KAREN "Sandali lang mga anak, ilang oras na lang dadating na tayo sa Maynila." Tugon ko sa aking dalawang anak na tila inip na inip na dahil sa tagal ng binyahe namin mula probinsya. "Mom, I'm hungry na po," reklamo nitong englesera kong anak na si Kaye. Dahil siguro sa kapapanood sa youtube kaya siya natuto ng ganito. Hindi ko naman kinakausap ng english kahit ako hirap magsalita ng spokening dollar na 'yan. "Kaye we ... ah basta kailangan muna natin mag-wait to stop over this bus para we kain na, okay?" Aruy! dumugo yata ang ilong ko sa anak kong ito. Tatlong taong gulang pa lang naman siya pero kung makapagsalita akala mo doktor, palibhasa may pinagmanahan. "Okay, Mom." Isa pa itong kaka-Mom niyang tawag sa akin. Ang sabi ko Nanay kasi pang mayaman ang Mom. "Mom, milk, dede." Reklamo naman ko bunso kong si Kevin. Matutuyuan yata ako ng utak sa mga anak ko. Akala mo mga anak mayaman. e, sa barong-barong lang naman kami nakatira. But wait, kami lang yata ang may
Huling Na-update : 2025-01-06 Magbasa pa