Napainat si Czarina ng makaramdam siya ng ngalay habang nagdo-drawing. Tiningnan niya ang design niya at marami pa rin siyang kailangang gawin para mafinish niya na ito bago matapos ang araw.“Hmmmm,” nakataas ang kilay na saad ni Garry nang tiningnan niya ang drawing ni Czarina. Iniangat naman ni Czarina ang paningin niya. “Siguraduhin mo lang na maipapasa mo iyan sa akin ngayong araw kung ayaw mong ibagsak kita sa training mo. Wala akong pakialam sa pagkatao mo.” Mataray pa nitong wika.“Yes ma’am,” magalang na sagot ni Czarina at muling itinuon ang atensyon niya sa ginagawa niya. Habang nagdo-drawing siya ay iniisip niya kung paano niya sisimulan ang plano niya. Paano niya mababawi sa stepmom niya ang kompanya? Saan niya makikita ang mga dokumento na nagpapatunay na sa kaniya nakapangalan ang shares na hawak noon ng kaniyang ina? Paano niya mabibigyan ng hustiya ang Mommy niya?Saan siya magsisimula? Saan siya kukuha ng sagot sa mga tanong niya? Ngayong nakapasok na siya sa kompany
Sinimulan niya nang gawin ang iniuutos ni Tyrone sa kaniya habang nililinis naman ni Tyrone ang mga hipon. Tahimik lang naman silang dalawa habang nakafocus sa mga ginagawa nila. Nang matapos si Czarina sa ginagawa niya ay niready niya na rin ang kawali na gagamitin ni Tyrone.Nagsimula na ring magluto si Tyrone habang nakaupo naman si Czarina at pinapanuod siya. Kahit na kasunduan lang ang naging kasal nila, masaya si Czarina na may pakialam si Tyrone sa kaniya. Hindi na siya nakakarinig ng sigaw at galit mula sa stepmom niya. Hindi na rin siya napagbubuhatan ng kamay sa tuwing nagkakamali siya.“Anong titig yan? Ingat ka baka mainlove,” nang-aasar na saad ni Tyrone kay Czarina dahil nakatulala na ito. Napangiwi naman si Czarina saka niya iniwas ang paningin niya.“Nakatulala lang ako, hindi nakatitig sayo.” Pagdadahilan niya naman, nagkibit balikat na lang si Tyrone. Nang makapagluto na siya ay naghain na siya habang nanguha naman ng pinggan at kutsara si Czarina.“Siya nga pala, ku
Naging matagumpay ang pagpepresent ni Tyrone ng business proposal habang nakaharap ang kaniyang lolo. Naclose niya rin ang deal sa mga client nila. Napapatango na lang si Chairman Fuentes dahil kahit ngayon na lang ulit bumalik ang apo niyang si Tyrone sa kompanya ay nagawa niya na ng maayos ang trabaho niya. Binigyan niya ng pagsubok ang apo niya dahil sa pag-aakalang katulad pa rin ito dati pero hindi niya akalain na lalo pa itong gumaling sa pagpepresent, paggawa ng proposal at pagclose ng deal.“Good job, Tyrone. You did well today pero hindi pa rin yan sapat.” Seryoso at blangkong wika ni Chairman. Hindi siya nagpapakita ng kahit anong emosyon. Nilalaro naman ni Owen sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Hindi niya maikakaila na maganda ang proposal ni Tyrone at tila ba pinaghandaan talaga ni Tyrone ang presentation nila ngayon.“I have to go, excuse me.” Walang ganang saad ni Owen at akma na sanang aalis nang tawagin siya ni Chairman.“Hindi ka exceptional, Owen. Pareho k
“Hindi ba mahal sa ganitong restaurant? Isang menu lang ng steak nila umaabot na ang 10,000, pwede namang sa mga fast food na lang tayo kumain.” Mahinang saad ni Czarina. Marami pang pila nang pumasok sila pero dahil maagang nakapagreserve si Tyrone, hindi na nila kailangang pumila at maghintay.“Don’t worry, my treat. Gusto ko lang na suklian yung tulong mo sa akin kagabi para matapos ang proposal ko. Nalate ka pa sa trabaho mo ng dahil sa akin. Successful ang presentation ko kanina at ang pagclose ng deal sa mga client. I can really say na forte mo ang business dahil hindi ka man lang nahirapan na tapusin ang proposal ko. Thanks for that,”“You don’t need to thank me. Ibinabalik ko lang naman yung mga tulong mo sa akin.” Sagot naman ni Czarina na ikinangiti na lang ni Tyrone. Nang dumating na ang mga order nila ay nagsimula na silang kumain. Ilang taon din bang hindi nakakain ng steak si Czarina? Hindi niya na matandaan.Austin had never taken her to this kind of restaurant.“Siya n
Isinama sa meeting si Czarina pero wala naman siyang ginagawa kundi ang maupo at makinig lang. Nilalaro niya ang mga daliri niya ng maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya. Tiningnan niya ang nasa harapan niya at nagsalubong na lang ang mga kilay niya ng makita niya si Owen, ang pinsan ni Tyrone.Anong ginagawa niya dito? Tanong ni Czarina sa isip niya. Napataas siya ng kilay nang ngitian siya nito.“Czarina, are you listening?” nilingon ni Czarina si Natalie na nasa harapan at siya ang nagpapaliwanag ng mga gagawin nila. Galit na naman ang mga mata ni Natalie kay Czarina kahit na wala naman siyang ginagawa.“Of course, I am.” Tanging sagot niya. Naiinis si Natalie dahil nahuli niyang magkatitigan si Owen at Czarina. Nang matapos ang meeting nila ay aalis na sana si Czarina nang tawagin siya ni Owen.“What?” masungit niyang tanong dito.“Mr. Fuentes, ako ang makakasama mo sa gagawing project.” Singit ni Natalie. Umalis naman na ang mga kasama nila sa meeting hanggang sa silang tatl
“Sumama siya sa meeting namin kanina na hindi naman dapat siya kasama. Kasama namin ang team ng Fuentes Corporation at pinag-uusapan na namin ang mga gagawin namin. Kahit na wala akong alam sa engineering, pinaghirapan kong pag-aralan ang mga planong gagawin namin tapos si Czarina ang gustong makapartner ni Owen. Mom, ayaw ko siyang makasama sa trabaho.” Tila batang pagsusumbong ni Natalie. “Sinabi pa sa akin ni Owen na kapag hindi sumama si Czarina sa amin sa project, kakausapin niya si Chairman at icacancel na lang ang partnership. This is frustrating! Minamalas ako ng dahil kay Czarina.” Dagdag pa niya.“Sinabi niya yun?”“Of course! Kaya kahit na ayaw kong kausapin si Czarina na sumama sa amin wala akong nagawa kundi ang kausapin siya. Ano ba kasing nakikita ng mga Fuentes kay Czarina?! Is it because she’s the legal daughter? Anak din naman ako ni Daddy, isa rin naman akong Jimenez!” patuloy na pagrereklamo ni Natalie. Inis siyang sumandal sa sofa at pinagkrus ang mga kamay niya
Nakayuko lang si Tyrone habang nanggagalaiti na naman sa galit ang lolo niya. Iniisip niya kung saan niya ba nailagay ang mga dokumento na ibinigay sa kaniya. Sa dami ng mga papeles na ibinigay sa kaniya ngayong linggo, hindi niya na matandaan kung saan niya nailagay ang isang dokumento na hinahanap ng lolo niya.Galit na ibinagsak ni Chairman Fuentes ang folder na hawak nito sa lamesa.“Ang akala ko ay nagbago ka na pero hanggang ngayon hindi mo pa rin alam ang ginagawa mo! Nasaan ba ang utak mo, Tyrone? Nasa bakasyon pa rin ba?!” sigaw nito sa kaniya. Na-miss place lang naman niya ang mga dokumento pero para bang napakalaki na ng kasalanan niya.“Hahanapin ko na lang Chairman.” Magalang niyang sagot.“I need that document now! I-organize mo ang lahat ng mga gamit mo para hindi mo nakakalimutan kung saan mo inilalagay. Ano bang pumapasok diyan sa utak mo, ha? Ang balita ko ay nalate ka pa sa meeting niyo ng client mo, what happened? Bakit ka nalate?”“Dahil hinahanap ko ang dokumento
“Hindi ako magagalit, alam mo kung bakit? Dahil mas maiintindihan niya ako kesa sayo. Hindi niya ako pahihirapan gaya ng ginagawa mo. Magkaibang magkaiba kayo ni Tyrone kahit nasa iisang blood line kayo. Hindi ko maintindihan kung may nagawa ba akong kasalanan sayo para gawin mo sa akin ‘to. Kung gusto mo lang namang asarin ang pinsan mo, nakakaawa ka, babae lang pala ang kaya mong labanan.” Hindi niya na mapigilang saad saka siya umalis at bumalik na sa conference room.Naiwan naman si Owen at napapaigting ang panga dahil sa sinabi ni Czarina. Masyado siyang namemersonal.“Damn!” inis na usal ni Owen, kinakalma ang sarili. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Gusto niyang asarin ang asawa ng pinsan niya pero bakit parang siya ang naaasar ngayon? Talagang ipinagkumpara pa silang dalawa?***Natapos na ang maghapon na yun, hinihintay na lang ni Czarina si Tyrone na sunduin siya. Nang makalipas ang sampung minuto matapos ang uwian ay tinawagan niya na ito dahil baka hi
“Kailan mo pa hawak ‘to? Kaya ba malakas na ang loob mong maghari-hari dito sa kompanya?” nginisian ni Czarina si Natalie na nagngingitngit sa galit.“Yan ba ang panaginip lang? Kapag sinabi ko totoo yun. Sino kaya sa ating lahat ang nananaginip lang?” anas ni Czarina. Nakagat ni Natalia ang mga ngipin niya. Gusto niyang punitin ang mga papeles pero kaharap nila ang mga board of directors.“Sayo ibinigay ni Arianne ang mga shares niya bago siya mawala?” kuryoso na ring tanong ng isang board of directors.“Yes, so from now on ako na ang mamamahala sa kompanya na ‘to. Be kind to me, Tita, kung ayaw mong paalisin kita dito sa kompanya ko. Remember, wala ka namang hawak na shares.” Pang-aasar pa niya. Lalong hindi na nakapagsalita si Natalia at Natalie. Nang wala na silang sinabi ay pinagpatuloy ni Czarina ang pagpapaliwanag niya sa harap.Mahigpit naman na ang hawak ni Natalia sa skirt niya habang masamang nakatingin kay Czarina. Hindi niya akalain na nahanap na ni Czarina ang dokumento
Nang makatulog ang kambal ay nagtungo si Czarina at Tyrone sa veranda. Nakasandal si Czarina sa railings habang may hawak na tsaa. Si Tyrone naman ay nakaupo sa sofa habang may binabasang mga reports.Iniisip pa rin ni Czarina kung totoo bang buntis si Natalie. Napabuntong hininga na lang siya at sa lakas nun ay narinig ni Tyrone.“What are you thinking?” pangbabasag ni Tyrone sa katahimikan nilang dalawa.“Iniisip ko lang, kung buntis naman talaga si Natalie bakit kailangan niyang magsuot ng fake pregnant belly? Imposible namang magsinungaling sa akin si Isabella. Kung ano yung nakita ng bata paniniwalaan ko yun.” anas niya.“Baka naman buntis talaga siya. Hayaan mo na lang sila.”“Kilala ko rin si Natalie. Ayaw na ayaw nun ng malaki ang tiyan niya dahil kapag alam niyang malaki ng kaunti ang tiyan niya nagda-diet na siya kaagad. Pansin kong may baby bump na kaagad siya. Paano kung nagsuot siya ng fake pregnant belly? Wala naman siyang alam sa pagbubuntis pa kaya baka akala niya may
Stress na stress na pumasok si Natalia sa kompanya. Ipinatawag niya kaagad si Manager Cruz. Habang naghihintay siya ay pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng malaki niyang bintana.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Manager Cruz.“Ipinatawag mo raw ako?” ani nito. Mabilis naman siyang hinarap ni Natalia.“Nagawa mo na ba ang ipinagawa ko sayo?” tanong niya kaagad. Prente namang naupo sa sofa si Manager Cruz.“Of course, don’t worry malinis ang lahat ng trinabaho ko.” Kalmado nitong saad. Nabawasan naman ang galit ni Natalia kaya kumalma na siya at naupo na rin.“Mabuti naman kung ganun,” anas niya. Tumayo si Manager Cruz para magtimpla ng kape nilang dalawa ni Natalia. Alam kasi nito na problemado na naman ng boss niya.“What happened? Pinagbabantaan ka na ba ni Czarina?” tanong niya habang nagtitimpla ng kape.“Hindi ko pa siya nakakausap pero malaki ang pagbabago ni Mateo. Alam mo naman na hindi ko hawak ang dokumento na si Czarina ang tunay na shareholders ng kompany
Isang linggo nang naghihintay si Natalia kay Officer Fernando pero tila ba iniiwasan siya nito. Hindi niya na rin matawagan ang number niya. Sa inis ni Natalia ay itinapon niya ang hawak niyang cellphone saka niya hinilot ang sintido niya. Pinapakalma ang sarili.Nang makita niya si Mateo na nilampasan lang siya ay hinabol niya ito.“Mateo,” tawag niya dito pero hindi siya nilingon ni Mateo. Dire-diretsong pumasok si Mateo sa office niya. Sumunod naman sa kaniya si Natalia na hindi pa rin maipinta ang mukha dahil sa pinaghalong galit at inis “Dalawang gabi kang hindi umuwi tapos lalampasan mo lang ako na para bang wala kang ginawa? Saan ka nanggaling? Hindi ka man lang sumasagot sa mga tawag ko. Hindi mo rin sinasabi sa akin ang mga plano mo. Ano bang nangyayari sayo?” sunod-sunod na tanong ni Natalia. Tila pagod namang naupo si Mateo saka niya blangkong tiningnan si Natalia na tila bulkan na puputok na sa galit.“Pagod ako Natalia. Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras para magpahing
“Plan to buy this company,” tipid niyang sagot. Nagkatinginan na lang si Aries at Matthew. Napapailing na lang si Matthew. Hindi talaga nila magawang basahin ang kaibigan nilang si Tyrone.“Ibang klase ka talaga. Kaya pala parang wala kang pakialam plano mo palang bilhin ang kompanyang ‘to. Paano mo yun magagawa kung mas malaki ang kompanya ng lolo mo kesa sa kompanya natin?” kuryosong tanong ni Aries.“Pwede ko namang isa-isahin na bilhin ang shares ng mga board of directors. Czarina is one of the major shareholders too. Minsan kong nakita ang dokumento na nagpapatunay na siya ang may hawak ng shareholders ng namatay niyang ina. I can buy that too.” Anas pa niya.“Is that the reason kung bakit mas pinili mong mahalin siya para makuha mo ang gusto mo sa kaniya?” seryosong tanong ni Matthew. “Do you really love her or you just love her because you need her?” dagdag pa ni Matthew. Sinamaan ni Tyrone ng tingin si Matthew.“I love my wife, you jerk. Of course, at first, I just need her be
Malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ba i-eexpose ang kasinungalingan ni Natalie. She needs a clear proof para mapatunayan na totoo ang sasabihin niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Itutuon niya na sana ang atensyon niya sa laptop niya nang may pumasok sa office niya.“Hi, how are you pretty lady?” nakangiting wika ni Hailey. Napangiti naman si Czarina nang makita niya na naman ang kaibigan niya.“Ginagawa mong kapitbahay ang iba’t ibang bansa ah? Kumusta ka?” anas niya saka niya nilapitan si Hailey at nakipagbeso.“Ito busy pa rin sa dami ng ginagawa ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi man lang ako binigyan ng kapatid ng mga magulang ko. Akala ba nila nakakatuwa ang only child lang? Nakakaboring at nakakapagod. Wala man lang akong kasama para i-manage ang kompanya.” pagrereklamo niya saka sila naupo sa sofa. Bahagya na lang na natatawa si Czarina.“Depende rin siguro ang pagkakaroon ng kapatid. Binigyan
Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya hinila si Tyrone papunta sa veranda para dun mag-usap.“Pumasok na naman si Isabella sa kwarto ni Natalie.” anas niya.“Did she hurt my daughter?” kunot noong tanong ni Tyrone na ikinailing naman ni Czarina.“Nakuha ni Isabella ang isang fake pregnant belly sa kwarto ni Natalie. I think Natalie is faking her pregnancy para pakasalan siya ni Owen at maging parte ng pamilya niyo.” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tyrone pero hindi na siya nagugulat sa mga ginagawa ni Natalie. Mabuti na lamang pala at pumayag siya sa offer ni Czarina noon dahil kung hindi baka siya ang nababaliw ngayon dahil kay Natalie.“So, you’re thinking to expose her secret? Don’t do it now. Kung sasabihin mo kay Natalie ang nalaman mo pwede ka niyang baliktarin. Pwede niyang sabihin na binili mo lang ang fake pregnant belly or worst she will plan to kill you para manahimik ka. Let’s gather evidence against her first. Huwag kang kikilos ng mag-isa mo lang
Pag-uwi ni Czarina ay sinalubong siya kaagad ng kambal niya. Masayang niyakap ni Czarina ang mga anak niya.“Nagmeryenda na ba kayo?” nakangiti niyang tanong sa mga ito.“Opo, nagmeryenda na po kami kanina.” Masaya namang sagot ni Isabella. Unti-unti ng nawawala ang takot at trauma ni Isabella, nasasanay na rin ito sa maraming tao dahil sa palagi silang ipinapasyal ni Melanie sa public place.“Let’s go to the pool—” hindi natuloy ni Czarina ang sasabihin niya ng makita niya si Natalie na palabas ng pool area kausap ang dalawang babae at isang bakla. Rinig na rinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito at talagang inaasikaso na ni Natalie ang para sa kasal nila ni Owen. Hindi niya na lang inaya ang mga anak niya sa pool.Pumasok na silang tatlo sa kwarto. Magbibihis na sana si Czarina ng may makita siya sa sahig. Pinulot niya ito at tiningnan, napakunot na lang ang noo niya ng makita niya kung para saan ang nakakalat sa kwarto nila.“Riley, Isabella, sino sa inyong dalawa ang naglagay nito
Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina. Parang kailan lang ay hindi siya pinaniniwalaan ng kaniyang ama sa lahat ng mga sinasabi niya pero bakit ngayon pasekreto niya itong pinaiimbestigahan?Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mateo dahil bakas na bakas sa mukha ni Czarina ang pagtataka.“Mas naramdaman kong naging okay ang pakiramdam nang itigil ko ang pag-inom sa mga gamot na ibinibigay sa akin ni Natalia. Give me more time, anak. Alam kong may ginagawa ka na rin para mapatunayan ang lahat ng mga hinala mo. Napakalaki ng kasalanan ko sayo, Czarina. Hinayaan kitang saktan ni Natalia, hinayaan kong makuha ni Natalia ang mga anak mo. Kung mapatunayan man natin na may kinalaman nga si Natalia sa pagkamatay ng Mommy mo, hindi ko alam kung paano kita haharapin at ang Mommy mo. Hiyang hiya ako sayo, Czarina. Naniwala ako na baka hallucinations mo lang lahat ng mga sinasabi mo noon. Nahihiya ako dahil mas pinaniwalaan ko pa si Natalia kesa sayo na sarili kong anak. I’m really sorry,