Chapter 21.2: Si KrisTUMAAS ang kilay ni Jaxon. "Ang isang lalaking walang ginawa kundi magsugal at kunin ang pinaghirapan ng anak niya, karapat-dapat bang tawaging ama. Sa tingin mo, Wallace?"Umiling si Wallace. "Hindi po, Sir.""You also think like that. Then do what I said." Para kay Jaxon, hindi niya basta palalampasin ang sinumang nananakit kay Skylar, kahit pa ama ito ni Skylar. "Yes, Sir." Pagkatapos tumango ni Wallace, lihim nitong tiningnan si Jaxon sa rearview mirror, iniisip kung gaano kamahal ng lalaki si Skylar. Gusto sanang tanungin ni Wallace na: "Sir, alam ba ni Miss Skylar kung gaano mo siya kamahal?"Pero kahit anong tapang ni Wallace, hindi nito kayang itanong iyon kay Jaxon.Nang mapadaan ang sasakyan malapit sa ospital kung saan naka-admit si Terra, biglang nagsalita si Jaxon sa kanya. "Stop."Sa malamig at galit na tono ni Jaxon, napatigil si Wallace at agad na inapakan ang preno. Hindi ito nagtanong kung bakit pero lihim nitong sinilip si Jaxon. Napansin n
Chapter 22.1: Wala sa kontrataBUMUKAS ang elevator at hinila ni Jaxon si Skylar palabas. Halos mabuwal si Skylar dahil sa ginawing iyon ni Jaxon pero hindi niya nagawang magreklamo. Napalingon si Skylar kay Kris na tila humihingi ng paumanhin at tahimik na binigkas ang "sorry" gamit ang kanyang mga labi. Ngumiti naman si Kris at binigkas din gamit ang mga labi nito. "Okay lang. Sa totoo lang, ako ang dapat humingi ng sorry."Natigilan si Skylar. Ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Kris? Bakit ito humihingi ng sorry? Wala naman itong ginawang mali ngayong araw. Bago pa niya maintindihan, itinulak na siya ni Jaxon papasok sa kwarto ni Terra.“Aray!” Napasuray siya at muntik nang matumba. Tiningnan niya nang masama si Jaxon pero wala siyang nasabi katulad kanina. “I appreciate beauty, but I expect a woman to maintain her decorum. If I see you and Kris getting cozy again, you won't be so lucky next time, Skylar! Do you understand me?”Malumanay ang boses ni Jaxon, pero ramdam ang pagbab
Chapter 22.2: Mahal na mahal“KUYA JEANDRIC, ibaba mo na po ako. Kaya ko na po ang sarili ko.”Agad na bumaling si Skylar at tumingin sa direksyon ng pinto. Nakita niya si Jeandric na buhat-buhat si Terra. Nakayakap si Terra sa leeg ni Jeandric at ang maliit nitong mukha na kasinlaki lang ng palad ay namumula sa hiya."Bakit ka nagpapasikat ngayon? Halos himatayin ka na kanina, tapos sasabihin mong kaya mo ang sarili mo?" tanong ni Jinrong habang nakayuko, bahagyang pinapagalitan si Terra.Halos himatayin? Ibig sabihin lumala ang kondisyon ni Terra.Hindi napigilan ni Skylar na maglakad palapit sa kapatid, puno ng pag-aalala ang mukha. “Ate, kailan ka pa dumating?” tanong ni Terra na agad na ngumiti nang makita si Skylar. Pag-angat ng tingin ni Terra, napansin nito si Jaxon na nakatayo malapit sa bintana. Biglang lumiwanag ang mga mata nito. “Kuya Jaxon, nandito ka rin!”Tiningnan ni Jaxon si Terra at sinuri ang kabuoan nito. “Yes. May pinuntahan ako kaya dumaan ako para makita ka.
Chapter 22.3: AlaalaSa TULONG at pera ni Jaxon, naging maayos ang operasyon ni Terra. Sinabi ng doktor na kung mabilis ang paggaling ni Terra, makakabalik na ang dalaga sa pag-aaral sa lalong madaling panahon.Nang marinig ang magandang balita, labis ang tuwa ni Skylar kaya napaiyak siya. Yumuko siya at paulit-ulit na nagpasalamat sa doktor bago siya lumabas ng opisina. Dahil sa sobrang saya, halos lumipad na siya palabas ng doctor's office. Sa loob ng kwarto, nanonood si Terra ng TV. Nang makita si Skylar na pumasok, ngumiti ito. "Ate!"Lumapit si Skylar at niyakap si Terra habang humahagulgol.Nagulat si Terra sa pag-iyak ng ate. Nanlaki ang mga mata nito at namutla ang mukha. Nanginginig ang mga labi nang magtanong ito. "A-Ate, anong nangyari? Sabi ba ng doktor na hindi nagtagumpay ang operasyon at wala na akong pag-asa?"Hindi si Terra makatingin nang diretso sa mata ng ate, takot na takot itong makarinig ng sagot na ayaw nitong marinig. Marami pang pangarap si Terra. At kung ma
Chapter 23.1: Hindi pa rin nagbabagoPUPUNTA muli si Caridad sa ospital para dalawin si Terra at alam ni Terra na isa lang ang pakay ng madrasta - ang malaman kung saan talaga kumuha ng pera pangtustos sa operasyon ni Terra. Hindi gustong sabihin ni Terra kay Caridad na ang kapatid niyang si Skylar ay kasintahan ni Jaxon ngayon. Natatakot si Terra na gamitin ni Caridad at Lito ang pagiging "future in-laws" nila kay Jaxon para makakuha ng pera at gumawa ng gulo, tulad ng ginawa nila noon sa lalaki. Kaya ang isasagot ni Terra kapag tatanungin ni Caridad, hindi niya alam kung saan nanggaling ang pera.Pero matalino si Caridad at alam ni Terra na hindi tatagal ang pagtatago niya ng totoo kaya hindi pa rin maiwasan ni Terra na mag-alala."Ate, may mga nurse at tagapag-alaga naman dito sa ospital para sa akin. Huwag ka nang masyadong pumunta dito. Mas maganda kung mas marami kang oras kasama si Kuya Jaxon," sabi niya.Ayaw niyang mapansin ni Caridad at Lito si Skylar na naroon. Naintindih
Chapter 23.2: Maling akalaPARA pasalamatan si Jaxon sa pagtulong sa operasyon ni Terra, dumiretso si Skylar sa mall matapos umalis sa ospital at pumili ng sinturon na regalo para kay Jaxon bilang pasasalamat.Ginamit niya ang sariling pera para bumili ng Gucci, isang brand na madalas gamitin ni Jaxon. Halos 70,000 pesos ang nagastos niya. Bagamat maliit na halaga ito para kay Jaxon, ito one third ng naipon niya. Sobrang bigat sa loob niya ang paggastos nito pero dahil para sa asawa, pikit-mata niyang binili iyon. Pagkauwi, maingat niyang inihanda ang isang masarap na dinner para kay Jaxon. Simula nang magpakasal sila, hindi na bumalik si Jaxon sa bahay na iyon. Sobrang tagal na, kaya nagsimula na siyang maniwala na totoo ang sinasabing hindi kaya ni Jaxon makipagtàlik. Kung hindi totoo iyon, bakit hindi siya hinawakan ni Jaxon kahit kailan mula nang ikasal sila?Pagkatapos magluto, naisip niyang puno siya ng amoy ng mantika. Natatakot siyang baka magalit si Jaxon na may pagkamasela
Chapter 23.3: Ganoon katindiNOONG tamaan si Jaxon ng unan, bigla siyang huminto sa paglakad. Lumingon siya kay Skylar na may makahulugang tingin, "Ano? Pakiramdam mo ba, inagrabyado kita?"Ngayon, alam na ni Jaxon kung anong ugali mayroon si Skylar. Kung hindi ito nakaramdam ng pagkaapi, hindi nito ipapakita ang tapang na nakatago sa pagkatao nito. "Oo, inagrabyado mo ako! Walang mali sa pagitan namin ni Kris. Magkaibigan lang kami. Bakit ba hirap kang paniwalaan ako?!"Alam ni Skylar na si Jaxon ay isang makasariling tao na ayaw nang kinokontra. Pero ngayong araw, alam niyang wala siyang kasalanan. Tinuturing niyang kapatid at kaibigan si Kris. Ang mahal niya mula umpisa hanggang dulo ay ang lalaking nasa harapan niya ngayon.Naningkit ang mga mata ni Jaxon at mapait na ngumiti. "Kung wala kayong relasyon, bakit niya hinawakan ang kamay mo? Holding hands while running, huh?"Pagkarinig nito, bahagyang humupa ang galit ni Skylar. Tumango siya, ngumisi at tumingin diretso sa mga mata
Chapter 24.1: The pastHabang nakatingin si Jaxon sa kumukutitap na mga neon lights sa labas ng bintana ng kotse, tumagos ang mga makukulay na ilaw sa kanyang malalim na mga mata. Nang mag-overlap ang maliliit at malalaking bilog ng liwanag, tila bumalik siya sa alaala ang isang maulang gabi. Nagka-car accident ang kanyang kapatid at naospital. Doon niya nakita si Skylar sa ospital. Naalala niyang basang-basa si Skylar mula ulo hanggang paa, tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok hanggang pantalon, pero ang mga mata nito ay nakakagulat na tuyo.Ang batang si Terra ay nawalan ng malay dahil sa kakaiyak sa katawan ng kanilang ina na wala nang buhay noon. Si Lito ay umiiyak din, namumula ang mga mata ng lalaki pero si Skylar, ni isang luha ay walang tumulo. Nakatingin lang ito sa bangkay ng ina. Tinitigan ni Jaxon ang babae nang may pagtataka. Paano nangyari na may tao palang hindi nalulungkot o nagdadalamhati kahit namatay ang ina nito?Biglang tumalikod si Skylar at nagmamadaling l
Si Audrey ay napatingala sa kisame, tila malungkot at naalala ang isang hindi magandang nakaraan. Matagal siyang natahimik bago nagsalita. "Jaxon, hindi ako OA. Pagkatapos ipanganak ni Mama ako, nabuntis ulit siya. Sabi nila, lalaki daw ang baby. Pero noong mahigit limang buwan na siya sa tiyan, may naglagay ng gamot sa pagkain ni Mama. Namatay ang bata sa sinapupunan. Hindi nagtagal, pinanganak ni Tita si Barbara." Kumunot ang noo ni Zedrick at galit na nagsalita. "Maganda ang araw ngayon! Bakit mo binabanggit ang mga malulungkot na bagay?" Hindi pinansin ni Audrey ang galit sa mata ni Zedrick. Sa halip, tumingin siya kay Barbara na may makahulugang tingin at nagpatuloy kay Jaxon. "Habang buntis si Skylar, mas mabuti pang mag-assign ka ng taong pinagkakatiwalaan mo para bantayan ang mga gamit niya, lalo na ang pagkain at mga personal niyang bagay. Siguraduhin mong walang makakakuha ng pagkakataon ang mga may masamang balak. Huwag mong hayaang mangyari kay Skylar ang nangyari
Chapter 157: Alam ni HarveySI ZEDRICK ay bahagyang nagulat, tumingin kay Harvey na may halong pagkadismaya, pagkatapos ay lumingon kay Jaxon at ngumiti. "Aba, Jaxon, kakalabas lang ng balita tungkol sa kasal niyo ni Skylar, tapos ngayon buntis na agad siya. Talagang doble ang swerte niyo. Mas maganda pa kaysa sa Harvey na batang ito." Si Barbara, na nakaupo sa tabi ni Zedrick, ay halatang hindi ganoon kasaya. Nakatitig siya sa tiyan ni Skylar na parang may lason sa tingin. Mahigpit niyang kinuyom ang laylayan ng kanyang damit, nagpipigil na huwag sugurin si Skylar at sipain ang kanyang tiyan nang dalawang beses. Ngunit dahil nakatutok ang atensyon ng lahat kay Skylar, walang nakapansin sa pagbabago ng ekspresyon ni Barbara. Masayang ngumiti si Jaxon. "Uncle Zed, nagbibiro kayo. Ang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak ay nakadepende sa kapalaran. Walang mas magaling sa isa’t isa. Hindi pa lang dumadating ang tamang oras para kay Harvey." "Tama ka diyan," tumango si Zedrick
Narinig ni Barbara ang sarili niyang tawa habang tinatakpan ang bibig. Kahit sino pa ang isakripisyo ni Zedrick sa dalawa, siguradong siya ang makikinabang sa huli. "Second Miss?" Biglang may narinig siyang boses ng isang kasambahay mula sa likuran. Agad niyang tinanggal ang halos baliw na ngiti sa mukha at bumalik sa pagiging disente. Nakataas ang noo, nakatawid ang mga braso, at pinapanatili ang kanyang postura bilang pangalawang anak na babae ng Lim Family. Tiningnan niya nang may kayabangan ang kasambahay at tinanong, "Ano yun?" Magalang na sagot ng kasambahay, "Dumating na po ang si Mr. Larrazabal at Mrs. Larrazabal. Pinapapunta po kayo ng master kasama ang eldest young master at eldest young miss para salubungin sila." Saglit na natulala si Barbara bago niya naisip kung sino ang tinutukoy, si Jaxon at Skylar. Biglang lumitaw ang matinding galit sa kanyang mga mata, pero mabilis siyang kumilos at sumagot nang malamig, "Naiintindihan ko na. Bumaba ka na, ako na ang magsa
Chapter 156: Nalalaman ni Barbara"AUDREY, anong nangyari sa 'yo?" Biglang nagbago ang ekspresyon ni Audrey, kaya hindi napigilan ni Jeandric na magtanong nang may pag-aalala. "Wala." Bumalik sa ulirat si Audrey at napansin niyang ibinaba na ni Skylar ang tawag. Ang tunog ng patay na linya ay patuloy na tumutunog sa receiver. Napalunok siya at may inis na ibinalik ang cellphone sa bedside table. Pagkahiga niya ulit sa kama, hindi niya mapigilan ang kunot sa noo niya. Nakita ni Jeandric ang itsura ni Audrey kaya hindi niya naiwasang mag-alala. "Ano bang nangyari?" Ayaw ni Audrey siyang pansinin. Niyakap niya ang sarili, umikot, at lumayo sa kung saan siya hindi maaabot ng mga braso ni Jeandric. Nang makita ni Jeandric kung gaano siya tinataboy ni Audrey, dumilim ang mukha niya. Sa loob lang ng ilang segundo, tinanggal niya ang sapatos niya, tumalon sa kama, at humiga nang patagilid sa likuran ni Audrey. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Audrey at napatalon, mabilis na
Hindi naglakas-loob si Barbara na magtagal sa pintuan ng kwarto ni Audrey, kaya agad siyang tumalikod at umalis. Pagkaalis ni Barbara, malakas na isinara ni Jeandric ang pinto, dahilan para lumabas ang malakas na tunog na umalingawngaw sa buong bahay. Sa sobrang lakas, kahit si Harvey na nasa kabilang kwarto ay naramdaman ang kanyang galit. Tahimik ang buong silid, dahilan para makaramdam si Audrey ng bigat sa dibdib. Lumapit siya sa bintana, binuksan ito, at hinayaang pumasok ang malamig na hangin. Dumampi ito sa kanyang mainit na pisngi, at kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. "Pumunta ka sa bahay ko nang ganito kaaga, may mahalaga ka bang kailangang sabihin?" Bahagyang ngumiti si Jeandric, pero may kakaibang lungkot sa kanyang mga mata, parang pinaghalong pangungutya at kalungkutan. Lumapit siya sa bintana at tumayo sa tabi ni Audrey, nakatingin sa maulang tanawin sa labas. "Anong klaseng logic 'yan? Kailangan ba may mahalaga akong sasabihin bago kita bisitahin?" Ha
Chapter 155: Nalaman ni AudreyNGAYON ay November 1st. Pagkagising ni Audrey sa umaga, nakita niyang madilim ang langit sa labas ng bintana at tuloy-tuloy ang ulan. Dahil dito, parang lalo siyang nanghina pagkabangon. Nakarinig siya ng kalusko at may nag-iikot sa doorknob. Hindi ito bumukas dahil nakakandado ito mula sa loob. Mayamaya, narinig niya ang boses ng kanyang kapatid na si Harvey. "Audrey, ako 'to." Isinara ni Audrey ang bintana, lumakad papunta sa pinto, at binuksan ito. Nakita niya si Harvey na amoy halo ng pabango at alak. Napakunot ang kanyang noo. "Kuya, nagpunta ka na naman ba sa nightclub kagabi?" May bahid ng pagkadismaya sa kanyang boses. Naiinis siya, pero si Harvey, parang wala lang, kalmado pa rin ang tono ng pananalita. "Huwag kang mag-alala. Naging maingat ako, wala namang babaeng magpapakita rito para manggulo." Lalo pang kumunot ang noo ni Audrey at tinitigan niya ito. "Hindi ako nag-aalala kung may manggugulo rito. Ang ikinagagalit ko, si
Habang nagsisipilyo si Skylar, puno ng bula ng toothpaste ang kanyang bibig. Masama ang tingin niya sa lalaking nasa salamin, saka niya mabilis na binanlawan ang bibig para mawala ang bula. Pagkatapos, humarap siya at itinulak ito palayo."Paano mo nagawang sabihin 'yan? Tingnan mo ang ginawa mo sa akin! Paano ako makakatulog nang maayos kung ganyan ka ka-wild, ha?"Hinila ni Skylar pabukas ang kwelyo ng kanyang damit at itinuro ang kanyang makinis na balat.Puno ito ng maliliit na marka na kulay asul at lila, mga bakas ng ginawa ni Jaxon kagabi.Lalo na sa may dibdib at tadyang.Ang kulay at hugis ay talagang kakila-kilabot.Ngumiti lang si Jaxon at hindi man lang nag-alala sa galit niya. "Binigyan kita ng pagpipilian, pero hindi mo ginawa kaya kinailangan kong gawin ito sa sarili kong paraan.""Anong pagpipilian?" Galit na galit si Skylar na pakiramdam niya ay sasabog na siya. "Isang kamay, isang bibig, bastos at baliw ka talaga!""You dumb head, kung ang asawa mo hindi na maging pi
Chapter 154: KapilyuhanNANG marinig ni Skylar ang biro ni Jaxon at namula siya. Umubo siya nang mahina, itinulak siya palayo, at mabilis na lumayo. "Maliligo na ako, matulog ka na muna."Nakita ni Jaxon ang mabilis na pagtakbo niya palayo, at muling lumitaw ang pilyong ngiti sa kanyang labi."Asawa ko, may limang daliri ang asawa mo, alam mo ba?""At may paraan din para sumigaw nang malakas... For example, using my mouth...""Tumigil ka na!"Ayaw na ni Skylar pakinggan pa ang kanyang malalaswang biro kaya mabilis niyang isinara ang pinto.Pagtingin niya sa salamin at naalala ang sinabi ni Jaxon, hindi niya napigilang mag-isip ng kung anu-ano. Ang imahe ng mahahaba at matitikas nitong mga daliri ay umikot sa kanyang isipan.Isang kakaibang kiliti ang biglang gumapang mula sa kanyang dibdib pababa.Patay na.Napapikit siya, inipit niya ang kanyang mga hita, at pinukpok ang sarili sa noo."Skylar, napaka-walanghiya mo na talaga. Ang landi-landi mo!"Dahil lang sa sinabi ni Jaxon, nakara
Akala niya, si Santi ay isang simpleng doktor na magaling sa traditional medicine, pero hindi pala. Bukod sa pagiging malapit na kaibigan ng kanyang mga magulang na sinasabi nito, hawak rin nito ang 3% ng shares ng JZ Group! Mukhang kilalang-kilala rin nito si Yorrick na biological father ni Skylar. Napaka-misteryoso ng taong ito. Alam niyang ang JZ Group ay isang family business, at hindi basta-basta nagpapapasok ng ibang tao sa kanilang kumpanya. Maliban na lang kung may espesyal na koneksyon si Santi sa isa sa mga shareholder ng Lacson Family, kaya nito nakuha ang mga shares.Napaisip si Jaxon. Sino nga ba talaga si Santi?Narinig ni Zeyn ang sagot ni Santi, pero hindi siya nagulat dahil hindi ito ang unang beses na tinanggihan siya nito. Ngumiti lang siya."Uncle Santi, pareho pa rin ang sasabihin ko. Seryoso kaming mag-ama sa pagbili ng shares mo. Kung sakaling maisipan mong ibenta ito, laging bukas ang pinto namin para sa 'yo."Tumingin si Santi sa relo niya."Zeyn, gabi na. Ka