Alora's POV "Ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi niyong para siyang isang basag na glass noong araw na nagkita kayo?""Dumating siya noong araw na iyon na mahina ang katawan—" bigla siyang tumigil sa pagsasalita at hinanap ang mga mata ko sa likod ng camera. "Wife can I talk about this?" Ngumiti ako at tumango at nang makuha ang sagot ko at saka niya ipinagpatuloy ang una niyang sinabi kanina. "Dumating siyang mahina ang katawan at puno ng pasa dahil inaabuso siya ng mga dumukot sa kanya kaya ginamit niya ang pangalan ni Alora." Hindi niya binanggit ang pangalan ni Koen, hindi ko alam kung bakit. Magtatanong na lang siguro ako sa kanya mamaya. "Were you already divorced when you lived with your wife now?" Ibang tanong naman ang ibinigay sa kanya. "We are not yet divorced but I already ended up my relationship with Alora that night when she cheated on me. Sa totoo nga lang ay limang buwan na wala kaming komunikasyon kaya noong makita ko ang asawa ko ngayon ay in-offer-an ko siy
Alora's POVIsang araw katapos ng interview sa bahay ay ipinalabas na iyon sa TV. Nahati ang atensyon ng madla, may mga pumanig na sa amin at may iba namang nanatili sa pangba-bash sa amin, lalo na sa akin. Nagpunta rin sa bahay ang mga magulang ni Alora para magmakaawa na huwag ilabas ang CCTV footage. "I will tell my daughter to stop bothering you, just don't release those footage," nagmamakaawang sabi ng ina ni Alora. Ngayon ko lang sila nakita pero parang pamilyar sa akin ang ina niya, siya ata ang nagtanong sa akin noon kung may nakita ba akong batang Alora Hazel Valezka ang pangalan. "Please Azrel, nagmamaakawa ako. Sirang-sira na ang pangalan namin sa business industry at ayaw na naming masira pa lalo iyon." Malapit nang lumuhod ang ina ni Alora sa pagmamakaawa sa asawa kong nakatingin lang sa kanila ng walang emosyon habang ako ay nasa likod niya, pinapanood ang lahat. "I won't release it pero kapag ginulo ulit kami ng anak mo ay hindi ako magdadalawang-isip na ilabas iyon.
Alora's POVNahirapan pang paalisin ng mga tauhan ni Azrael ang totoong Alora. Nagtagumpay sila pero para bang nalungkot ang anak namin dahil doon. "Bakit umalis sila agad Papa?" tanong ni Rail na ang tinutukoy ay ang batang kasama ni Alora. "Bibigyan ka namin ng ganon pero hindi pa ngayon okay?" malambing na sabi ni Azrael sa anak namin. Bumaling pa siya sa akin at sabay pa silang dalawa ni Rail kaya tumango na lang ako. Kakatapos lang naming kumain ng hapunan at napatulog na rin namin si Rail kaya pabalik na kami sa kwarto namin ni Azrael."Bakit mo naman sinabi iyon sa anak natin?" tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa loob ng kwarto."Ang alin?" "Na bibigyan natin siya ng kapatid?" mahina kong sabi, hindi naman sa ayaw ko pero para kaseng hindi pa ngayon ang tamang panahon para dagdagan ulit ang pamilya namin lalo na at hindi pa natatapos ang panggu-gulo ni Alora sa amin. "Ayaw mo ba?" Lumapit siya at yumakap sa likod ko. Umiling naman ako bilang sagot at naramdaman ko
Alora's POV Wala akong kaalam-alam kung saan kami papunta ngayon. Mamayang gabi ay selebrasyon na ng new year, hindi ko nga alam kung tama bang sabihin ang mga salitang mamayang gabi dahil gabi na naman ngayon kase ang oras ay alas syete na. Hindi ko pa rin alam kung anong klaseng surpresa ang nag-aantay sa akin kaya sobrang excited pa rin ako tulad nang mga nakaraang araw. "Anak, alam ko ba kung ano yung surpresa nila Papa at Lolo Dad mo?" tanong ko kay Rail, baka kase alam niya eh. Hindi na kase talaga ako mapakali. Narinig ko ang tawa ni Azrael pero hindi ko siya pinansin dahil inantay ko ang sagot ng anak namin. Nang umiling naman si Rail ay agad akong napaupo na naman ng maayos. "Kalma wife, okay? Malalaman mo na rin naman iyon dahil malapit na tayo." Tahimik na lang akong tumango. Siguro nga kaysa naman pilitin kong sagutin ni Azrael ang tanong ko at hindi na ako ma-surpirse tulad ng gusto nila. Huminto kami sa isang building, moderno ang design at nasa mismong syudad nakat
Alora's POVDahan-dahang naglakad si Azrael papasok sa building at dahil hawak niya ang kamay ko ay kusa akong sumunod sa kanya. Pagbukas ng pinto ay nagulat agad ako. Walang kahit ano sa paligid— upuan, lamesa o kahit anong furniture, pahaba rin ang porma ng building kaya ang tanging makikita mo lang ay ang kung anong nasa harap mo. Kapag binuksan ang pinto ay bubungad agad sa kahit sinong papasok ang nakasulat sa pader na 'Alcazar's Generations' at sa likod nito ay ilan pang pader na nakatayo pero may pagitan sa bawat isa. Sa bawat pader na iyon ay may nakasabit na pangalan at litrato. Sa isang bahagi ay may nakasulat na 'Felecity & Benjamin Alcazar' at sa ibaba nun ay ang mga litrato ng isang babae at lalaki, may isang litrato namang nandoon si Dad at si Tito Gavin kaya nakilala ko agad na iyon ang Lolo at Lola ni Azrael at ang ama at ina ni Dad. "Who are these people Papa?" Rinig kong tanong ni Rail sa ama habang ang mata ko ay abala pa rin sa mga litrato na nakasabit sa paligid
Alora's POV Ang dating walang laman na espasyo sa pagitan ng pinto at ng mga pader na nakatayo upang pagsabitan ng mga litrato ay ngayon puno na ng mga lamesa at upuan. Sa harap rin ng pader na may nakasulat na 'Alcazar's Generations' ay may parang stage. Marami na ang tao sa loob at lahat sila ay bumabati kay Azrael kapag nagtatagpo ang mga tingin nila kaya ako ay todo ngiti lang kahit sa lakas ng kabang nararamdaman. May mga ibang nagtitingin na sa kanya-kanyang mga litrato at ang iba naman nasa lamesa o di kaya ay nakaupo at nakikipag-usap sa mga kapwa nila Alcazar. Ako naman ay sunod lang ng sunod kay Azrael dahil hindi ko naman alam kung saan kami papunta dahil sa rami ng lamesa dito. Akala ko rin ay dalawa kami ni Rail na kinakabahan pero hindi dahil wiling-wili ang mga mata niya habang karga-karga siya ng ama niya. Nagbabago na talaga ang anak ko, dati ay mahiyain naman siya sa harap ng ibang tao lalo na kapag sa maraming tao pero ngayon ay todo ngiti pa ito sa mga taong ngay
Alora's POV "Now, that the new year has started let us also start the celebration of the opening of Alcazar's Generational Museum!" Rinig sa bawat sulok ng building ang palakpak ng mga taong andito at ang kanilang excitement kasama na rin ang akin. "First, let us call Mr. Rafael Alcazar to introduce every generations." Bumalik ulit ang mga palakpak at tumayo si Dad para umakyat sa stage. Tumayo siya sa gitna ng stage habang hawak-hawak ang microphone. "Happy new year everyone!" bati niya muna bago magsimula ng ipakilala ang bawat henerasyon ng Alcazar. "Hindi ko masasabing sila ang pinaka-unang henerasyon ng mga Alcazar pero sigurado akong sa kanila nagsimula ang tradisyon na meron ngayon ang mga Alcazar, meet Benjamin and Felicity Alcazar." Isang picture ang lumitaw sa likod ni Dad, picture iyon ng mga magulang niya. "Sila ang nagturo sa amin ni Gavin na kumuha ng picture kada taon para may magsisilbing memories at kalaunan ay ginawa na rin iyon ng mga anak ng kapatid nila Mama at
Alora's POV Pagbaba namin ng stage ay pagbati ang sumalubong sa amin. Mas naging komportable na ako sa iba niyang kamag-anak dahil kita ko rin naman sa kanila na masaya sila para sa amin. "Congratulations!" Pareho kaming napalingon ni Azrael sa kanan namin. Si Owen iyon kasama ang asawa at panganay niyang anak. "Congratulations Tito Azrael and Tita Alora," bati rin sa amin ng panganay na anak ni Owen, kung hindi ako nagkakamali ay Law ang pangalan niya. "Thank you!" nakangiti kong sagot dito. Ang cute niya pero mas nangingibabaw ang kapogian niya. Sa tingin ko rin ay kinse na ang edad nito. "Congratulations Alora!" Si Hailey naman iyon, asawa ni Owen. Nakipagbeso ako sa kanya bago nagpasalamat. Lumapit kami sa lamesa nilang bakante na. Doon ay nag-usap-usap kami sa iba't-ibang bagay, mas nakilala ko rin sila dahil doon. Kasama pa rin namin si Law pero tahimik lang siya, minsan ay sumasali rin naman siya sa usapan pero kapag tinatanong lang siya ng Dad niya. "Oh my gosh!" Kasaba
Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo
Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang
Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin
Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi
Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b