BLYTHE JULIANNA... "Tantanan mo nga ako, Pickles. Limang oras ka ng nambubuwesit sa akin," napipikon na singhal n'ya sa kaibigan dahil hapon na ay panay pa rin ang tanong nito sa kan'ya. "Sagutin mo na kasi ang tanong ko," ungot pa nito. "Wala nga, kaya pwede ba— patahimikin mo na ako, Pickles," inis na sabi n'ya kaibigan. Ngunit imbes na tantanan s'ya nito ay mas kinulit pa s'ya ng kinulit. May pa sundot-sundot pa ito sa kan'yang tagiliran at panay naman ang kan'yang ilag. "Stop! Fvck! Para kang bata!" namumula ang mukha na sigaw n'ya dahil napipikon na s'ya sa ginagawa nito. "Asus! Kunyari ay galit para tantanan! Huwag ako, mareng Acey dahil kilala kitang hayop ka. Ayaw mong umamin, pwes ako ang gagawa ng paraan na malaman ang totoo," nakataas ang kilay na sabi ng kaibigan sa kan'ya bago s'ya tinalikuran. Nakaramdam lang s'ya ng kapayapaan ng mawala si Pickles sa harapan n'ya. Talagang hindi ito titigil hangga't hindi s'ya nito nagalit. Kaya palaging nauubos ang kanilang pasen
Last Updated : 2025-01-20 Read more