All Chapters of Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy: Chapter 201 - Chapter 210

228 Chapters

Chapter 190

Chapter 190MAGKAYAKAP ANG MGA braso na umakyat ang magkapatid sa harap ng nagulat na mga empleyado. Pagdating sa taas, naghiwalay na sila ng landas.Pagkapasok sa opisina, agad na tumakbo si Braylee papunta sa bintana para tingnan ang mga bulaklak. Hindi siya pinigilan ni Camila at natawa na lang habang umupo sa kanyang desk.Bumalik na ulit sa kamay niya ang kumpanya. Siguradong galit na galit sa kanya si Charlotte, pero nagkukunwaring malapit pa rin sa kanya bilang kapatid. Ang galing nitong umarte—hindi kaya kumuha siya ng acting lessons sa kung anong entertainment company?Habang binubuklat ang mga dokumento sa mesa, may kumatok sa pinto.Tumingala si Camila at nakita ang isang pamilyar na pigura sa likod ng translucent na glass wall."Tuloy."Pumasok si Yesha at bumati, "President Camila." Matapos siyang titigan ng ilang sandali, nag-alinlangan ito bago nagsalita."Boss, ako si Yesha, ang assistant mo. Kung may mga tanong ka, pwede mong itanong sa akin."Dati, palaging ginagamit
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 191

Chapter 191MATAPOS makumpleto ang isang malaking company deal, sobrang saya ni Braylee, pero hindi niya nakalimutan ang pangako niya kay Camila. Papasok na sana siya sa elevator nang biglang hawakan siya ni Charlotte."Braylee, may sasabihin si Tita sa'yo," lambing ni Charlotte.Kamakailan lang, may tumawag na direktor sa kanya at inaalok siyang maging guest sa isang parent-child na programa. Ang talent fee ay 1 million pesos kada episode. Pero dahil gusto niyang maging isang sikat na idol na kilala sa kagandahan, tinanggihan niya ito agad.Pero ngayong nakita niya ang prodigy look ni Braylee, bigla siyang nagkaroon ng interes. Kahit na inis siya sa bata, hindi niya maitatangging sobrang husay nito kumpara sa mga kasing-edad nito at bukod pa roon, maganda rin ang itsura. Kung sasali si Braylee sa programang "Genius Children," siguradong magiging patok ito. Puwede pa niyang gamitin ang kasikatan ni Braylee para sumikat din siya."Hindi ako makikinig!" Pilit na inaalis ni Braylee ang k
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 192

Chapter 192ALAS sais ng hapon, nakaupo si Camila sa sofa habang kumakain ng mga meryenda na dinala ng mga kasambahay nang biglang lumapit si Braylee."Mommy, gusto mo bang masahiin kita?""Hindi na, may lakas ka ba naman?""Malakas si Braylee! Nag-aral ako ng masahe sa online!"Muntik nang mabulunan si Camila sa butter cake na kinakain niya at napaubo. "Sige, subukan mo muna kay Orange, ‘yung asong nasa bakuran. Kapag sinabi niyang magaling ka, papayag ako.""Mommy, magkaiba ang points ng aso at tao, eh," sagot ni Braylee nang seryoso. Ang tinutukoy nito ang Meridian points sa katawan. "Oh! Marunong ka rin sa meridian?" Tinaasan siya ng kilay ni Camila. Ayaw niyang pigilan ang confidence nito kaya inilapag niya ang pastry sa plato at humiga sa sofa."O, sige na nga.""Tabi ka diyan, hindi ko maabot nang maayos," sabi ni Braylee, sabay turo sa kama."Okay."Masayang lumipat si Camila sa kama. Agad namang hinubad ni Braylee ang sapatos niya, tinaas ang manggas ng damit, at sinimulang
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 193

Chapter 193NAGPUSTAHAN na ang dalawa, pero kahit ganun, walang awang nang-iinis pa rin si Wilbert.Tinapik niya ang noo ni Braylee gamit ang daliri at mayabang na nagsalita. "Ano bang kinakain mo sa bahay niyo? Ang liit-liit mo! Ako, madalas akong inilalabas ng mama ko para kumain sa mga mamahaling restaurant, pero kayo, mukhang hindi niyo kaya!"Napangiwi si Braylee. "Hindi pa nga ako apat na taon, ikaw ilang taon ka na?""Eh...," namula si Wilbert, "Walong taon na ako! Pero bakit? Kahit umabot ka sa edad ko, mas matangkad pa rin ako sa'yo!"Napatingin si Braylee sa kanya nang may pagdududa. "Paano mo nalaman? Ano ka, fortune teller?"Napakunot-noo ang ibang bata sa tabi nila—hindi nila maintindihan ang ibig sabihin ng "fortune teller"."Titigan mo pa ako nang ganyan, sasapakin na talaga kita!" Winasiwas ni Wilbert ang kamao niya sa hangin.Napangiwi si Braylee. "Sabi sa libro, 'Ang tunay na gentleman, salita ang gamit at hindi kamao.' Ibig sabihin, mahilig kang mam-bully ng mas mahi
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 194

Chapter 194SA MALIWANAG na stage, malinaw na binigkas ng mabait na lalaking host ang isang mental arithmetic na tanong. Pagkatapos, ibinaba niya ang mikropono at inilipat ang tingin sa limang batang nakatayo sa harap ng kanilang buzzers.Ang tanong ng host: Ano ang multiplication ng 456 at 21?Kung titingnang mabuti, mapapansin na mas matagal ang host tumingin sa pinakamaliit, chubby, at napakacute na bata.Madali lang sana ang tanong na ito, kahit sinong marunong sa multiplication ay kayang sagutin. Pero iba ang usapan kung kailangang gawin ito nang mental lang. Walang bata ang nagmadaling sumagot, ang ilan ay nakakunot-noo sa pag-iisip, habang ang iba nama’y pasimpleng kumakalabit sa kanilang buzzers.Sa likod ng mga bata, may isang malaking screen kung saan makikita ang tanong pati na rin ang isang minutong countdown. Habang walang sumasagot, patuloy na kinakausap ng host ang mga bata para i-comfort at i-encourage sila na huwag kabahan.Sa audience, mahigit isang daang tao ang bulu
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 195

Chapter 195"BRAYLEE!"Pasigaw na tinawag ni Camila ang pangalan ng bata, mabilis siyang lumapit, hinila si Braylee mula sa mga kamay ni Charlotte at inilagay ito sa harapan niya."Ang galing mo na ha! Pati ako niloko mo! Pinag-usapan ba natin 'to bago ka pumunta rito?"Mula sa kisame, bumagsak ang malamig na puting ilaw na nagbigay ng kakaibang anino sa mukha ni Camila.Biglang nawala ang saya sa mukha ni Braylee. Hindi niya alam ang gagawin habang mahigpit na hawak ang trophy sa kamay niya. Napatingin siya kay Charlotte, na para bang humihingi ng tulong.Tumayo na si Charlotte at saglit na kinausap ang direktor bago lumapit kay Camila. Hindi niya napansin ang gulat sa mata ng direktor nang makita si Camila."Ate, bakit ka nagagalit? Wala naman akong pinagawa kay Braylee na masama."Malamig ang ekspresyon ni Camila. Tinulak niya palayo si Charlotte."Linawin natin 'to—anak ko siya, hindi iyo. Ano'ng ibig mong sabihin sa pagdadala sa kanya dito nang hindi man lang nagpapaalam?""Ano k
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 196

Chapter 196MATAPOS umalis ang lahat at nang lumamig na ang paligid, parang natauhan si Camila, na parang nagising mula sa isang panaginip.Ano bang nangyari sa kanya kanina? Bakit niya nabitawan ang trophy ni Braylee? Napakamot siya ng ulo sa inis."Ah, Miss Perez, tama? Ayos ka lang ba?""Hmm?"Lumingon si Camila at nakita niyang hindi pa pala umaalis ang direktor. Diretso niya itong tinitigan.Nasa forty's na ito, may ilang puting hibla sa itim nitong buhok, may ordinaryong hitsura, at may ilang linya ng kulubot sa noo. Nakasuot ito ng striped na polo shirt na nakatuck-in sa kulay blue gray na pantalon at may kaunting tiyan na nakausli. "Ayos lang ako," iwinaksi ni Camila ang tingin, "May plastic bag ka ba diyan? Pahingi naman ako.""Oo, sandali lang."Mabilis na tumakbo ang direktor at agad bumalik na may dalang bag. Kinuha ito ni Camila at muli siyang tumingin sa lalaki."Pasensya na sa hindi ko napigilang emosyon kanina. Humihingi ako ng paumanhin.""Okay lang, Miss Perez, huwag
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 197

Chapter 197SA ILALIM ng maliwanag na dilaw na ilaw sa kalye, isang grupo ng maliliit na gamu-gamo ang lumilipad sa himpapawid, habang may dalawang gamu-gamo, isang malaki at isang maliit, na nasa lupa na malapit sa dalawang pigura na nasisinagan ng malamlam na liwanag ng ilaw. "Wuwuwu, Daddy... wuwuwu...""S-Si Mommy, mommy... woooo..."Mahigpit na niyakap ni Braylee ang hita ni Brix habang humahagulgol. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang iyak, halos hindi na makahinga.Hinaplos ni Brix ang likod niya gamit ang malalaking kamay at mahinahong sinabi, "Huwag kang umiyak, hindi sinasadya ng mommy mo ‘yon.""Uwaaa... uwaaa..."Hindi umepekto ang pag-alo. Bahagyang kumunot ang noo ni Brix habang iniisip kung paano mapapatigil ang pag-iyak ng bata.Katatapos lang niyang makausap si Camila sa cellphone kaya narito sila ngayon, naghihintay kay Camila. Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa ng kanyang suit at akmang pupunasan ang luha ni Braylee nang marinig niyang may papalapit na mga ya
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 198

Chapter 198 SA Star Building... Kinaumagahan, tamad na bumangon si Charlotte mula sa kama. Kakakain pa lang niya ng kaunti nang biglang tumawag ang kanyang ina.Napasimangot siya at sinagot ang tawag, “Hello, Ma.”"Dinala mo ‘yung anak ng walanghiyang si Camila sa TV?" agad na tanong ng ina niya.“Hmm.”"Humph, mula nang pumasok ka sa industriya, ni hindi mo na ako naalalang dalawin. May nanay ka pa ba sa puso mo?"Naiirita si Charlotte, “Ano na naman ‘yang sinasabi mo? Eh sino pa ba ang nasa isip ko kung hindi ikaw?”“Buti naman kung gano’n. Hindi na ako magsasalita ng kung ano pa. Dahil nagawan mong paraan na mapalabas sa TV si Braylee, siguraduhin mo rin na mailabas ako sa TV para makita ng mga amiga kong tsismosa na hindi ako basta nagyayabang,” utos ng ina niya.Mula nang makalaya si Vivian sa kulungan, unti-unting lumayo sa kanya ang mga dating kaibigan niyang mayayaman. Ang natira na lang ay mga kasing-level niya na wala ring masyadong bilib sa kanya. Lalo na kapag ipinagmama
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 199

Chapter 199 DAHIL sa nangyaring iskandalo tungkol sa "inang palengkera ng isa sa child contestant," hindi pumasok si Camila sa kumpanya ngayong araw. Kahit na nakita niyang inayos na ni Brix ang lahat kahapon ng umaga, hindi pa rin siya mapakali.Alam naman niyang hindi basta-basta napipigilan ang ganitong klaseng tsismis. Sa mga nakaraang karanasan niya, grabe rin ang natanggap niyang pang-aalipusta.Takot na takot siyang makabasa ng masasakit na salita kaya nang makita niyang dumadami ang masasamang komento, hindi na siya nag-online. Mas pinili niyang manatili sa bahay, kumain, manood ng pelikula, at magpahinga.Pero hindi niya rin nakayanan ang mag-relax nang buong umaga lang. Nainis siya sa sarili niyang pagiging workaholic, kaya nagbihis siya ng maayos at bumaba.Habang nagdidilig ng mga halaman sa bakuran si Ruby, tinanong siya ni Camila kung umuwi ba si Brix kagabi."Hindi po, Ma'am. Kung miss niyo si Sir, bakit hindi niyo na lang tawagan?" sagot ni Ruby habang huminto sa gina
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more
PREV
1
...
181920212223
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status