3rd Person's Point Of View Hindi muling nagka-imikan ang dalawa, binalot ng katahimikan ang buong silid. Umiiyak si Jace na tahimik habang si Aye naman ay tahimik lang rin na pinagmamasdan ang kaibigan.Nasasaktan siya na nakikita itong umiiyak, pero wala namang mali sa sinabi niya. Sinabi niya lang ang totoo rito, gusto niya lang ma-realize nito ang lahat ng mali at magising sa katotohanan. Kahit pa alam niya na masasaktan ito.Hindi niya nakayanan na marinig ang pag iyak nito, kaya tumalikod siya at umalis ng silid upang magpahangin. Ramdam niya kasi ang panunubig ng kanyang mga mata habang tinitingnan ang kaibigan.Bahagya pa siyang natigilan ng pagkabukas niya ng pinto, ay ang mukha ni Gavin ang unang bumungad sa kanya, na ngayon ay nakatayo sa tapat ng pinto habang nakasilid ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot nitong pants.Tumikhim siyaz hindi niya alam kung ano ang dapat na sabihin, pakiramdam niya kasi ay may bumara sa kanyang lalamunan.“How is she?”Napakurap ng mata si
Terakhir Diperbarui : 2025-02-20 Baca selengkapnya