Neri Nang matapos nga ang klase ko ay pinuntahan ko agad si Kino sa bahay niya at totoong bugbog sarado nga siya. "Thank you talaga Neri, ha? Nag-abala ka pa talagang puntahan ako," aniya habang sinusubuan ko siya ng mainit na sopas. Hindi niya kasi maigalaw ng maayos ang mga braso niya, pati na ang buong katawan niya dahil sa mga bugbog niya sa katawan."Wala 'yun, siyempre kaibigan kita kaya may concern ako sayo,” nakangiti kong saad.“Ah, Kino? May tanong lang ako. Namumukhaan mo ba 'yung mga nambugbog sayo?" kinakabahan kong tanong kasi baka si Elleon ang idi-discribe niya."H-hindi eh, mas'yado na kasing madilim no'n, pero marami sila,” namilipit niyang sagot."Ganon ba? Next time mag-iingat ka na lang okay? Napakadilim pa naman ng daan papunta rito sa inyo.” "Oo Neri, thanks sa consern mo," nakangiting aniya tapos niyakap niya ako bigla na parang wala siyang dinadamdam. Pero agad akong dumistansya sa kanya, nang maramdaman ko na may kasama nang paghimas ang pagyaka
Matapos ang pangyayaring 'yon ay ilang gabi ring hindi ako kino-contact ni Elleon. At kapag nagkakasalubong kami sa campus ay hindi niya man lang ako magawang tingnan. Galit kaya siya sa ‘kin? O baka naman kaya’y nandidiri na? "Oh? Anong mukha 'yan gurl? Ba't parang may lamay?" tanong ni Cherry habang may hawak siyang soft drink. Nandito kami ngayon sa university canteen at kumakain ng lunch. "Nami-miss ko na kasi si Eon. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam,” mahina kong sagot habang nakasimangot. "Sus, si Eon ba talaga o 'yung hotdog niya?" pabirong ani Cherry. "S'yempre si Eon,” malungkot kong sagot tapos pinagmasdan ang cellphone ko. Hinihintay ko kasing mag-message siya. Nang matapos ang klase ko ay pinuntahan ko siya sa SSG office, dahil hindi ko siya nakita sa classroom nila. Nang makarating na ako ay nakita kong marami silang nasa loob, at seryoso ang mukha niya ngayong nagsasalita sa harap ng mga co-SSG officers niya at ilang propesor. Umatras na lang ako
Neri “Hayst, ano ba ‘yan, hindi ako makapag-focus,” naiinis kong sabi habang nakadapa pa rin ako sa kama ko. Nakaharap ako sa laptop ko ngayon at niri-review ang mga dish na ginawa namin kanina sa laboratory class. Kaya kinuha ko muna ‘yong phone ko para mag-scroll scroll muna sa social media account ko. At nang buksan ko na ‘to ay post agad ng friend ni Elleon na si Dwayne ang bumungad sa news feed ko. “Just a simple birthday celebration, together with my Co-SSG Officers” Caption niya dito sa post, at mukang nasa isang bar sila. Kasi may iba’t ibang kulay ng mga ilaw sa likuran nila at may mga tao rin na nagsasayawan. Pero agad akong natigilan at nakaramdam ng kirot sa dibib nang isa-isa ko nang sinilip ang mga pictures and videos na pinost ni Dwayne. Nakita ko si Trisha, ang co-officer nila na sobrang sexy ang suot at magkatabi silang nakaupo ni Elleon, sa pulang couch. Pero ‘yung position ni Trisha, nakahiga ang side face niya sa dibdib ni Elleon habang yakap niya siya.
Ilang minuto lang ay hininto na ni Elleon ang kotse niya. Mukang ito na yata ang cafe and resto bar, niya. Pero ba’t naka-closed ‘to ngayon? "Let's go inside, nagugutom na ako," cold niyang sabi sabay tanggal ng seat belt niya at binuksan na ang kotse. Tapos ay nauna na siyang bumaba. Tinanggal ko na rin 'yong seat belt ko tapos bumaba na at sumunod sa kanya. Nang makapasok na kami sa loob, ay agad akong namangha sa ganda ng caffe and resto bar, niya. Medyo may kalakihan ‘to at napaka instagramable ng dating. Siguro siya lang ang nag-design nito. "Umupo ka na muna riyan, magluluto lang ako," aniya sabay biglang hubad ng t-shirt na suot niya at bumungad ulit sa ‘kin ang maganda niyang katawan. Napalunok na lang ako at agad na inalis ang mga tingin sa katawan niya. Tapos ay kumuha na siya ng mga sangkap na gagamitin niya. Naupo na agad ako at pasimple siyang pinagmasdan, habang naghihiwa siya ng sibuyas. Ang swerte ko na talaga pag kami ang nagkatuluyan neto. Bukod sa g’wapo na, ma
Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Elleon dahil baka madatnan kami ng mga staff niya. Dahil kasi sa pagod ng aming bakbakan kagabi ay tuluyan na kaming nakatulog, kaya ‘di na niya na ako nahatid sa bording house. Uuwi na sana ako pagkagising ko pero pinigilan ako ni Elleon. Ang sabi niya ngayon na lang daw ako mag-start sa pagta-trabaho dito sa cafe and resto bar, niya. Cafe pala ito kapag umaga, at kapag gabi naman ay resto bar. Kaya heto ako ngayon, may hawak-hawak na mop at nililinis ang buong paligid nitong cafe & resto bar niya. Habang siya naman ay nando’n sa kitchen at may chini-check. Buti na lang ay may pagka-girl scout ako minsan, kaya may dala akong extrang blouse at panty sa bag ko. Hindi ako mangangamoy ngayong araw. Mayamaya ay agad akong napalingon sa may pinto nang biglang may pumasok. Tatlo sila. Dalawang babae at isang matabang lalaki. "Teka, sino ka?" tanong nong matabang lalaki sa ‘kin. "Siguro magnanakaw ka, noh?" tanong naman nung payat na babae, at n
Sa sumunod na mga araw ay nandito kami sa isang public eco park, na matatagpuan lang sa Maynila. May tree planting activity kasi kami ngayon at pinangungunahan ito ng aming Supreme Student Government officers, at ‘yun ay sina Elleon. Ngunit sa kalagitnaan ng aming pagtatanim ay hindi ako makapag-focus dahil distracted ang mga mata ko kina Elleon at sa co-officer niya at secretaryang si Trisha. Kanina ko pa kasi napapansin na hinaharot ng babaeng ito si Elleon. Tsk, kung makadikit naman ang babaeng 'to daig pa ang linta. Na-remember ko tuloy ulit 'yung mga pictures and videos nila sa resto bar no'ng isang gabi. Mayamaya’y “ ah, aray!" biglang daing ko nang makasagi ako ng matulis at malaking sanga. Tapos ay agad na sumirit ‘yung dugo sa binti ko. "Okay ka lang, Neri?" tanong ng lalaking kaklase ko, sabay lapit sa 'kin. Hahawakan na sana nito ang binti ko pero may biglang tumabig sa kamay nito. Nanlaki agad ang mga mata ko ng si Elleon ito. "Damn! Ba't hindi ka nag-iingat?" masun
Makalpas ang ilang oras, habang nakatayo ako sa may bar counter ay may namataan akong kakapasok lang na Costumer. Babae ito at may edad na pero napaka-elegante pa rin ng dating niya. Mataray na nagpaikot-ikot ang mga mata nito sa palagid ng bar at tila may hinahanap siya. "Good evening, ma'am. Ano po ang order niyo?” masaya kong bati sa kanya nang makalapit na siya dito sa bar counter. Pero seryoso lang mukha niya at nakataas ang kilay sa ‘kin. "Where's my son, Elleon? Bring me to him, now," masungit nitong tanong at bahagya agad akong nagulat. "Ka-kayo po ang mama ni Elleon?" tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay sabay sabi, "bingi ka ba? Ba’t nagtatanong ka pa? I said bring me to him!" malakas niyang pagkakasabi, at mabuti na lang ay may kalasakan ang music dito sa resto bar, kaya walang ibang nakarinig. "S-sorry po, ma'am. Tara na po, samahan ko na po kayo sa office niya," mahinahon kong saad at sumunod na ito sa ‘kin. Kahit napakasungit nito ay kailangan ko pa rin s
Ilang sandali lang ay nakarating na kami ni Elleon sa ng resto bar. Abalang abala kami ngayon sa pagsi-serve sa mga costumer at lahat kami ay aligaga at walang nakatayo lang.Maging si Eon ay busy rin sa pag-s-serve sa mga babaing costumers at may pangiti-ngiti pa siya sa mga 'to. Well, ganon naman talaga dapat para ganahan naman ang mga costumer.Pero hindi ko lang maiwasang mag-selos nang konti. Hindi lang kasi pipitsyuging babae ang mga costumer dito. Ang gaganda nila at napaka-classy ng dating. Hindi malayong magkagusto si Eon sa isa sa kanila.Pero nag-focus na lang ako sa sarili kong ginagawa at hinatid na 'yung order sa lalaking costumer na nakaupo do'n sa sulok."Here's your order, sir," nakangiti kong saad sabay lapag nung order nito sa table niya."Thank you, miss beautiful. By the way, I'm Felix," nakangiting anito sabay abot ng kamay nito sa 'kin, para makipag-hand shake, pero tinitigan ko lang 'to."N-Neri. Ako si Neri," seryoso kong sagot at binaba niya na lang ang k
“Hey, cous! Wala ka bang balak sagutin ‘yang phone mo? Naka-thirty missed calls na sayo si Neri, oh?” ang nakapamewang na tanong ni Zia kay Elleon. Ngunit tahimik lang ang binata habang tinutungga nito ang hawak-hawak na canned beer. “Oo nga dude. Kawawa naman si Neri. Nawalan din naman siya ng anak. Dapat nagdadamayan kayo ngayon,” mahinahong sabat naman ni Calvin.“Wala ako sa mood para kausapin siya ngayon. I’m still disappointed on her. Baka kung ano lang ang masabi ko,” ang seryosong saad lang ni Elleon. “Hayst, akin na nga. Ako na ang sasagot,” sabat naman ni Lexter, sabay dampot nung phone sa mesa. Ngunit biglang nagalit si Elleon at padabog nitong nilapag ang hawak na canned beer sa mesa.“Don’t you dare answer that call Lexter! Kung ayaw mong tapusin ko ang friendship natin!” ang kunot noong banta ni Elleon, kaya napakamot na lamang sa batok si Lexter sabay lapag sa table nung phone ng kaibigan.Habang si Zia naman ay nakapamewang pa rin at napataas kilay na lang sa
“Tsk, ano bang iniiyak-iyak ko. Ako naman ang pumilit kay Eon na pakasalan si Kayla,” ang maluha-luha na lamang na nasabi ni Neri, habang pinapahiran ang kanyang mga luha gamit ang kamay. Nakalabas na siya sa malaking pinto ng mansion at nasa may veranda na siya. Tutuloy na sana siya sa paglalakad nang biglang may nagsalita sa likuran niya. “Seguro naman enough na sayo ang announcement na ‘yon para layuan mo na si Elleon!” Si Kayla ito at nakataas kilay habang papalapit sa kanya. Ngunit walang balak si Neriah na patulan ang bruha kaya tumalikod na agad siya. Kaso lang mabilis na hinawakan ni Kayla ang braso niya at marahas siya nitong hinila. “B-bitawan mo nga ako!” palabang aniya at agad nagpumiglas sa pagkahawak ni Kayla. “Again, stay away from Elleon dahil hindi ka nababagay sa kanya! Sa kama lang naman ang silbi mo sa kanya, at hindi mo siya matutulungan lalo na sa business career niya!” ang nakakalokong dagdag pa ni Kayla, dahilan para kumulo na ang dugo ni Neri. Hindi n
Kinabukasan nga ay maagang gumising si Neri para tumungo sa kanilang restaurant. Pagkarating niya’y agad nilang sinimulan ang pagluluto. Kahit abala ang buntis sa kitchen ay hindi pa rin naalis sa isipan nito si Elleon. Nakakaramdam pa rin ito nang hapdi sa kanyang dibdib sa mga oras na ‘yun.At nang sumapit nga ang ala sais nang gabi ay ni deliver na nila ang mga pagkain papunta sa venue. Tatlo lamang silang tumungo roon dahil walang maiiwan sa kanilang restaurant. Ang Kuya nitong si Ringo at ang staff nitong si Chona ang tanging kasama lang ng buntis.Noo’y kasalukuyan na silang papasok sa isang exclusive subdivision na may mga naglalakihan at nag-gagandahang bahay. “Wow, Ma’am Neri! Ang bonga pala talaga ng kliyente natin!” ang namamanghang reaksyon ni Chona, nang huminto na sila sa tapat ng isang magara at malaking bahay. “Oo nga, ang laki ng mansiyon,” nakangiting saad naman ni Ringo. Lumapit naman si Chona sa kanyang kuya at pinulupot nito ang mga kamay sa braso ng binata.
“Love, bakit?” tanong ni Elleon. “Love, parang nakita ko na ang tita ni Kayla. Hindi ako p’wedeng magkamali. Siya ‘yong nakita ko kanina do’n sa coffee shop. Kasama niya ‘yung isa sa mga cleaner dito sa company niyo,” tugon ni Neri na ikinalaki ng mga mata ni Elleon. “A-are you sure, love? Nakunan mo ba ng pictures?” “Hindi love eh. Hindi ko pa naman kasi nakita si Carlota dati,” tugon ni Neri. “Shit!” salubong na kilay na ani Elleon saka napakuyom ito sa kanyang mga kamay. “Bakit love? Naiisip mo rin ba ang naiisip ko?” tanong ni Neri. “Sa tingin ko, love. Ang lalaking cleaner na ‘yun, tauhan siya ni Carlota. At ‘yun ang inutusan niyang mag-spy rito sa loob ng kumpanya,” ang nakakunot noong tugon ni Elleon sabay dukot nito sa kanyang phone sa bulsa. “Anong gagawin mo, love? Tatawag ka ba agad ng police?” tanong ni Neri. “Hindi love. Wala pa tayong sapat na proof. Bilyonarya si Tita Carlota. Marami siyang connections kaya malulusutan niya rin ‘to. Tatawagan ko muna si Diego a
Nais nila Neri at Elleon na makita rin ni Vivian ang lawaran ng ultrasound ng anak nila. Kaya kinabukasan ay isinama ng binata ang kanyang nobya sa opisina para sabay nilang surpresahin si Vivian. Nakangiti pa ang magkasintahan habang magkawahak ang mga kamay na noo’y papasok ng main corporate office. Hindi naman maiiwasan na may mga empleyadong nagtitinginan sa kanila habang nagbubulungan, ngunit hindi ito pinansin ng magkasintahan. Kumatok naman agad si Elleon nang makarating na sila sa tapat ng pinto ng office ni Vivian. Ngunit walang sumagot kaya deretsyo na silang pumasok. Doo’y bumungad sa kanila si Vivian na umiiyak pala. “Mom, what’s wrong?” nag-alalang tanong ni Elleon. “Son, may malaki tayong problema. Isa-isa nang nagsialisan ang malalaki nating investors. Ano nang gagawin natin, son?” ang problemadong tugon ng kanyang ina habang ito ay palakad-lakad. “Mom, calm down, okay? ‘Yong BP niyo. Don’t worry, kakausapin ko ang mga investors na ‘yun.” “But son, ilang beses ko
Kinagabihan, ay nadatnan ni Neri si Elleon sa may garden. Nakaupo ito roon at tulala habang may hawak-hawak na canned beer. “Love?” tawag niya agad. “Love, nandiyan ka na pala,” may ngiting saad naman ni Elleon, saka nilapag nito ang hawak na alak sa mesa at tinapik ang sarili nitong hita. Naiis niyang paupuin sa kandungan niya ang nobya. Lumapit naman kaagad si Neri sa kanya at naupo ito sa lap niya nang patagilid. Saka yumakap siya nang mahigpit rito at ituon niya ang mukha sa dibdib ng dalaga. Amoy na amoy ni Neri ang alak sa hininga ni Elleon ngunit ang mas pinansin ng dalaga ay ang malalim na paghinga ng kanyang nobyo. “Okay ka lang ba, love? Mukang andami mo nang nainom ah?” may pag-aalalang tanong ni Neri, at mas lalong nagsumiksik ang binata sa dibdib niya. “Nope love. Until now, bothered pa rin ako sa mga nangyayari ngayon sa negosyo namin,” seryong tugon ni Elleon, at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa nobya. “P-pasensya ka na love kung wala akong naitutulong
Naayos man nila Elleon ang problema sa mga nagre-reklamong costumers, ngunit ang tungkol sa isyu ng kanilang produkto ay hindi parin humuhupa. Hindi pa rin kase nabibigyang linaw ang nanyari. Ngunit patuloy pa rin niyang pinamaman-manan kay Diego ang mga taong pinaghihinalaan nila. Sa loob man ng kumpanya o sa mga ka-kumpetensya nila sa negosyo. At dahil nga sa isyu ay kumonti na lang ang nagtitiwala sa kanilang produkto. Nagsimula na ring humina ang kanilang sales at nagsisimula nang mabahala ang board lalo na ang mga investors nila. Maging ang mommy ni Elleon na si Vivian ay nababahala na rin. Nakaupo ito ngayon sa kanyang opisina. Malungkot ang mukha habang nakatingin sa talaan ng kanilang kita. Maya-maya ay may biglang kumatok, saka pumasok. “Madam chairwoman. May babae po na gustong makipag-usap sayo,” saad ng babaeng assistant niya. “Who?” problemadong tono ni Vivian. “Hindi po siya nagbigay ng pangalan madam. Pero ang sabi niya po, matagal niyo na raw po siyang kaibgan
“Mindy, what happened to your neck? Ba’t sobrang pula niyan?” tanong ng ina nito habang si Mindy naman ay kinakamot ang kanyang leeg. Si Mindy ay isang fashion blogger. Kasama siya sa mga pumunta sa in-store launch ng Infinity Jewels, last night. At ang kwentas na suot nito na kulay gold at may diamond ay binili niya after ng event. “Hindi ko nga rin alam mom, eh. Ang kati-kati nga,” tugon ni Mindy, habang patuloy pa rin na kinakamot ang leeg nito. “O baka naman may nakain ka lang bawal sayo?” muling tanong ng kanyang ina. “Mom, wala. Hindi pa nga ako nagbe-breakfast, eh. Saka wala akong ma-remember na may kinain akong bawal sa ‘kin,” tugon ni Mindy. “Wait, hindi kaya dahil ‘yan diyan sa necklace na suot mo? Nagkaka-skin irritation ka rin If nakakapagsuot ka ng alahas na gawa sa low-cost metal o base metal?” “What? But mom that’s impossible. This necklace is 18-karat and worth 20 million? Saka Infinity Jewels ang brand nito, noh?” ani Mindy. “Well, I’m sorry, Mindy. But I hav
Matiwasay naman at walang kaguluhang nangyari sa naganap na in-store launch ng Infinity Jewels. Ang event ay sa main store mismo ng Infinity ginanap, kung saan may malaking espasyo at roo’y p’wedeng mag-fashion show. Ang ilan sa mga dumalo ay mga high-end na mga tao. Ang iba ay mga sikat na celebrity, mga fashion blogger, mga influencer saka mga media at press. Ang lahat ay nasiyahan habang pinapanuod ang mga rumarampang models sa gitna. Suot-suot ang mga bagong nag-gagandahang jewelry designs ng Infinity Jewels. Sa mga oras na iyon ay magkatabing nakaupo sina Neri at Eon. Habang katabi rin nila ang Mom ni Eon na si Vivian. Bali pumagitnang nakaupo si Elleon sa dalawang babaeng espesiyal sa buhay niya. Lingid naman sa kaalaman nila na naroroon din pala si Kayla nang gabing ‘yon. Nasa may ‘di kalayuan lang ito at matalim na pinagmamasdan sina Neri at Elleon na noo’y masaya. “Sige lang, Neri at Elleon. Magpakasaya lang kayo ngayon. Dahil the next day, magsa-suffer naman kayo,