Home / Romance / My Contract Marriage / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng My Contract Marriage : Kabanata 41 - Kabanata 50

95 Kabanata

Kabanata 21.1

Tahimik lang si Czarina habang kaharap nila si Chairmain Fuentes. Mariing nakatitig si Chairman Fuentes kay Czarina at ganun din si Owen. Hindi akalain ni Owen na ang babaeng nakita niya sa labas ng conference room ay ang magiging asawa ng pinsan niya. Napapangisi at napapailing na lang siya. Iisa lang talaga ang taste nila sa isang babae. Simula high school pa lang sila ay sa iisang babae sila nahuhumaling.“Ikaw ang panganay na anak ni Mateo?” tanong ni Chairman.“Opo, ako po si Czarina Jimenez, Chairman.” Magalang na sagot ni Czarina. Nagsimula naman nang kumain si Chairman at patuloy pa rin ang pagtatanong nito kay Czarina habang tahimik lang naman si Tyrone.“Hindi ba at ikaw dapat ang bride ni Austin Gomez? Tapos na sana ngayong buwan ang kasal niyo pero umatras ka, why? Dahil ba sa nalaman mong ang kapatid mo ang magiging bride ng apo ko?” seryosong tanong ni Chairman. Napalunok naman si Czarina. Ramdam niya ang pang-iinit ng mga pisngi niya dahil sa hiya. Hindi niya akalain na
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

Kabanata 21.2

“Alam kong pinuntahan niyo si Chairman at ikaw ang nagsabi sa kaniya ng tungkol sa amin ni Austin. Hindi ba at mas ikahihiya ng mga Fuentes na ipakasal ang anak o apo nila sa isang anak lang naman sa labas?” naikuyom ni Natalia ang kamao niya at nagngitngit ang mga ngipin niya.“What did you say? Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko, Czarina? Alam mo kung ano ang kaya kong gawin.”“Alam ko na, lahat kaya mong gawin. Handa ka ring pumatay ng tao para lang makuha mo ang gusto mo pero ikaw ba? Alam mo ba kung ano ang kaya kong gawin? Hindi mo pa alam.” Buong tapang niyang sagot. “Nagsisimula pa lang ako,” anas pa niya saka niya ito tinalikuran.“Mali ka ng kinalaban Czarina. Hinayaan na kitang mabuhay ng maraming taon at ngayong pinili mo akong kalabanin, maaga mong makakasama ang Mommy mo. Kung pinili mo na lang sanang manahimik at sumunod sa akin, baka nakasundo pa kita.” Mahinang usal ni Natalia habang nakasunod ang tingin niya kay Czarina hanggang sa makapasok na ito sa kwarto ni
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

Kabanata 22.1

Natapos na ang seremonya para sa kasal nilang dalawa. Isa-isa nang tinatawag ang pamilya, kaibigan at kamag-anak ng groom at bride for picture taking. Napalunok si Czarina nang hawakan siya ni Tyrone sa bewang para lalo siyang lumapit dito. Tipid siyang ngumiti sa camera, hindi komportable sa kamay ni Tyrone na nasa bewang niya.“Smile, Czarina,” mahinang saad ni Tyrone dahil alam niyang tipid lang ang ngiti nito. Nilakihan naman na ni Czarina ang ngiti niya at inalis na lang sa isip niya ang kamay ni Tyrone sa bewang niya.“Family of the bride, please, come here.” Tawag ng photographer. Una namang lumapit si Natalie, nawala ang ngiti ni Czarina ng makita niya ang suot ni Natalie. Hindi naman ito nakawhite gown kanina pero ngayon pareho na silang nakawhite gown.“Smile, my beautiful sister!” wika ni Natalie, nakatingin na rin sa kanila ang mga bisita ganun na rin ang pamilya ni Tyrone.“Look at him, I know he’s enjoying this. Pinag-aagawan ng dalawang babae,” nakangising saad ni Owen.
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

Kabanata 22.2

Nang matapos maligo si Czarina ay sumunod na rin siyang pumasok ng bathroom. Pinapatuyo na ni Czarina ang mga buhok niya at nang matapos siya ay nahiga na siya sa kama. Nang marealize niyang iisa lang ang kwarto ng hotel room nila ay napapiglas siyang umupo.“Matutulog ba kami ng magkatabi?” mahina niyang usal sa sarili niya. Tiningnan niya ang kama, malawak naman ito kaya pwede silang matulog sa parehong dulo. Kahit na may nangyari na sa kanila, natulog ng magkatabi hindi pa rin siya komportable. Naglagay ng unan sa gitna si Czarina saka siya nahiga at ipinikit na ang mga mata niya. Siguradong lalabas na sa bathroom si Tyrone anumang oras.Nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ay mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Inaantok na rin siya pero hindi niya magawang matulog dahil may kasama siyang lalaki sa kwarto. Nang umakyat sa kama si Tyrone ay kita niya ang unan na nasa gitna. Napapailing na lang siya saka niya tiningnan si Czarina. Nakapikit na ang mga mata nito pero gumaga
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

Kabanata 23.1

Umuwi si Czarina sa bahay nila para makausap ang kaniyang ama. Tapos na ang kasal nila ni Tyrone. Magsisimula na rin ang agreement ng mga pamilya nila tungkol sa business. Siya naman ngayon ang hihingi ng pabor. Limang taon na simula nang tanggalin siya sa kompanya dahil sa pagkakamali niya noon, ng dahil lang sa nabuntis siya ng lalaking hindi niya kilala. Limang taon din siyang ginamit ng stepmom at kapatid niya at ayaw niya na ulit magpagamit. Ayaw niya ng maging mahina.“Czarina, iha? Ang bilis mo namang bumisita. Kahapon ka lang ikinasal, hindi ba?” natutuwang wika ni yaya Beth nang makita niya si Czarina. Ngumiti naman si Czarina.“Nandyan po ba si Daddy? Gusto ko lang sana siyang makausap.” Anas niya.“Ang alam ko ay nasa office siya, kanina pa siya hindi lumalabas dun.” Sagot naman ni yaya Beth. Pumasok na si Czarina sa loob ng bahay, bahay na naging kulungan niya. “Alam mo, masaya ako para sayo anak. Nakawala ka rin sa bahay na ‘to. Mamimiss ka namin pero masaya kaming umalis
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Kabanata 23.2

Gusto niya itong sampalin at sabunutan para makaganti sa pang-aagaw sa kaniya kay Tyrone.“Czarina!” sigaw ni Natalie, nilingon naman siya ni Czarina pero sumakay din siya kaagad sa sasakyan niya at mabilis itong pinatakbo. “You bitch! Kakalbuhin talaga kita!” umiiyak pa rin niyang saad. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya at nagpapakalasing dahil hindi siya ang naging bride ni Tyrone.Nakahinga naman ng maluwag si Czarina nang makaalis na siya. Kakaibang feeling ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niyang nagagalit at naaasar sa kaniya ang stepmom at kapatid niya. Kung sana noon pa niya ito ginawa hindi aabot ng limang taon ang pagpapahirap sa kaniya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Gusto niya na ring makuha ang mga anak niya pero hindi pa sa ngayon. Masyado pang magulo ang lahat at ayaw niyang madamay ang mga anak niya sa galit ng stepmom niya. Umaasa naman siyang hindi sasaktan ni Natalia ang mga bata habang hawak niya ang mga ito dahil oras na may nan
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Kabanata 24.1

Maaga pa lamang ay nagluluto na si Tyrone para sa umagahan nila ni Czarina habang si Czarina naman ay mahimbing pang natutulog. Nalaman ni Tyrone na ngayon din ang balik ni Czarina sa kompanya nila habang siya naman ay papasok sa kompanya ng lolo nila.“What are you doing?” salubong ang mga kilay na wika ni Melanie nang maabutan niyang nagluluto ang anak niya. Hinarap ni Tyrone ang kaniyang ina. “Nasaan ang asawa mo? Bakit ikaw ang nagluluto ng kakainin niyo?! Ginagawa ka ba niyang katulong dito?” sigaw ni Melanie. Nag-iisang anak ni Melanie si Tyrone kaya hindi niya ito hinahayaan na magluto o gumawa ng gawaing bahay.“Mom, ang aga mo namang bumisita rito? Anong kailangan mo?” tanong ni Tyrone. Ibinaba naman ni Melanie ang hawak niyang bag at pinaalis sa kusina si Tyrone. “Mom what are you doing? Nagluluto pa ako.” Anas niya saka siya bumalik sa niluluto niya.“Hindi kita hinayaan na magpakasal sa babae na yun para lang gawin ka niyang katulong! Anak, bakit mo hinahayaan na ikaw ang
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Kabanata 24.2

“Madadaanan ko naman ang kompanya niyo bago ako makarating sa kompanya. Ngayong nasa poder na kita at ako na ang guardian mo, gusto kong masiguro ang kaligtasan mo. Paano kung gabihin ka sa trabaho, biglang umulan, may makasalubong kang malaking truck? Pipikit ka na lang sa takot? Paano kung makalimutan mong ihinto sa gilid?” seryosong saad ni Tyrone. Iniwas naman ni Czarina ang paningin niya. Nakita na nga pala ni Tyrone ang isa sa mga kinatatakutan niya. “Alam kong pinipilit mong maging malakas at matatag pero kapag ako ang kasama mo, pwede mong ipakita sa akin ang kahinaan mo. Ako ang kakampi mo rito, Czarina. Pwede kang sumandal sa akin kapag pagod ka na.” dagdag pa ni Tyrone.Biglang tumalon sa tuwa ang puso ni Czarina. Masarap pala sa pakiramdam na may matatawag kang kakampi. Itinuon niya na lang ang paningin niya sa labas ng bintana at palihim na ngumiti.Nang makarating na sila sa kompanya ng Jimenez at bumaba na kaagad si Czarina. Minsan pa niyang nilingon si Tyrone.“Thank y
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Kabanata 25.1

Napainat si Czarina ng makaramdam siya ng ngalay habang nagdo-drawing. Tiningnan niya ang design niya at marami pa rin siyang kailangang gawin para mafinish niya na ito bago matapos ang araw.“Hmmmm,” nakataas ang kilay na saad ni Garry nang tiningnan niya ang drawing ni Czarina. Iniangat naman ni Czarina ang paningin niya. “Siguraduhin mo lang na maipapasa mo iyan sa akin ngayong araw kung ayaw mong ibagsak kita sa training mo. Wala akong pakialam sa pagkatao mo.” Mataray pa nitong wika.“Yes ma’am,” magalang na sagot ni Czarina at muling itinuon ang atensyon niya sa ginagawa niya. Habang nagdo-drawing siya ay iniisip niya kung paano niya sisimulan ang plano niya. Paano niya mababawi sa stepmom niya ang kompanya? Saan niya makikita ang mga dokumento na nagpapatunay na sa kaniya nakapangalan ang shares na hawak noon ng kaniyang ina? Paano niya mabibigyan ng hustiya ang Mommy niya?Saan siya magsisimula? Saan siya kukuha ng sagot sa mga tanong niya? Ngayong nakapasok na siya sa kompany
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

Kabanata 25.2

Sinimulan niya nang gawin ang iniuutos ni Tyrone sa kaniya habang nililinis naman ni Tyrone ang mga hipon. Tahimik lang naman silang dalawa habang nakafocus sa mga ginagawa nila. Nang matapos si Czarina sa ginagawa niya ay niready niya na rin ang kawali na gagamitin ni Tyrone.Nagsimula na ring magluto si Tyrone habang nakaupo naman si Czarina at pinapanuod siya. Kahit na kasunduan lang ang naging kasal nila, masaya si Czarina na may pakialam si Tyrone sa kaniya. Hindi na siya nakakarinig ng sigaw at galit mula sa stepmom niya. Hindi na rin siya napagbubuhatan ng kamay sa tuwing nagkakamali siya.“Anong titig yan? Ingat ka baka mainlove,” nang-aasar na saad ni Tyrone kay Czarina dahil nakatulala na ito. Napangiwi naman si Czarina saka niya iniwas ang paningin niya.“Nakatulala lang ako, hindi nakatitig sayo.” Pagdadahilan niya naman, nagkibit balikat na lang si Tyrone. Nang makapagluto na siya ay naghain na siya habang nanguha naman ng pinggan at kutsara si Czarina.“Siya nga pala, ku
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
10
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status