Home / Romance / MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng MY HUSBAND, LET'S END THIS MARRIAGE: Kabanata 11 - Kabanata 20

50 Kabanata

Kabanata 11 Siya ang Nagmamalasakit Sa Akin, Hindi ang Aking Asawa  

Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Alicia. Isang putin silid ang sumalubong sa kanya, ang matapang na amoy ng gamot ang unang bumungad sa kanyang ilong. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Dr. Frederick Chavez. "Gising ka na," ani ni Dr. Chavez. "Nahihilo ka ba? Nasusuka ka pa rin ba, Alicia?" Maingat na pinagmasdan ni Frederick ang mukha ni Alicia. Kakagising lang nito matapos mahimatay sa biyahe mula sa hotel patungo sa ospital. Dahan-dahang umiling si Alicia nang maramdaman niyang nawala na ang sakit ng ulo. "Nag-relapse ka at nahimatay sa taxi," sabi ni Dr. Frederick. "Anong nangyari? Bakit walang naghatid sa'yo rito?" "Busy ang lahat, Fred," paos na sagot ni Alicia. "Ngayon ang kaarawan ng anak ko tapos biglang sumakit ang ulo ko at nakalimutan kong uminom ng gamot, kaya naisipan kong umuwi na lang." Napabuntong-hininga si Frederick.  Kumuha siya ng bote ng mineral water at inabot kay Alicia. "Inom ka muna," sabi niya. "Pakalmahin mo muna ang isip mo. Ihahatid na
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 12 Isang Hindi Inaasahang Pagkikita  

Nagulat si Alicia nang makalabas siya ng sasakyan ni Dr. Frederick Chavez at makita niya ang pigura ng isang lalaki na nakatayo sa pintuan ng kanilang malaking tahanan.  Gayundin si Dr. Frederick, napansin niya ang pagkaputla at pag-aalala sa mukha ni Alicia. "Alicia, halika na. Tutulungan kitang magpaliwanag kay Woodley para hindi siya magkamali ng iniisip," ani Dr. Frederick, na may panatag na ngiti. "O-okay, Fred," nauutal na sagot ni Alicia. Pumasok na sila sa loob at napahawak si Alicia sa kanyang damit nang bumaling sa kanya ang malamig na mga mata ni Woodley.  Bumilis ang tibok ng kanyang puso; hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang totoo. Nakatayo si Woodley, nakasuot ng itim na tuxedo mula sa isang party. Naninigas ang kanyang mukha, at ang kanyang matatalas na titig ay nakatuon kay Alicia. "Woodley," bulong ni Alicia, hindi sigurado kung saan titingin. Lumipat ang tingin ni Woodley mula kay Alicia patungo sa lalaking nakatayo sa tabi niya.  Hindi niya pin
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 13 Pinili Kong Iwan Ka

Nang umagang iyon, naramdaman ni Alicia ang dahan-dahang paggalaw ng kanyang kama, isang maliit na kamay ang yumakap sa kanya ng mahigpit.Ang kanyang mga pisngi ay pinaulanan ng banayad na mga halik na may nasasabik na boses bago ang isang malambot at matamis na bulong ay narinig."Mommy! I'm home," bulong ng bata na ginising si Alicia.Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Alicia. Sa unang pagkakataon na nakita niya ang cute na mukha ni Walter, ngumiti ang bata at niyakap siya ng mahigpit.Agad namang niyakap ni Alicia ang anak nang hindi gaanong mahigpit. "Anak ko...""Mama, bakit wala ka kahapon? Where were you? Umiiyak ako habang hinahanap ka Mommy!" bulalas ng bata, namumungay ang mga mata nito.Umupo si Alicia at hinawakan si Walter sa kanyang kandungan. Napangiti siya sa guwapong mukha ng anak na tila nagpoprotesta sa kanya."May inasikaso lang si Mommy kahapon, anak. Pasensya na kung hindi ako nagpaalam, huwag kang magalit kay Mommy, okay?" sabi ni Alicia sabay haplos sa
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 14 Iniwan ni Alicia ang mga Dokumento ng Diborsyo  

Ang mga araw ni Alicia ay naging malungkot lalo na nang hindi niya na nakakasama si Walter, at hindi na rin umuuwi si Woodley ng ilang araw. Tinupad ni Woodley ang sinabi niya na ilalayo niya na si Walter sa kanya.  Sinikap ni Alicia na maging matapang kahit masakit sa kanya ang ginawa ng asawa na inilayo si Walter na mahal na mahal niya, pero kailangan niyang magpatuloy dahil may mga bagay na kailangan niyang unahin. Noong hapon na iyon, naglakad si Alicia sa tahimik na pasilyo ng ospital. May check-up appointment siya kay Dr. Frederick Chavez, ang matalik niyang kaibigan. "Magandang hapon," sabi ni Alicia, binuksan ang pinto ng silid. Lumingon ang isang gwapong doktor na nakasuot ng white coat. Ngumiti si Dr. Chavez. "Hapon, Alicia." Tumayo si Dr. Frederick at pinapasok siya. "May kasama ka ba?" "Wala po, Doc." Sagot ni Alicia at umupo sa examination bed. Tumango ang doktor. Lumapit ito at sinuri ang kalagayan ni Alicia. Tiningnan siya ni Frederick ng mahinahon. "Ka
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 15 Woodley, Sana Masaya Ka, Nang Wala Ako!  

Pagkalabas ni Alicia sa bahay, dumiretso siya sa lugar ni Sue—ang lugar kung saan siya titira at magtatrabaho simula ngayon. Masaya siyang inilibot ng kaibigang si Sue sa loob ng flower shop. "Alicia, huwag kang mahiya, ituring mo itong sarili mong tahanan." Binuksan naman ni Sue ang pintuan ng kanyang silid at pumasok, sumunod sa kanyang likuran si Alicia. Hindi gaanong kalaki ang silid, pero malinis at komportable. May maliit na kama, isang kahoy na aparador, at ilang kahon na may nakalagay na mga bulaklak at ibang nagpatong-patong na dyaryo. Nakangiting pinagmasdan ni Alicia ang silid. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakahanap siya agad ng bagong tirahan. "Salamat, Sue, binigyan mo na ako ng trabaho at matitirhan. Malaki ang utang na loob ko sa iyo," taimtim na sabi ni Alicia. "Relax lang, Alie. Maaari mo nang ilagay ang mga damit mo sa aparador at magpahinga ka na rin." Ngumiti si Sue at tinapik ang balikat ni Alicia. "Ngayong gabi, marami akong inorder na bulaklak kay
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 16 Gusto Talaga ni Alicia ng Diborsyo 

Matapos ang dalawang araw na pagkawala ni Alicia, kakaiba ang nararamdaman ni Woodley, lalo na kay Walter, na madalas umiyak at hinahanap ang kinikilalang ina. Kaninang umaga, bumisita ang ina ni Woodley na si Mariana sa mansyon para subukang aliwin si Walter at yayain itong maglaro. "Woodley, simula ngayon, ako na ang bahala kay Walter. Huwag kang mag-alala sa anak natin," sabi ni Mariana, nakangiti kay Woodley. "Oo nga, si Mariana ang tunay na ina ni Walter. Mas magaling itong mag-alaga sa apo ko kaysa sa babaeng iyon!" sabi ni Merida na nagmamayabang. Natahimik si Woodley at tumango, pinagmamasdan ang anak na tahimik na nakaupo sa sofa, yakap-yakap ang stuff toy na binili ni Alicia ilang buwan na ang nakakaraan. Ayaw maglaro ni Walter, ayaw makipag-usap, nahihirapang kumain, at umiiyak kapag may lumalapit sa kanya. Lumapit si Woodley at marahang hinaplos ang ulo ni Walter. "Makipaglaro ka na kay Tita Mariana, anak, gusto mo diba mag-play?" Bulong ni Woodley sabay halik
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 17 Nami-miss ni Alicia si Walter Mula sa Malayo  

Ngayong umaga, nasa ibang lugar si Alicia na abala sa paghahatid ng mga bulaklak. Masaya naman siya sa bagong trabaho.  Nakakapaglakbay siya sa ibat-ibang lugar at nakakakilala ng bagong mga tao, bagay na hindi niya nagawa noon dahil nakakulong siya sa bahay. "Isa na lang ang natitirang bouquet," sabi ni Alicia, bitbit ang isang bungkos ng bulaklak sa basket ng kanyang bisikleta. Nagbisikleta si Alicia papunta sa isang parke. Ang umaga ay maliwanag at mararamdaman niya ang preskong hangin sa ere, isang pakiramdam na hindi niya naranasan sa loob ng mahigit tatlong taon, noong nakasal siya kay Woodley. 'Ganito pala ang tunay na kalayaan? Wala na akong iiyakan, at gagaling din ako sa aking sakit.' Ipinikit ni Alicia ang mga mata, huminga nang malalim, at nagpatuloy sa pagbibisikleta. Bigla niyang napansin ang isang batang lalaki na papasok sa paaralan kasama ang ina at hindi niya mapagkakaila na nangungulila siya kay Walter. "Walter..." mahina niyang sabi. Nangako si Alici
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 18 Hindi Ako Pakakawalan si Woodley  

Hanggang hapon, naghahatid pa rin ng bulaklak si Alicia. Pagod na pagod na siya pero hindi siya nagreklamo. Sa huling order, naghatid siya ng bulaklak sa isang restaurant. Iniwan niya ang bisikleta at pumasok. "Para po kay Mr. Ethan, table twelve," sabi ni Alicia, binabasa ang pangalan sa papel. Lumapit si Alicia sa table twelve. Isang lalaki ang kausap sa cellphone. "Excuse me, sir, kayo po ba si Mr. Ethan?" tanong ni Alicia. "Ah, oo, ako nga—" Mabilis na lumingon ang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo. Napatigil siya at nakasimangot na tumingin kay Alicia bago itinago ang cellphone. Nalilitong tumingin si Alicia sa lalaki at inilagay niya ang bulaklak sa mesa. "Ito po yung bulaklak na in-order niyo.  Diretso na po ba kayong nagbayad sa shop?" tanong ni Alicia ng mahina ho.  "Teka, parang kilala kita," sabi ng lalaki na biglang tumayo. Pinisil ni Alicia ang hawak na bag. Hindi niya kilala ang lalaki pero nakaramdam siya ng pagkailang sa mga titig nito. Nanlaki a
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 19 Ang Aking Maliit na Walter  

Maghapon na magkasama si Walter at Mariana. Gabi na rin nang samahan niya ang bata papauwi sa tahanan nila ni Woodley. Naiinis si Mariana sa bata na ayaw kumain, pinipilit nitong si Alicia ang magpakain sa kanya.  "Walter, halika na, kumain ka lang ng konti. Pagod na si Mommy sa pagluluto ng mga pagkain na gusto mo," pangungumbinsi ni Mariana, umupo sa tabi ni Walter. "Ayoko, hindi masarap ang luto mo, Tita! Hindi katulad ng luto ni Mommy!" sigaw ni Walter, mabilis na tinakpan ang bibig dahil ayaw niyang subukan siya nito. Natatawa si Mariana pero naiinis na rin. "Wala na si Mommy mo, tara na, kain na tayo! Hindi ka pa kumakain simula tanghali, at buong araw kang nagsusungit!" Saway ni Mariana. Umiling si Walter at nanatiling nakatikom ang bibig. Tumingin siya kay Mariana ng masama. Halatang natatakot din siya. "Gusto kong kainin ang luto ni Mommy! Tita, umalis ka na lang dito, ayaw ko talaga sayo!!" sigaw ni Walter, yakap-yakap ang kanyang stuff-toy. Naubusan na ng pasen
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa

Kabanata 20 Meeting Kasama Si Walter  

Si Alicia ay sumailalim sa therapy treatment sa ospital kaninang hapon, matapos siyang paalalahanan ni Dr. Frederick Chavez sa kanyang mga kailangang gawin. Mahina pa rin ang kalagayan ni Alicia matapos ang proseso ng paggagamot ilang minuto na ang nakakaraan. Ngumiti ng taimtim ang guwapong doktor kay Alicia. "May magandang balita, Alicia," sabi ng lalaki sa kalahating bulong. "Ano ito?" Kinusot ni Alicia ang kanyang mga mata. "Ano naman ang sakit ko? Okay lang ako, Fred?" Isang tawa ang lumabas sa labi ni Dr. Frederick. "Okay lang. Kung tutuusin, mas mabuti na ang kalagayan mo ngayon kaysa kahapon, unti-unti na itong bumuti ng ilang porsyento." Ang ngiti sa manipis na labi ni Dr. Frederick ay tila nakakahawa kay Alicia. Napangiti rin ng maluwag ang dalaga. "Salamat sa Diyos. Maraming salamat, Frederick, lagi kang nandiyan para sa akin. Tinulungan mo pa rin ako hanggang ngayon," sinsero na sabi ni Alicia. Tumango si Dr. Frederick. "You're welcome, Alie. Basta lagi mong i
last updateHuling Na-update : 2024-12-06
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status