Napabuntong hininga na lang siya saka niya sinenyasan ang mga bata na lumapit sa kaniya pero nanatiling nakayakap ang mga ito sa mga binti ni Czarina. Umupo si Czarina para pantayan ang mga anak niya. "Siya ang lolo ng Daddy niyo kaya huwag kayong matakot. Give some respect to him, kids." Malumanay na saad ni Czarina. Nagkatinginan naman ang kambal. Unang humiwalay si Riley sa Mommy niya saka niya inilahad ang kamay niya sa kapatid niya. Hawak kamay silang dalawa na naglakad palapit kay Chairman. "Don't worry, Isabella. Kuya is here," pagpapakalma ni Riley sa kapatid niya dahil matindi ang takot na nararamdaman nito. Nakakaramdam din siya ng takot pero kailangan niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Lumapit silang dalawa kay Chairman at nagmano rito. "Ako po si Riley, siya naman po si Isabella, kambal ko po." Magalang na pagpapakilala ni Riley sa sarili niya at sa kambal niya. Ang akala nilang kambal ay wala silang ama dahil hindi naman nila ito kilala at wala na
Last Updated : 2025-03-12 Read more