Joanne La Cenza***Hindi lang nananakit ang katawan ko, mainit din ang pakiramdam ko at sa palagay ko ay nilalagnat ako. Agad na namuo ang luha sa mata ko. Mariin kong naipikit ang namumugto kong mata saka hinayaang tumulo ang mainit na likido upang damayan ang sarili ko. Ilang minuto akong humikbi at sa katagalan, nang medyo um-okay na ang pakiramdam ko ay pinilit ko ang sarili kong umupo sa kama at sumandal sa headboard. Ininda ko ang pagpitik ng sakit sa ulo ko at ang bugbog-sarado kong katawan saka pilit inangat ang aking kamay upang abutin ang telepono na nakapatong sa ibabaw ng bedside table.I know my secretary is wondering why I am not in the office yet. Alam niyang kapag hindi ako papasok ay nagbibigay-alam agad ako para maikansela niya ang meetings ko. I need to call her. Hindi ko alam kung nasaan ang bag ko, naroon ang cellphone ko, dahil sa bigla na lang ako hinila ng asawa ko paakyat sa kuwarto kagabi. Dahil medyo may kalayuan ang telepono mula sa
Terakhir Diperbarui : 2025-03-19 Baca selengkapnya