All Chapters of Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss: Chapter 81 - Chapter 90

100 Chapters

Chapter 79

Chapter 79:Umagang-umaga ay ang ingay sa labas. Dumungaw siya mula sa siwang ng pintuan. Mas lumakas ang ingay na narinig ni Lila. Lumabas siya nang tuluyan at agad na lumakad nang matulin patungo sa hagdanan.“Lila! Kay ganda mo naman! Magandang umaga pala,” malakas na anang Aling Bet mula sa sala.Lumapad ang ngiti niya. Ngayon lang ulit niya nakita ang Ginang. Nagmadali siyang bumaba. Nakita niya na may isang basket ng Santol na dala ang Ginang. Kaya ay halos maging hugis puso na ang kaniyang mga mata.“Aling Bet? Mabuti at napadalaw ka rito! Hindi tayo gaanong nagkausap noong nagkasabay tayo sa bus. Wala kasi ako sa sarili ko noong araw na iyon.”“Okay lamang ako. Lila! Ako nga ay naparito buhat nang marinig ko sa mga mosang na ikaw raw ay buntis. Ang nakakatawa ay sa lahat ng mga dalagang nabuntis ay sa iyo sila nagagalak. Ang sabi nila ay huwag ka raw husgahan,” wika nito. “Ang iba pa nga ay pinepressure ang mga anak nilang lalaki na luminya sa unahan mo! Nagbabakasakali na mag
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Chapter 80

Chapter 80:Dinama niya ang kalmadong paligid sa sakahan niya. Ayaw niya mang aminin ay nakabuo ng pangarap na manirahan na lamang dito si Lila. Sino ba ang aayaw sa lugar na tulad nito? Presko ang hangin at walang ibang maingay bukod sa mga hayop na nasa paligid at mga ibon na nagliliparan.Sa kabila ng kaniyang pagnanais na manatili pa sa lugar ay umambon. Sumunod ang ilang tunog ng kulog.“Bakit ngayon pa umulan?” bulyaw niya’t tumayo na siya agad. “Ang ganda ng panahon kanina, e. Wala namang balita na uulan ngayon,” aniya pa na may inis sa tinig.Kung mayroon lamang kahit na maliit na kubo rito ay sisilungan niya ito. Kaso ay wala at kung hihintayin niya na lumakas ang ulan at patatapusin niya ang pagbuhos nito ay baka mag-alala ang Nanay niya.Gumawa ng ingay ang kabayong dala niya.“Oo na. Ito na nga, o,” sabi niya rito. “Isa ka ring hindi makapaghintay, a!”Dahan-dahan siyang umamba sa likod ng kabayo. Nagmadali siyang tumawid sa ilang hindi gaanong matataas na mga bukid pauwi
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Chapter 81

Chapter 81:Puting damit at itim na trousers ang sinuot ni Lila. Bumaba siya. Wala na sa sala si Totoy. Luminga siya sa pintuan patungo sa hardin, bukas ito at malakas ang kutob niya na tumungo roon ang binata. Kaya ay napagdesisyunan niya na siya’y lumakad patungo sa hardin. Tumigil si Lila nang masamyo ang preskong amoy ng pabango na gamit ng lalaki. Mas bumango pa ito nang naghalo ito sa amoy ng mga Puting Rosas na bago pa lamang bumukadkad. Ilang hakbang pa ang ginawa niya bago tuluyang natagpuan kung nasaan si Totoy. Ang binata ay tahimik na inaayos ang halamang bougainvillea ng Nanay niya. “Nakalimutan ka sigurong diligan ng Amo mo. Hayaan mo at natanggalan na kita ng mga damo. Magiging maganda ka rin ulit,” wika nito sa halaman. Payapang umupo sa tabi ng bougainvillea ang binata habang patuloy nitong pinagmamasdan ang halaman na natuyo ang mga dahon. Likod lamang ang nakita niya. May kung anong dumaplis sa kaniyang puso at alam niyang kaba iyon. Subalit bakit naman siya ka
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Chapter 82

Chapter 82:Agad na naglagay ng silya si Bet upang tapakan niya habang pababa siya ng kabayo. Inalalayan pa siya ng Ginang upang hindi siya mapaano. “Aling Bet, pasensiya na ho kayo kung medyo natagalan kami bago makarating dito. Nawili na kasi kami sa pagkukuwentuhan sa daan kaya ay hindi namin namalayan na nakatulog ang kabayo habang naglalakad,” biro niya kay Bet. “Naku! Walang problema roon, Lila. Mabuti naman at nakipagkuwentuhan sa iyo ang anak kong iyan,” tugon ng Ginang sa kaniya. “Paano ba ay puro mga halaman lamang ang kinakausap ni Totoy! Nanalantay talaga sa dugo niya ang pagiging Rosell,” baling nito sa anak.“Ma, samahan mo na lang si Lila sa loob. Painumin niyo ng tsaa. Hindi tama na tsinitsismis mo ako sa kaniya. Baka mamaya ay tawagin pa ako niyan na weirdo,” sabi ni Totoy. “O siya, papakainin ko muna ng sariwang damo itong kabayo. Babalik ako agad nang sa ganoon ay makatay na ang mga manok.” “Bilisan mo na at tiyak akong mababagot lamang si Lila kung kami ng Nanay
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Chapter 83

Chapter 83:Tinangay ng hangin ang kaniyang isip. Kung bumiyahe iyon ay malayo na ang narating nito. Inisip niya ang sinabi ni Totoy sa kaniya noong nasa sakahan sila. Poprotektahan daw siya nito at hindi mapapahamak kapag nasa tabi siya ng binata. “Parehong pangako ni Sir Ryllander, pero siya rin ang pumako nito,” singhap niya. “Ikaw ba talaga ang lalaking marangal na palagi kong inaasam noon, Totoy?” tanong niya sa hangin na dulot ng kaniyang pagkalito. Ilang araw na rin ang natapos nang nagkasama sila ni Totoy tumungo sa bukirin ng mga Rosell. Kung si Totoy ang lalaking marangal na iyon, bakit sinasabi ng puso niya na hindi? Subalit ang utak niya ay malakas ang tulak at nagsasabi na si Totoy nga ito. “Ate, Lila? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo. Sana okay ka lang.” Si Etang na katatapos lang maligo. Walang pasok ang kaniyang pinsan. Madali itong umupo sa harapan niya. “Etang, iniisip ko lang iyong lalaki na nakikita ko sa panaginip ko, iyong sinasabi kong lalaking maranga
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more

Chapter 84

Chapter 84:“What now, Nahum? May magandang balita na ba tungkol sa paghahanap mo sa babaeng mahal ko?” tanong niya sa lalaking kausap sa telepono. “Sir,” nag-aalangang sabi nito. “What?! Hindi mo ba ako bibigyan ng update? Ano ba?”Nagiging mainipin na siya kahihintay kung may balita na ba ang imbestigador niya. Matagal-talaga na rin nang binigay niya kay Nahum ang assignment na ito. “Sir, pumunta ako sa baryo ng isang probinsiya sa Mindanao. At gusto kong sabihin sa iyo na mayroon tayong masamang balita.”“Ano naman ang balitang iyon, Nahum?”“Sir, hindi lamang tayo ang naghahanap kay Miss Lila—”Napatayo siya mula sa kaniyang swivel chair nang marinig ang turan ng kausap. Lumunok siya at napabitaw na lamang siya ng buntonghininga. Kanina pa siya kinakabahan. Ngayon ay alam na niya kung ano ang dahilan no’n. Nasa dehado na naman na lagay si Lila.“Come again.”“Hindi lamang po tayo ang naghahanap kay Miss Lila. Ang sabi po sa akin ng mga taga-roon ay noong nakaraang araw ay may n
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more

Chapter 85

Chapter 85:Nagtapon ng basura sa labas si Lila nang bigla na lang siyang kinabahan. Ang likod niya’y para bang may mga mata na nakikita ang pagbabanta mula sa kung sino. Tumayo ang kaniyang balahibo nang humihip ang hangin. Tatlong anino ang nakita niyang umaaligid sa labas ng kanilang pader nang sumilip siya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. “Diyos ko,” kabadong sambit niya nang may humawak sa kaniyang balikat. Lumingon siya at napabuntong-hininga na lamang dahil sa mukhang bumungad sa kaniya. “Nanay, aatakihin ako sa ginagawa mo,” wika niya.“Sinabi ko sa iyo na bukas mo na ilabas ang mga supot ng basura, Lila. Bakit ka ba palagi na lang lumalabas nang ganitong oras? Alam mo naman na delikado, hindi ba?”“Sumilip lang ako, Nanay,” aniya. “Pumasok ka na, Lila. Hindi de bakal ang katawan mo kung kaya’y kung makabunyag ka sa labas ay para kang hindi natatablan ng bala,” sabi ng Nanay niya. Iba ang pakiramdam ni Lila. Sa tingin niya ay may nakamanman sa bahay nila. Sira na kasi
last updateLast Updated : 2025-03-30
Read more

Chapter 86

Chapter 86:Pamilyar na tunog mula sa guestroom ang narinig ni Lila. Pababa na sana siya subalit dahil sa yaong tunog ay tumigil siya at sinilip ang kaniyang panauhin. May siwang ang pintuan, kaya naman ay sumilip siya mula roon. At nakita ang ginagawa ng binata.Nakaharap sa kaniya si Totoy habang ang mga paa ay nakaekis sa pagkakaupo. Nasa harapan nito ang isang baril, 3’8, maraming bala ang siyang nakakalat sa ibabaw ng kama. Humawak siya sa kaniyang dibdib. Si Ryllander man o si Totoy ang kasama ay dala niya pa rin ang kaba. Alam niyang kapag may baril ay hindi malayo na magkakapatayan kapag mayroong engkuwentrong magaganap. Kumatok siya. “Lila, pumasok ka,” sambit ng binata. Tinulak niya ang pinto at dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng silid. Tumikhim siya habang ang mga mata ay nakasentro ang titig sa baril na pinupunasan ng binata ng langis. “Totoy,” aniya na hindi na mabigkas ang susunod na nais niyang sabihin. Tumingala sa kaniya ang binata at kaunti itong ngumiti sa k
last updateLast Updated : 2025-04-01
Read more

Chapter 87

Chapter 87:Bukas ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Nagulantang siya nang hinila siya ng tao na nasa loob nito papasok. Sisigaw na sana siya subalit nagpakilala ang binata.“Huwag kang magulat, ako ito, Lila. Mas marami na sila kumpara kagabi,” imporma nito sa kaniya sa pabulong na paraan. Marahan siyang ginabay nito patungo sa verandah. Doon ay kanilang pinagmasdan ang mga armadong lalaki na nasa ibaba, sa labas ng pader ng bahay. “Hinihintay nila na lumabas ako, Totoy,” aniya. “Alam ko. Kaya kita dinala rito ay upang mapag-aralan natin kung saan ka puwedeng dumaan kapag aalis ka na.” Nakahawak sa kaniya ang binata. Subalit binawi rin ni Totoy ang kamay nito. “Hindi ka puwedeng umalis dito nang may araw, Lila. Maaaring wala sila sa paligid ng bahay niyo kung may araw, pero tiyak na nakaabang sila sa hindi kalayuan. Marami sila kung gabi, pero kapag nalagpasan natin sila ay hindi ka na mapapahamak pa. Ang kailangan lang nating gawin ay matiyak na handa na kung ano ang sasakyan mo pa
last updateLast Updated : 2025-04-02
Read more

Chapter 88

Chapter 88:Tama ang Mama niya na isang kahanga-hangang babae si Lila. Tahimik siyang pumasok sa silid nito at kaniyang pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na babae. Kahit na natutulog ito ay hindi nawala ang angking kagandahan ng mukha nito. Subalit hindi rin nakaligtaan ng kaniyang pansin ang hindi kapanatagan sa mukha ng babae. Marahan siyang umupo sa tabi nito at ang mga mata niya’y hindi nilisan ang titig sa mukha ni Lila. Humikab siya nang dinalaw siya ng antok. Upang matakasan ito ay kaniyang minasahe ang kaniyang mga palad. Hindi siya maaaring matulog dahil kailangan niyang bantayan ang babae. May gusto siya sa babaeng ito, pero pinigilan niya ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan na inalay nito sa kaniya. Kahit na bago pa lamang sila na naging magkalapit sa isa’t isa ay kaniyang pinahahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Lila. Mas mabuti na ang ganito. Ayaw niya kasing makaramdam sila ng ilang sa isa’t isa. Gumalaw ang babae at ang mga talukap
last updateLast Updated : 2025-04-03
Read more
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status