Umuwi na lamang si Neri ng boarding house, na luhaan pa rin at puno nang sama ng loob. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Alam niya naman sa sarili niya na mahal niya pa rin si Eon, pero mas nangingibabaw pa rin talaga ‘yong sakit. Nadudurog pa rin ang puso niya sa tuwing naa-ala niya ang kahalayang ginawa nina Kayla at Eon. Pinahiran niya na lamang ang mga luha niya saka kinuha ang cellphone at kinontak ang nanay niya.“Hello, nay,” bungad niya nang sumagot na sa tawag ang ina.“Oh, Neri nak. Napatawag ka?” “U-uwi po ako ulit bukas diyan, nay,” tugon niya na ikinagulat ng nanay niya.“Ano? Eh kaluluwas mo lang diyan sa Maynila, ah? Ba’t ka uuwi ulit?”“Eh, nami-miss ko po kayo agad ng mga kapatid ko nay, eh. Lalo na si bunso. Hindi ko pa naman siya nadalaw sa ospital no’ng umuwi ako ulit diyan,” pagsisinungaling ni Neri, ngunit hindi pa rin siya nakaligtas sa ina.“Hoy Neriah, ako pa talaga ang lolokohin mo, ha? Eh nanay mo’ko? ‘Yung totoo, Ner
Huling Na-update : 2025-02-08 Magbasa pa