Nang mag-lunch break, ay agad kong tinanggal ang chef hat and coat ko, pagkatapos ay lumabas na ng culinary lab. Kinuha ko agad sa bag ang phone ko at tinawagan ang Nanay Gloria, ko. “Kring! Kring!” “Hello, nay? Buti naman po sumagot na kayo,” masaya kong bungad. “Pasensya ka na nak, napakarami kasing costumer kanina. Nasa palengke kasi ako ngayon. Ibinenta ko lang ang mga nahuling isda ng kuya mo kahapon. Sayang naman, pagdagdag na rin ‘to sa gastusin namin sa ospital.” “Ganon po ba? Eh natanggap niyo na po ba ang perang pinadala ko, nay?” “Oo nak, at napakalaking tulong no’n. Siya nga pala nak, sa’n ka nga pala nakakuha ng gano’n kalaking halaga?” Natigilan ako at ‘di agad nakasagot kay nanay. “N-nangutang po ako sa mga kakilala ko dine, nay,” pagsisinungaling ko, at agad na iniba ang usapan. “Ah, si bunso po pala nay, kumusta?” panimula ko. “Pinabantayan ko muna siya ngayon sa kuya mo sa ospital, nak. Hindi muna siya gawang ma-chemotherapy dahil laging mataas an
Last Updated : 2024-12-18 Read more