MAY bahagi ng puso ni Aeda ang umapela na may asawa na si Meadow. Ang isiping may ibang pamilya na ito ay parang hindi niya kakayanin. Nanghihina ang tuhod niya. Parang may sumasakal sa kaniyang puso. Pero kung si Meadow nga ito, imposibleng anak nito si Jun-jun, dahil two years pa lang itong nawalay sa kanila. "Fvk!" Sumakit bigla ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. Lalo siyang naguluhan. Nang oras ng tanghalian ay sila lamang tao ang nasa hapag-kainan, wala ang mag-anak ni Rodolfo. Bagama't tatlo lang sila ay puno pa rin ng pagkain ang mesa, tinolang manok, at pakbet na gulay, may panghimagas at prutas din. Kahit walang gasinong laman ang tiyan ay hindi siya makakain. Hindi mawala sa isipan niya ang nasaksihan sa pagitan ng batang Hidalgo at Daphne. May kutob siyang kakaiba ang nangyayari sa mag-asawa. May takot siyang naaninag sa mata ng babae. Nang matapos kumain ay nagpaalam siya sa mag-asawa, kailangan niyang mapadala kay Tyron ang details ng lupa. Inilabas niya sa bag ang
HINDI mapakali si Aedam. Matapos niyang makausap si Jelly ay umakyat na siya sa silid. Daig pa niya ang turumpo na paikot-ikot sa puwesto. Ang puso niya'y parang luluwa na sa sobrang lakas ng pintig. Tuliro rin ang kaniyang isipan. "Walang maalala sa Daphne?" Huminto siya at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Si Meadow nga kaya ito? Kaya ba hindi namin natagpuan ang katawan ay napulot ito ng iba?" Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. May posibilidad talagang ito ang ina ni Avi. Awang ang bibig nang umupo siya sa gilid ng kama, ngunit agad ding tumayo. Kinuha ang cellphone, at kinontak si Jack. Pang-ilang ulit na niya itong tinatawagan ngunit hindi sumasagot. "Shit ka, Jack! Ano ba ang pinaggagawa mo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Nag-uumapaw na ang inis sa kaniyang dibdib, gayunpaman, pilit niyang pinikalma ang sarili. Wala rin namang mangyayari kung paiiralin niya ang galit. "Marami pa akong panahon. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasasagot ang gumug
NAGKULONG sa sariling silid si Daphne. Doo'y muling naglandas ang walang katapusang pagluha niya. Oo. Sinasaktan siya ng kaniyang asawa. Kapag may hindi ito nagustuhan, ang kapalit ay latay sa kaniyang katawan. Mahirap, masakit, pero tiniis niya. Mahal niya ang kanilang anak, pero si Rodolfo, ewan ba niya pero wala siyang maramdaman. Dinampot niya ang picture frame na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama. Pinakatitigan ang larawang nandoon. Kapwa nakangiti. Kuha raw iyon nang second anniversary nila bilang mag-asawa. Hindi niya maalala kung paanong naging asawa ito. Nagkamalay na lang siya na blanko ang isipan. Walang maalala kahit pa ang sariling pangalan. Nagising siyang si Rodolfo ang katabi, malaki ang ngiti. Sinasabing asawa raw siya nito, at may anak silang naghihintay sa kaniya. Ipinaalam din nito kung bakit siya nawalan ng memorya. Kuwento nito, nagtrabaho siya bilang isang kasambahay, at pinagmalupitan ng amo. Tumakas siya sa kamay ng malupit na amo. Papaalis na sana
BAKAS ang sugat sa mukha dulot ng pananakit ng asawa kay Daphne. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin at malayang nakatunghay sa sarili. Paulit-ulit na hinaplos niya ang parteng may kulay ube. Hindi sapat ang inilagay na yelo para mawala ang pasa sa kaniyang pisngi. Ilang araw na naman ang bubunuin niya para mawala 'yon. Dati, sa tuwing nagkakapasa ay puwede siyang lumabas ng silid, pero ngayon ay mukhang magkukulong muna siya dahil sa bisita. May pagdududa siya sa asawa, kung mahal ba talaga siya nito? At dahil doon, nagsisimula na namang mangilid ang luha niya. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. Dinampot ang concealer na in-order niya para sa mga pasang natatamo. Binuksan ang maliit na bote. "Kakaunti ka na pala!" naisatinig niya. Ibig sabihin, madalas niya iyong gamitin. Madalas siyang nakatatanggap ng pananakit sa asawa. Hindi niya mabilang sa daliri't paa kung ilang beses na siyang sinaktan nito, at matapos manakit ay sinasabing mahal na mahal siya nito. Pero kung ma
NAKATANGGAP ng tawag si Aedam mula kay Tyron. Payag ang mga board members. Kaagad niyang ipinaalam kay Ramon ang magandang balita. Natuwa naman ang huli. Habang nag-uusap sa sala ay dumaan ang mag-asawang Daphne at Rodolfo. Base sa nakikita niya'y mukhang nagkaayos na ang dalawa. Kapwa masigla. Bigla siyang nakaramdam ng kirot at may part sa pagkatao niya ang naiinis. Iniiwas na lang niya ang paningin. Binalingan niya ang kausap na ipinapaliwanag ang tungkol sa kanilang aayusin para mailipat ang pangalan. "Pupulungin ko lang ang akong mga kapatid, ipaalam ko sa kanila ang magandang balita." Nang tumango siya ay tumayo na rin ito. Naiwan siyang malayo ang iniisip. Kapag natapos na pag-aayos niya sa titulo, walang hindi na babalik na siya sa Manila. Paano si Daphne? Well, kahit naman umalis na siya, may paraan pa rin para malaman ang totoo. Hinihintay na lang niya ang resulta ng pag-iimbestiga ni Jack. At kapag lumabas na walang asawa si Rodolfo, hindi na siya mangingiming manghim
"MEADOW..." Nawalan ng lakas si Aedam matapos mabalitaang may natagpuang buto ng tao sa gilid ng ilog. Kahit lalaki, hindi niya napigil ang mapaluha. Paano na lang ang anak niya? Nang maalala ang anak ay idi-nial niya ang number ni Jack. Halata sa kamay ang panginginig niya. "Hello, p're, huwag mong ibabalita sa anak ko, ha! Please, Jack!" sumamo niya. "Makakaasa ka," naisagot lang ng nasa kabilang linya. Isinuksok na niya ang phone sa bulsa. Mabilis na pinunasan ang luha sa pisngi. "Oh, God!" Kuyom ang kamaong tumingala siya. "Why? Sana ako na lang ang nawala, hindi siya." Muling nangilid ang luha niya. "S-sir, o-okay ka lang po ba?" Mabilis siyang napalingon sa nagsalita. Si Daphne... ang babaing kawangis ni Meadow. Akala niya'y iisa lang, pero hindi. Pag-aari pala ito ng iba. "Ahm," sunod-sunod na tikhim ang pinakawalan niya. "Uhm, yeah! I-I'm fine. M-may problema lang sa Manila." "Asawa mo, sir?" Maang siyang napatitig dito. "Huh? Uhm, o-oo. She disappeared t
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki. Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
MATIYAGANG pinagmamasdan ni Aedam si Daphne. Kanina pa ito iyak nang iyak habang nakamasid sa asawang walang malay. Naiinis siya rito. Gusto niyang sigawan, pero wala siya sa puwesto para gawin 'yon. Naiinis siya dahil sa halip na maawa ito sa sarili... ang asawa pa ang unang inintindi ng babae. He let out a deep breath and tried to calm the irritation in his chest. Lumapit siya rito at pilit na pinapatayo. Ngunit, tumanggi ito. Muling nabuhay ang inis sa kaniyang dibdib at dahil doo'y hindi na niya napigil pa. "Kailangang gamutin ang braso mo!" Sapilitan niya itong itinayo. "P-paano ang a-asawa ko?" "Bullshit! For once, Daphne, think about yourself!" Hindi na siya nakapagtimpi pa. "Does he think of you as his wife? Isipin mo naman ang sarili mo!Asawa ba ang turing niya sa iyo? Kasi ang tingin ko'y hindi. Ang asawa, hindi sinasaktan. Kung hindi ako pumasok, baka'y napatay ka na ni Rodolfo!" may diing pahayag niya. Napakagat ito sa labi, habang tuloy-tuloy sa pagbulusok ang
HINDI ipinaalam ni Meadow kay Aedam ang tungkol sa na-receive niyang text message. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano, isa pa'y ayaw na rin niyang mabahala ang kaniyang fiance. Gusto niyang sumaya ang kanilang buhay. At kung sinuman ang nag-text sa kaniya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi iyon mangyayari. Kasalukuyan niyang sinusuri ang kaniyang wedding gown, simple lang ito. Kahit anong udyok ng kaniyang isipan na suotin iyon ay hindi niya ginawa. Naniniwala siya sa pamahiin. Yari sa mamahaling tela ang isusuot niya, nagtalo pa sila ni Aedam kung bakit iyon ang pinili nito. Okay na sa kaniya 'yong simple lang.Ilang beses niyang pinasadahan ng malalantik na daliri ang tela. Mas malambot pa sa kamay niya. Nang walang anu-ano'y may matinis na boses siyang narinig."Mommy..." Nilingon niya ito. Tumatakbo palapit sa kaniya, ngunit unti-unti ring bumagal nang makita ang gown na naka-display. Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng anak."Wow, mommy, ang ganda po!" buong paghangang
HINDI mapuknat-puknat ang nakaukit na ngiti sa labi ni Meadow at pinakatitigan n'ya rin ang suot na engagement ring. Kagabi lang ay nag-propose si Aedam at ngayon ay bumili ito ng singsing. "Ang ganda po, mommy!" buong paghangang sambit ni Avi. Ang mata nito'y nangingislap na nakatutok sa suot niyang singsing."Nagustuhan mo ba, anak?""Opo." Nakangiti itong tumitig sa kanya. "I love you so much, mommy.""I love you more, anak."Yumakap ito sa kaniya. Mas tuwang-tuwa pa ang anak niya sa nalalapit nilang kasal ni Aedam. At humihirit pa ito, gusto na raw ng kapatid. Sa loob ng dalawang buwang paghahanda para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ay naging abala si Meadow. Sa kaniya ibinigay ni Aedam ang pangangasiwa sa kanilang kasal. Siya ang naglilista ng pangalan na kanilang magiging bisita. Siya rin ang humanap ng mag-ca-cater. Ilang araw bago sumapit ang kanilang kasal ay may tao siyang binisita, isinama niya si Avi at kahit ayaw ni Aedam ay napilitan na rin ito. Nakaupo silang m
HINDI pa rin maka-move on si Aedam sa nawalang singsing. Imagine, nagkakahalaga ito ng twenty thousand pesos at sa isang iglap ay naglaho na parang bula. Pero, balewala naman ang pera, sisiw lang 'yon sa kaniya, ang iniisip lang niya ay walang kapares ang singsing na 'yon. Maganda at simple, kaya nagustuhan niya. Tiyak na magugustuhan rin iyon ni Meadow. Kung bakit naman kasi napakakalat niya at malilimutin pa! "Anong ginagawa mo rito?"Nasa terrace siya ng mansiyon at minamasdan ang tahimik na paligid. Nilingon niya ang nagsalita. Saka'y ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ibinuka niya ang dalawang braso habang hinihintay ang paghinto nito sa kaniyang tapat. Naunawaan iyon ni Meadow, agad itong sumilid sa matiponong braso niya."Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong nito. "Hindi ka pa ba inaantok?""May iniisip lang ako." Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at inamoy-amoy na parang bulaklak."What are you thinking, hmm?" Gumanti ito ng yakap, ang mukha ay nakasubsob sa kaniyang dibdib.
MANAKA-NAKANG pagsulyap ang ginagawa ni Aedam sa katabi. Tahimik lang itong nakamasid sa binabagtas nilang daan. Simula nang lumabas sila sa provincial jail ay wala na itong kibo. Aminin man niya o hindi, may kirot siyang naramdaman nang magtanong siya tungkol sa nararamdaman nito para kay Rodolfo. Dalawang taong nakasama ni Meadow ang lalaking 'yon at natatakot siyang isipin na may nararamdaman ito. He sighed. He tried to remove what was bothering his mind. Ngayong bumalik na ang alaala ni Meadow, he has nothing to worry about that. Isa pa'y hindi tunay itong asawa ni Rodolfo. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang iaalok niyang kasal dito. Sana lang ay pumayag ito. He reached her palm and brought it to his lips. Salubong ang kilay nang tingnan niya si Meadow. Nginitian niya ito. "I love you, my Meadow. You're mine and I'm only yours." Hindi ito tumugon, bagkus ay umawang lang ang bibig. Hanggang sa marating ang lugar na pagtatayuan ng CromX ay hindi na niya binitiwan p
NANGINGINIG at hindi halos maihakbang ni Meadow ang mga paa papasok sa provincial jail. Ang araw na iyon ang itinakda para magkausap sila ni Rodolfo, ang lalaking nagsabing asawa niya, ang lalaking nagpahirap sa kaniya. Kapag sinasaktan siya nito'y halos mawalan na siya ng hininga. "Are you okay?" Nilingon niya ang nagsalita. "A-Aedam..." Nakaantabay lang ito sa likuran niya. "Kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin. Mahihirapan ka lang. Marami pa namang pagkakataon, e." Hinawakan nito ang nanlalamig niyang palad. Napilitan siyang ngumiti. "Okay lang. Nandito na rin naman tayo, e. Kinakabahan lang talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Kung sisigawan ko ba siya, o sasampalin?" Napahinga ito ng malalim. Ang titig nito'y parang sinusuri siya hanggang sa kailaliman ng kaniyang katawan. "Can I ask you something, baby?" Maang na tumitig siya rito. Bakit biglang may nagrambulan sa kaniyang dibdib? "Y-yes? A-ano 'yon?" nauutal niyang tugon. "Minah
"HEY, what's up, dude!"Sinulyapan ni Aedam ang pinagmulan ng tinig, si Kent at Zeus. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa office niya? Wala bang trabaho ang dalawang ito? Kunsabagay, sila nga rin pala ang boss. Hindi na lang siya nagsalita, hinintay na lang niya ang paglapit ng dalawa. "Busy?""Uhm, oo. Kaya kung aabalahin niyo ako, makakaalis na kayo," biro niya. Ilang araw na simula nang lumabas si Avi sa hospital, ilang araw na rin siyang tutok sa trabaho, isa pa ay nalalapit na ang pagpapatayo ng branch ng CromX sa Lucena. Tulad ng ipinangako niya kay Meadow, sasamahan niya papunta roon, kaya ngayon ay hindi na siya umaalis sa kaniyang office."Ang harsh mo talaga," tinig ni Kent, na sinabayan ng pasalampak na upo sa bangkong nasa unahan ng kaniyang mesa.Pinukol lang niya ito ng masamang tingin at muling ibinalik ang atensiyon sa tinatapos na gawain. "Tsk. Zeus, bakit pa pala tayo nagpunta rito? Busy at hindi puwedeng abalahin pala ang tao rito."Napaangat ang kilay niya, sinun
NAKATUNGHAY si Meadow sa harapan ng magarang mansiyon. Ang kanilang anak na kanina pa hindi maubos-ubos ang sinasabi ay hinihila na ang kamay niya papasok. Si Aedam ang nagbitbit ng mga gamit nito at ang mga kaibigan nito'y nauna nang dumating."Mommy, lets go na po. Ipakikila kita kay Yaya Eliza ko and Manang Laura, Ate Danica." Nasa mukha ni Avi ang sobrang kaligayahan. Siya man ay kasiyahan ang nararamdaman. Dalawang taong nawalay sa mahal na anak, pinagsamantalahan ang nawalang memorya niya. Nakaranas ng kalupitan sa hindi kilalang tao and finally, nakabalik na siya. Nakabalik na sa piling ng taong tunay na nagmamahal sa kanya.Hinayaan niya ang anak na hilahin siya. Habang naglalakad papasok ay panay tawag ito. Hindi n'ya tuloy napagmasdan ang paligid. Humantong sila sa kitchen. Malawak ang lugar at kung ihahambing ay para nang isang bahay ng ordinaryong tao. May dalawang mataas na fridge. Maraming cabinet at sa tingin niya'y doon nakalagay ang mga pinggan. "Ate Eliza, she's my
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang