ay hinawakan niya agad ang kamay naming dalawa ng Papa niya at hinila kami papunta mismong beach. Nagtatakbo agad siya sa oras na tumapak siya sa buhangin kaya naman ay hinabol namin siya. Tawang-tawa siyang tumatakbo palayo sa amin at ang habulan na iyon ay bigla na lang naging lar
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

CHAPTER 99

Alora's POV Pangatlong araw na namin ngayon dito sa Korea at pupunta sana kami ngayon sa Myeongdong para sana mag-shopping pero dahil biglang nagkaroon ng lagnat si Rail ay hindi kami nakapunta. Nag-utos na lang si Azrael sa isa sa mga tauhan niya na bumili ng mga lulutuin para sa kakainin namin mamaya at ng medisina para kay Rail. Habang hindi pa dumarating ang medisina ay pinahiran ko muna ng basang bempo ang katawan ni Rail at pinahina ko rin ang aircon sa kwarto niya. Si Azrael naman ay nasa baba para magluto ng lugar, mabuti na nga lang at mayroon kaming natirang bigas. Pag-akyat ni Azrael sa kwarto ay sakto rin namang kakatapos ko lang pahiran ang katawan ni Rail kaya umalis muna ako para linisan ang ginamit ko. Medyo mataas ang lagnat ni Rail pero aantayin muna naming dumating ang medisina at kung mataas pa rin ay dadalhin na namin siya sa hospital. Pinainom namin agad si Rail ng gamot nang dumating si Calem, mabuti na nga lang ay hindi nagtagal at bumaba ang lagnat niya. Hi
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

CHAPTER 100

ALORA'S POV Gumala ulit kami sa ika-limang araw namin. Nanatili lang kami sa bahay sa pang-apat na araw at napagdesisyonang hindi muna mamasya dahil baka masinat pa si Rail lalo na at kagagaling niya pa lang sa lagnat at iyon din ang ibinilin sa amin ni Dad.Ngayon ay sa Gyeongbokgung Palace ang destinasyon namin. Gamit ang kotse ay tinungo namin iyon, pumarada kami sa isang parking lot at naglakad patungo sa pupuntahan namin, hindi na naman iyon malayo.Ang sarap talagang maglakad sa gilid ng kalsada ng bansang ito. Ang gaan sa pakiramdam, hindi ma-tao, maganda ang tanawin, mabango ang kapaligiran at tahimik. Kung sa Pilipinas 'to ay baka puro sasakyan ang makikita ko at usok ng mga sasakyan ang maamoy, dagdagan pa ng sobrang ingay at naparaming tao baka nga madukutan pa ako o di kaya masaksak eh. Masarap sana tumira dito pero mas masarap at masaya pa rin kung sa sariling bansa kahit na maraming problema at korapsyon doon ay mas pipiliin ko pa ring sa Pilipinas manirahan. Ang hili
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more
PREV
1
...
8910111213
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status