Nakayuko lang si Tyrone habang nanggagalaiti na naman sa galit ang lolo niya. Iniisip niya kung saan niya ba nailagay ang mga dokumento na ibinigay sa kaniya. Sa dami ng mga papeles na ibinigay sa kaniya ngayong linggo, hindi niya na matandaan kung saan niya nailagay ang isang dokumento na hinahanap ng lolo niya.Galit na ibinagsak ni Chairman Fuentes ang folder na hawak nito sa lamesa.“Ang akala ko ay nagbago ka na pero hanggang ngayon hindi mo pa rin alam ang ginagawa mo! Nasaan ba ang utak mo, Tyrone? Nasa bakasyon pa rin ba?!” sigaw nito sa kaniya. Na-miss place lang naman niya ang mga dokumento pero para bang napakalaki na ng kasalanan niya.“Hahanapin ko na lang Chairman.” Magalang niyang sagot.“I need that document now! I-organize mo ang lahat ng mga gamit mo para hindi mo nakakalimutan kung saan mo inilalagay. Ano bang pumapasok diyan sa utak mo, ha? Ang balita ko ay nalate ka pa sa meeting niyo ng client mo, what happened? Bakit ka nalate?”“Dahil hinahanap ko ang dokumento
“Hindi ako magagalit, alam mo kung bakit? Dahil mas maiintindihan niya ako kesa sayo. Hindi niya ako pahihirapan gaya ng ginagawa mo. Magkaibang magkaiba kayo ni Tyrone kahit nasa iisang blood line kayo. Hindi ko maintindihan kung may nagawa ba akong kasalanan sayo para gawin mo sa akin ‘to. Kung gusto mo lang namang asarin ang pinsan mo, nakakaawa ka, babae lang pala ang kaya mong labanan.” Hindi niya na mapigilang saad saka siya umalis at bumalik na sa conference room.Naiwan naman si Owen at napapaigting ang panga dahil sa sinabi ni Czarina. Masyado siyang namemersonal.“Damn!” inis na usal ni Owen, kinakalma ang sarili. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Gusto niyang asarin ang asawa ng pinsan niya pero bakit parang siya ang naaasar ngayon? Talagang ipinagkumpara pa silang dalawa?***Natapos na ang maghapon na yun, hinihintay na lang ni Czarina si Tyrone na sunduin siya. Nang makalipas ang sampung minuto matapos ang uwian ay tinawagan niya na ito dahil baka hi
Maaga pa lamang ay pinuntahan na ni Melanie ang bahay ng anak niya. Naabutan niya na namang nakatulog ang mga ito sa sofa. Napapangiti at napapailing na lang siya. Dumiretso na siya sa kusina para magluto ng kakainin ni Tyrone at Czarina. Hindi na muna niya ginising ang mga ito para makapagpahinga.Ayaw talaga ni Melanie kay Czarina lalo na at may mga anak na ito pero kung ito naman ang makakapagpakalma sa anak niya, sino siya para ayawan ang katulad ni Czarina? Nagluto na rin siya ng soup para sa hang over ng anak niya.Dahan-dahan namang bumangon si Czarina ng maamoy niya ang aroma ng mga niluluto ni Melanie. Muntik pa siyang sumobsob sa center table dahil sa kakamadaling bumangon para pumunta sa kusina sa pag-aakalang nasusunugan sila. Half open pa ang mga mata niya at bigla siyang nahilo nang makarating siya ng kusina.“Oh iha, gising ka na pala. Bakit parang nagmamadali kang makapunta rito? Nagugutom ka na ba?” nakangiting wika ni Melanie. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina da
“May problema ba sa trabaho mo?” tanong niya.“Wala naman, iniisip ko lang kung matatapos ko ba yung isang design ko ngayong linggo. Para kasing kulang ako sa oras.” Sagot niya.“You’re good at designing, you can do that.” Pagpapalakas ni Tyrone sa loob ni Czarina. Tipid na lang na ngumiti si Czarina. Nang makarating sila sa kompanya ay bumaba na kaagad si Czarina saka siya kumaway kay Tyrone. Nang makaalis na si Tyrone ay saka siya pumasok sa loob ng kompanya. Nakangisi namang nakatingin sa kaniya si Owen.Naiinis na si Czarina kay Owen dahil araw-araw na lang ay ginugulo siya nito. Lalampasan niya na lang sana si Owen pero sumabay ito sa paglalakad niya.“Ang ganda ng ngiti mo kapag si Tyrone ang kasama mo pero nang makita mo ako para kang binagsakan ng langit at lupa.” Ani nito.“Anong gusto mo? Ngitian din kita? Mr. Fuentes, kung wala kang gagawin huwag ako ang guluhin mo. Sa pagkakaalam ko ay bibisitahin niyo ang site kung saan itatayo ang bagong building kaya kung pwede layuan m
Lakas loob na sinalubong ni Czarina ang mga mata ni Chairman. Nagpunta ba siya rito para pagalitan na naman si Tyrone? Kung ganito palagi ang ginagawa ni Chairman kay Tyrone, paano makakapagfocus si Tyrone sa mga trabaho niya kung mas iniisip na nito ang galit ni Chairman?“Hindi pa po siya nakakauwi, Chairman. Hindi ba at nasa iisang company kayo, bakit dito niyo po kaagad hinahanap si Tyrone?” sagot niya.“Kung ganun ay hihintayin ko na lang siya dito. Hindi ko palalampasin ang ginawa niya kahapon. Paano siya matututo kung palagi niya na lang inuuna ang pag-iinom niya. Umaasa pa naman akong nagbago na siya pagkatapos niyang magresign sa kompanya ko limang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay sakit pa rin sa ulo ang ibinibigay niya sa akin!” naikuyom pa ni Chairman ang kamao niya. Ayaw sanang mangialam ni Czarina sa gulo ng pamilyang Fuentes pero sino bang maglalakas loob na kausapin si Chairman kung lahat sila ay takot dito?Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan
“Wala naman,” tanging sagot niya nang sundan siya ni Tyrone.“Wala? Sa itsura niyang yun, wala lang? Kilala ko si Chairman at siguradong sinalubong na ako nun ng sampal o sipa dahil nalaman niya ang ginawa ko kagabi. What did you say to him?” pangungulit ni Tyrone. Bumalik naman sa sofa si Czarina saka niya inihilig ang ulo niya sa sandalan dahil hindi pa rin masyadong okay ang pakiramdam niya.“Sinabi ko lang naman sa kaniya ang mga dapat niyang marinig. Siya nga pala, dumaan ka pa ba sa kompanya? Hindi na kita namessaga na maaga akong umuwi kanina.” Pag-iiba niya ng usapan.“Are you okay? Are you not feeling well?” tanong ni Tyrone, nakapikit naman ang mga mata ni Czarina.“Okay lang ako, kaunting pahinga lang ang kailangan ko. Can I rest for a while?” napabuntong hininga na lang si Tyrone at hinayaan nang magpahinga si Czarina. Nagbihis na lang siya at dumiretso sa kusina para magluto ng kakainin nilang dalawa. Hindi tuloy mawala sa isip niya kung anong sinabi ni Czarina sa lolo niy
Kanina pa naghihintay si Tyrone sa labas ng kompanya. Minu-minuto na lang ay tumitingin siya sa relo niya dahil gabi na at malakas pa ang ulan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sina Czarina sa kompanya.“Sir, sinubukan niyo na po bang tawagan si Ma’am Czarina? Baka kasi hindi na po sila dumiretso dito dahil malakas na rin ang ulan at gabi na rin.” Saad ng security guard. Tinawagan ni Tyrone ang number ni Czarina pero hindi ito sumasagot.“Sir, baka sila na po yung paparating.” Wika pa ng guard nang makita niya ang paparating na mga sasakyan. Tumayo naman na si Tyrone at hinintay na huminto sa harap nila ang tatlong sasakyan.“Oh, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Owen nang makita niya si Tyrone. Naalala naman ni Owen na si Czarina nga pala ang sadya nito. Bumaba na rin si Natalie sa sasakyan niya at napalunok siya ng makita niya si Tyrone.“Nasaan si Czarina?” tanong ni Tyrone sa mga kasama ni Owen. Nilingon naman ni Owen si Natalie dahil alam nilang silang dalawa ni C
Kinabukasan, maagang pumunta si Owen sa kompanya ng mga Jimenez. Nasa entrance lang siya at hinihintay kung makakapasok ba si Czarina. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil nagi-guilty siya na naiwan nila ng mag-isa si Czarina sa site. Paano kung nagkataon na may mga tao pa dun at nakita si Czarina? Paano kung may nangyari kay Czarina habang mag-isa siya?Napapabuntong hininga na lang si Owen at muling tumingin sa mga empleyadong pumapasok sa loob ng kompanya.“Mr. Fuentes, what are you doing here?” tanong ni Natalie.“How’s your sister, is she okay now?” palihim namang napairap si Natalie. Siya ang nandito pero si Czarina pa rin ang hanap ni Owen.“Hindi na siya nakatira sa amin. Bakit hindi mo na lang tanungin ang pinsan mo? Saka bakit ba tinatanong mo siya? Masyado ka yatang concern kay Czarina.” Hindi maitago ang inis niya.“Kasalanan natin kung bakit naiwan siya ng mag-isa sa site. Hindi ka man lang ba nag-alala na baka may nangyari sa kaniya? Bakit ba kasi hindi mo sinigur
“Masaya ba ang maging isang Fuentes? Kunwari ka pang wala kang gusto kay Tyrone, sa itsura at ngiti mo pa lang halatang may gusto ka sa kaniya. Ginamit mo pa kami ni Austin para lang pagtakpan ang kataksilan mo.” Mapait na saad ni Natalie kaya napangisi si Czarina. Kung sa tingin ni Natalie ay magpapaapi pa si Czarina sa kaniya ngayon, nagkakamali siya. Wala na siyang panahon na makipagplastikan pa at sawang-sawa na rin siyang maging alipin at walang magawa kundi ang kaawaan ang sarili.“Sa lahat ng ginawa mo, nagpapasalamat talaga ako sayo sa pang-aagaw mo kay Austin. Halos ibigay ko kay Austin ang mundo noon, sa kaniya na lang umiikot ang oras ko. Akala ko hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin pero may mas maganda pa lang buhay na naghihintay sa akin. You’re a blessing in disguise.” Nakangiting saad ni Czarina saka niya kinindatan si Natalie. Umismid lang naman si Natalie.“Gusto ni Daddy na sumama ka sa family dinner bukas. Kung ako lang ang masusunod, ayaw kong sumama ka pa
Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya lakas loob na sinalubong ang galit na mga mata ng byenan niya. Akala niya okay na ang lahat pero hindi pa pala. Sigurado siyang may taong sumira sa kaniya para magalit ng ganito ang byenan niya. Bahagya siyang ngumiti na ikinainis ni Melanie na tila ba nakikipagbiruan siya.“Mrs. Fuentes, hindi ko alam kung anong nakarating sa inyo pero walang katotohanan ang sinasabi nila tungkol sa akin at kay Owen. Alam niyo naman po siguro ang dahilan kung bakit palaging nasa kompanya namin si Owen. Wala kaming ginagawa ni Owen. Ano po bang nakarating sa inyo para magalit sa akin? Wala po akong planong mahalin ang sino man sa dalawang Fuentes.” Matapang niyang sagot. Naguluhan naman si Melanie pero nanatiling salubong ang mga kilay niya.Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka siya nanguha ng tissue at pinunasan ang sarili niya. Kinuha naman ni Melanie ang cellphone niya saka niya ipinakita kay Czarina ang mga picture nila ni
Kanina pa nakatitig si Czarina kay Tyrone at napapansin naman yun ni Tyrone kaya hindi siya makapagfocus sa ginagawa niya.“May gusto ka bang sabihin?” tanong ni Tyrone sa kaniya. Napabuntong hininga naman si Czarina saka niya iniwas ang paningin niya.“Sa susunod na linggo na ang birthday ni Chairman. May ireregalo ka na ba sa kaniya?” tanong niya na dahil ilang araw na itong gumugulo sa isipan niya. Nahihiya naman siyang pumunta sa birthday ni Chairman Fuentes ng wala man lang dalang regalo.“Hindi mahilig sa regalo si Chairman kaya huwag ka ng mag-aksaya ng oras na mag-isip ng ireregalo sa kaniya.” Sagot ni Tyrone habang nakatuon ang paningin niya sa laptop.“Pero nakakahiya naman kung pupunta tayo ng wala man lang dala. Alam mo ba kung saan siya mahilig?” napabuntong hininga si Tyrone saka niya inisip kung saan ba mahilig ang Chairman.“Wala akong masyadong alam kay Chairman pero isa lang ang sigurado ako. Mahilig siya sa paintings,” sagot na ni Tyrone para hindi na siya tanungin
Nang makita ni Tyrone kung sino ang kasama ni Czarina ay mabilis niyang hinila ang doctor niya at pinalabas ito.“What are you doing here?” seryosong tanong ni Tyrone. Inalis naman ni Shaina ang kamay ni Tyrone sa braso niya.“Your Mom called me kaya nagpunta ako kaagad dito. I justs want to know if you’re fine.”“I’m fine, I’m perfectly fine. I don’t need you, leave.” May diing wika ni Tyrone saka niya isinarado ang pintuan ng bahay nila. Nang humarap na siya ay nakita niya si Czarina na nakatingin sa kaniya. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Iniwas ni Tyrone ang paningin niya saka siya nagtungo ng kusina. Sinundan naman siya ni Czarina.“You have your own doctor too, a psychiatrist doctor. May trauma ka rin na hanggang ngayon natatakot ka pa ring maalala. Yun ba ang dahilan kung bakit tinutulungan mo ako? Naaawa ka lang sa akin.” Ani ni Czarina. Hindi naman nagsalita si Tyrone, nanguha siya ng tubig saka niya iyun ininom. Tipid namang ngumiti si Czarina saka siya humugot ng malalim
Gusto niya sanang magtanong pero alam niyang masyadong personal ang bagay na yun at siguradong ayaw din ni Tyrone na malaman ng iba ang tungkol dun.“Stay here, Czarina. Aasikasuhin ko lang ang hospital bills niya para kapag nagising siya ay makakauwi na rin siya kaagad.” tumango naman si Czarina bilang sagot. Naupo siya sa tabi ng kama ni Tyrone. Napapaisip siya kung anong meron sa nakaraan ni Tyrone. Hinaplos ni Czarina ang noo ni Tyrone pero nagulat siya nang hawakan iyun ni Tyrone.Kunot noo siyang tiningnan ni Tyrone, namumula pa ang mga mata niya halatang kagigising lang niya. Nang makita ni Tyrone na nasa hospital siya ay mabilis siyang bumangon at inalis ang nakasaksak na IV drip sa kamay niya.“Hindi pa nauubos ang IV drip mo saka kailangan mong magpahinga muna.” ani ni Czarina pero tumayo na si Tyrone.
Seryosong ipinapaliwanag ni Tyrone ang presentation na ginawa nilang dalawa ni Czarina pero hindi niya maiwasan na hindi mawala sa focus sa tuwing napapatingin siya kay Owen. Kasama nila ito sa meeting at napapaigting ng panga si Tyrone sa tuwing naaalala niya ang mga picture na ipinakita ni Natalie sa kaniya kanina.Nang matapos ang presentation niya ay sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga board of directors nila. Palihim naman na napapangiti si Chairman dahil unti-unti ng natututo si Tyrone. Napapataas lang naman ng kilay si Owen habang nilalaro niya ang mga daliri niya. Ipinapakita niya kay Tyrone na hindi siya interesado sa mga sinasabi nito.Nang matapos ang meeting nila ay nilapitan ni Chairman si Tyrone at tinapik ito sa balikat. Napapangisi at napapailing naman si Owen pero hindi niya maiwasang hindi mainis dahil alam niyang ginagawa na ni Tyrone ang lahat para mapalapit sa
“Your Tita Natalia told me na gusto mong buksan ang kaso tungkol sa nangyari five years ago. Ano pa bang gusto mong malaman? Naghahanap ka pa rin ba ng masisisi mo sa pagkamatay ng Mommy mo? It’s been five years, akala ko ba ay okay ka na? Akala ko ba ay nakalimutan mo na? Hindi pa ba malinaw sayo na aksidente lang ang nangyari?” hilaw na natawa si Czarina. Hindi na siya magtataka kung paano nalaman ng stepmom niya ang tungkol sa pagpapabukas niya sa kaso. Alam niyang may taong nakamasid sa bawat kilos niya.Napayuko naman si Czarina saka siya bumuntong hininga bago muling sinalubong ang matatalim na tingin sa kaniya ng kaniyang ama.“Do you still want to believe na aksidente lang ang nangyari? Limang taon na nga ang nakalipas Dad pero hanggang ngayon hindi natin nabibigyan ng hustisya si Mommy. Hindi nahuli ang driver ng truck dahil ipinasarado niyo kaagad ang kaso. Walang gustong maniwala sa akin, dahil ba lumipas muna ang isang taon bago ko naalala ang nangyari sa aksidente?” napah
Habang nagkwekwento si Czarina tungkol sa buhay niya ay umiinom din siya ng alak. Nakikinig lang naman sa kaniya si Tyrone. Namumula na rin ang mga pisngi ni Czarina dahil marami na siyang naiinom habang matino pa rin si Tyrone.“I was once a princess but now I'm like Cinderella, hindi pa makakaalis sa pang-aabuso kung walang prinsipeng sasagib.” Natatawa niyang saad habang hawak-hawak niya ang alak. Nananatiling nakatitig pa rin si Tyrone sa kaniya. Pinapakinggan niya lang ang lahat ng kwento ni Czarina. Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya pero lalo lang itong nagugulo.Matamis na nginitian ni Czarina si Tyrone ng magsalubong ang mga tingin nila.“Thank you for being my prince, Tyrone, kahit na alam kong panandalian lang ang lahat ng ‘to. Sana makabawi man lang ako sayo, maibalik ko man lang ang mga kabutihan.” Ani pa niya saka siya napahilamos sa mukha niya. Gulo-gulo na ang buhok ni Czarina at humah
“Good for you kung pinagsisisihan mo na pero kahit anong gawin mo, kahit magmakaawa at lumuhod ka pa sa akin araw-araw hinding hindi ko hihiwalayan si Tyrone.” Bagsak ang balikat ni Austin dahil sa sinabi ni Czarina. Hindi niya akalain na magiging ganito katigas si Czarina dahil nakilala niya itong mahina, madaling maloko at mabilis magpatawad. Lalampasan na sana ni Czarina si Austin dahil natahimik ito ng ilang segundo nang hawakan siya nito sa braso.“Do you like him now?” seryosong tanong ni Austin. Hindi kaagad nakasagot si Czarina, ano nga bang nararamdaman niya para kay Austin ngayon? Hindi niya alam, naguguluhan pa rin siya pero hindi niya maintindihan kung bakit sumasagot siya sa mga halik ni Tyrone. “Gusto mo na ba si Tyrone? Mahal mo na ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Austin. Akala niya ay magiging okay lang sa kaniya kapag naghiwalay sila ni Czarina pero habang lumilipas ang araw, narerealize niyang mahal niya si Czarina at nasasaktan na siya dahil naangkin na ito ng iba