
Can’t Let You Go
Warning ⚠️ Spg ⚠️
First year college pa lang si Neri ay secret crush niya na ang ngayo’y SSG President ng kanilang campus na si Eon. Pero hanggang tingin lang siya sa binata dahil napakasungit nito at batid rin niyang engage na ito at nag-aaral sa America ang fiancée nito.
Si Neriah “Neri” Salvacion, ay lumaking mahirap. Siya ay laking isla at kaya lamang lumuwas ng Maynila, upang ipagpatuloy ang pagkokolehiyo niya matapos makakuha ng scholarship.
Habang si Elleon “Eon” Ignacio naman ay lumaki sa marangyang buhay. Siya ay nag-iisang anak ng isang bilyonarya at businesswoman.
Neri thought na hanggang tingin na lang talaga siya kay Eon. Ngunit nang mabalitaan niya na may leukemia ang bunso niyang kapatid, ay napilitan siyang tanggapin ang inaalok ng best friend niya, at iyon ay ang pagpo-prostitute.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Neri na ang taong pagbibentahan niya pala ng kan'yang katawan ay ang long time crush niya na si Eon.
Matagumpay na nakuha ni Eon ang kanyang pagkababae at nakipag-deal ito sa kanya na simula sa gabing ‘yon ay si Eon lamang ang gagamit ng katawan niya. Sumang-ayon naman agad si Neri, dahil sasagutin ng binata ang chemotheraphy ng bunso niyang kapatid.
Pero agad siyang binalaan ni Elleon na 'wag siyang mai-in love rito, dahil hindi siya masusuklian nito, at kung ano man ang magandang pagtrato nito sa kanya ay ‘wag niyang seseryosohin.
Dahil kaya sa fiancee ni Elleon kaya niya iyon nasabi?
I-le-let go na kaya ni Neri ang feelings niya for Elleon? o mas lalo lang siyang ma-fall dito dahil mas madalas na silang magkakasama dahil sa kanilang deal?
Baca
Chapter: Chapter 69 Mataas na ang sikat ng araw ngunit tulog mantika pa rin si Elleon. Sa sofa na ito nakatulog matapos nilang mag-inuman kagabi ng mga kaibigan nito. Ni hindi pa nga ito nakapagbihis at suot-suot pa rin pang-opisina nito kahapon. “Hey, cous! Wake up!” pukaw ni Zia rito habang tinatapik nito ang braso ng pinsan. “Tsk, ba’t kasi hinayaan niyo na naman maglasing si cous nang sobra!” paninermon ni Zia sa dalawang kaibigan ni Elleon. “As if naman Z, na mapipigilan namin ‘yan,” pangangatuwiran pa ni Lexter. “Hey Dude! Wake up!” saad naman ni Dwayne, habang inaalog si Elleon. Pero nagulat na lang sila nang bigla itong sumigaw. “N-Neri!” anito habang nakapikit pa rin. Palingon-lngon pa ang ulo nito at naliligo na sa pawis ang mukha. “Naku, binangungot pa yata,” natawang reaksiyon agad ni Lexter. “Hey, cous! Wake up!” pukaw muli ni Zia, pero hindi pa rin magising-gising ang lalake. “N-no! Bitawan mo si Neri!” pagsisigaw muli ni Elleon at noo’y may kasama ng mga luha. Lumap
Terakhir Diperbarui: 2025-04-06
Chapter: Chapter 68“Hey, cous! Wala ka bang balak sagutin ‘yang phone mo? Naka-thirty missed calls na sayo si Neri, oh?” ang nakapamewang na tanong ni Zia kay Elleon. Ngunit tahimik lang ang binata habang tinutungga nito ang hawak-hawak na canned beer. “Oo nga dude. Kawawa naman si Neri. Nawalan din naman siya ng anak. Dapat nagdadamayan kayo ngayon,” mahinahong sabat naman ni Calvin.“Wala ako sa mood para kausapin siya ngayon. I’m still disappointed on her. Baka kung ano lang ang masabi ko,” ang seryosong saad lang ni Elleon. “Hayst, akin na nga. Ako na ang sasagot,” sabat naman ni Lexter, sabay dampot nung phone sa mesa. Ngunit biglang nagalit si Elleon at padabog nitong nilapag ang hawak na canned beer sa mesa.“Don’t you dare answer that call Lexter! Kung ayaw mong tapusin ko ang friendship natin!” ang kunot noong banta ni Elleon, kaya napakamot na lamang sa batok si Lexter sabay lapag sa table nung phone ng kaibigan.Habang si Zia naman ay nakapamewang pa rin at napataas kilay na lang sa
Terakhir Diperbarui: 2025-04-02
Chapter: Chapter 67 “Tsk, ano bang iniiyak-iyak ko. Ako naman ang pumilit kay Eon na pakasalan si Kayla,” ang maluha-luha na lamang na nasabi ni Neri, habang pinapahiran ang kanyang mga luha gamit ang kamay. Nakalabas na siya sa malaking pinto ng mansion at nasa may veranda na siya. Tutuloy na sana siya sa paglalakad nang biglang may nagsalita sa likuran niya. “Seguro naman enough na sayo ang announcement na ‘yon para layuan mo na si Elleon!” Si Kayla ito at nakataas kilay habang papalapit sa kanya. Ngunit walang balak si Neriah na patulan ang bruha kaya tumalikod na agad siya. Kaso lang mabilis na hinawakan ni Kayla ang braso niya at marahas siya nitong hinila. “B-bitawan mo nga ako!” palabang aniya at agad nagpumiglas sa pagkahawak ni Kayla. “Again, stay away from Elleon dahil hindi ka nababagay sa kanya! Sa kama lang naman ang silbi mo sa kanya, at hindi mo siya matutulungan lalo na sa business career niya!” ang nakakalokong dagdag pa ni Kayla, dahilan para kumulo na ang dugo ni Neri. Hindi n
Terakhir Diperbarui: 2025-04-01
Chapter: Chapter 66Kinabukasan nga ay maagang gumising si Neri para tumungo sa kanilang restaurant. Pagkarating niya’y agad nilang sinimulan ang pagluluto. Kahit abala ang buntis sa kitchen ay hindi pa rin naalis sa isipan nito si Elleon. Nakakaramdam pa rin ito nang hapdi sa kanyang dibdib sa mga oras na ‘yun.At nang sumapit nga ang ala sais nang gabi ay ni deliver na nila ang mga pagkain papunta sa venue. Tatlo lamang silang tumungo roon dahil walang maiiwan sa kanilang restaurant. Ang Kuya nitong si Ringo at ang staff nitong si Chona ang tanging kasama lang ng buntis.Noo’y kasalukuyan na silang papasok sa isang exclusive subdivision na may mga naglalakihan at nag-gagandahang bahay. “Wow, Ma’am Neri! Ang bonga pala talaga ng kliyente natin!” ang namamanghang reaksyon ni Chona, nang huminto na sila sa tapat ng isang magara at malaking bahay. “Oo nga, ang laki ng mansiyon,” nakangiting saad naman ni Ringo. Lumapit naman si Chona sa kanyang kuya at pinulupot nito ang mga kamay sa braso ng binata.
Terakhir Diperbarui: 2025-03-29
Chapter: Chapter 65 “Love, bakit?” tanong ni Elleon. “Love, parang nakita ko na ang tita ni Kayla. Hindi ako p’wedeng magkamali. Siya ‘yong nakita ko kanina do’n sa coffee shop. Kasama niya ‘yung isa sa mga cleaner dito sa company niyo,” tugon ni Neri na ikinalaki ng mga mata ni Elleon. “A-are you sure, love? Nakunan mo ba ng pictures?” “Hindi love eh. Hindi ko pa naman kasi nakita si Carlota dati,” tugon ni Neri. “Shit!” salubong na kilay na ani Elleon saka napakuyom ito sa kanyang mga kamay. “Bakit love? Naiisip mo rin ba ang naiisip ko?” tanong ni Neri. “Sa tingin ko, love. Ang lalaking cleaner na ‘yun, tauhan siya ni Carlota. At ‘yun ang inutusan niyang mag-spy rito sa loob ng kumpanya,” ang nakakunot noong tugon ni Elleon sabay dukot nito sa kanyang phone sa bulsa. “Anong gagawin mo, love? Tatawag ka ba agad ng police?” tanong ni Neri. “Hindi love. Wala pa tayong sapat na proof. Bilyonarya si Tita Carlota. Marami siyang connections kaya malulusutan niya rin ‘to. Tatawagan ko muna si Diego a
Terakhir Diperbarui: 2025-03-29
Chapter: Chapter 64 Nais nila Neri at Elleon na makita rin ni Vivian ang lawaran ng ultrasound ng anak nila. Kaya kinabukasan ay isinama ng binata ang kanyang nobya sa opisina para sabay nilang surpresahin si Vivian. Nakangiti pa ang magkasintahan habang magkawahak ang mga kamay na noo’y papasok ng main corporate office. Hindi naman maiiwasan na may mga empleyadong nagtitinginan sa kanila habang nagbubulungan, ngunit hindi ito pinansin ng magkasintahan. Kumatok naman agad si Elleon nang makarating na sila sa tapat ng pinto ng office ni Vivian. Ngunit walang sumagot kaya deretsyo na silang pumasok. Doo’y bumungad sa kanila si Vivian na umiiyak pala. “Mom, what’s wrong?” nag-alalang tanong ni Elleon. “Son, may malaki tayong problema. Isa-isa nang nagsialisan ang malalaki nating investors. Ano nang gagawin natin, son?” ang problemadong tugon ng kanyang ina habang ito ay palakad-lakad. “Mom, calm down, okay? ‘Yong BP niyo. Don’t worry, kakausapin ko ang mga investors na ‘yun.” “But son, ilang beses ko
Terakhir Diperbarui: 2025-03-29