Makalpas ang ilang oras, habang nakatayo ako sa may bar counter ay may namataan akong kakapasok lang na Costumer. Babae ito at may edad na pero napaka-elegante pa rin ng dating niya. Mataray na nagpaikot-ikot ang mga mata nito sa palagid ng bar at tila may hinahanap siya. "Good evening, ma'am. Ano po ang order niyo?” masaya kong bati sa kanya nang makalapit na siya dito sa bar counter. Pero seryoso lang mukha niya at nakataas ang kilay sa ‘kin. "Where's my son, Elleon? Bring me to him, now," masungit nitong tanong at bahagya agad akong nagulat. "Ka-kayo po ang mama ni Elleon?" tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay sabay sabi, "bingi ka ba? Ba’t nagtatanong ka pa? I said bring me to him!" malakas niyang pagkakasabi, at mabuti na lang ay may kalasakan ang music dito sa resto bar, kaya walang ibang nakarinig. "S-sorry po, ma'am. Tara na po, samahan ko na po kayo sa office niya," mahinahon kong saad at sumunod na ito sa ‘kin. Kahit napakasungit nito ay kailangan ko pa rin s
Ilang sandali lang ay nakarating na kami ni Elleon sa ng resto bar. Abalang abala kami ngayon sa pagsi-serve sa mga costumer at lahat kami ay aligaga at walang nakatayo lang.Maging si Eon ay busy rin sa pag-s-serve sa mga babaing costumers at may pangiti-ngiti pa siya sa mga 'to. Well, ganon naman talaga dapat para ganahan naman ang mga costumer.Pero hindi ko lang maiwasang mag-selos nang konti. Hindi lang kasi pipitsyuging babae ang mga costumer dito. Ang gaganda nila at napaka-classy ng dating. Hindi malayong magkagusto si Eon sa isa sa kanila.Pero nag-focus na lang ako sa sarili kong ginagawa at hinatid na 'yung order sa lalaking costumer na nakaupo do'n sa sulok."Here's your order, sir," nakangiti kong saad sabay lapag nung order nito sa table niya."Thank you, miss beautiful. By the way, I'm Felix," nakangiting anito sabay abot ng kamay nito sa 'kin, para makipag-hand shake, pero tinitigan ko lang 'to."N-Neri. Ako si Neri," seryoso kong sagot at binaba niya na lang ang k
Kinaumagahan, habang papasok kami ni Cherry ng campus, ay agad kaming napalingon sa likuran nang may magarang kotse na huminto sa tapat namin. Sabay bumaba ang driver nito at binuksan ang pinto ng backseat. Tapos ay bumungad sa ‘min ang isang napakagandang babae na may blonding buhok. “Ay taray, bongga!” namanghang reaksyon ni Cherry at kahit ako’y nagagandahan din sa babae.Napaka-classy ng dating nito at sa pagkakaalam ko’y mamahalin ang mga brand na suot niya, mula sa damit, sandals, bag at mga alahas. Matangkad din siya at may mala porselanang balat. Tapos mukang may lahi pa siyang banyaga. Ewan ko ba pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba."Omg! Is that Kayla Wilson? The Filipino-American, fashion model in U.S? Wow! Ang ganda niya sa personal!”"Wait, what is she doin’ here?"“Omg! Hindi kaya because of Elleon?”“So it’s true nga, that they are engaged? Huhu, this can’t be!” bulungan ng mga babaing malapit sa ‘min at agad akong nagulat sabay nagkatinginan kam
Elleon Dahan-dahan kong binuka ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sikat ng araw na nakatuon sa mukha ko. Umikot-ikot muna ang mga mata ko sa kisami at saka ko napagtanto na kasama ko pala si Neri. Katabi ko siya ngayon at nakapatong ang side face niya sa dibdib ko habang nakayakap siya sa ‘kin. Malapit lang sa bibig ko ang noo niya at napakahimbing ng tulog niya. Pinagmasdan ko siya at bigla akong napangiti nang ma-remember ko ang pag-aalaga niya sa ‘kin kagabi. Kahit pinagtabuyan ko na siya kagabi ay hindi pa rin siya umaalis. Tsk, naughty woman. Pinagmasdan ko lang siya at ngayon ko lang mas na-apreciate ang beauty niya. Litaw na litaw kasi ito dahil sa liwanag ng sikat ng araw. Sobrang ganda ni Neri, saka wala kang makikitang galos o peklat man lang sa makinis at maputi niyang balat. Seryoso kong hinimas ang makinis niyang mukha gamit ang likod ng mga daliri ko at may emosyon kong nilagay sa noo niya ang hintuturo ko. Tapos pinadulas ko 'to pababa sa pointed nose niya,
I saw Kayla and my best friend, Vince. Nakaupo no’n si Kayla sa gilid ng kama habang nakabalot ng kumot ang hubad niyang katawan. Tapos hinahalikan siya sa batok ng best friend ko. Susugurin ko na sana sila pero napatigil ako nang biglang magsalita si Kayla."Hindi na dapat natin to inulit, Vince. Lalo lang nadagdagan ang kasalanan natin kay Eon? He doesn't deserve this?" may pagsising ani Kayla. Damn! Matagal na pala nila akong gingago."Why don't you break up with him na lang kasi? Ako na lang ang pillin mo? Pananagutan ko naman 'yang baby natin sa tiyan mo, eh," ani Vince na mas lalong kinagulat ko. "What? No! Sobrang mahal ko pa rin si Elleon, at hindi ko siya kayang ipagpalit sa kahit na sino.”Hindi ko na nga napigilan ang galit ko at tinadyakan ko na 'yung pinto. "Elleon, babe! Let me explain!""Damn you, Vince!" pasigaw kong saad at sa galit ko ay sinapak ko agad siya sa mukha habang tumutulo ‘yung luha ko."Bro let me explain, we're both drunk kagabi. Hindi namin 't
Tatayo na sana ako para magbihis nang biglang bumukas ang pinto nitong office at bumungad sa ‘kin ang mga kaibigan ni Elleon. "Teka, Neri?! Anong ginagawa mo dito?! At ba’t nakaganyan ka lang?” gulat na ani Dwayne at tiningnan nila akong tatlo mula ulo hanggang paa. Agad ko namang tinaas ang towel dahil kita ang cleavage ko.“Nalintikan na,” bulong ko sa sarili.“Kaya naman pala hindi maka-reply si Elleon, kasi nagpapakasarap na pala siya dito," may kamanyakang mga tingin Lexter tapos dahan-dahan silang lumapit sa ‘kin."Grabe, hindi ko i-nexpect na may tinatago ka pa lang ganda, Neri!" ‘di makapaniwalang ni Dwayne habang nakatingin sa mga legs ko.“Ang ganda mo pala Neri, pagnakalugay ang buhok mo, at ang sexy mo, grabe,” pakagat labing saad naman ni Lexter. Akmang hahawakan niya na sana ako pero mabilis na pinalo ni Calvin ang kamay niya."Ano ka ba, don't touch, her. Kilala mo naman si Elleon, ayaw niyang hinahawakan ng iba 'yung kan'ya," seryosong ani Calvin. "I thin
Neri"Oh gurl, nand'yan ka na pala. Kumain ka na oh. Inorderan na kita," may ngiting ani Cherry tapos naupo na ako sa tabi niya. Nasa canteen kami ngayon para kumain ng lunch."Itong soft drink at chichirya na lang kakainin ko, Che. Busog pa kasi ako, kakatikim ko sa niluto namin sa laboratory class kanina," sabi ko sabay dumampot ng chichirya saka pinapak ito.Mayamaya'y agad akong napatingin nang biglang dumating si Elleon kasama ang friends niya. Naupo naman agad sila nang makarating sa paborito nilang p'westo rito sa canteen.Pasimple lang akong sumulyap sa kanya dahil napakaraming marites dito sa campus. Hanggang ngayon pa rin kasi hindi pa rin maka-move on ang mga ito no'ng buhatin ako ni Elleon do'n sa tree planting activity namin. Hanggang ngayon ay pinagchichismisan pa rin ako ng mga estudyante dito."Hmm, pa'no ba naman kasi hindi mabubusog, eh mga tingin mo pa lang kay Eon ulam na," ani Cherry nang mapansin ako nitong nakatingin kay Elleon. Nilakihan ko agad siya ng m
"Sino ba kasi 'yan? Ba't 'di mo na lang sabihin, total madaldal ka naman sabihin mo na," naiinis ko ng boses."Si Zia, dude. Nagbalik na pala siya last week lang." Nanlaki naman agad ang mga mata ko sa isinagot ni Lexter."What? That bitch! Ba't hindi niya man lang ako sinabihan na uuwi na siya?" "Haha, she wants to surprise you raw, dude. C'mon hurry, pumunta ka na agad dito. We're already having fun here," masayang ani Lexter."Okay sige, I'm on my way na," sabi ko at binaba na agad ang phone ko. Zia is my first cousin. We’re very close at kaibigan niya rin ang mga kaibigan ko. Matagal din siyang nag-stay sa Canada and I'm so happy now na nagbalik na siya.Nang makarating ako ng resto bar ni Dwayne ay agad ko silang hinanap. Napansin naman agad ako ni Zia nang makita ko na sila at nilapitan."Elleon, cous! You're here!" masayang aniya sabay bumeso sa ’kin habang may hawak siyang cocktail drink."Cause Lexter told me that you’re here," sagot ko sabay hinawakan ko ang ulo niya at
Nagising na lang si Elleon kinabukasan dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Pagkadilat niya ay bahagya siyang nagulat nang makita niya sina Zia, Calvin, Dwayne at Lexter sa loob ng kwarto niya. “Anong ginagawa niyo dito sa room ko?” “Eh ikaw cous? Anong ginagawa mo do’n sa bar na ‘yon kagabi with Kayla?” taas kilay naman na tanong ni Zia. “What? Wala akong ma-remember na kasama namin si Kayla kagabi? Sila Calvin lang ang kasama ko kagabi?!” “Hmm, mukang nasalisihan kayo ni Kayla kagabi, cous. Hinintay niya lang na makaalis itong sina Calvin, para masolo ka niya,” pa-cross arms na ani Zia. “Alam mo ba kung ano ang ginawa ng babeng ‘yun sayo kagabi?” dagdag pa ni Zia. “Why? What happened, Z?” kinakabahang tono ni Eon. “Ginamit niya lang naman ang phone mo at nag-post siya sa social media account mo ng pictures niyo na magkahalikan?!” “What? Damn, where’s my phone, idi-delete ko?” balisang ani Eon. “Tapos na, cous. I delete it na, but just wish na hindi ‘yun nakita ni Neri
Samantala, sa bar naman na kinaroroonan nina Eon ay isa-isa ng nagsitayuan ang mag kabigan niya para umalis.“Pa’no guys. Mauuna na ako sa inyo. Maaga pa kasi ako bukas, eh,” naunang paalam ni Calvin.“Ako rin mga dude, kailangan ko pang puntahan ngayon ang girlfriend ko,” segunda naman ni Dwayne.“Hoy, Lexter! Sabay na kayo umuwi nitong si Eon, huh? Marami- rami na rin ang nainom niyan,” bilin ni Calvin.“Oo, sige na. Umalis na kayo,” may ngiting saad ni Lexter at medyo lasing na rin to nang konti. Habang si Elleon naman ay walang kibo at nakasimangot lang ang mukha hababang pinagmamasdan ang pictures nila ni Neri sa kanyang cellphone.Mayamaya ay may tatlong babae na lumapit sa kanila. Magaganda ang mga ito ngunit sila ay mga prostitute. “Hi, mga pogi!” malanding boses ng isa sa mga ito sabay umupo ‘yung isa sa tabi ni Eon. Habang ‘yung dalawa naman ay nakapulupot agad kay Lexter.“Get you hands off me!” masungit na saad ni Eon nang simulan siyang himasan nung pokpok na tumabi sa
Third person povMagda-dalawang araw na mula no’ng huling magkasama sina Neri at Elleon. Ang binata ay nasa isang construction company ngayon para sa kanyang internship. Habang si Neri naman ay nasa Batanggas pa rin at patuloy na sinusuyo ang ina nito.Pero kapag may free time naman ang dalawa ay nagkakapagusap pa rin naman sila through video call. Nasa tabi ng dagat ngayon si Neri at ramdam niya ang napakalamig at napakalakas na hangin. Dahil kasi ito sa paparating na bagyo. Abala siya ngayon na pinipindot ang cellphone niya at kino-contact ang number ni Elleon.“Love, kumusta?!” masayang bungad nito nang sagutin na ni Eon ang video call.“Heto love, nami-miss ka,” may ngiti ngunit may lungkot sa boses ni Eon.“Ako rin naman love,” may lungkot din na ani Neri.“By the way, love. Nag-start na pala ako mag OJT. I’m here sa isang construction site,” may ngiting ani Eon sabay ipinakita kay Neri ang under construction na building sa likuran niya.“Masaya ako for you, love. Ingat
"Ako lang po, nay,” biglang saad ni Elleon at agad silang napalingon dito."Eon! Anong ibig mong sabihin?" may kyuryosidad na tanong ni Gloria.“No’ng gabi po kasi na pumunta si Neri sa night club na ‘yon. Ako po ang costumer niya no’n. Pero tita after po ng gabing ‘yun. Hindi ko na po ulit pinabalik si Neri sa club na ‘yon. Nakipag-deal po ako sa kanya na sa ‘kin niya lang po ipapagamit ang kata—“ Hindi natuloy ni Eon ang sasabihin nang bigla rin siyang sampalin sa pisngi ni Gloria."Kahit na, Elleon! Naisipan niya pa rin ibenta ang katawan niya!” galit pa rin na saad ni Gloria pagkatapos ay tumalikod na ito.“Nay, sandali po,” mangiyak ngiyak na tawag ni Neri, ngunit hindi na siya nilingon pa ng kanyang ina. Niyakap na lamang siya ni Elleon at pinigilan.“It’s okay, love. Pahupain muna natin ang galit niya,” may lungkot na ani Eon habang yakap pa rin ang kanyang nobya.Mayamaya’y dumistansya na si Neri sa kanya at tumungo ito sa kanilang kwarto. “Hey, love!” tawag ni Elleon ngunit
Third person pov“Buntis ka ba, love?” Mga salitang paulit-ulit ngayong inaalala ni Neri. Akmang sasagutin niya na sana si Elleon kanina ngunit bigla na lang tumunog ang phone nito. Marami pa namang oras kaya pinili muna ni Neri na unahin muna ni Eon ang mommy nito bago niya sabihin ang tungkol sa batang nasa sinapupunan niya.“H’wag kang mag-aalala, baby. Pagbalik ng daddy mo, sasabihin ko na sa kanya na pinagbubuntis kita!” may ngiting saad ni Neri. Hawak-hawak niya ngayon ang tiyan niya at masaya niya itong hinihimas. Hindi na siya makapaghintay pa na sabihin kay Elleon ang tungkol dito. Kahapon niya pa ito sana balak sabihin pero wrong timing dahil sa nangyari sa mommy nito.Samantala, sa kanilang lugar naman sa Batangas. Lingid sa kaalaman ni Neri na pinagchi-chismisan ngayon do’n ang pangalan niya ng mga marites. Mga kapitbahay nila ito do’n sa Isla Verde at pinaguusapan siya ngayon ng mga ito habang nasa palengke ang mga ito ng Batangas. Sa palengke ito kung sa’n nagtitinda n
Elleon “Mom!” malakas kong tawag pagkapasok pa lang namin ni Neri sa gate nitong bahay namin. Ngayon pa lang ang unang balik ko rito at medyo nanibago ako. “Na-naku, Sir Elleon. Kayo po pala!” masayang bungad sa ‘min ng mga kasambahay namin dito. “Where’s mom? Gusto ko siyang makausap!” galit kong tono. “Ah, na-nasa room niya po siya, sir. Wait po, tawagin ko lang siya.” “Hindi na, ako na ang pupunta sa kanya!” galit ko pa ring tono at tatalikod na sana pero pinigilan ako ni Neri. “Love, please! Umuwi na lang tayo!” pakiusap niya sa ‘kin. “Neri, dito ka lang. Maghintay ka dito!” saad ko lang at muling tumalikod. “Love!” tawag niya pero ‘di na ako lumingon. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng room ni mom ay kumatok na agad ako. Bahagya naman siyang nagulat nang makita ako pagbukas ng pinto. “Son! You’re he—“ Akmang bibeso na sana sa ‘kin si mom pero mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kanya. “Son, I’m so happy na tumungtong ka ulit dito! Babalik ka na ba, huh?” may ngiti n
Neri Nang makuha ko na ang pill sa bag ay agad na akong dumeretsyo ng banyo. Pero hindi ko ‘to ininom. Flinash ko lang ‘to sa anidoro. Kung sakali mang buntis nga ako hindi ko na ‘yon p’wedeng inomin. Baka mapa’no pa itong baby namin ni Eon. Kinabukasan nga ay maaga akong gumising. Mahimbing pa ang tulog ni Elleon kaya hindi ko na lang siya denesturbo. Tinext ko na lang siya na may lakad kami ngayon ni Cherry. Pupunta kami ngayon ni Cherry sa OB-GYN Clinic para magpa-check up. Gusto kong makompirma kung buntis ba talaga ako. Makalipas nga ang ilang oras ay tapos na akong suriin at hininintay na lang namin ang resulta. “Congratulations, Miss Salvacion! You’re 6 weeks pregnant!” Nanlaki na lamang ang dalawang mata namin ni Cherry dahil sa gulat. Tapos ay lumabas na ang OB-GYN Doctor. “Pa’no na ‘yan, gurl? Ano nang gagawin mo ‘ngayon?” may pag-alalang tono ni Cherry. “Hihinto na muna seguro ako sa pag-aaral, Che. Sasabihin ko na rin kay Eon na magkaka-baby na kami,” malungkot kong
Elleon “Good morning, sir!” malakas at masiglang bati ni Neri sa lalaking costumer na ngayon ay kakapasok lang dito sa cafe. Matangkad ito at may itsyura rin. Agad naman siyang nilapitan ni Neri at tinanong ang order nito. “Ano po ang order niyo, sir?” may ngiting ani Neri dito. “Kevin na lang, miss. Parang nakakatanda kasi agad pag may po,” pabirong saad naman nito kay Neri, at pareho silang napangisi. Dahil do’n ay ‘di ko maiwasang mapakunot noo. Nakaupo ako ngayong nakaharap sa laptop ko at malapit lang ako sa kanila. Hinihintay ko ngayong mapalingon si Neri sa ‘kin, para sana masamaan ko siya nang tingin at lumayo na sa lalaking costumer. Pero hindi siya lumilingon at nakangiti lang habang nililista ang order nung lalaking costumer. Umalis naman agad si Neri at tumungo ng bar counter para kunin ang order nito. Mayamaya ay nakabalik na siya dala-dala ang tray na may lamang order nitong lalaking costumer. Nang ilalapag na sana niya ‘yung kape ay bigla na lang may dalawang
Neri Kinabukasan, kahit antok na antok pa ako at tinatamad pang bumangon ay pilit akong napamulat. Pa’no ba naman kasi, napakabaho ng perfume na naaamoy ko ngayon. Nang inikot-ikot ko ang mga mata sa paligid nitong kwarto ay si Cherry pala itong nagpapabango. Nagpapaganda siya ngayon habang nakaraharap sa salamin. “Oh gurl, gising ka na pala. Bumangon ka na d’yan at mayamaya nandiyan na ang ka-live in partner mo,” pabirong ani Cherry. Napangisi lang ako nang bahagya habang nababahuan pa rin ako ngayon sa amoy ng perfume niya. Hindi ko maintindihan ang nafi-feel ko ngayon para akong nasusuka, sa amoy nito. At hindi ko na nga napigilan at naduwal na nga ako. Kaya napabangon agad ako sa kama at kumaripas nang takbo patungong banyo. “Ay anyare?” malakas na saad ni Cherry, tapos sinundan niya ako sa banyo. “Ba’t nagsusuka ka, gurl?” curious niyang tono. “Ang baho kase ng pabango mo, Che. Nasusuka ako sa amoy,” tugon ko habang hawak ko ang sikmura ko. “Ay grabe ka gurl, ha? Naka