Home / Romance / INSTANT DADDY / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of INSTANT DADDY : Chapter 21 - Chapter 30

42 Chapters

Chapter 21

ILANG buwan na ang lumipas, hindi pa rin makalimutan ni Aedam ang nangyari kay Meadoy, lalo na ang kaniyang anak. Palagi itong nakatitig sa kawalan, kung minsan ay nahuhuli niyang umiiyak. Hindi na rin ito gasinong nagsasalita. Na-trauma ito sa nangyari. Pinilit niyang pagaanin ang kalooban nito. Araw-araw niyang pinapadalaw si Drake at ang iba niyang kaibigan para lang muli itong sumaya. Hindi siya sanay na makitang malungkot ang bata. Tuwing wala siyang pasok ay ipinapakonsulta niya ito sa isang psychi"trist at unti-unting nakarecover ang bata. Isinasama pa rin niya ito sa office para malibang at tulad ng nakasayanan, may dalang Jollibee ito. Si Tyron ay apple. Si Kent ay ice cream. Pizza naman ang kay Jack. Si Zeus, mga bagong doll at iba pang laruan. Tulad nng araw na 'yon, nasa office na naman niya ang mga kaibigan, inaaliw ang kaniyang anak. "Wow! Ang dami naman po!" bulalas ng bata. May ningning na sumilay sa mata nito, na sobra niyang ikinasaya. Mukhang naka-recover na na
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

Chapter 22

"DADDY!"Sinulyapan ni Aedam ang anak. Patakbo itong lumalapit sa kaniya. Nakabuka ang dalawang braso. Dahil doon ay nagsi-arkuhan ang kilay niya. Ilang beses na niyang pinagsasabihan ang anak na huwag tumakbo kung 'di naman kailangan, pero ayaw siyang pakinggan. Naglalakad siya sa lobby area ng CromX nang salubungin siya nito."Dad, I got a perfect score," pagmamalaki nito. Binuklat ang case at dinampot ang papel. Mabilis siyang pumantay rito. Lumaki ang ngiti niya matapos masilayan ang perfect score ng anak. Pansamantala ay nakalimutan niya ang ginawa nito. "Wow! Ang galing naman ng anak ko," puri niya. Niyakap at hinagkan niya ito sa pisngi. "Let's celebrate! Saan mo gustong pumunta? Gusto mong mag-mall tayo?""Punta na lang po tayo kay mommy." Nakita niya ang lungkot sa mata nito at ang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi ay unti-unting nawala. Two years na mula nang mawala si Meadow, pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit. Alam niyang magpahanggang ngayon ay hindi pa rin
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

Chapter 23

PATULOY na lumuluha si Avi at sa bawat hikbing naririnig ni Aedam ay parang sinasakal siya. Nahihirapan siyang huminga. Sa murang isipan ng anak ay nasaksihan nito ang malagim n nangyari na kumitil sa buhay ng ina. Paano niya papawiin 'yon sa isipan ng anak? He took a deep breath. Tiningala ang kalangitan. Kahit siya'y hindi rin mapigil ang panunubig ng mata. Two years na ang lumipas pero sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang lahat ng nangyari. Sobrang sakit pa rin. Hindi niya matanggap na maagang nawala si Meadow nang dahil sa kaniya. Hindi matanggap na maikling panahon lang ang inilaan ng tadhana para sa kanila. Hindu man lang niya nagawang humingi ng sorry sa mga nagawang pagkakamali noon. Hindi man lang nito nakitang muli ang kaniyang ama. Ilang minuto lang ang itinigal nila sa tulay, nagyaya na rin agad ang kaniyang anak. Sa bahay pa rin ng ama sila tumutuloy, ayaw silang paalisin nito. Hindi rin naman niya gustong iwan mag-isa ang kaniyang ama. Tiyak na maiinip ito kapag lumay
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

Chapter 24

MALAKI ang ngiting nakapaskil sa labi ni Aedam habang nakamasid sa anak. Hilig nito ang sumayaw. Bago matulog ay hindi nito nakaliligtaang humarap sa full length mirror na ipinalagay niya sa kaniyang silid. Kumikembot-kembot ang katawan nito at kung minsan ay sinasamahan pa ng kanta. Hindi niya ito pinagbabawalan sa kung anong gustong gawin, importante sa kaniya ay masaya ang anak sa ginagawa. Lahat ng makabubuti sa bata ang ibinibigay niya. Dapat na ba niyang palakpakan ang sarili sa pagiging isang huwarang ama?Huminto na ito. Mukhang tapos na ang pakikipagkompetinsiya sa salamin. Tinungo na ng anak ang center table, na kung saa'y nandoon ang milk na iinumin nito. Nang matapos ay nagtungo na sa gilid ng kama. Nakasanayan na rin nito ang mag-pray bago matulog, minsan ay sinasabayan pa niya.Sa silid pa rin niya ito natutulog. Ayaw niyang ipalipat ang anak sa ibang room. Dati, hindi siya sanay na katabi ito, ngayon, hindi na siya sanay na hindi katabi ang anak. Natutuwa siya sa tuwin
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Chapter 25

SA mga araw na lumilipas, nasanay na si Aedam na maagang gumigising. Siya ang naghahanda ng uniform na susuotin ng anak, at tsini-check din niya ang pagkaing aalmusalin nito. Maging ang assignment na ginagawa nila sa office ay pinapasadahan niyang muli. Sinisiguradong nasa maayos ang lahat, tulad nang umagang 'yon, paulit-ulit na tinitingnan ang gamit ng anak at nang masiguradong nasa tama ay saka pa lang siya napanatag ang isipan. Sumunod ang unifom, kinuha nito 'yon sa walk-in-closet, inilapag sa pahabang sofa, ingat na ingat na huwag magusot, saka'y maingat na lumabas ng silid. Bago niya isinara ang pinto ay sinulyapan muna niya ang nahihimbing pang anak. Nagtuloy siya sa kitchen. Naabutan niyang nagluluto si Eliza. Ham and hotdog ang kaniyang nakita, nakaayos na rin ang baunan nito. Lihim siyang napangiti dahil sa ugali ng nag-aalaga sa anak niya. Mabuti itong kasambahay. Lahat ay nasa maayos lalo na pagdating sa kaniyang anak. Tinungo niya ang fridge, kinuha ang fresh milk at
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 26

LULAN na sila ng sasakyan patungong school. Nawala na sa utak niya ang sinabi ng anak. Ngayon ay masiglang kumakanta na naman ito, sumasabay sa tugtog ng sasakyan. Matapos niyang ihatid si Avi sa school, dumaan siya kay Jack. Ibinilin niya rin ang anak dito. Nagpadag siya security para rito. Sure naman siyang hindi pababayaan ng kaniyang mga kaibigan ang bata, pero sadyang hindi matatahimik ang utak niya. Iba pa rin 'yong nasa tabi siya ng anak. Sa pagdating niya sa office ay nandoon na si Tyron. Sinabi nito ang dapat niyang gawin. Ngayon ay nagdadalawang-isip siya. "P're, may suggestion ako." "What is it?" "What if, ikaw na lang ang pumunta sa probinsiya?" Tyron eyebrows met. "Am I the CEO of this company?" Tumabingi ang labi niya't napakamot. "Eh, kasi, I'm just thinking about Avi. Hindi iyon sanay na wala ako," reklamo niya. "We will take care of your daughter. Don't worry, and besides, Tito Damin is also there." Lumaylay ang kaniyang balikat. Wala na talaga siyang
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 27

"DADDY, aalis ka po?" Dumoble ang pangamba ni Aedam. Kanina pa niya pinag-iisipan kung anong paalam ang sasabihin niya sa anak. At ngayon ay nakita nito ang mga gamit niya. Nilingon niya ito. Kita niya ang pagtataka sa mukha ng anak. Alam niyang iiyak si Avi kapag umalis siya. Ipinantay niya ang katawan dito. "Baby, ilang araw lang na mawawala si Daddy. May aasikasuhin lang ako." Masuyong haplos ang kaniyang iginawad sa pisngi ng anak. Rumihistro sa bagong gising nitong mukha ang lungkot. At tulad nang dati, nakabahad ang natuyong laway sa gilid ng labi. Sabog-sabog din ang buhok. "Anak, may work si Daddy. Don't worry, I call you every hour." "Every hour?" Natigilan siya't napaisip. Hindi nga pala puwede, lalo na kung nasa school ito. Niyakap na lang niya ito. "Tatawagan na lang kita kapag free ako, anak. For now, kailangan kong pumunta sa malayo kasi may work si Daddy. Big girl ka na, 'di ba?" Umangat ang katawan niya, tinitigan ang mukha at saka ngumiti. "Smile ka
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 28

NINE in the morning, his things are ready. Avi was on her lap. Yakap-yakap niya na para bang magkakawalay sila nang mahabang panahon. Dumating na ang hinihintay niya... si Tyron. Kasama nito si Drake at Zeus. And as usual, his friends brought a food for his daughter. Mukhang panuhol ng mga ito kapag umalis na siya. "Good morning, dude. Good morning, Avi," may ngiting bati ni Drake. "Anong maganda sa umaga kung ikaw rin lang ang makikita ko?" Daig pa niya ang babaing naglilihi nang makita ang kaibigan. Nagsusungit na naman. Hindi ito nagsalita, bagkus ay nginisihan lang siya, saka'y kinuha si Avi. "Baby, mayroon bang dalaw ang daddy mo ngayon?" pabulong na sabi ni Drake ang sinabi, idinikit pa ang bibig sa tainga ng anak, ngunit dinig din naman niya.Sinamaan na lang niya ito ng tingin. Ibinigay sa kaniya ni Tyron ang details tungkol sa lupa. Hidalgo ang nagmamay-ari. Yumao na ang ama kaya ibinibenta ng panganay na anak, at tanging ang nakababatang anak ang namumukod-tanging hind
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 29

NAGKABUHOL-BUHOL ang pintig ng puso ni Aedam, hindi inaalis ang titig sa babaing katabi ng lalaking hawig ni Ramon. Masusi niyang sinusuri ang kabuohan nito. Hindi siya mapakali sa kinauupuan. "Her face-- shit!" anas ng kaniyang isipan. Naawat lang ang paninitig niya sa babae nang magsalita si Ramon. Napilitan siyang sulyapan ang ginoo. "By the way, Mr. Cromwell--" "Aedam na lang," maagap niyang pigil. "Oh! Okay. May mungkahi si Rodolfo." Itinuto nito ang lalaking katabi ng babaing tinitigan niya. Tumalim ang titig ng lalaking itinuro ni Ramon. Parang may lihim na galit sa kaniya. Tumayo na rin ito't humakbang palapit sa kaniya. "Mr. Cromwell, hindi ako sang-ayon sa gusto ng aking mga kapatid, pero kung papayag ka sa gusto ko, baka pumayag na rin akong ibenta ito." Medyo malagom ang boses nito, halos kasing taas din niya, pero kung sa pisikal na anyo, mas lamang siya rito. May kaitiman ang balat nito, kumpara sa kulay niya. "What is it?" "Huwag mo nang isama ang k
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

Chapter 30

MABILIS na iniiwas ni Aedam ang paningin sa babae nang yakapin ito ng asawa. Inabala niya ang mata sa pagmamasid sa paligid habang nakadikit pa rin ang cellphone sa tainga. "Dude, may ipagagawa ako sa iyo. Ipa-check mo nga ang background ni Meadow kay Jack." "What?" "Call Jack!" "Hey, what's goin' on? Is there something wrong?" "Just do what I say, Drake!" "Wait, what do you want to know?" "Everything! Everything about her." "Okay. I'll call him." Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumalik na siya sa harapan ng magkakapatid. Hindi pa man tuluyang nakakaupo ay natampal niya ang noo, kaya nga pala niya kinuha ang cellphone ay para kausapin si Tyron. "Uhm, Mr. Hidalgo--" "Ramon na lang, tulad din ng pagtawag ko sa pangalan mo, Sir Aedam." Pinong ngiti ang itinugon niya rito. "Uhm, bago ako magdesisyon sa gusto mo... Rodolfo, right?" Walang emosyon itong tumango. Lampasan kung tumitig sa kaniya. Para bang inaarok hanggang kaniyang kaluluwa. "Puwede ko bang
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status