ARIANNE "Nanuod po ako ng movie kanina sa sinehan at naglibot-libot na rin ako sa mall kanina kaya ngayon pa lang po ako uuwi sa bahay ni Kuya Josh. Nagpaalaman naman po ako sa kanya kanina nang umalis ako kaya alam naman niya kung saan ako pupunta, eh. Pumayag naman nga po siya," sabi ko pa kay dad. "Tinatamad pa po kasi akong umuwi kanina kaya doon na muna ako tumambay sa mall. Ngayon po ay pauwi na po ako sa bahay niya.""A, okay, baby," sabi ni dad sa akin. "Magpakabait ka d'yan sa bahay ng Kuya Josh mo.""Oo naman po, dad. Mabait naman po ako, eh. Wala naman po akong ginagawa na masama kahit kanino," nakangising tugon ko sa kanya sa kabilang linya. "E, ikaw po, dad? Kumusta ka po d'yan?""Okay naman ako dito. Nasa hotel na kami. Kakatapos pa lang ng seminar namin na para sa araw na 'to kaya nakatawag ako sa 'yo." I sighed deeply."A, ganoon po ba?" I heard him sighed too. "Oo, baby. After three weeks ay magkikita muli tayo d'yan sa Maynila. May gusto ka bang bilhin ko na pasalu
Last Updated : 2025-01-16 Read more