Lovebele “Edi umalis ka! Bakit kailangan mo pa akong tanungin? Kung gusto mo, iwanan mo ako rito wala naman akong sinabing balikan mo ako, rito sa loob," sagot ko sa paghahamon ni Scott sa ‘kin. “Good,” sabi lang nito tatango-tango at nakatitig lang siya sa mata ko. Ano bang ginagawa nitong attorney na ito. Ayaw akong tantanan ng mata nito. Hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa kaniya dahil ayaw akong lubayan ng tingin niya. "Tusukin ko 'yang mata mo ayaw akong tigilan," bubulong-bulong ko na kinapikit nito ng mata. "Pambihira talaga ang ugali," pabulong n'yang sabi ngunit narinig ko naman. “Ano pa ang inaantay mo, Scott Miguel? H’wag ka ng makonsensya dahil wala ka naman noon diba?” “Dammit bakit ano naman ba ito, Lovebele?” biglang dumilim ang mukha ni Scott. Medyo kinabahan ako roon baka bigla ako nitong sakalin at pagkatapos totohanin ngang layasan ng tukmol na ‘to pagkatapos akong tudasin. Pero ang totoo naisip ko kapag umuwi ako ngayon sa pagbaba ko na lang bayar
Last Updated : 2025-02-02 Read more