All Chapters of MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE: Chapter 21 - Chapter 30

50 Chapters

Kabanata 21 Si Mariana, Ang Tusong Babae!  

Alas nuwebe na ng gabi. Madilim na. Kalalabas lang ni Woodley mula sa kanyang opisina. Kaswal siyang naglakad, kinukurot ang tungki ng ilong. Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang masayang boses ni Walter na tila kinakausap ang sarili. “Honey, bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Woodley, naupo sa tabi ni Walter. “Gusto ko pang maglaro, Daddy,” sagot ng bata, abala sa paglalaro. Napatingin si Woodley sa katamtamang laki ng koala doll ni Walter.  Mukhang bago ito sa kanya.  Naisip niya na si Mariana ang bumili nito para kay Walter. “Hmp, 'wag mong hawakan!” sigaw ng bata nang akmang hawakan ni Woodley ang manika at nagitla siya ng sunggaban siya ng anak.“Ito ang paborito kong manika, Daddy!” masayang sabi ni Walter. Napangiti si Woodley sa cute na ekspresyon ni Walter. “Bilisan mo ng malar, anak. Pagkatapos nito, matutulog na tayo para bukas ay maaga kang magising at hindi inaantok sa paaralan.”Biglang huminto si Walter sa paglalaro. Tumingala siya sa kanyang
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 22 Sinusubukang Inisin si Alicia  

"Alicia, pwede bang maghatid ka ng bulaklak sa address na ito? May importante akong event kasama ang partner ko mamaya." Lumapit si Sue kay Alicia at inilapag ang isang pink na papel na may nakasulat na address. KInuha ni Alicia ang papel at tumango. "Oo naman, Sue.  Asikasuhin ko na 'to." "Salamat, Alicia! Aalis na ako." "Sige. Mag-ingat ka, Sue!" Nakangiting kinawayan ni Alicia ang kanyang kaibigan. Pagkaalis ni Sue sa shop, agad na nagsimulang magtrabaho si Alicia sa mga order, lalo na sa medyo mamahaling mga bouquet. Ang ilan sa mga napiling pulang rosas ay malalaki at maaring masira, kaya nag-ingat si Alicia sa paghawak. Inabot ng mahigit isang oras si Alicia bago natapos ang bouquet ng rosas. Nakahinga siya ng maluwag matapos itong maayos.  "Sa wakas tapos na!" sabi ni Alicia, nasiyahan sa resulta ng kanyang trabaho. Nagmamadaling naghanda si Alicia para ihatid ang order. Alas siyete na ng umaga, at alas otso y medya ang appointment sa customer. Nagmamadaling lu
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 23 Mr. Woodley, Ang Plano Mo Ngayon ay Nabigo!  

Nasa ibang lugar si Alicia na inaalala ang kabayarang hinihingi ng kostumer na pinagalitan siya kaninang tanghali. Nalilito siya kung papaano siya makakakuha ng ganoong kalaking pera sa maikling panahon. "Huwag ko nalang kayang sabihin kay Sue, siguradong madidismaya siya sa akin," bulong ni Alicia. Huminto siya sa paglalakad at umupo sa isang bench sa isang park pagkatapos maghatid ng ilang order ng bulaklak.  Saglit na nahihilo ang kanyang ulo. Wala siyang mahihingan ng tulong. Mahal na ang mga gastusin sa pagpapagamot, at ang ipon ni Alicia para sa pagpapagamot ay malapit ng maubos.  "Teka..." hinawakan ni Alicia ang leeg niya. Napatingin siya sa gintong kwintas na may berdeng mata na suot. "Ang kwintas ni Lola, ibebenta ko nalang kaya ito?" Tahimik na nag-isip si Alicia. Ang kwintas na suot niya ay bigay ng kanyang Lola mula pa noong teenager siya, at ito lang ang mahalagang alaala niya. Umiling si Alicia. "Kailangan kong gawin 'to, wala na akong ibang pagpipilian!" S
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 24  Mabuhay o Umalis Na  

Matapos ang insidente kahapon, wala pa ring sinasabi si Alicia kay Sue at patuloy pa rin niyang itinatago ang nangyari. At ngayong gabi, niyaya ni Sue si Alicia na maghapunan sa labas. Magkasabay silang naglalakad pauwi habang nagtatawanan. Gayunpaman, pagdating sa tapat ng flower shop, napansin nina Alicia at Sue na nagkagulo ang kanilang tindahan. "Oh My God, Alicia! Hindi naman ako nananaginip, 'di ba?!" gulat na sigaw ni Sue. Tinakpan ni Alicia ang kanyang bibig sa hindi makapaniwala. “Sue, anong nangyari sa flower shop?” Agad na tumakbo ang dalawang babae sa kabilang kalsada. Nagkalat ang mga halaman sa labas at basag ang salamin na pinto. "Oh my God, bakit naging ganito? Anong nangyari?!" Binuksan ni Alicia ang pinto at laking gulat niya nang makitang wasak ang loob ng tindahan. "Alicia, ano bang nangyayari?" Agad na bumagsak si Sue sa sahig at umiyak. Kalungkutan at pagkabigla ang bumabalot kina Alicia at Sue. Wala silang ideya kung bakit ito nangyari ngayon.  
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 25  Hahabulin Kita, Alicia!  

"Ano? Babalik ka sa Province?!" Gulat na tanong ni Dr. Chavez, nakaupo sa harap ni Alicia. "Opo, Doc. Wala na akong magagawa dito kung magsisimula ulit si Sue.  Baka sa susunod na linggo ay uuwi ako." Marahang napabuntong-hininga si Frederick, tumingin kay Alicia na may habag.  Nagulat siya nang nalaman ang nangyari sa flower shop ni Sue. "Alicia, hindi mo ba naisip na baka pag-uwi mo na hindi kasama si Woodley ay ipagtataka ng Lola mo? Baka malungkot sila na malaman ang sitwasyon mo?" tanong ni Dr. Chavez. Napangiti si Alicia. "Magpapaliwanag ako." "Magugulat siyang malaman na hiwalay na kayo ni Woodley, lalo na't may sakit ka. Siguradong magugulat ang Lola at Tita mo doon." Pinisil ni Alicia ang palda niya. Nalilito siya kung ano ang dapat niyang gawin. Hinawakan ni Frederick ang kamay ni Alicia at tinignan siya ng malalim. "Alicia, pag-isipan mong mabuti ang pag-uwi sa probinsya, okay? Kung may kailangan ka, tutulungan kita." Tumango si Alicia. "Salamat sa payo m
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 26 Kaya Ko Nang Wala Ka, Woodley!

Nakaramdam si Alicia ng matinding takot at awkwardness. Matapos niyang lumayo kay Woodley at magpasya na hindi na sila muling magkikita, bakit ito pumunta sa kanyang lugar ngayong hapon? 'Paano niya nalaman kung nasaan ako?!'  Hindi mapakali si Alicia. Naalala niya noong sinabi ni Sue na ang kanyang amo ay isang taong pinakamaimpluwensya sa lungsod, na nag-alok na tumulong sa kanya. Paano makakalimutan ni Alicia na ang kanyang asawa ay isa ring makapangyarihang tao 'Ang tanga ko!' Kinakagat ni Alicia ang kanyang labi dahil sa kaba. Lumipat ang tingin ni Alicia kay Woodley na naka-cross ang isang paa, habang si Sue naman ay lumabas para bumili ng pagkain. "Matagal ka na bang nandito?" Ang malalim at malamig na boses ni Woodley ang pumutol sa pag-iisip ni Alicia. Bahagyang lumingon si Alicia. "O-oo, pag-aari ito ng kaibigan ko." Imbes na sumagot, mahinang tumawa si Woodley, bago nawala ang tawa at napalitan ng matalim na tingin kay Alicia. "Hindi ko inaasahan na madam
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 27 Mga Pagkikita at Pagseselos  

Naramdaman ni Alicia na humina ang kanyang kondisyon sa nakalipas na dalawang araw, mas tiyak noong nagkita ulit silang dalawa ni Woodley. Nagpasya si Alicia na pumunta sa ospital at sumailalim sa regular na paggamot. Si Dr. Chavez, ang doktor, ay mukhang nag-aalala matapos suriin si Alicia. "Bakit ganito ang kalagayan mo? Maayos ka naman noong mga nakaraan araw, Alicia. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Dr. Chavez na nakatingin kay Alicia na nakahiga pa rin. Natahimik si Alicia saglit. "Okay lang ako," sagot niya. "Huwag kang magsinungaling, Alicia. Naramdaman kong may mali sa iyo."Tumingin ulit si Frederick sa kanya ng malalim. Kinagat-kagat ni Alicia ang kanyang labi. Napagtanto ni Alicia na hindi niya kayang itago ang lahat. "Doc, yung nagbigay ng tulong sa shop ni Sue, siya… si Woodley," ani Alicia. "Ano?!" Nagulat si Dr. Chavez. "Woodley? P-paano iyon nangyari?" Umiling si Alicia. "Hindi ko alam, Doc. Kahapon siya dumating, at nakaramdam ako ng takot dahil nakita
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 28 Alicia, Ayoko Pa Ring Makipaghiwalay Sa'yo!

Kaninang umaga sa bahay ni Woodley, magkasama ang kanyang ina at si Mariana, tila nagkasundo ang dalawang babae. Nagalit si Merida nang marinig ang kwento ni Mariana na kagabi ay nakita nina Mariana at Woodley si Alicia kasama ang kanyang kasintahan. Hindi nagdalawang-isip si Merida na utusan ang kanyang anak na makipaghiwalay kay Alicia. "Ano pa bang aasahan mo sa isang babaeng katulad niya, Woodley! Halatang pinagtaksilan ka niya, niloko ka na niya ng harap-harapan!" Sigaw ni Merida. "Hiwalayan mo na siya!" Marahang tumikhim si Woodley. "Business ko 'to, Mom, ako na mismo ang bahalang magdedesisyon." "Tsk! Sana hindi mo na kailangang maghintay pa para itapon ang babaeng iyon!" Muling nagsalita si Merida. Marahang hinawakan ni Mariana ang kamay ni Merida at sinabing, "Huwag kang mag-alala, Tita, sigurado akong si Woodley may mahusay na desisyon si Woodley, hindi ba, Woodley?” Pero nanatiling tahimik si Woodley. Tahimik pa ring pinagmamasdan ni Merida ang kanyang anak. 
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 29 Pinili ni Alicia na Lumayo  

Gabi na nang isara ni Alicia ang flower shop.  Agad siyang pumasok sa kwarto at inilabas ang malaking bag niya saka inimpake lahat ng damit niya. Wala nang ibang pagpipilian si Alicia, nagpasya siyang umalis sa bahay nina Sue.  Gusto niyang layuan si Woodley. "Alicia, tingnan mo ito, bukas marami tayong inorder na bulaklak—" Natigil si Sue nang buksan ni Alicia ang pinto ng kwarto niya. Natahimik si Sue at pumasok para panoorin si Alicia na nag-iimpake. "Oh My God, Alicia… Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Sue. Matamis na ngumiti si Alicia. "Sue, simula ngayon mag-isa na akong mamuhay. Gusto ko rin magkaroon ng sariling tirahan," paliwanag niya. "Tsk! Naku Alicia, paano kung may mangyari sa'yo?! Saan ka naman lilipat?" Lumapit si Sue kay Alicia at kinuha ang bag niya. Bakas sa mukha ni Sue na hindi siya sang-ayon sa desisyon ni Alicia. Kahit noong una ay tinulungan niya si Alicia dahil hiniling ito sa kanya ni Dr. Chavez, masaya siya na manatili si Alicia sa shop
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 30 Pagdating ng Pamilya ni Alicia mula sa Austria  

Mabilis na lumipas ang ilang araw, naging abala si Alicia sa kanyang trabaho. Matapos mapagtanto na dumarami ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan, mula sa pagpapagamot, pagkain, at mga bayarin sa bahay, pinag-isipan ni Alicia kung papaano siya kikita ng maraming pera. Gumawa si Alicia ng magagandang imitasyon na mga dekorasyon at accessories ng bulaklak, at ibinenta niya ito sa tindahan nina Sue. "Grabe Alicia, tingnan mo! Ang dami mong order para sa dekorasyon ng mga bulaklak!" sigaw ni Sue na pumalakpak. Napangiti si Alicia at niyakap si Sue. "Hindi ko inaasahan Sue. Marami pala ang may gusto sa mga flower decoration na ginawa ko!" Masayang sabi ni Alicia. "Oo nga! Ang galing mo talaga, besh!" sigaw ni Sue, sabay thumbs up. Abala si Sue sa pagbibilang ng pera mula sa pagbebenta ng mga bulaklak na gawa ni Alicia na sa hindi inaasahang pagkakataon ay naubos ng napakabilis. Kasalukuyang nag-oorder ng bulaklak si Alicia nang biglang lumapit si Sue at inabot ang ila
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status