Chapter 85:Nagtapon ng basura sa labas si Lila nang bigla na lang siyang kinabahan. Ang likod niya’y para bang may mga mata na nakikita ang pagbabanta mula sa kung sino. Tumayo ang kaniyang balahibo nang humihip ang hangin. Tatlong anino ang nakita niyang umaaligid sa labas ng kanilang pader nang sumilip siya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. “Diyos ko,” kabadong sambit niya nang may humawak sa kaniyang balikat. Lumingon siya at napabuntong-hininga na lamang dahil sa mukhang bumungad sa kaniya. “Nanay, aatakihin ako sa ginagawa mo,” wika niya.“Sinabi ko sa iyo na bukas mo na ilabas ang mga supot ng basura, Lila. Bakit ka ba palagi na lang lumalabas nang ganitong oras? Alam mo naman na delikado, hindi ba?”“Sumilip lang ako, Nanay,” aniya. “Pumasok ka na, Lila. Hindi de bakal ang katawan mo kung kaya’y kung makabunyag ka sa labas ay para kang hindi natatablan ng bala,” sabi ng Nanay niya. Iba ang pakiramdam ni Lila. Sa tingin niya ay may nakamanman sa bahay nila. Sira na kasi
Chapter 86:Pamilyar na tunog mula sa guestroom ang narinig ni Lila. Pababa na sana siya subalit dahil sa yaong tunog ay tumigil siya at sinilip ang kaniyang panauhin. May siwang ang pintuan, kaya naman ay sumilip siya mula roon. At nakita ang ginagawa ng binata.Nakaharap sa kaniya si Totoy habang ang mga paa ay nakaekis sa pagkakaupo. Nasa harapan nito ang isang baril, 3’8, maraming bala ang siyang nakakalat sa ibabaw ng kama. Humawak siya sa kaniyang dibdib. Si Ryllander man o si Totoy ang kasama ay dala niya pa rin ang kaba. Alam niyang kapag may baril ay hindi malayo na magkakapatayan kapag mayroong engkuwentrong magaganap. Kumatok siya. “Lila, pumasok ka,” sambit ng binata. Tinulak niya ang pinto at dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng silid. Tumikhim siya habang ang mga mata ay nakasentro ang titig sa baril na pinupunasan ng binata ng langis. “Totoy,” aniya na hindi na mabigkas ang susunod na nais niyang sabihin. Tumingala sa kaniya ang binata at kaunti itong ngumiti sa k
Chapter 87:Bukas ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Nagulantang siya nang hinila siya ng tao na nasa loob nito papasok. Sisigaw na sana siya subalit nagpakilala ang binata.“Huwag kang magulat, ako ito, Lila. Mas marami na sila kumpara kagabi,” imporma nito sa kaniya sa pabulong na paraan. Marahan siyang ginabay nito patungo sa verandah. Doon ay kanilang pinagmasdan ang mga armadong lalaki na nasa ibaba, sa labas ng pader ng bahay. “Hinihintay nila na lumabas ako, Totoy,” aniya. “Alam ko. Kaya kita dinala rito ay upang mapag-aralan natin kung saan ka puwedeng dumaan kapag aalis ka na.” Nakahawak sa kaniya ang binata. Subalit binawi rin ni Totoy ang kamay nito. “Hindi ka puwedeng umalis dito nang may araw, Lila. Maaaring wala sila sa paligid ng bahay niyo kung may araw, pero tiyak na nakaabang sila sa hindi kalayuan. Marami sila kung gabi, pero kapag nalagpasan natin sila ay hindi ka na mapapahamak pa. Ang kailangan lang nating gawin ay matiyak na handa na kung ano ang sasakyan mo pa
Chapter 88:Tama ang Mama niya na isang kahanga-hangang babae si Lila. Tahimik siyang pumasok sa silid nito at kaniyang pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na babae. Kahit na natutulog ito ay hindi nawala ang angking kagandahan ng mukha nito. Subalit hindi rin nakaligtaan ng kaniyang pansin ang hindi kapanatagan sa mukha ng babae. Marahan siyang umupo sa tabi nito at ang mga mata niya’y hindi nilisan ang titig sa mukha ni Lila. Humikab siya nang dinalaw siya ng antok. Upang matakasan ito ay kaniyang minasahe ang kaniyang mga palad. Hindi siya maaaring matulog dahil kailangan niyang bantayan ang babae. May gusto siya sa babaeng ito, pero pinigilan niya ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan na inalay nito sa kaniya. Kahit na bago pa lamang sila na naging magkalapit sa isa’t isa ay kaniyang pinahahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Lila. Mas mabuti na ang ganito. Ayaw niya kasing makaramdam sila ng ilang sa isa’t isa. Gumalaw ang babae at ang mga talukap
Chapter 89:“She should not escape from me!” sigaw niya na hawak ang teleponong nakadikit sa kaniyang tainga. “Kaya gawin niyo ang lahat para madala niyo siya sa akin! And mind that I want her alive!”“Boss, ang nalaman kong impormasyon ay nasa Baguio siya ngayon. Hindi ko lang alam kung nasaan siya sa lugar na ‘yon. Wala kasing sinabing exact location ang lalaking kausap niya. Pero, Boss, dinig na dinig ko na naroon siya!”“Argh! Kung malapit ka lang sa akin ngayon, Jonas, ay sinakal na kita hanggang mamatay ka! Ano pa ang ginagawa niyo sa lugar na iyan?! Bakit hindi niyo siya hanapin sa Baguio?! Leave that place now and look for her!”“Boss—”“Stop telling me fairytales! Huwag mo akong gawing bata na hinehele mo sa pamamagitan ng iyong mga alibis, Jonas! Baka nakakalimutan mo na alam ko kung saan kayo nakatira at kung saan nag-aaral ang anak mo!”“Boss Celine, huwag mo naman idamay rito ang anak ko,” kabadong wika ng lalaki.“Then find that Adellilah as soon as possible! Suyurin mo
Chapter 90:Ngayon ay makikipagkita si Celine kay Thon. Sa isang sikat na bar kung saan madalas na tumatambay ang mga kilalang tao at personalidad. Habang naglalakad siya sa gitna ay pinagmasdan siya ng maraming tao. Huminga siya nang malalim nang umupo siya sa tapat ng lalaking nakahalukipkip habang nagagalak sa mga babaeng nasa dancefloor na nagsasayaw. Minsan ay kanilang pinagmamasdan ang gawi ni Thon. Umiling siya at agad na binuhusan ng alak ang kupita na nasa tapat niya. Walang anu-ano’y ininom niya ang alak. Parang tubig lamang ito sa kaniyang lalamunan. Wala na siyang pakialam kung masira ang katawan niya at magkaroon siya ng taba o mad pumayat pa siya. Wala na siya sa industriya ng pagmomodelo at ang kaniyang brand ay nagdeclare na ng bankruptcy. “Dahan-dahan lang sa pag-inom, Celine.”“At bakit? Wala namang mangyayari kung mag-dahan-dahan ako, Thon!”“It’s so funny to hear that from you, Celine. Akala ko ba ay kailangan na manatili kang sexy? I think you are forgetting yo
Chapter 91:“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport, Manila! Please remain seated with your seatbelts fastened and keep the aisles clear until the aircraft comes to a complete stop and the cabin door is opened. Thank you for flying with us.”Halos putol-putol ang hangin na kaniyang pinakawalan nang marinig ang hudyat na iyon. Nandito na naman siya sa lugar kung saan nagsimulang maging magulo ang buhay niya. Ito ang alam niyang paraan upang lituhin ang mga taong naghahanap sa kaniya, takasan ang umaapoy na galit ni Celine, at lumayo upang hindi madamay ang mga taong mahalaga sa kaniya. Nagsalita pa ang Flight Attendant at nagbigay ng karagdagang alituntunin nang lumapag na ang eroplano sa paliparan. Sumunod siya sa mga taong hinay-hinay na lumabas mula sa bumukas na pintuan. Amoy ng hanging mainit ang hampas sa mukha niya ang siyang bumungad sa kaniya. Isang maleta lamang ang dala niya at kaniya itong dinala patungo sa loob ng gusali. Tinawid niya ang pi
Chapter 92:Ang galit sa kaniyang mga mata ay hindi niya maitago pa. Kinuha niya ang kaniyang baso at agad itong tinapon. Sa kabila ng kapal nito ay nabasag pa rin ito sa maliliit na piraso. “Nahum?! Hindi puwede ang sinabi mo! Why the hell that she wasn’t there?!” “Look, Sir Ryllander, sinubukan ko siyang puntahan sa mismong bahay na tinuro ng mga kabaryo niya kung saan siya nakatira. Pasalamat nga ako dahil hindi na sila masungit sa akin. Pero wala roon si Miss Lila. Nakita ko roon ang Nanay niya at ang kaniyang nakababatang pinsan. Pero ganoon pa rin, ang sabi nila ay wala silang ideya kung nasaan si Miss Lila. Hindi raw ito umuwi sa probinsiya nila. Ang alam pa nga nila ay nasa Maynila ito at nagtatrabaho sa inyo. Sir, huwag naman po sana kayong magalit sa akin.”“Ano ang ineexpect mo sa akin, Nahum? Do you want me to applaud you? Nakakaproud ba iyan?! Matagal ko nang binigay sa iyo ang trabaho mo, Nahum! Oh come on! Not only that! Sumunod ako sa gusto mo!”“At transparent laman
Chapter 102:Hinang-hina siya. Sinubukan niyang ahunin ang kaniyang ulo subalit pakiramdam niya ay ang bigat na nito. Ang kaniyang katawan ay puno ng sugat na naging dahilan ng walang-tigil na pagmamanhid ng kaniyang laman. Muli siyang sinipa ni Celine. Kaya ay tumingala siya sa babae at muling nag-makaawa.“H-Huwag mo nang patagalin pa ang lahat, Celine. P-Patayin mo na lamang ako. Hindi ko na kaya pa…”Yumuko si Celine upang maabot ang kaniyang buhok. Inahon siya ng babae at pinilit siyang makatayo. Inangat nito ang kaniyang ulo at ilang beses na inalog-alog pa.“Tingnan mo siya ngayon, Lila! Tingnan mo ang lalaking sinabi mong walang pakialam sa iyo! He is weak and has no power to save you! But still, he is here, trying to save you.” wika nito. “Nakita mo na? Pumunta siya rito! You lied to me! Ang sinabi mo sa akin ay hindi ka niya pupuntahan, hindi ka na niya hahanapin pa, at wala na siyang pakialam sa iyo! Pero isang tawag ko lang sa kaniya at sabing hawak kita ay sumuko na siya
Chapter 101:Nakapuwesto na ang mga tauhan na kasama niya. Si Totoy ang tumayo bilang command nila. Sana ay mapagtagumpayan nilang iligtas si Lila.Noong nakulong na ang Daddy ni Celine ay akala niya roon na nagtatapos ang ganitong mga eksena. Hindi pa pala. Mas mahirap ngayon dahil hawak ng kaaway niya si Lila. Isang maling hakbang lang na gagawin niya ay mapapahamak nang tuluyan ang babae. Lubos pa siyang nangangamba dahil dala-dala ng babae sa sinapupunan nito ang kanilang anak.Sumagi sa isip niya ang sinabi ni James sa kaniya tungkol sa pagmamahal na mayroon siya para kay Lila at sa anak niya. Sa kaniyang sitwasyon ngayon ay tiyak na iyon ang siyang magiging matibay na kasangkapan na magliligtas sa kaniyang mag-ina.Pagpatak ng alas otso ay nakarating na siya sa lugar na sinabi ni Celine. Madilim ang paligid ng lumang warehouse. Kabado niyang tinahak ang daan papasok. Walang kahit na isang baril na dala si Ryllander dahil isa iyon sa mga bilin ni Celine. Ang tanging mayroon siya
Chapter 100: Nanlisik ang mga mata niyang tumitig sa screen ng kaniyang cellphone. Tumayo siya at agad na sinuot ang kaniyang bullet proof bago ang kaniyang itim na leather jacket. Si Totoy naman ay maiging hinanda ang pistol nito. “Paano mo nadala ang baril na iyan? Hindi ba mahigpit ang security?” “Mahigpit naman. Pero posible ang lahat ng bagay kung malawak ang iyong koneksiyon at may tiwala ang mga tao sa iyo.” “Oo nga naman,” sabi naman ni Nahum. “Nahum, nagdududa ako sa location na sinend ni Celine sa akin. I think that woman is scheming.” “I know, Sir Ryllander. That’s why I am searching more information about the location she gave. Noong tumawag siya sa iyo ay iba ang lokasyon niya. Ang sabi sa info ay ilang kilometro ang layo niya mula sa location na sinend niya sa iyo. She always came prepared, Sir.” “Bakit hindi mo na lang kasi balikan ang ex mong baliw na iyon, Ryllander? Sa tingin ko ay iyon lang naman ang pinuputok ng butsi niya. Gusto ka lang nun makuha ulit,” suh
Chapter 99:Dinala sila ni Nahum sa sala. Inofferan sila ng imbestigador ng maiinom.“Pasensiya na kayo sa bahay ko. Medyo makalat,” wika nito.Tumingin siya sa maliit na piraso ng tela na malapit sa kaniyang sapatos. Lihim niya itong sinipa dahil nagtataka siya kung ano ang bagay na ito.“Shit,” mura niya nang malaman kung ano iyon. Umiling na lamang siya at agad na tinitigan si Nahum bago binalik sa karampot na tela na nasa sahig ang kaniyang sulyap. “Clean your mess,” bulong niya. Kumpyansa naman siya na kayang basahin ni Nahum ang kaniyang mga labi.“Uminom muna kayo ng juice,” sabi ni Nahum. Nang naipatong na nito sa lamesa ang tray kung saan nakaupo ang pitsel at dalawang baso ay pinulot na nito ang tela na kaniyang tinitigan.Lihim na pinasok ni Nahum sa bulsa nito ang t-back at agad itong umalis. Sinundan niya sa kusina ang lalaki. Binuksan nito ang trash bin at tinapon ang tela na hinugot mula sa bulsa nito.“Nakakadiri ka, Nahum. Alam mo naman na parating kami, hindi ba? Ni
Chapter 98:Iisa lamang ang kanilang hangarin at iyon ay ang mailigtas si Lila. Hindi mawala-wala ang pagdududa niya na may relasyon sina Lila at Totoy, at hindi mabura ang katotohanan na alam niyang kaya siyang tapatan nito. Ang selos na mayroon siya sa lalaki ay mahirap ding walain. Subalit kailangan niyang ilagay sa tabi muna ang kahit na anong bagay na makakadulot ng sigalot sa pagitan nila. Sumatutal ay iisa lamang ang nais nilang mangyari at iyon ay ang maisalba si Lila.Nagpaalam sa kaniya si Totoy kanina na maghahanap ng hotel na matutuluyan. Pero inalok niya ito na sa mansion na lamang niya tumuloy ang lalaki. Mabuti na lamang at hindi na nagmatigas pa si Totoy. Kahit na taga-probinsiya ang lalaki ay alam niyang alam nito ang pasikot-sikot dito sa Maynila. Nakatapos ng degree na saklaw ng agham at pagsasaka si Totoy. Batid niya ang ilang detalye sa lalaki dahil saglit siyang naghanap ng impormasyon tungkol sa mga Rosell kanina online.Kaya pala mukhang mamahalin ang lalaki ay
Chapter 97:Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya matumbok kung ano ang dahilan nito. Unang niyang naisip si Adah. Ilang linggo na rin kasi na hindi niya kinumusta ang pinsan niya. Kung hindi siya nagkamali ay ang huling pagkikita nila ay ang gabi ng welcome home party ng Abuela nito. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang linya ng kaniyang pinsan.“Ry? How are you? Mabuti naman at tumawag ka. Hindi ako madalas na nangumusta dahil kailangan ko pang magplano kung ngayong summer season ko ba ilalabas ang mga bagong disenyo ko. Alam mo naman na mas naging mahigpit at mahirap ang karera ng mga brand owners ngayon, lalo na sa mga tulad ko na hindi naman masyadong kilala.”Siya ay nahawak sa mesa. Nawala ang pag-aalala niya sa pinsan niya. Subalit ganoon pa rin ang kaba na namayani sa puso niya. Hindi niya mawari ang rason ng puso niya kung bakit para itong nahuhulog sa kawalan.“I am glad to hear that, Adah.”“Ikaw?”“I am worried and I think something’s happening. Kanina pa ak
Chapter 96:Isang metro na lamang ang layo ni Celine sa upuan kung saan siya nakagapos. “May nalalaman ka pang pakulo at nagbigay ka ng pekeng impormasyon. You said you are in Baguio, right? E, kung bagyuhin ko ang pagmumukha mo ngayon?!”“Celine, lumayo ako sa iyo at kay Ryllander dahil ayaw ko ng gulo! Mahirap bang hayaan na lang ako?! Kung gusto mong kunin si Ryllander, edi kunin mo siya! W-Wala na akong pakialam sa kaniya!” Sarkastikang tumawa si Celine. Pinagmasdan siya nito saglit hanggang sa hindi na nito makontrol ang sarili at siya ay sinampal nito.“Hindi na lang ito tungkol kay Ryllander, Lila! It’s about you and me. Ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin ang lahat ng mayroon ako. That's why you are sitting in front of me right now!”“Wala naman talagang bagay ang sa iyo, hindi ba? Kung ang pagiging head ng association ang pinuputok ng butsi mo ngayon ay gusto ko lang ipaalala sa iyo na para kay Mrs. Han ang posisyon na iyon!”“Para sa kaniya?! Walang para sa kaniya kung hi
Chapter 95:Nakaupo siya sa dulo ng kama. Walang lakas siyang suminghap. Hindi na ba titigil ang pagiging talunan niya sa mundong ito? Umiling siya nang maalala ang tinuro ng Tatay niyang namayapa na. Hindi tama na magkuwestiyon ukol sa mga hindi mabubuting bagay na dumarating at nangyayari sa buhay. Masama na gawin ang bagay na iyon dahil ang Diyos sa langit ang makakatanggap ng pagdududa. Perpekto ang Diyos at ang lahat ng ginagawa niya sa buhay ng isang tao ay may sadya. “Baby, kumapit ka lang at huwag bibitaw sa tiyan ni Mommy mo, a. Hindi kita pababayaan at kahit na nasa ganitong sitwasyon tayo ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka.”Umaga na’t hindi niya batid kung ano ang mangyayari. Pero kaniyang isinasa-Diyos ang lahat. Wala nang iba pang makakatulong sa kaniya kun’di ang Diyos lamang. Hindi siya makahingi ng tulong sa pamilya niya at kay Totoy. Kaya ay ang dalangin niya ay panatilihin lang siyang buhay upang hindi mamatay ang pag-asa na mayroon ang puso niya na matatapos di
Chapter 94:“Juice mo,” wika ni Totoy at nilagay sa tapat niya ang baso na may lamang juice. Tinitigan niya ang laman ng baso. Mukha naman itong malinis. Pero hindi pa rin maiwasan ni Ryllander ang mangamba na baka may nilagay ang lalaki sa inumin niya. Halata naman na mainit ang dugo nito sa kaniya. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ni Lila kanina ay aalis na sana siya. Pero pinigilan siya ng Ginang at sinabihan na huwag munang umalis. “Sinabi ni Tita na bukas ka na lang ng umaga aalis. May bakanteng kuwarto naman sa taas, dalawa tayo roon.”“What?”“Ano? Aalis ka? Edi, mas mababastos si Tita kapag umalis ka. Pero ikaw ang bahala. Parang wala lang naman sa iyo na nawawala si Lila nang dahil sa iyo.”“That's not what I mean. Kaya kong matulog sa bahay ni Auntie. Pero ang makasama ka sa kuwarto ay parang nagdadalawang-isip pa ako.” Umirap siya patingin sa juice. “Pati nga itong inumin na dala mo ay nakakabahalang tikman. Baka bigla na lang bubula ang bibig ko,” aniya. “A, pinagbibi