Joanne La Senza ***"Good morning, Ms. Joanne," bati sa akin ni Creed matapos mai-settle ang sarili at tuluyang makapasok sa loob ng elevator.Ms. Joanne ang tawag niya sa akin dahil halos magkasing-edad lang kaming dalawa, at ito ang nakasanayan niya dahil magkakilala na kami bago pa man ako ikasal kay Earl. Matagal na kaming magkakilala kaya matagal na rin siyang pinagseselosan ng asawa ko. Kaya kung minsan ay ayaw akong papasukin ni Earl sa opisina dahil ayaw niyang magkita kami ni Creed.Nginitian ko siya pabalik at binati. "Good morning, Mr. James. You are early today," pormal na sagot ko. Ngunit biglang napawi ang ngiti sa labi ko nang bigla kong maalala ang sinabi ng aking asawa na hindi nga pala ako puwedeng makipag-usap sa iba. Iyon ang kabilin-bilinan sa akin ni Earl. Pero sa sobrang bait at kalog ni Creed ay hindi ko siya kayang tanggihan dahil wala naman akong ginagawang masama.Guwapo si Creed. Mayaman, maganda ang hugis ng katawan at higit sa lahat ay ma-appeal. Habulin
Terakhir Diperbarui : 2025-02-27 Baca selengkapnya