I saw Kayla and my best friend, Vince. Nakaupo no’n si Kayla sa gilid ng kama habang nakabalot ng kumot ang hubad niyang katawan. Tapos hinahalikan siya sa batok ng best friend ko. Susugurin ko na sana sila pero napatigil ako nang biglang magsalita si Kayla."Hindi na dapat natin to inulit, Vince. Lalo lang nadagdagan ang kasalanan natin kay Eon? He doesn't deserve this?" may pagsising ani Kayla. Damn! Matagal na pala nila akong gingago."Why don't you break up with him na lang kasi? Ako na lang ang pillin mo? Pananagutan ko naman 'yang baby natin sa tiyan mo, eh," ani Vince na mas lalong kinagulat ko. "What? No! Sobrang mahal ko pa rin si Elleon, at hindi ko siya kayang ipagpalit sa kahit na sino.”Hindi ko na nga napigilan ang galit ko at tinadyakan ko na 'yung pinto. "Elleon, babe! Let me explain!""Damn you, Vince!" pasigaw kong saad at sa galit ko ay sinapak ko agad siya sa mukha habang tumutulo ‘yung luha ko."Bro let me explain, we're both drunk kagabi. Hindi namin 't
Tatayo na sana ako para magbihis nang biglang bumukas ang pinto nitong office at bumungad sa ‘kin ang mga kaibigan ni Elleon. "Teka, Neri?! Anong ginagawa mo dito?! At ba’t nakaganyan ka lang?” gulat na ani Dwayne at tiningnan nila akong tatlo mula ulo hanggang paa. Agad ko namang tinaas ang towel dahil kita ang cleavage ko.“Nalintikan na,” bulong ko sa sarili.“Kaya naman pala hindi maka-reply si Elleon, kasi nagpapakasarap na pala siya dito," may kamanyakang mga tingin Lexter tapos dahan-dahan silang lumapit sa ‘kin."Grabe, hindi ko i-nexpect na may tinatago ka pa lang ganda, Neri!" ‘di makapaniwalang ni Dwayne habang nakatingin sa mga legs ko.“Ang ganda mo pala Neri, pagnakalugay ang buhok mo, at ang sexy mo, grabe,” pakagat labing saad naman ni Lexter. Akmang hahawakan niya na sana ako pero mabilis na pinalo ni Calvin ang kamay niya."Ano ka ba, don't touch, her. Kilala mo naman si Elleon, ayaw niyang hinahawakan ng iba 'yung kan'ya," seryosong ani Calvin. "I thin
Neri"Oh gurl, nand'yan ka na pala. Kumain ka na oh. Inorderan na kita," may ngiting ani Cherry tapos naupo na ako sa tabi niya. Nasa canteen kami ngayon para kumain ng lunch."Itong soft drink at chichirya na lang kakainin ko, Che. Busog pa kasi ako, kakatikim ko sa niluto namin sa laboratory class kanina," sabi ko sabay dumampot ng chichirya saka pinapak ito.Mayamaya'y agad akong napatingin nang biglang dumating si Elleon kasama ang friends niya. Naupo naman agad sila nang makarating sa paborito nilang p'westo rito sa canteen.Pasimple lang akong sumulyap sa kanya dahil napakaraming marites dito sa campus. Hanggang ngayon pa rin kasi hindi pa rin maka-move on ang mga ito no'ng buhatin ako ni Elleon do'n sa tree planting activity namin. Hanggang ngayon ay pinagchichismisan pa rin ako ng mga estudyante dito."Hmm, pa'no ba naman kasi hindi mabubusog, eh mga tingin mo pa lang kay Eon ulam na," ani Cherry nang mapansin ako nitong nakatingin kay Elleon. Nilakihan ko agad siya ng m
"Sino ba kasi 'yan? Ba't 'di mo na lang sabihin, total madaldal ka naman sabihin mo na," naiinis ko ng boses."Si Zia, dude. Nagbalik na pala siya last week lang." Nanlaki naman agad ang mga mata ko sa isinagot ni Lexter."What? That bitch! Ba't hindi niya man lang ako sinabihan na uuwi na siya?" "Haha, she wants to surprise you raw, dude. C'mon hurry, pumunta ka na agad dito. We're already having fun here," masayang ani Lexter."Okay sige, I'm on my way na," sabi ko at binaba na agad ang phone ko. Zia is my first cousin. We’re very close at kaibigan niya rin ang mga kaibigan ko. Matagal din siyang nag-stay sa Canada and I'm so happy now na nagbalik na siya.Nang makarating ako ng resto bar ni Dwayne ay agad ko silang hinanap. Napansin naman agad ako ni Zia nang makita ko na sila at nilapitan."Elleon, cous! You're here!" masayang aniya sabay bumeso sa ’kin habang may hawak siyang cocktail drink."Cause Lexter told me that you’re here," sagot ko sabay hinawakan ko ang ulo niya at
NeriKahit sinisimulan ko ng iwasan ngayon si Elleon ay hindi pa rin ito madali para sa 'kin. Kahit pa pa'no'y mahal ko pa rin siya at hindi ko siya gano'n kadaling makakalimutan. Pero para rin naman 'to sa ikabubuti ko, kaya titiisin ko na lang ang sakit.Nakatayo ako ngayon sa may bar counter habang nakatulala at nakatingin sa pinto nitong cafe."Good morning, guys!" malakas at masiglang saad ng isang babaeng kakapasok lang dito sa cafe. "Uy si Ma'am Zia!" ani Chona sabay nilapitan nila ito ni Ate Hilda.Maganda ito at napaka-sosyal ng dating. Para silang magka-level nung fiancée ni Eon na si Kayla."Good morning din ma'am, Zia! Ah, Chona paki tawag nga si sir. Sabihin mo nandito si Ma'am Zia," utos ni Ate Hilda at tumungo naman agad si Chona sa office ni Elleon."Ah maupo ka, Ma'am Z," may ngiting ani Ate Hilda. "Thanks Ate Hilda." Sabay naupo na 'yong Zia."Anong gusto niyong inumin, ma'am?" "Uhm, hot cappuccino, Ate Hilda, please,” may ngiting sagot ni Zia at agad namang ku
NeriSobrang sarap pa sana ng tulog ko nang bigla akong magising dahil sa ingay ng mga ka-boardmates namin sa ibaba. Mataas na pala ang sikat ng araw at late na pala ako sa klase. Napabangon na lang ako kahit antok pa ako. Late na kasi akong nakatulog kagabi, kakaisip kay Elleon.Mayamaya ay narinig kong bumukas ang pinto nitong room namin sabay pumasok si Cherry, at may bitbit na maraming paper bag. “Uy girl, gising ka na pala. Hali ka, tingnan mo ‘to dali, may nagpa-deliver nito sayo," masayang ani Cherry."Huh? Kanino raw galing?" curious kong tanong at agad na napabangon. Tapos sinimulan namin 'tong tingnan."Wow! Ang bongga naman nito! Ang ganda ng gown, mukang mamahalin!” manghang reaksyon ni Cherry at totoo namang napakaganda nga nito at elegante. Isa itong spaghetti strap slit gown na kakulay ng champagne.“Ay taray, may pa high heels pa, oh," dagdag ni Cherry at kakulay din ito ng champagne. Tiningnan ko pa ang ibang laman nitong paper bags at may nakapa pa akon
Neri“Hey, dude! Where are you going?” tawag ni Dwayne kay Elleon pero ‘di na ito lumingon sa 'min.“Ay, anyare do’n?” ani Cherry.Kumilos naman agad si Calvin at sundan si Elleon.“Pasensya na kayo kay Elleon, huh? Medyo may pagkabastos talaga siya minsan. But mabait naman ang pinsan ko. Actually, hindi naman talaga siya ganyan before,” paliwanag ni Zia at 'di ko maiwasang mapaisip sa mga sinasabi niya. Na-curios ako bigla."O-okay lang, ma'am Zia. Sanay na kami kay Eon," may ngiti kong sagot."So, pa'no? Let's go na? Ihatid ko na kayo sa table niyo," ani Zia sabay naglakad na kami.Hindi ko naman maiwasang mamangha dahil sa napaka-engrande ng birthday party na ito ni Zia. Halos lahat nang makikita mo sa paligid nitong venue ay sobrang elegante. At sa pagkakaalam ko'y isa luxury hotel itong kinatatayuan namin.Mayamaya'y nakaupo na kami ni Cherry at lumalamon siya ngayon ng cake, tapos umiinom ng red wine. Pati mga nakahandang pagkain ay expensive rin. Naluto na namin ito sa lab c
Elleon Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Z, nang bigla na lang bumungad sa 'min si Kayla. Kumulo lalo ang dugo ko lalo na nang bigla niya akong halikan. Hindi ko ito mapapalagpas kaya pasimple ko agad na hinila si Kayla palayo sa kinatatayuan namin. Binitawan ko agad ang kamay niya nang makarating na kami sa tahimik na bahagi nitong hotel. “What are you doing here, huh? Hirap ka ba talagang intindihin na ‘wag kana ulit lalapit sa ’kin?” nangigigil sa galit kong saad. Pero parang hindi nakikinig sa 'kin si Kayla at talagang niyakap pa ako nang mahigpit. “But Elleon, babe. I’ve already told you, na ‘di ba? Hindi kita susukuan until ‘di ka ulit bumabalik sa ’kin. Kaya please, babe. Let’s fix this na,” may pagmamakaawa niyang tono. Hindi na maipinta ang mukha ko ngayon at dahil sobrang nayayamot na ako kay Kayla. “Wala na tayong ifi-fix pa, Kayla. Dahil hindi na kita mahal,” walang panghihinayang kong saad sabay tanggal ng mga kamay niyang nakakapit sa ’kin. “No, Elleon, ple
Nagising na lang si Elleon kinabukasan dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Pagkadilat niya ay bahagya siyang nagulat nang makita niya sina Zia, Calvin, Dwayne at Lexter sa loob ng kwarto niya. “Anong ginagawa niyo dito sa room ko?” “Eh ikaw cous? Anong ginagawa mo do’n sa bar na ‘yon kagabi with Kayla?” taas kilay naman na tanong ni Zia. “What? Wala akong ma-remember na kasama namin si Kayla kagabi? Sila Calvin lang ang kasama ko kagabi?!” “Hmm, mukang nasalisihan kayo ni Kayla kagabi, cous. Hinintay niya lang na makaalis itong sina Calvin, para masolo ka niya,” pa-cross arms na ani Zia. “Alam mo ba kung ano ang ginawa ng babeng ‘yun sayo kagabi?” dagdag pa ni Zia. “Why? What happened, Z?” kinakabahang tono ni Eon. “Ginamit niya lang naman ang phone mo at nag-post siya sa social media account mo ng pictures niyo na magkahalikan?!” “What? Damn, where’s my phone, idi-delete ko?” balisang ani Eon. “Tapos na, cous. I delete it na, but just wish na hindi ‘yun nakita ni Neri
Samantala, sa bar naman na kinaroroonan nina Eon ay isa-isa ng nagsitayuan ang mag kabigan niya para umalis.“Pa’no guys. Mauuna na ako sa inyo. Maaga pa kasi ako bukas, eh,” naunang paalam ni Calvin.“Ako rin mga dude, kailangan ko pang puntahan ngayon ang girlfriend ko,” segunda naman ni Dwayne.“Hoy, Lexter! Sabay na kayo umuwi nitong si Eon, huh? Marami- rami na rin ang nainom niyan,” bilin ni Calvin.“Oo, sige na. Umalis na kayo,” may ngiting saad ni Lexter at medyo lasing na rin to nang konti. Habang si Elleon naman ay walang kibo at nakasimangot lang ang mukha hababang pinagmamasdan ang pictures nila ni Neri sa kanyang cellphone.Mayamaya ay may tatlong babae na lumapit sa kanila. Magaganda ang mga ito ngunit sila ay mga prostitute. “Hi, mga pogi!” malanding boses ng isa sa mga ito sabay umupo ‘yung isa sa tabi ni Eon. Habang ‘yung dalawa naman ay nakapulupot agad kay Lexter.“Get you hands off me!” masungit na saad ni Eon nang simulan siyang himasan nung pokpok na tumabi sa
Third person povMagda-dalawang araw na mula no’ng huling magkasama sina Neri at Elleon. Ang binata ay nasa isang construction company ngayon para sa kanyang internship. Habang si Neri naman ay nasa Batanggas pa rin at patuloy na sinusuyo ang ina nito.Pero kapag may free time naman ang dalawa ay nagkakapagusap pa rin naman sila through video call. Nasa tabi ng dagat ngayon si Neri at ramdam niya ang napakalamig at napakalakas na hangin. Dahil kasi ito sa paparating na bagyo. Abala siya ngayon na pinipindot ang cellphone niya at kino-contact ang number ni Elleon.“Love, kumusta?!” masayang bungad nito nang sagutin na ni Eon ang video call.“Heto love, nami-miss ka,” may ngiti ngunit may lungkot sa boses ni Eon.“Ako rin naman love,” may lungkot din na ani Neri.“By the way, love. Nag-start na pala ako mag OJT. I’m here sa isang construction site,” may ngiting ani Eon sabay ipinakita kay Neri ang under construction na building sa likuran niya.“Masaya ako for you, love. Ingat
"Ako lang po, nay,” biglang saad ni Elleon at agad silang napalingon dito."Eon! Anong ibig mong sabihin?" may kyuryosidad na tanong ni Gloria.“No’ng gabi po kasi na pumunta si Neri sa night club na ‘yon. Ako po ang costumer niya no’n. Pero tita after po ng gabing ‘yun. Hindi ko na po ulit pinabalik si Neri sa club na ‘yon. Nakipag-deal po ako sa kanya na sa ‘kin niya lang po ipapagamit ang kata—“ Hindi natuloy ni Eon ang sasabihin nang bigla rin siyang sampalin sa pisngi ni Gloria."Kahit na, Elleon! Naisipan niya pa rin ibenta ang katawan niya!” galit pa rin na saad ni Gloria pagkatapos ay tumalikod na ito.“Nay, sandali po,” mangiyak ngiyak na tawag ni Neri, ngunit hindi na siya nilingon pa ng kanyang ina. Niyakap na lamang siya ni Elleon at pinigilan.“It’s okay, love. Pahupain muna natin ang galit niya,” may lungkot na ani Eon habang yakap pa rin ang kanyang nobya.Mayamaya’y dumistansya na si Neri sa kanya at tumungo ito sa kanilang kwarto. “Hey, love!” tawag ni Elleon ngunit
Third person pov“Buntis ka ba, love?” Mga salitang paulit-ulit ngayong inaalala ni Neri. Akmang sasagutin niya na sana si Elleon kanina ngunit bigla na lang tumunog ang phone nito. Marami pa namang oras kaya pinili muna ni Neri na unahin muna ni Eon ang mommy nito bago niya sabihin ang tungkol sa batang nasa sinapupunan niya.“H’wag kang mag-aalala, baby. Pagbalik ng daddy mo, sasabihin ko na sa kanya na pinagbubuntis kita!” may ngiting saad ni Neri. Hawak-hawak niya ngayon ang tiyan niya at masaya niya itong hinihimas. Hindi na siya makapaghintay pa na sabihin kay Elleon ang tungkol dito. Kahapon niya pa ito sana balak sabihin pero wrong timing dahil sa nangyari sa mommy nito.Samantala, sa kanilang lugar naman sa Batangas. Lingid sa kaalaman ni Neri na pinagchi-chismisan ngayon do’n ang pangalan niya ng mga marites. Mga kapitbahay nila ito do’n sa Isla Verde at pinaguusapan siya ngayon ng mga ito habang nasa palengke ang mga ito ng Batangas. Sa palengke ito kung sa’n nagtitinda n
Elleon “Mom!” malakas kong tawag pagkapasok pa lang namin ni Neri sa gate nitong bahay namin. Ngayon pa lang ang unang balik ko rito at medyo nanibago ako. “Na-naku, Sir Elleon. Kayo po pala!” masayang bungad sa ‘min ng mga kasambahay namin dito. “Where’s mom? Gusto ko siyang makausap!” galit kong tono. “Ah, na-nasa room niya po siya, sir. Wait po, tawagin ko lang siya.” “Hindi na, ako na ang pupunta sa kanya!” galit ko pa ring tono at tatalikod na sana pero pinigilan ako ni Neri. “Love, please! Umuwi na lang tayo!” pakiusap niya sa ‘kin. “Neri, dito ka lang. Maghintay ka dito!” saad ko lang at muling tumalikod. “Love!” tawag niya pero ‘di na ako lumingon. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng room ni mom ay kumatok na agad ako. Bahagya naman siyang nagulat nang makita ako pagbukas ng pinto. “Son! You’re he—“ Akmang bibeso na sana sa ‘kin si mom pero mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kanya. “Son, I’m so happy na tumungtong ka ulit dito! Babalik ka na ba, huh?” may ngiti n
Neri Nang makuha ko na ang pill sa bag ay agad na akong dumeretsyo ng banyo. Pero hindi ko ‘to ininom. Flinash ko lang ‘to sa anidoro. Kung sakali mang buntis nga ako hindi ko na ‘yon p’wedeng inomin. Baka mapa’no pa itong baby namin ni Eon. Kinabukasan nga ay maaga akong gumising. Mahimbing pa ang tulog ni Elleon kaya hindi ko na lang siya denesturbo. Tinext ko na lang siya na may lakad kami ngayon ni Cherry. Pupunta kami ngayon ni Cherry sa OB-GYN Clinic para magpa-check up. Gusto kong makompirma kung buntis ba talaga ako. Makalipas nga ang ilang oras ay tapos na akong suriin at hininintay na lang namin ang resulta. “Congratulations, Miss Salvacion! You’re 6 weeks pregnant!” Nanlaki na lamang ang dalawang mata namin ni Cherry dahil sa gulat. Tapos ay lumabas na ang OB-GYN Doctor. “Pa’no na ‘yan, gurl? Ano nang gagawin mo ‘ngayon?” may pag-alalang tono ni Cherry. “Hihinto na muna seguro ako sa pag-aaral, Che. Sasabihin ko na rin kay Eon na magkaka-baby na kami,” malungkot kong
Elleon “Good morning, sir!” malakas at masiglang bati ni Neri sa lalaking costumer na ngayon ay kakapasok lang dito sa cafe. Matangkad ito at may itsyura rin. Agad naman siyang nilapitan ni Neri at tinanong ang order nito. “Ano po ang order niyo, sir?” may ngiting ani Neri dito. “Kevin na lang, miss. Parang nakakatanda kasi agad pag may po,” pabirong saad naman nito kay Neri, at pareho silang napangisi. Dahil do’n ay ‘di ko maiwasang mapakunot noo. Nakaupo ako ngayong nakaharap sa laptop ko at malapit lang ako sa kanila. Hinihintay ko ngayong mapalingon si Neri sa ‘kin, para sana masamaan ko siya nang tingin at lumayo na sa lalaking costumer. Pero hindi siya lumilingon at nakangiti lang habang nililista ang order nung lalaking costumer. Umalis naman agad si Neri at tumungo ng bar counter para kunin ang order nito. Mayamaya ay nakabalik na siya dala-dala ang tray na may lamang order nitong lalaking costumer. Nang ilalapag na sana niya ‘yung kape ay bigla na lang may dalawang
Neri Kinabukasan, kahit antok na antok pa ako at tinatamad pang bumangon ay pilit akong napamulat. Pa’no ba naman kasi, napakabaho ng perfume na naaamoy ko ngayon. Nang inikot-ikot ko ang mga mata sa paligid nitong kwarto ay si Cherry pala itong nagpapabango. Nagpapaganda siya ngayon habang nakaraharap sa salamin. “Oh gurl, gising ka na pala. Bumangon ka na d’yan at mayamaya nandiyan na ang ka-live in partner mo,” pabirong ani Cherry. Napangisi lang ako nang bahagya habang nababahuan pa rin ako ngayon sa amoy ng perfume niya. Hindi ko maintindihan ang nafi-feel ko ngayon para akong nasusuka, sa amoy nito. At hindi ko na nga napigilan at naduwal na nga ako. Kaya napabangon agad ako sa kama at kumaripas nang takbo patungong banyo. “Ay anyare?” malakas na saad ni Cherry, tapos sinundan niya ako sa banyo. “Ba’t nagsusuka ka, gurl?” curious niyang tono. “Ang baho kase ng pabango mo, Che. Nasusuka ako sa amoy,” tugon ko habang hawak ko ang sikmura ko. “Ay grabe ka gurl, ha? Naka