Hello po sa mga readers ko at sa mga masisipag na commentors every chapter. Pwede po bang humingi ng favor? ;) Paki-rate naman po ng book ko sa homepage. Thank you so much, so much appreciated po:)
Kanina pa naghihintay si Tyrone sa labas ng kompanya. Minu-minuto na lang ay tumitingin siya sa relo niya dahil gabi na at malakas pa ang ulan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sina Czarina sa kompanya.“Sir, sinubukan niyo na po bang tawagan si Ma’am Czarina? Baka kasi hindi na po sila dumiretso dito dahil malakas na rin ang ulan at gabi na rin.” Saad ng security guard. Tinawagan ni Tyrone ang number ni Czarina pero hindi ito sumasagot.“Sir, baka sila na po yung paparating.” Wika pa ng guard nang makita niya ang paparating na mga sasakyan. Tumayo naman na si Tyrone at hinintay na huminto sa harap nila ang tatlong sasakyan.“Oh, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Owen nang makita niya si Tyrone. Naalala naman ni Owen na si Czarina nga pala ang sadya nito. Bumaba na rin si Natalie sa sasakyan niya at napalunok siya ng makita niya si Tyrone.“Nasaan si Czarina?” tanong ni Tyrone sa mga kasama ni Owen. Nilingon naman ni Owen si Natalie dahil alam nilang silang dalawa ni C
Kinabukasan, maagang pumunta si Owen sa kompanya ng mga Jimenez. Nasa entrance lang siya at hinihintay kung makakapasok ba si Czarina. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil nagi-guilty siya na naiwan nila ng mag-isa si Czarina sa site. Paano kung nagkataon na may mga tao pa dun at nakita si Czarina? Paano kung may nangyari kay Czarina habang mag-isa siya?Napapabuntong hininga na lang si Owen at muling tumingin sa mga empleyadong pumapasok sa loob ng kompanya.“Mr. Fuentes, what are you doing here?” tanong ni Natalie.“How’s your sister, is she okay now?” palihim namang napairap si Natalie. Siya ang nandito pero si Czarina pa rin ang hanap ni Owen.“Hindi na siya nakatira sa amin. Bakit hindi mo na lang tanungin ang pinsan mo? Saka bakit ba tinatanong mo siya? Masyado ka yatang concern kay Czarina.” Hindi maitago ang inis niya.“Kasalanan natin kung bakit naiwan siya ng mag-isa sa site. Hindi ka man lang ba nag-alala na baka may nangyari sa kaniya? Bakit ba kasi hindi mo sinigur
Galit na pumunta si Tyrone sa kompanya ng mga Jimenez para puntahan si Owen. Alam niyang ginagamit ni Owen si Czarina para galitin siya. Akala niya ay makakaiwas siya kay Owen dahil wala ito sa kompanya nila, hindi sila magkikita araw-araw pero hindi niya akalain na si Czarina naman ang ginugulo nito.“Tyrone?” ani ni Natalie ng makita niya si Tyrone. “Hindi pumasok si Czarina kaya kung hinahanap mo siya wala siya rito.” Wika ni Natalie, matatalim naman ang mga mata ni Tyrone na tumingin kay Natalie kaya bahagya pang napaatras si Natalie sa takot na masaktan siya ni Tyrone.“Nasaan si Owen? Nasaan ang gagong yun?!” nanggagalaiting sigaw ni Tyrone. Nablangko pa ng ilang segundo si Natalie bago siya sumagot.“Nandun siya sa office ko, bakit ba? Ano bang kailangan mo at galit na galit ka sa kaniya?” sumakay na si Tyrone sa elevator, sumama naman si Natalie dahil baka magkagulo sa loob ng office niya. “Pwede bang huminahon ka? Huwag kayong mag-aaway sa loob ng office ko pakiusap.” Ani pa
“Nagpahangin lang ako,” pagdadahilan niya pero tila ba ayaw maniwala ni Czarina.“May ginawa ka ba kay Owen?” inis na tiningnan ni Tyrone si Czarina.“Nag-aalala ka sa kupal na yun?”“It’s not like that, sayo ako nag-aalala dahil baka makulong ka kapag napatay mo siya.” Anas niya, napaiwas naman ng tingin si Tyrone. Hindi niya alam kung bakit tila tumalon ang puso niya. Dahil ba sa gulat o sa tuwa?“Are you okay now? Mainit ka pa ba?” Pag-iiba na lang ni Tyrone ng usapan dahil tila ba na-awkward siya sa sinabi ni Czarina.“Medyo okay na ako, thank you for taking care of me.” Tumango na lang si Tyrone saka ito nagpaalam na sa labas na muna siya. Malamig naman sa kwarto ni Czarina pero tila ba biglang uminit ang pakiramdam ni Tyrone. Nakatitig naman si Czarina sa pintuan kung saan lumabas si Tyrone. Hindi niya alam kung paano niya mapapasalamatan si Tyrone sa mga kabutihan nito sa kaniya. Sana lang ay makahanap na rin si Tyrone ng makakapagpasaya sa kaniya.Napabuntong hininga si Czarin
Pumasok na si Czarina sa kompanya. Dumiretso na siya sa production room, makakapagfocus na siya sa pagdedesign ng mga gowns at habang ginagawa niya yun palihim niya nang iimbestigahan ang stepmom niya. Kailangan niyang maghanap ng magiging butas nito para mapaalis niya ito sa pwesto.Pagpasok ni Czarina sa production room ay ibinaba niya na kaagad ang bag niya para masimulan na niya ang trabaho niya. Kunot noo niyang tiningnan si Owen na nakasandal sa lamesa habang nakabulsa ang mga kamay niya.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya saka niya kinuha ang mga materyales na kailangan niya.“Kumusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba?”“Ano bang pakialam mo? Wala naman na sigurong dahilan para mag-usap pa tayo. Nasabi na sa akin na hindi na ako kasama sa project. Maling kwarto yata ang napuntahan mo.” Pagsusungit ni Czarina. Hindi niya natatapos ang mga trabaho niya dahil sa panggugulo ni Owen.“I just want to say sorry, gusto ko na ring malaman personally kung okay ka na ba. Bakit hindi mo s
“Maaga akong natapos sa mga trabaho ko. Didiretso na ba tayo sa bahay niyo o uuwi muna tayo?”“Nakausap mo talaga si Daddy? Pumayag ba siyang dun tayo magdidinner?” tanong ni Czarina saka sila naglakad palabas ng kompanya at sumakay na sa sasakyan.“Yeah, he’s in the company lately. Sinabi ko sa kaniya na gusto ko siyang makausap.” Napatingin si Czarina kay Tyrone. Nagtataka kung ano bang gustong sabihin ni Tyrone sa kaniyang ama.“Is it about the business? Anong sasabihin mo sa kaniya?” kuryoso niyang tanong.“Gusto mong makuha ang mga anak mo diba? Kakausapin ko siyang ibigay na sayo ang mga anak mo para makasama mo na rin sila.” Biglang gumapang ang pinaghalong excitement at kaba sa dibdib ni Czarina. She really wants to meet her twins again dahil dalawang taon niya na itong hindi mga nakikita. Pansin ni Tyrone na biglang natahimik si Czarina.“Are you okay? This is what you want, right? Ang sabi mo ay ginagamit ng stepmom mo sayo ang mga anak mo para makontrol at mapasunod ka? Han
Napasabunot na lang si Czarina sa buhok niya habang naghihintay sila sa waiting area. Maayos naman silang nakiusap pero bakit kailangang mauwi pa sa ganito ang kagustuhan niya lang naman na makuha ang mga anak niya. Hinaplos ni Tyrone ang likod ni Czarina habang naghihintay sila ng doctor na lalabas sa kwarto ng kaniyang ama.“Thank you, doc.” Wika ni Natalia. Nang marinig yun ni Czarina ay mabilis siyang tumayo at nilapitan ang doctor ng kaniyang ama.“How’s my dad, doc? What happened to him?” nag-aalala niyang tanong. Wala siyang matandaan na may sakit ang kaniyang ama dahil malakas pa naman ito.“He’s fine now, mataas ang presyon ng dugo niya kaya nakaramdam siya ng pagkahilo at nawalan ng malay. Kailangan niya lang inumin ang mga gamot na ibibigay ko sa kaniya kasama na rin ng mga vitamins niya.” sagot ng doctor kay Czarina. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina dahil walang malalang sakit ang kaniyang ama.“Pero ano pong dahilan ng pagbaba ng timbang niya?” tanong niya. Napapaism
***Nang magkaroon ng oras si Tyrone ay nakipagkita siya sa mga kaibigan niya. Mabilis na inilayo ni Aries ang alak kay Tyrone dahil baka mag-inom na naman ito malasing. Instead of alcohol, kape ang ibinigay ni Matthew. Hindi naman nagreklamo si Tyrone at ininom ang kape.“Kumusta ang trabaho mo sa kompanya ng lolo mo? Itutuloy pa ba natin ang itatayo nating business?” tanong ni Matthew.“Of course, ituloy pa rin natin. Ayaw niyo na bang ituloy?” kunot noo niyang tanong sa mga ito.“Hindi naman sa ganun. Isa ka sa magiging tagapagmana ng kompanya ng lolo mo. Ayaw mo bang ituloy ang legacy ng lolo mo? Ibibigay mo na lang ba ang lahat kay Owen?” ani ni Matthew. Napaisip naman si Tyrone. Kapag ibinigay niya ang kompanya kay Owen siguradong magagalit sa kaniya ang mga magulang niya.“Hindi sa ganun, ayaw ko lang makipag-agawan kay Owen sa posisyon na CEO. He can be the CEO of the Fuentes Corporation pero mananatiling may karapatan ako sa kompanya. Pwede niyang patakbuhin ang kompanya ng m
Nang makasakay si Czarina sa sasakyan niya ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Napasubsob na lang siya sa manubela niya. Ang sikip sikip ng dibdib niya, ramdam pa rin niya ang bigat ng kamay ng kaniyang ama sa pisngi niya dahil sa sampal pero mas nangingibabaw ang kirot na nararamdaman niya sa puso niya.Napabuga siya ng hangin saka tipid na ngumiti. Nasasaktan man siya dahil ayaw siyang paniwalaan ng kaniyang ama, wala na siyang magagawa. Tuluyan na talagang nalason ni Natalia ang isip nito dahil wala na siyang ibang pinaniniwalaan kundi si Natalia lang.“Czarina, open the door.” Rinig ni Czarina sa boses ni Tyrone. Tumingin siya sa bintana at nakita niya naman si Tyrone na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Binuksan niya na ang pintuan at lumabas ng sasakyan. “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Tyrone. Hindi sumagot si Czarina, niyakap niya lang si Tyrone. Nagpapasalamat siya dahil nandyan si Tyrone para sa kaniya, ang tanging taong may paki
Hindi makapaniwala si Czarina sa mga sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama. Hilaw siyang natawa, talagang napaghandaan na ni Natalia ang mga sinabi nito laban sa kaniya. Ano pa bang mga nasabi ni Natalia para magalit ng ganito sa kaniya ang kaniyang ama? Pinakalma ni Czarina ang sarili niya para hindi bumagsak ang mga luha niya at hindi mauna ang paghagulgol niya kesa masabi ang mga gusto niya.“Hanggang ngayon pa rin ba si Tita Natalia pa rin ang pinaniniwalaan niyo? Simula nang dumating siya sa buhay natin, hindi niyo na ako nagawang paniwalaan. I’m your daughter, Dad. Mas matagal mo akong nakasama kesa sa kaniya unless palagi ka ring umuuwi sa kanilang mag-ina kahit na buhay pa si Mommy.” Matapang niyang wika. Iniwas naman ni Mateo ang paningin niya.“Minahal ko ang Mommy mo. Hindi magagawa ng Tita Natalia mo ang patayin ako para lang sa kompanya dahil marami na rin siyang naitulong sa akin simula nang makasama natin siya. Bakit mo ba siya gustong gustong mawala sa buhay natin? Naging
Nang tumawag si Tyrone sa kaniya ay hindi niya ito masagot dahil natatakot siyang bitiwan ang manubela.“Oh God, please protect me.” Anas niya, napalunok siya. Sa bilis nang pagpapatakbo niya ay para na siyang nakikipagkarerahan. Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang tumingin sa likod niya ng marinig niya ang tunog ng mga siren. Kita niya ang mga police car na nakabuntot na sa kaniya. Mabilis siyang nilampasan ng isang police car at sumenyas ito na magslow down siya.“They want me to stop? Oh no, please, not now.” Anas niya dahil sa pag-aakalang baka hinuhuli na siya dahil over speeding na siya. Pinantayan na rin siya sa magkabilang gilid niya, may tatlo pang nakabuntot sa kaniya.Nakita niyang tumatawag si Tyrone, mabilis niyang sinagot ito.“Please help me, may mga pulis nang pinapahinto ako. I’m scared to stop, Tyrone.” Natataranta niyang saad.“Slow down, Czarina. They come to help you, please slow down.” Sagot ni Tyrone. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina kaya dahan-dahan
Lumipas ang dalawang linggo, nagtataka na si Czarina dahil hindi pa niya nakikita si Natalie. Hindi ito pumapasok sa kompanya kaya naiipon na ang mga gagawin niya.“Michelle, wala ka pa rin bang balita kay Natalie kung nasaan na siya?” tanong ni Czarina sa secretary ni Natalie.“Wala pa rin po ma’am Czarina. Maraming beses ko na siyang tinawagan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya sumasagot.” Sagot nito. Napapaisip si Czarina kung anong nangyari kay Natalie, kung bakit bigla itong nawala.‘Is she planning her wedding?’ usal niya sa sarili niya. Naipilig niya ang ulo niya, kung nagpaplano na sila para sa kasal nila bakit hindi alam ito ng secretary niya? Nahihirapan si Czarina na malaman kung ano ang pinaplano ng mag-ina.Patungo na sana si Czarina sa production department nang madaanan niya ang office ni Natalia. May kaunti itong awang kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta dun. Sinilip niya kung sino na ang nasa loob. Nang makita niyang walang tao ay inilibot niya ang paningin n
Tulalang nagtungo ng kompanya si Czarina. Sana lang ay gumana ang pananakot niya sa mga ito para hindi matuloy ang mga binabalak nila sa kaniyang ama. Hindi man naging mabuting ama sa kaniya sa nakalipas na mga taon si Mateo, hindi pa rin niya kayang mawala ito dahil sa mga taong walang halang ang bituka. Wala siyang nagawa noon sa kaniyang ina, para siyang batang naligaw ng landas at hindi alam ang gagawin at ayaw niya namang mangyari ulit yun. Ayaw niya namang mawala silang pamilya sa mga kamay ni Natalia.Nang may tumawag sa cellphone niya ay sinagot niya yun ng hindi na tinitingnan kung sino ang caller.“Yes?” walang gana niyang sagot.“What happened? Maililipat ba natin ang Daddy mo? Narequest ko na ang ambulance, may mga doctor na rin na sasama para sunduin siya. Can we transfer him now?” wika ni Doc Apalla. Napabuntong hininga naman si Czarina at narinig yun ni Doc Apalla. Sa buntong hininga pa lang ni Czarina, alam na ni Doc Apalla kung anong nangyari. “Hindi pumayag si Natali
Nang makabalik si Doc Santos sa office niya ay nandun pa rin si Czarina na naghihintay sa kaniya. Naupo na muna si Doc Santos saka niya nginitian si Czarina.“So, can we tranfer him now? Ako na ang bahala sa ambulance dahil nakausap ko naman na rin si Doc Apalla na ililipat sa hospital nila ang Daddy ko.” Aniya.“I’m sorry, Miss Jimenez, but I think we can’t transfer your father. May mga machine na hindi pwedeng tanggalin sa katawan niya ngayon at kung pipilitin naman natin siyang ilipat baka pagsisihan lang natin sa huli. Ayaw ko naman na may mangyaring masama sa pasyente ko.” Wika nito. Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina, naguguluhan dahil bakit hindi pwedeng ilipat ang Daddy niya? Meron ba silang hindi sinasabi sa kaniya? Akala niya ba ay okay ang Daddy niya, na hindi naman malubha ang natamo nitong sugat sa ulo.Mariing nakatitig si Czarina kay Doc Santos. Ramdam naman ni Doc Santos ang matatalim na titig sa kaniya ni Czarina kaya hindi ito makatingin ng diretso.“Tell me, Doc S
Sinimulan naman na ni Czarina ang pag-aayos ng mga gamit sa closet nila. Sa laki ng mansion ng mga Fuentes ay siguradong pagpapawisan ka sa paglalakad kung wala itong aircon sa bawat sulok ng bahay.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina makalipas ang ilang oras na pag-aayos niya sa mga gamit nila. Aayusin niya rin ang mga gamit ng mga anak niya. Nang makaramdam siya ng pagkauhaw ay bumaba na muna siya. Inililibot niya ang paningin niya. Talagang nagsusumigaw ng karangyaan ang mga gamit sa mansion lalo na ang naglalakihan na mga chandelier. Ang mga vase na tila ba antigo na pero talagang babayaran mo ito ng million kapag nakabasag ka ng isa.Marami ring mga katulong nagkalat sa loob ng mansion at lahat sila ay may mga nakatokang gawain.“Excuse me, saan dito ang kitchen?” tanong niya dahil maraming pintuan pero hindi niya alam kung saan siya papasok.“Dun po ma’am, diretso lang po kayo.” Nakangiti namang sagot ng katulong. Nagpasalamat na si Czarina saka siya nagtungo sa
Palalim na nang palalim ang gabi pero pansin ni Tyrone na malalim pa rin ang iniisip ni Czarina. Nakatambay ito sa veranda at nakamasid lang sa madilim na paligid. Bumangon ng higaan si Tyrone saka niya nilapitan si Czarina. Pinagmasdan niya lang din ang madilim na kalangitan. Yumakap pa sa kaniya ang hanging panggabi.“Is something bothering you?” tanong niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Czarina. Hindi na nawala sa isip niya ang sinabi ng doctor sa kaniya. Paano niya mapipigilan ang stepmom niya? Paano kung mahuli na ang lahat para sa kaniyang ama? Paano kung magtagumpay ito sa mga plano niya?“The doctor called me lately. Yung gamot na pinatest ko sa kaniya it’s not a vitamins. Alam kong pinapainom yun ni Tita Natalia kay Daddy dahil may sarili namang doctor si Daddy pero sa halip na gumanda ang kalusugan niya lalo siyang nanghihina dahil sa gamot na pinapainom ni Tita Natalia. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng ebidensya na pinapalitan niya ang mga gamot ni
"Nandun lang ba si Chairman sa office niya? I need to talk to him kasi. Ako ang pinapunta ni Daddy sa meeting at kailangan ko ring makausap si Chairman Fuentes dahil may gustong ipasabi si--""Just see if he's there." Masungit na pagpuputol ni Tyrone sa sasabihin sana ni Rhianne. Napapanguso na lang si Rhianne dahil sa pagiging masungit ni Tyrone sa kaniya. Totoo pala talaga ang mga naririnig niya tungkol kay Tyrone, masungit nga ito at tila ba walang interes sa mga babae. "Bakla ka ba?" Lakas loob na saad ni Rhianne. Hindi makapaniwalang nilingon ni Tyrone si Rhianne saka siya napapailing. "Kung sa tingin mo hahalikan kita para maniwala ka, hindi ko gagawin yun." Masungit pa rin niyang sagot. "Kung ganun, bakit parang ang layo layo ng loob mo sa mga babae? Baka lalaki rin ang tipo mo? Sayang naman ang lahi mo." Tila pang-aasar pang wika ni Rhianne. Humugot ng malalim na buntong hininga si Tyrone para kalmahin ang sarili niya. Wala siya sa mood para patulan pa ang