All Chapters of MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE: Chapter 31 - Chapter 40

50 Chapters

Kabanata 31 Dumating Sila Para kay Alicia  

"Paano ito nangyari, hija? Anong problema ninyong dalawa?!" Laking gulat nina Lucia at Lola Monica nang marinig ang balitang ikinuwento ni Alicia sa kanilang dalawa ang nangyaring hiwalayan nila ng asawang si Woodley. Ikinuwento rin ni Alicia ng tapat ang lahat mula sa simula ng kanilang kasal hanggang ngayon sa dalawang minamahal at pinagkakatiwalaang tao. Wala ng  itinago si Alicia, maliban sa kanyang karamdaman. "Siguro dahil hindi kami compatible sa isa't isa, at hindi siguro kami ang nakatadhanang magsama kaya napagdesisyunan naming dalawa na maghiwalay nalang, Lola Monicai," sabi ni Alicia na malungkot na tumingin sa kanyang lola. Agad namang siyang niyakap ni Lucia ng napakahigpit ang pamangkin. Sa mga bisig ng kanyang Lola at tiyahin, hindi napigilan ni Alicia ang kanyang mga luha. Ang yakap na ito ay nagpadama kay Alicia na parang nakabalik na siya sa tahanan nila sa probinsya. "I'm sorry, Lola... hindi nagawa ko na tupad ang panga ko ko kay Lolo na aalagaan ko ang
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 32 Hindi Ako Titigil Na Hanapin Ka  

Kinaumagahan, pumunta si Woodley sa flower shop ni Sue. Matapos ang mahabang gabi ay hindi siya mapakali dahil iniisip niya si Alicia. Sa pagkakataong ito, si Woodley na ang mismong nag-kumpirma kung nandoon pa ba si Alicia, o kung talagang umalis na siya. Sa pagdating ni Woodley, nagulat ang dalagang may-ari ng flower shop. Binuksan ni Sue ang pinto at kinakabahang tumingin kay Woodley. "G-good morning, sir," bati ni Sue, nakatayo sa tabi ng pinto at nakatingin kay Woodley. "Good morning, Miss Sue," maikling sagot ng lalaki. Naglakad papalapit sa kanya si Sue na punong-puno ng mga tanong at pagtataka na nananatili sa kanya. "Ano po bang ipinunta ninyo ngayon, Sir? May kina laman po ba ito sa akin o gusto niyo bang umorder ng flower arrangement?" tanong ni Sue na nakatingin kay Woodley na nakatayo pa rin sa harap ng mesa ng cashier. "Both," sagot ni Woodley. "O-okay,Sir, please sit down." Kumuha si Sue ng upuan at inilagay sa tabi ni Woodley. Ang guwapong lalaki na naka
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 33 Pagsisikap na Umalis Hangga't Maari

Pagkalipas ng limang araw ay nasa Manila sina Lola Monica at Tita Lucia kasama si Alicia. Ngayon ay nagpaalam na silang babalik sa kanilang pinanggalingan, sa probinsya. Hinatid ngayon ni Alicia ang kanyang dalawang paboritong tao sa istasyon. Nalungkot ang dalaga sa kanilang pag-uwi, ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang manatili. Kailangan pa niyang tapusin ang negosyo niya rito. "Alicia, ipangako mo kay Auntie na babalik ka ulit sa probinsya," sabi ni Tita Lucia, kinusot pa ang pisngi ni Alicia. Masunurin namang tumango ang magandang dalaga. "Yes Tita, I promise na hahabol ako sa susunod." "Ingatan mong mabuti ang iyong sarili, apo. Sana ay maabutan mo kami kaagad." Naiiyak si Lola Monica at niyakap ng napakahigpit si Alicia. Malungkot ang araw ni Alicia ngayon, sa totoo lang gusto niya ng umuwi sa kanila. Gayunpaman, si Alicia ay walang sapat na pera sa ngayon, lalo na't ang kanyang katawan ay hindi maganda ang kalusugan. Napatingin si Alicia sa kanilang dalawa
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 34 Mga Pagpapahayag ng Puso ni Alicia  

Si Alicia ay tumigil sa pagtatrabaho sa lugar ni Sue mula kahapon. Nakatutok ngayon ang dalaga sa paghahanap ng bagong trabaho. Kaninang umaga, handa nang pumunta si Alicia na may dalang liham ng aplikasyon para sa trabaho, mula sa isang lugar patungo sa isa pa. "Sana ay hindi na ako umabot ng tanghali para makahanap ng trabaho, Diyos ko, pagbigyan niyo na sana." sabi ni Alicia na binilisan ang kanyang mga hakbang. Hanggang sa bigla siyang huminto sa harap ng isang musical instrument shop, nanatili doon si Alicia na nakatingin sa labas sa isang piano na nakakuha ng kanyang atensyon. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Naalala ni Alicia ang kanyang pagkabata, madalas siyang tumugtog ng piano at medyo bihasa siya dito. Sa katunayan, pangarap niya ang maging isang piyanista. Hanggang ngayon, ang pangarap na iyon ay nakatago pa rin sa pinakamalalim na sulok ng kanyang puso. Noong nakaraan, gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang music school, ngunit dahil sa limitadong pondo,
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 35 Nakilala ni Woodley si Dr. Frederick Chavez  

Ang linggong ito ay lubhang nakalilito para kay Woodley, na patuloy na iniisip ang tungkol kay Alicia, ang kanyang asawa, na nawala sa tinutuluyang lugar ng kaibigan. Hindi man lang siya kinita ng asawa para pag-usapan ang divorce suit na inihain niya. Si Woodley ay parang baliw at hindi mahanap kung nasaan si Alicia sa kasalukuyan. Tahimik na nakaupo ang lalaki sa kanyang opisina kasama si Secretary Edward na nagdala ng ulat tungkol sa isang walang kwentang paghahanap. "Wala pa rin siya sa tindera ng bulaklak?" Tanong ni Woodley na napahilamos sa mukhang puno ng pagkalito. "Hindi po sir, ito na po ang ikapitong araw na hinahanap natin si Madam," sagot ni Secretary Edward. Galit na tumawa si Woodley, napahilamos sa mukha sa kawalan ng pag-asa. "Damn it! Damn you, Alicia!" Nang makita ang inis at kawalan ng pag-asa ni Woodley, nakaramdam ng kakaiba si Secretary Edward—ang kanyang secretary ay nagdududa na sa kanyang inaasal.  Sigurado siyang nagsisisi na ngayon si Woodley da
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 36 Hinahanap Kita o Hinahayaan Ka?  

Tinanggap nga ni Alicia ang alok na trabaho bilang pianist sa isang luxury restaurant na matatagpuan sa isang five-star hotel. Ngayong gabi ang unang gabi ni Alicia na magtatrabaho doon, hindi niya inaasahan na nasa ganoon kagandang silid at makikita ang mga bisita mula sa mga classy circles sa lugar na iyon. 'Oh Diyos ko po, ito ang magiging pinakapambihirang karanasan sa buhay ko,' isip ni Alicia, tumingin sa paligid bago niya pinindot ang mga piano key. Si Alicia ay nagtugtuh ng maraming magagandang melodies sa piano, at karaniwan nang may lumapit sa kanya at humiling sa kanya na tumugtog ng isang kanta. Nang matapos ang kanyang trabaho, nakilala ni Alicia ang kanyang amo, si Geraldine, na isa sa mga kaibigan ni Dr. Frederick Chavez na nagmula sa Germany. "Good job, Miss Alicia, I'm very satisfied with your piano playing. Sana ay makapunta ka rito araw-araw," nakangiti ng matamis at pagpupuri ni Geraldine.  "You're welcome, Miss Geraldine. I really love playing the piano
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 37 Hindi Ka Makatakas sa Akin, Alicia!  

Parang hindi masyadong mabilis ang takbo ng oras, halos ikaapat na linggo na ng hindi nahanap ni Woodley si Alicia, pero desidido pa rin siyang maghanap hanggang sa matagpuan ang asawa. Kaninang hapon, naghahanda nang umalis ang lalaki. Sa bahay, si Mariana ay nag-aalaga kay Walter, dahil ngayon ang kanyang maliit na anak ay hindi maganda ang pakiramdam. "Daddy, saan ka pupunta? Gustong kong sumama," angal ng bata, naglakad papalapit kay Woodley, na kabababa lang ng hagdan. "May importanteng event si Daddy na pupuntahan, darling, you need to stay at home kasama si Mommy Mariana," sagot ni Woodley, hinaplos ang tuktok ng ulo ni Walter. "No, Walter wants to come with Daddy!" pagpupumilit ng bata na nakahawak sa kamay ni Woodley. Si Woodley ay mukhang maayos na nakasuot ng itim na tuxedo, at nakasuot ng malinaw na salamin na may gold frames na lalong nagpagwapo sa kanyang hitsura. Ngayong hapon ay may importanteng event si Woodley, naimbitahan siyang ipagdiwang ang kaarawan ng
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 38 Woodley, Ano Talaga ang Gusto Mo?  

"Kung ang lalaking ito ay karelasyon ni Alicia, bakit palihim niyang tinutulungan si Alicia?" Isang kaduda-dudang bagay ang kumawala sa mga labi ni Woodley matapos siyang bigyan ng balita ni Secretary Edward kung papaano nakakuha ng trabaho si Alicia sa isang five-star hotel at maging isang mahusay na suweldadong pianist doon. It turns out it was all thanks to Dr. Frederick Chavez. Ngunit bakit kailangang magsinungaling ng lalaki kay Alicia? Bakit hindi sinabi ni Dr. Frederick na hindi niya talaga kaibigan ang may-ari ng hotel, kundi ang pinakamalapit na kamag-anak ng lalaki? Dahil dito, nagsimulang maging curious si Woodley sa totoong relasyon nina Alicia at Dr. Frederick Chavez. Siguradong may espesyal na nararamdaman si Dr. Frederick para sa kanyang asawa. Kitang-kita ito ni Woodley. Pero papaano naman si Alicia? "Alicia..." bulong ni Woodley na nakatingin sa magandang dalaga sa kanyang harapan. Hindi nakayanan ni Woodley ang inis, kinalas ng lalaki ang kanyang seat belt
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 39 Maging Matapat Sa Akin, Alicia  

Hindi umimik si Alicia kaya nagtanong ulit si Dr. Frederick Chavez, "Alicia, are you okay?" Pagkatapos ay niyaya siya ni Frederick na maupo sa isang upuan sa bahay. Umupo si Alicia na nakayuko, pagkatapos ay dumukot si Dr. Frederick sa bulsa ng mainit na coat na suot niya at inilabas ang kanyang panyo. "Alicia—" "I'm okay, Fred," sagot ng dalaga sabay himas sa pisngi. Maging siya mismo ay hindi alam na nagulo ang lipstick sa labi niya dahil sa kinikilos ni Woodley. Ngunit pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang panyo.  "Talaga? Walang nangyari sayo?" Umiling si Alicia. Saka lang nagpakawala ng mabagal na buntong-hininga si Dr. Frederick habang nakatitig pa rin sa dalagang nasa harapan niya. Ayaw pala ni Alicia na maging tapat sa kanya. Ang katotohanang iyon ay nagpalungkot sa kanya. "Mag-isa ka lang, bakit ka la bumalik? Hindi ba't dapat nakauwi ka na?" Tanong ni Alicia na nakatingin ng malapitan kay Dr. Frederick. "Naiwan mo ang iyong gamot sa kotse ko," sagot n
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 40 Mariana, Ang Babaeng Dalawang Ang Mukha  

"Meeting my wife," sabi ni Woodley na walang ekspresyon ang mukha. "Hindi ba malayang makipagkita ang asawa sa kanyang asawa anumang oras?" Mahinahong sagot ni Woodley. Matapos niyang hindi makita si Alicia sa trabaho, agad na pumunta ang lalaki sa tirahan ni Alicia. Naisip ni Woodley kung bakit hindi pumasok sa trabaho si Alicia? May nangyari ba sa dalaga pagkatapos ng insidente kagabi? At ngayon, nang makita niya si Alicia na mukhang namumutla at namumugto ang mga mata, napagtanto ni Woodley na hindi maayos ang babae. "No, Woodley, you can't just do whatever you want," sabi ni Alicia, na inilabas si Woodley sa kanyang panandaliang pag-iisip. Matapang na tumingala sa kanya ang dalaga, malungkot ang mga mata ngunit mukhang malakas, hindi natatakot na harapin siya tulad ng kahapon. Natahimik si Woodley. Medyo nanlambot ngayon ang mukha niya na kadalasang naninigas at malamig nang makita ang dalaga. "You and I are not officially divorced, Alicia. I can see you whenever I
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status