“May balita na po ba sa location ng mga Guevano?” agad na tanong ko nang sagutin ni detective Custodio ang aking tawag.“Pasensya ka na, hija, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming alam kung nasaan na sila ngayon,” sagot nito sa kabilang linya.Natahimik ako agad at bumagsak ang aking mga balikat. Magda-dalawang linggo na simula noong huling misyon namin, araw-raw rin akong tumatawag kay detective Custodio para manghingi ng balita pero wala pa ring bago sa kanyang sagot.Araw-araw sinusubukan ang aking pag-asa na makita pa si Dana, pero kakapit ako sa kaisipang makakasama ko pa siya ulit kahit anong mangayri.“We'll let you know as soon as makahanap kami ng lead, hija”Binaba ko na ang telepono at huminga ng malalim.Sinubukan ko na rin ibalik sa dati ang aking buhay. Manicure, pedicure, crochet and DIY bracelets small businesses.Ang mga iyon ang mga bagay na bumubuhay sa akin, isama pa ang paglilinis ng mga bahay sa isang village malapit sa amin. Dahil sa kahirapan ng buhay ay
Last Updated : 2025-01-01 Read more