Lahat ng Kabanata ng The Forced Wife of the Ruthless Billionaire: Kabanata 21 - Kabanata 30

82 Kabanata

Chapter 21.1: Gawin ang lahat para makulong

Chapter 21.1: Gawin ang lahat para makulongPAGMULAT ng mga mata ni Skylar, umaga na. Mahimbing ang naging tulog niya. Ito ang kauna-unahang gabi na hindi siya nanaginip ng masama mula nang maghiwalay sila ni Jaxon limang taon na ang nakalipas.Bagama’t siya ay nakatulog nang maayos, si Jaxon naman ay halos hindi nakatulog. Magdamag nitong kinakalaban ang sarili nitong isip. Isang bahagi rito ang nagsasabing may karapatan itong angkinin si Skylar dahil asawa na nito ang babae. Ang kabilang bahagi naman ay nagsasabing huwag, dahil pagod na pagod ito kahapon at mas magandang may malay si Skylar. Wouldn't it be called ràpe if he took advantage of her while she's sleeping? He may be an ass but he's not like that. May oras naman para gawin iyon. Halos mabaliw si Jaxon sa pag-aaway ng dalawang boses sa isipan nito. "Naistorbo ba kita kagabi dahil hindi ako mapakali sa pagtulog?" tanong ni Skylar nang makita niyang pagod na pagod ang itsura ni Jaxon. Namumula ang mga mata nito at halatang
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

Chapter 21.2: Si Kris

Chapter 21.2: Si KrisTUMAAS ang kilay ni Jaxon. "Ang isang lalaking walang ginawa kundi magsugal at kunin ang pinaghirapan ng anak niya, karapat-dapat bang tawaging ama. Sa tingin mo, Wallace?"Umiling si Wallace. "Hindi po, Sir.""You also think like that. Then do what I said." Para kay Jaxon, hindi niya basta palalampasin ang sinumang nananakit kay Skylar, kahit pa ama ito ni Skylar. "Yes, Sir." Pagkatapos tumango ni Wallace, lihim nitong tiningnan si Jaxon sa rearview mirror, iniisip kung gaano kamahal ng lalaki si Skylar. Gusto sanang tanungin ni Wallace na: "Sir, alam ba ni Miss Skylar kung gaano mo siya kamahal?"Pero kahit anong tapang ni Wallace, hindi nito kayang itanong iyon kay Jaxon.Nang mapadaan ang sasakyan malapit sa ospital kung saan naka-admit si Terra, biglang nagsalita si Jaxon sa kanya. "Stop."Sa malamig at galit na tono ni Jaxon, napatigil si Wallace at agad na inapakan ang preno. Hindi ito nagtanong kung bakit pero lihim nitong sinilip si Jaxon. Napansin n
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

Chapter 22.1: Wala sa kontrata

Chapter 22.1: Wala sa kontrataBUMUKAS ang elevator at hinila ni Jaxon si Skylar palabas. Halos mabuwal si Skylar dahil sa ginawing iyon ni Jaxon pero hindi niya nagawang magreklamo. Napalingon si Skylar kay Kris na tila humihingi ng paumanhin at tahimik na binigkas ang "sorry" gamit ang kanyang mga labi. Ngumiti naman si Kris at binigkas din gamit ang mga labi nito. "Okay lang. Sa totoo lang, ako ang dapat humingi ng sorry."Natigilan si Skylar. Ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Kris? Bakit ito humihingi ng sorry? Wala naman itong ginawang mali ngayong araw. Bago pa niya maintindihan, itinulak na siya ni Jaxon papasok sa kwarto ni Terra.“Aray!” Napasuray siya at muntik nang matumba. Tiningnan niya nang masama si Jaxon pero wala siyang nasabi katulad kanina. “I appreciate beauty, but I expect a woman to maintain her decorum. If I see you and Kris getting cozy again, you won't be so lucky next time, Skylar! Do you understand me?”Malumanay ang boses ni Jaxon, pero ramdam ang pagbab
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

Chapter 22.2: Mahal na mahal

Chapter 22.2: Mahal na mahal“KUYA JEANDRIC, ibaba mo na po ako. Kaya ko na po ang sarili ko.”Agad na bumaling si Skylar at tumingin sa direksyon ng pinto. Nakita niya si Jeandric na buhat-buhat si Terra. Nakayakap si Terra sa leeg ni Jeandric at ang maliit nitong mukha na kasinlaki lang ng palad ay namumula sa hiya."Bakit ka nagpapasikat ngayon? Halos himatayin ka na kanina, tapos sasabihin mong kaya mo ang sarili mo?" tanong ni Jinrong habang nakayuko, bahagyang pinapagalitan si Terra.Halos himatayin? Ibig sabihin lumala ang kondisyon ni Terra.Hindi napigilan ni Skylar na maglakad palapit sa kapatid, puno ng pag-aalala ang mukha. “Ate, kailan ka pa dumating?” tanong ni Terra na agad na ngumiti nang makita si Skylar. Pag-angat ng tingin ni Terra, napansin nito si Jaxon na nakatayo malapit sa bintana. Biglang lumiwanag ang mga mata nito. “Kuya Jaxon, nandito ka rin!”Tiningnan ni Jaxon si Terra at sinuri ang kabuoan nito. “Yes. May pinuntahan ako kaya dumaan ako para makita ka.
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

Chapter 22.3: Alaala

Chapter 22.3: AlaalaSa TULONG at pera ni Jaxon, naging maayos ang operasyon ni Terra. Sinabi ng doktor na kung mabilis ang paggaling ni Terra, makakabalik na ang dalaga sa pag-aaral sa lalong madaling panahon.Nang marinig ang magandang balita, labis ang tuwa ni Skylar kaya napaiyak siya. Yumuko siya at paulit-ulit na nagpasalamat sa doktor bago siya lumabas ng opisina. Dahil sa sobrang saya, halos lumipad na siya palabas ng doctor's office. Sa loob ng kwarto, nanonood si Terra ng TV. Nang makita si Skylar na pumasok, ngumiti ito. "Ate!"Lumapit si Skylar at niyakap si Terra habang humahagulgol.Nagulat si Terra sa pag-iyak ng ate. Nanlaki ang mga mata nito at namutla ang mukha. Nanginginig ang mga labi nang magtanong ito. "A-Ate, anong nangyari? Sabi ba ng doktor na hindi nagtagumpay ang operasyon at wala na akong pag-asa?"Hindi si Terra makatingin nang diretso sa mata ng ate, takot na takot itong makarinig ng sagot na ayaw nitong marinig. Marami pang pangarap si Terra. At kung ma
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

Chapter 23.1: Hindi pa rin nagbabago

Chapter 23.1: Hindi pa rin nagbabagoPUPUNTA muli si Caridad sa ospital para dalawin si Terra at alam ni Terra na isa lang ang pakay ng madrasta - ang malaman kung saan talaga kumuha ng pera pangtustos sa operasyon ni Terra. Hindi gustong sabihin ni Terra kay Caridad na ang kapatid niyang si Skylar ay kasintahan ni Jaxon ngayon. Natatakot si Terra na gamitin ni Caridad at Lito ang pagiging "future in-laws" nila kay Jaxon para makakuha ng pera at gumawa ng gulo, tulad ng ginawa nila noon sa lalaki. Kaya ang isasagot ni Terra kapag tatanungin ni Caridad, hindi niya alam kung saan nanggaling ang pera.Pero matalino si Caridad at alam ni Terra na hindi tatagal ang pagtatago niya ng totoo kaya hindi pa rin maiwasan ni Terra na mag-alala."Ate, may mga nurse at tagapag-alaga naman dito sa ospital para sa akin. Huwag ka nang masyadong pumunta dito. Mas maganda kung mas marami kang oras kasama si Kuya Jaxon," sabi niya.Ayaw niyang mapansin ni Caridad at Lito si Skylar na naroon. Naintindih
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Chapter 23.2: Maling akala

Chapter 23.2: Maling akalaPARA pasalamatan si Jaxon sa pagtulong sa operasyon ni Terra, dumiretso si Skylar sa mall matapos umalis sa ospital at pumili ng sinturon na regalo para kay Jaxon bilang pasasalamat.Ginamit niya ang sariling pera para bumili ng Gucci, isang brand na madalas gamitin ni Jaxon. Halos 70,000 pesos ang nagastos niya. Bagamat maliit na halaga ito para kay Jaxon, ito one third ng naipon niya. Sobrang bigat sa loob niya ang paggastos nito pero dahil para sa asawa, pikit-mata niyang binili iyon. Pagkauwi, maingat niyang inihanda ang isang masarap na dinner para kay Jaxon. Simula nang magpakasal sila, hindi na bumalik si Jaxon sa bahay na iyon. Sobrang tagal na, kaya nagsimula na siyang maniwala na totoo ang sinasabing hindi kaya ni Jaxon makipagtàlik. Kung hindi totoo iyon, bakit hindi siya hinawakan ni Jaxon kahit kailan mula nang ikasal sila?Pagkatapos magluto, naisip niyang puno siya ng amoy ng mantika. Natatakot siyang baka magalit si Jaxon na may pagkamasela
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Chapter 23.3: Ganoon katindi

Chapter 23.3: Ganoon katindiNOONG tamaan si Jaxon ng unan, bigla siyang huminto sa paglakad. Lumingon siya kay Skylar na may makahulugang tingin, "Ano? Pakiramdam mo ba, inagrabyado kita?"Ngayon, alam na ni Jaxon kung anong ugali mayroon si Skylar. Kung hindi ito nakaramdam ng pagkaapi, hindi nito ipapakita ang tapang na nakatago sa pagkatao nito. "Oo, inagrabyado mo ako! Walang mali sa pagitan namin ni Kris. Magkaibigan lang kami. Bakit ba hirap kang paniwalaan ako?!"Alam ni Skylar na si Jaxon ay isang makasariling tao na ayaw nang kinokontra. Pero ngayong araw, alam niyang wala siyang kasalanan. Tinuturing niyang kapatid at kaibigan si Kris. Ang mahal niya mula umpisa hanggang dulo ay ang lalaking nasa harapan niya ngayon.Naningkit ang mga mata ni Jaxon at mapait na ngumiti. "Kung wala kayong relasyon, bakit niya hinawakan ang kamay mo? Holding hands while running, huh?"Pagkarinig nito, bahagyang humupa ang galit ni Skylar. Tumango siya, ngumisi at tumingin diretso sa mga mata
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Chapter 24.1: The past

Chapter 24.1: The pastHabang nakatingin si Jaxon sa kumukutitap na mga neon lights sa labas ng bintana ng kotse, tumagos ang mga makukulay na ilaw sa kanyang malalim na mga mata. Nang mag-overlap ang maliliit at malalaking bilog ng liwanag, tila bumalik siya sa alaala ang isang maulang gabi. Nagka-car accident ang kanyang kapatid at naospital. Doon niya nakita si Skylar sa ospital. Naalala niyang basang-basa si Skylar mula ulo hanggang paa, tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok hanggang pantalon, pero ang mga mata nito ay nakakagulat na tuyo.Ang batang si Terra ay nawalan ng malay dahil sa kakaiyak sa katawan ng kanilang ina na wala nang buhay noon. Si Lito ay umiiyak din, namumula ang mga mata ng lalaki pero si Skylar, ni isang luha ay walang tumulo. Nakatingin lang ito sa bangkay ng ina. Tinitigan ni Jaxon ang babae nang may pagtataka. Paano nangyari na may tao palang hindi nalulungkot o nagdadalamhati kahit namatay ang ina nito?Biglang tumalikod si Skylar at nagmamadaling l
last updateHuling Na-update : 2025-01-29
Magbasa pa

Chapter 24.2: Pinasara

Chapter 24.2: PinasaraDUMATING ang kotse sa harap ng mansyon. Bumusina ang driver ng dalawang beses para ipaalam sa guwardiya na buksan ang gate.Tahimik ang buong bahay dahil tulog na ang mga kasambahay. Pumasok si Jaxon sa sala dala ang regalo ni Skylar."Sir..." Hinabol si Jaxon ng driver mula sa likod habang hawak ang isang lunch box. Tiningnan nito si Jaxon na parang may gustong sabihin. "Y-Yung pagkain po...""Reheat it," maikling sagot ni Jaxon, sabay akyat sa itaas. Pagkapasok sa kwarto, isinara niya ang pinto, ini-lock iyon at saka binuksan ang regalo.Habang binubuksan ang regalo, nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon pero bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay. Pinipilit niyang magpakatatag pero mas lalo lang itong nanginginig.Nasa loob ng kahon ang isang Gucci leather belt. Ang presyo nito, na wala pang isang daang libong piso, ang pinakamurang regalong natanggap niya simula pagkabata. Pero ang saya na dala ng regalo na iyon ay hindi matutumbasan.Tinitigan niy
last updateHuling Na-update : 2025-01-29
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status