"MEADOW..." Nawalan ng lakas si Aedam matapos mabalitaang may natagpuang buto ng tao sa gilid ng ilog. Kahit lalaki, hindi niya napigil ang mapaluha. Paano na lang ang anak niya? Nang maalala ang anak ay idi-nial niya ang number ni Jack. Halata sa kamay ang panginginig niya. "Hello, p're, huwag mong ibabalita sa anak ko, ha! Please, Jack!" sumamo niya. "Makakaasa ka," naisagot lang ng nasa kabilang linya. Isinuksok na niya ang phone sa bulsa. Mabilis na pinunasan ang luha sa pisngi. "Oh, God!" Kuyom ang kamaong tumingala siya. "Why? Sana ako na lang ang nawala, hindi siya." Muling nangilid ang luha niya. "S-sir, o-okay ka lang po ba?" Mabilis siyang napalingon sa nagsalita. Si Daphne... ang babaing kawangis ni Meadow. Akala niya'y iisa lang, pero hindi. Pag-aari pala ito ng iba. "Ahm," sunod-sunod na tikhim ang pinakawalan niya. "Uhm, yeah! I-I'm fine. M-may problema lang sa Manila." "Asawa mo, sir?" Maang siyang napatitig dito. "Huh? Uhm, o-oo. She disappeared t
Last Updated : 2025-02-21 Read more